You are on page 1of 22

ESP V

Week 4

September 12, 2022


LAYUNIN
Nakapagpapakita ng matapat
na paggawa sa mga
proyektong pampaaralan;
EsP5PKP – Ie - 30
BALIK-ARAL
Sagutin ng OO o HINDI ang mga
sumusunod. Isulat ang OO kung
sangayon ka sa pahayag at isulat
naman ang HINDI kung hindi.
BALIK-ARAL
1. Ang katapatan sa paggawa ay sa
paaralan lamang nakikita.

OO HINDI
BALIK-ARAL
2. Tinatapos ang bagay na nasimulan
kahit walang nagbabantay.

OO HINDI
BALIK-ARAL
3. Hayaang nakatiwangwang ang
proyektong dapat na maipasa na.

OO HINDI
BALIK-ARAL
4. Hikayatin ang mga kasamang tapusin
ang ginagawang proyekto.

OO HINDI
BALIK-ARAL
5. Ipagwalang bahala ang mga sinasabi
ng lider ng pangkat na iyong
kinabibilangan.

OO HINDI
Bagong salita
1. Pangamba
2. Paglilihim
3. Paumanhin
4. Naisumite
5. Paliwanagan
6. sambit
Ang Pangamba ni Nestor
Ang Pangamba ni Nestor
Kanina pa matamlay si Nestor. Habang
masayang naglalaro ang kaniyang mga
kaklase, siya naman ay nasa isang tabi
lamang. Inaalala niya ang kaniyang ina at
ang paglilihim na ginawa niya rito.
“ Hindi ko pa nga pala nasasabi kay
nanay na nawawala ang aking cellphone.
Paano ko kaya sasabihin yun sa kanya?
Baka ikagalit niya.” Nangagamba siya sa
maaaring mangyayari.
Habang naglalakad pauwi si Nestor,
naisip niyang dapat ay maging matapat
siya sa kaniyang nanay. Naisip niyang
magtapat na sa kaniyang ina pagdating
niya sa kanilang bahay.
Kaya naman pagdating niya sa bahay, ay
agad niyang pinuntahan ang kaniyang nanay.
“Nay, paumanhin po. Hindi ko po nasabi sa inyo
kagabi na nawawala ang aking cellphone. Doon
nakasave ang aking proyekto sa Math na hindi
naisumite sa guro,” pag amin ni Nestor. “ Sori
po nay.”
“Natutuwa ako at nagsasabi ka ng totoo.
Sasabihin ko sa tatay mo ang nangyari
upang puntahahn niya at paliwanagan ang
iyong guro sa Math. Huwag ka na uling
maglilihim anak.” sagot ng kaniyang ina.
“Opo, inay.” Sambit naman ni Nestor.
MGA TANONG
1. Bakit matamlay si
Nestor ng araw na iyon?
Matamlay si Nestor ng araw na iyon dahil
inaalala niya ang kaniyang ina at ang
paglilihim na ginawa niya rito.
MGA TANONG
2. Ano ang pangamba ni
Nestor?
Nangagamba si Nestor sa maaaring
mangyayari ng [pagkawala ng kanyang
cellphone.
MGA TANONG
3. Kanino siya naglihim? Bakit hindi
nagawang ipasa ni Nestor ang
kaniyang takdang aralin sa Math?
Naglihim si Nestor sa kanyang Ina. Hindi
niya nagawang ipasa ang kaniyang
takdang-aralin sa Math kasi nakasave iyon
sa kanyang nawalang cellphone.
MGA TANONG
4. Nagawa ba ni Nestor ang takdang
aralin sa Math? Ano ang naging
problema?
Hindi nagawa ni nestor ang kaniyang
takdang-aralin sa Math kasi nakasave iyon
sa kanyang nawalang cellphone.
Gawain 1
Sagutin ng TAMA o MALI ang mga sumusunod na
pahayag.
1. Gawin ng tama ang proyekto bago ito ipasa sa
guro.
2. Maging matapat sa paggawa ng asignatura.
3. Ipakita ang pagpapahalaga sa mga
pampaaralang proyekto
4. Kopyahin ang gawa ng iba.
5. Makiisa sa mga gawaing pampaaralan.
Gumawa ng isang REPLEKSIYON
tungkol sa katapatan sa paggawa
ng proyektong pampaaralan.
Ipaliwanag kung paano mo
naipakita ang pagkamatapat.
1. Inaasahan sa isang mag-aaral
ang pagpapakita ng katapatan sa
paggawa sa mga proyektong
pampaaralan.
2. Nagpapaunlad ng dunong ng
mag-aaral ang pagiging matapat sa
pagganap ng tungkulin.

You might also like