You are on page 1of 10

Ang mga Bayani

sa Sariling
Lalawigan at
Rehiyon
Ang bawat lalawigan ay may mga natatanging
kasapi na sadyang maipagmamalaki ng
lalawigan kung minsan pa ay nakikilala ang
lalawigan dahil sa mga kahanga-hangang
kasapi na ito. Sila ay ang mga bayani ng
lalawigan. Ang karaniwan ay ang nag-aalay ng
kanilang buhay upang maging Malaya ang sari-
sariling lalawigan. Ang ibang bayani ay sumapi
na rin sa pagpapalaya ng buong bansa. Ngunit
alam mo ba na mayroon ding bayani na hindi
man nag-alay ng buhay sa digmaan, inalay
naman ang sarili para mapaunlad ang
lalawigan.
Kilalanin ang mga bayani ng iyong lalawigan. Alamin kung
ano ang naging bahagi nila sa pagbabago o pag-unlad ng
lalawigan at rehiyon.
Si Apolinario Mabini ang
tinaguriang
“Dakilang Paralitiko” na nagmula
sa lalawigan ng Batangas. Bata
pa lang ay kinakitaan na siya ng
katalinuhan. Sa kabila ng kanyang
kapansanan at dahil sa pag-ibig
sa bayan, ginamit niya ang
angking talino upang gisingin ang
damdamin ng mga Pilipino na
lumaban sa mga dayuhan.
Siya naman si Julian Felipe
ipinanganak sa lalawigan ng
Cavite. Ang kanyang taglay na
galing sa larangan ng musika ay
nagbigay daan naman sa
pagbubuklod ng damdamin ng mga
Pilipino. Ito ay sa pamamagitan ng
kanyang mga komposisyon na
punong puno ng pag-ibig sa bayan.
Isang halimbawa ay ang kanyang
komposisyon na “Marcha Nacional
Filipina” o ang “Lupang Hinirang”,
ang Pambansang Awit ng Pilipinas.
Siya si Heneral Vicente Lim
mula sa Laguna. Siya ay
nagbuwis ng buhay dahil sa
kanyang matibay na
paninindigan sa kanyang
tungkulin at pagkamakabansa.
Sa panahon ng kanyang
panunungkulan ay tinanggap
niya ang lahat ng
pagpapakasakit alang-alang sa
bayan.
Si Eulogio “Amang Rodriquez”
ay tubong Rizal na sumunod
kay Pangulong Manuel Luis M.
Quezon bilang may
pinakamahabang panahon ng
panunungkulan sa pagiging
pangulo ng senado. Lagi
niyang sinusuportahan ang
mga panukalang batas para sa
pag-angat at ikabubuti ng mga
pangkaraniwang mamamayan.
Isinunod sa kanyang pangalan ang isang
paaralan sa Maynila, ang Eulogio Amang
Rodriquez Institute of Science and
Technology (EARIST). Sila ay kabilang sa
mga tinaguriang bayani ng ating bansa na
nagmula sa CALABARZON. Maaari din
nating tawagin na isang bayani ang mga
taong naglaan ng kanilang panahon, sarili,
talino, o talent, at mga pagpupunyagi upang
makaambag ng Malaki sa kaunlaran ng
isang lugar.
Bayani ring maituturing ang mga taong
nagbigay ng karangalan na naging daan sa
pagbabago at pag-unlad ng isang lugar. Ang
mga taong handang magsakripisyo upang
makatulong sa kapwa ay dapat din nating
kilalanin bilang isang bayani. Kahit hindi
sila nagbuwis ng buhay, ang kanilang mga
nagawa para sa bayan ay maituturing rin na
kabayanihan.
Efren Penaflorida Jr.
(ipinanganak noong Marso 5,
1981) - isang guro at
panlipunang manggagawa sa
Pilipinas. Siya ay nagtatag at
tagapamuno ng Dynamic Teen
Company, na naghahandog sa
mga kabataang Pilipino ng
alternatibo sa mga palaboy
sa kalye sa pamamagitan ng edukasyon, sa
paglalapit ng paaralan sa mga hindi
kinakaugaliang lugar tulad ng sementeryo
at mga tambakan ng basura. Noong Marso
2009, itinampok si Peńaflorida sa Bayani ng
CNN bilang bahagi ng programa ng network
sa pagpaparangal sa mga indibidwal na
may kahanga-hangang kontribusyon sa
pagtulong sa iba. Noong Nobyembre 22,
2009, hinirang siyang Bayani ng Taon ng
CNN para sa taong 2009.

You might also like