You are on page 1of 5

GABAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 3

Name: Elenita D. Pagador School: Lo-oc Elementary School

Subject: Araling Panlipunan Grade: Three

I. Layunin:

1. Natutukoy ang populasyon ng iba’t-ibang pamayanan sa sariling lalawigan

2. Nailalarawan at naihahambing ang populasyon ng mga pamayanan sa


lalawigang kinabibilangan gamit ang bar graph.

3. Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa populasyon ng pamayanan sa


sariling lalawigan.

II. Paksang Aralin:

Paksa: Populasyon ng Aking Pamayanan

Kagamitan: Talahanayan ng populasyon ng mga pamayanan ng sariling


lalawigan, bar graph ,mga larawan ng prutas at gulay, play money

Sanggunian: Modyul 1 Aralin 5

K to 12 -TG, Pahina 18-22

Integrasyon: Sining, Pagbasa, Mathematics

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral

2. Pagganyak

A. Magpalaro ng the boat is sinking. Pangkatin ang mga bata ayon sa


unang titik sa buwan ng kanilang kaarawan.

B. Itanong: 1. Ilan ang pangkat na nabuo?

2. Anong pangkat ang pinakamarami?

3. Ano naman ang pinaka-kaunti?

4. Ilan ang miyembro ng bawat pangkat?


5. Ilan ang babae sa bawat pangkat at ilan ang lalaki?

6. Ano ang iba pang tawag sa bilang ng bata sa bawat pangkat?

C. Ipakita ang simpleng bar graph. Sabihin na maaaring maipakita ang


pagkakaiba o pagkakapareho ng dami ng kasapi sa bawat pangkat sa
pamamagitan ng bar graph. Ipaliwanag kung ano ang x-axis at kung ano ang
y-axis. Ipaguhit sa mga mag-aaral sa pisara ang dami ng mga bata sa bawat
pangkat batay sa kakatapos na gawain.

B. Paglalahad

1. Gamit ang nabuong pangkat sa panimula. Bigyan ang bawat pangkat


ng tig sasampung perang papel.

2. Hayaan ang mga bata na maglalaro ng tinda-tindahan, gamit ang


perang papel, bibili sila ng mga prutas at gulay sa guro. Kailangang
pagkasyahin nila ang pera na bigay nga kanilang guro. Sa pagbili ng prutan,
kailangan lahat ng kasapi ng pangkat ay makakakuha ng prutas o gulay. Ang
pangkat na nakapagbigay ng prutas sa lahat ng kasapi ang panalo.

3. Pagkatapos mapabili ang lahat ng pangkat, tanungin ang bawat isa ng


mga sumusunod:

1. Aling pangkat ang nakapagbigay sa lahat ng kasapi?

2. Aling pangkat naman ang hindi nakapagbigay ng prutas sa mga


kasapi?

3. Bakit sa palagay inyo may mga pangkat na nagbigyan lahat at


mayroon ding hindi?

4. Anong masasabi ninyo kapag marami ang kasapi at kunti lamang


ang mga pagkain?

5. Ano ang masasabi ninyo kung lahat ng kasapi ay may pagkain at


may sobra pa?

6. Anong mangyayari kapag kaunti lang ang pagkain pero kaunti


lamang ang kasapi?

7. Anong mangyayari kapag maraming-marami ang kasapiat kaunti


lamang ang pagkain?
C. Pagtatalakay
Tatalakayin ang nasa Tuklasin Mo sa LM at ipasagot ang mga
sumusunod na tanong.

D. Paglalahat

Ang populasyon ay bilang ng mga tao na bumubuo sa


pamayanan. Ang bawat pamayanan, barangay, bayan o lalawigan, ay
may kani-kaniyang bilang ng taong naninirahan o populasyon.

E. Pagsasanay
Pasagutan ito sa mga bata.
Populasyon sa Bais City
1800

1600

1400

1200

1000

800

600

400

200

0
Lo-oc Okiot Capinahan Barangay 2

Lalaki Babaye

Itanong:
1. Aling barangay na nasa graph ang may pinakamaraming lalaki?
2. Aling barangay na nasa graph ang may pinakamaraming babae?
3. Ihambing ang bilang ng populasyon sa barangay Lo-oc at Okiot.
4. Aling barangay ang mayroong pinaka-kunti ang populasyon?
5. Aling barangay ang may pinakamaraming populasyon?

IV. Pagtataya
Pasagutan ang nasa Natutuhan Ko sa LM, pahina 43 at 44.

V. Takdang Gawain:
Gumawa ng bar graph gamit ang sumusunod na datos base sa populasyon
ng ating paaralan (Lo-oc Elementary School). Paghambingin ang mga ito,
gumamit ng mas marami o mas kaunti.

Kabuuang Populasyon ng Lo-oc Elementary School


Kinder 20
Grade 1 37

Grade 2 30
Grade 3 32
Grade 4 35
Grade 5 32
Grade 6 34
Inihanda ni:

Elenita D. Pagador

You might also like