You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4

I. LAYUNIN:

K. Makapagbigay ng mga mungkahing paraan ng wastong pangangasiwa ng mga likas na yaman


sa bansa
S. Maiguguhit ang posibleng bunga ng hindi wastong pangangasiwa ng likas na yaman
A. Maipapakita ang pagpapahalaga sa wastong pangangasiwa ng likas na yaman

II. PAKSANG ARALIN:


Wasto at Di-wastong Pangangasiwa ng Likas na Yaman ng Bansa
Sanggunian: Learner’s Material sa Araling Panlipunan 4 p.153-157
K to 12 – AP4AAB-Ig-h10
Kagamitan: Powerpoint presentation, cartolina, pentel pen, plastic na bote, art matrials at
internet connection
Pagpapahalaga: Pagmamahal sa likas na yaman ng bansa

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Sagutin ng OO o HINDI kung isyong pangkapaligiran ang sumusunod:
1. Pagtatapon ng basura sa ilog.
2. Labis na pagbubuga ng usok dulot ng choroflourocarbons.
3. Pagputol ng mga puno.
4. Pagpapasbog ng dinamita sa dagat.
5. Paggamit ng hairspray at air conditioner.

2. Pagganyak
Ipaawit ang ‘Batang Bibo ng Kalikasan’
( Ipasabay sa indak sa pamamagitan ng pagpalakpak ng mga kamay)

Ang single use plastic, (ayaw naming yan 3x) 2x


Dahil masama sa kalikasan
Ang pagkakalat ng estero sa daan ( ayaw naming yan 3x) 2x
Ay masama sa kalikasan

Batang bibo ng kalikasan ay dapat, dapat, dapat na tularan

Ang pagtatanim ng puno at halaman, (gusto naming yan 2x)


Ang pagtatanim ng puno at halaman ay maganda sa kalikasan

Batang bibo ng kalikasan ay laging maaasahan


Batang bibo ng kalikasan ay dapat, dapat, dapat na tularan

Itanong: 1. Ano ang gusto ng mga bata basi sa awitin? Ano naman ang hindi nila gusto?
- Ang gusto ng mga bata ay ang pagtatanim ng puno at halaman
- Ang hindi nila gusto ay ang pagkakalat sa estero at daan
2. Marunong ba kayong magtanim sa inyong bakuran? Ano ang mga bagay na dapat
ihanda sa pagtatanim?

MOTIBONG TANONG: Ano kaya ang mangyayari kung pabayaan at patuloy ang pagpuputol ng
mga punong kahoy?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
-Pagpapakita ng video tungkol sa isang balita ng pagsunog sa kagubatan
Itanong: Ano kaya ang dahilan ng pagkasunog ng kagubatan?
2. Pagtatalakay
Pagtatalakayan ng wasto at di-wastong pangangasiwa ng likas na yaman
A: Wastong pangangasiwa sa likas na yaman
1. Gawin ang hagdan-hagdang pagtanim upang mabawasan ang pagguho ng lupa.
2. Pagtatanim ng mga puno sa bundok at maging sa bakanteng lote.
3. Magtatag ng sentrong kanlungan para sa mababangis na hayop at ligaw na halaman
4. 3 Rs o ang reduce, reuse at recycle
5. Pagpapanatiling malinis ng lahat ng katubigan
B. Di-wastong Pangangasiwa ng likas na yaman
1.Pagsunog ng plastic
2. Pagtatapon ng basura sa ilog at sa dagat
3. Pagtatayo ng mga pabrika,gusali o pook-alagaan malpit sa ilog o sa dagat
4. Pagpuputol ng mga puno
5. Paggamit ng dinamita sa pangingisda
6. Pagtagas ng langis sa dagat
3. Pangkatang Gawain
Hatiin ang grupo sa tatlo:
Unang Pangkat: Iguhit ang malinis na kapaligiran
Pangalawang Pangkat: Magbigay ng maaaring mangyari sa likas na yaman kung atin itong
inaabuso
Pangatlong Pangkat; ( ONLINE STUDENTS) Gumawa ng isang proyekto na maaaring gawin sa
bagay na nagamit na ( Recycling)
Pag-uulat ng pangkatang Gawain

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat: Ano-ano ang wastong pangangasiwa sa likas na yaman?

IV. PAGTATAYA
Isulat ang TAMA kung ito ay tama at MALI kung hindi.
____1. Ang pagputol ng punong kahoy ay sanhi ng baha.
____2. Mahalagang alagaan ang likas na yaman.
____3. Gumamit ng dinamita sa pangingisda.
____4. Wala ng matitirhan ang mga ibon kung wala ng punog kahoy.

V. KASUNDUAN

Sumulat ng isang slogan tungkol sa mabuting pangangasiwa ng ating likas yaman

Pagninilay:
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 75% sa pagtataya: ________

________________________
Observer

You might also like