You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 3

Kultura

I. Layunin
Sa araling ito, ikaw ay inaasahan na:
a. Naipapaliwanag ang kung ano ang ibig sabihin ng kultura
b. Natutukoy ang kultura ng bawat lalawigan at rehiyon
c. Nailalarawan ang kultura ng sariling lalawigan

II. Paksang Aralin


Paksa: Kultura
Sanggunian: Modyul 3, Aralin 1
Kagamitan: Laptop, whiteboard, ppt

III. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Paunang Gawain
1. Pagdadasal
2. Pagbati
3. Pagtatala ng mga pumasok at lumiban sa klase

B. Pagganyak
Ang guro ay bubuo ng limang grupo na may pitong miyembro. At ang mga studyante ay bubuo
ng puzzle na may kinalaman sa aralin na ating tatalakayin. Ang unang grupo na matatapos ay
siyang panalo.

C. Pagtatalakay
Ang kultura ng isang lugar ay binubuo ng mga katangitanging kaugalian, tradisyon at
paniniwala, mga pagdiriwang, kagamitan, kasabihan, awit, sining, at iba pa. Sa kultura nakikilala
ang isang lugar at ang kanyang mamamayan.
Ang kultura ay binubuo ng dalawang bahagi.
Materyal na Kultura- ang mga bagay na nakikita, nahahawakan o naririnig.
Di- Materyal na Kultura- kabilang dito ang mga kaugalain, pamahiin, kilos, at gawi.

D. Paglalapat
Ilagay ang tamang salita na nasa ibaba sa kahon.
kasuotan relihiyon edukasyon tahanan
wika kasangkapan pagkain sining
Materyal Di- Materyal

IV. Pagtataya
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Lagyan ng (✔️) kung ang pangungusap ay totoo at
(✖️) kung hindi totoo.
_____1. Ang kangan ay halimbawa ng kulturang di- material ng mga Pilipino.
_____2. Ang material na kultura ay ang mga bagay na nakikita at nahahawakan.
_____3. Ang banga ay ginagamit bilang imbakan.
_____4. Ang pana at palaso ay gamit sa pangangaso at pakikidigma.
_____5. Kapampangan ang gamit na wika sa lalawigan ng Bataan at Bulacan.

V. Takdang Aralin
Pumili ka at iguhit ang isa sa mga sinaunang kagamitan ng ating mga ninuno at gawan ito ng
maikli ngunit makabuluhang paliwanag kung papaano ito ginagamit ng ating mga ninuno noong
sinaunang panahon. Iguhit ang iyong napili sa isang malinis na bondpaper.
Reviewed by: Prepared by:
MRS. LILIBETH P. RIVERA JOY S. NICDAO
(Critique Teacher) (Pre- Service Teacher)

Checked by:
MRS. ROWENA F. NAVARRO
(School Head)

You might also like