You are on page 1of 3

Banghay Aralin

FILIPINO 6
September 23, 2019

I. Layunin: Natutukoy ang mga bahagi ng aklat sa pangangalap ng impormasyon.


II. Paksa: Mga Bahagi ng Aklat
III. Pamamaraan:

A. Tukoy-Alam
1. Paano ka tinutulungan ng iyong pamilya sa iyong mga gawaing pampaaralan?
2. Sa pangangalap ng impormasyon, ang dapat nating tandaan upang mas lalong
mapabilis ang pangangalap natin ng datos sa isang aklat?
3. Ano-ano ang mga bahagi ng aklat?
4. Ano ang gamit ng bawat bahagi ng aklat?

B. Pagbasa ng Tula:

Mga Bahagi ng Tula

Bahaging pabalat
laman ay ngalan ng aklat
Ang paunang salita
mula sa may akda.

Ang talahuganan
Nagbibigay ng kahulugan
Talaan ng nilalaman
pagkakasunod-sunod naman.

Kung nais makita’y kabuuan


sumangguni ka sa katawan
At sa karapatang-ari naman
malalaman limbag kung saan at kailan .

C. Pagtalakay at Pagpapahalaga:

1. Ano ang pamagat ng tula?


2. Ano-ano ang mga bahagi ng tula?
3. Ano ang gamit ng bawat bahagi ng aklat?
4. Ano-ano pa ang mga bahagi ng aklay na hindi nabanggit sa tula?
5. Paano mo pahahalagahan ang gawain ng bawat kasapi ng iyong pamilya?

D. Pangkatang Gawain:

Kumuha ng isang aklat. Sabihin at ipakita sa klase ang bawat bahagi nito.

E. Pag-uulat ng bawat pangkat


F. Rubrics
G. Paglalahat:
1. Sa pangangalap ng impormasyon,ano ang dapat nating tandaan upang mas
lalong mapabilis ang pangangalap natin ng datos sa isang aklat?
2. Ano-anong bahagi ng aklat ang dapat nating tandaan sa pangangalap ng
impormasyon?
3. Bakit kailangangpahalagahan ng bawat miyembro ng pamilya ang gawa ng
bawat isa?

IV. Pagtataya: (1-5)


Panuto: Sagutin kung anong bahagi ng aklat ang sumusunod:
V. Gumawa ng isang dummy ng aklat upang maipakita ang mga bahagi nito. Isulat ang
ngalan ng bawat bahagi nito?

Inihanda ni:

MELANIE B. PEREZ
Guro sa Filipino 6 Class Observed by:

JULIETA FABRO, Ph.D


Master Consultant, Grade 2

You might also like