You are on page 1of 6

a

GRADE 4 Paaralan Manggahan Elementary Antas BAITANG IV


DAILY Guro JOWANIE L. CAJES Asignatura ARALING PANLIPUNAN
LESSON Petsa at June 30, 2021 Markahan IKAAPAT NA MARKAHAN
LOG Oras 8:15-9:00 a.m.

I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa at pagpapahalaga sa mga karapatan at tungkulin bilang
mamamayang Pilipino.

Pamantayan sa Pagganap Nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng pagganap sa kanyang tungkulin
bilang mamamayan ng bansa at pagsasabuhay ng kanyang karapatan.

Pinakamahalagang Kasanayan Natatalakay ang konsepto ng karapatan at tungkulin ng mamamayang PilipinoAP4KPB-


sa Pagkatuto. IVc-2

Tiyak na Layunin 1. Natutukoy ang mga tungkulin ng mamamayang Pilipino


2. Natatalakay ang tungkulin ng mamamayang Pilipino
3. Nabibigyang halaga ang pagganap ng tungkulin ng isang mamamayang Pilipino
II. NILALAMAN Mga Tungkulin ng Mamayang Pilipino

KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1.Mga pahina sa Gabay ng Araling Panlipunan 4, Patnubay ng Guro, pp. 153-158
Guro
2.Mga pahina sa Kagamitang Araling Panlipunan 4, Kagamitang Pang Mag-aaral, pp. 346-353
Pang Mag-aaral
3.Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource

B.Iba Pang Kagamitang slides presentation na ginamitan ng trigger, hyperlink, highlighter at iba’t ibang uri ng
Panturo animation, video clip tungkol sa pagganap ng tungkulin ng mga Frontliners, 5-minute
timer, metacards, test paper
III. PAMAMARAAN Pedagogy : Collaborative
Strategy : Jigsaw Method
Activity: Think, Discuss, Act, Reflect

A.Balik-aral sa (Magbibigay ng handouts ng slides presentation ang guro sa batang malabo ang
nakaraangaralin at / o paningin at mahina ang pandinig. Ilalalaan ang unahang hanay ng upuan para sa
pagsisimula ng bagong aralin kanila.)
INDICATOR 2

Balitaan
Ang mag-aaral ay mag-uulat ng napapanahong balita sa ating bansa.

INDICATOR 1

Balik- Aral
Gamit ang highlighter ng slides presentation, iugnay ang larawan sa Karapatan ng Bata na
nasa kanang bahagi.

Unang larawan: Karapatan sa Edukasyon


Ikalawang larawan: Karapatang Maglaro
Ikatlong larawan: Karapatan sa sapat na pagkain
Ikaapat ng larawan: Karapatang Mabuhay

INDICATOR 1, INDICATOR 3
B.Paghahabi sa layunin ng (Think)
aralin
Hahatiin ang klase sa dalawang team. Bawat bugtong ay may limang (5) segundo para
sagutin ng bawat team. Isulat sa metacard ang sagot at itaas kung tapos na. Ang mananalo
ay ang pangkat na may pinakamaraming tamang sagot.

“Bugtong Pinoy”
1.Eto na si Inkong, nakaupo sa lusong.
2. Dalawang batong itim kay layo ng narating.
3. Kung gabi ay malapad, kung umaga ay matangkad.
4. Isang balong malalim, punong-puno ng patalim.
5. Matapat kong alipin, sunod-sunuran sa akin.

Itanong:
Ano ang kahulugan ng bugtong?
Dapat ba nating kalimutan ang panitikang Pilipino?
Ano ang tungkuling ginagampanan ng isang mamamayan kung siya ay kumikilala sa ating
kultura?

INDICATOR 1, INDICATOR 3
C.Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin

Ano ang nakikita sa larawan? Hatiin sa dalawang pangkat


ang klase, magpagawa ng isang bugtong na ang sagot ay Watawat.

Pinoy, Alam mo ba?


Sino ang nagdisenyo ng watawat ng Pilipinas?
Ano ang itinawag ni Heneral Emilio Aguinaldo sa ating bandila?
Saan unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas?

Tanong: Bilang isang Pilipino, ano ang dapat nating gawin sa bandila ng Pilipinas bilang
simbolo ng ating bansa? (Tungkulin nating Igalang ang watawat ng Pilipinas)

INDICATOR 1, INDICATOR 3

D.Pagtalakay ng bagong (Discuss)


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 Pilipinas Challenge!
Sa larong ito bawat letra ng salitang Pilipinas ay may iba’t ibang gawain o tanong na
tatalakay sa Tungkulin ng Mamamayang Pilipino. Bawat gawain o tanong na matatapos ay
may munting surpresa na nakapaloob sa star. Maryoong tatlong (3) bokya at isang Jackpot
prize!

P- Awitin sa harap ng klase ang bahaging ito sa “Lupang Hinirang”


Aming ligaya nang pag may mang-aapi, Ang mamatay ng dahil sa iyo

I- Bigkasin ang bahagi ng Panatang Makabayan


“ Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan, tahanan ng aking lahi; kinukupkup ako
at tinutulungang maging malakas, masipag, at marangal.”

L- Bilang isang bata, ipakita ang dapat mong gawin habang “inaawit ang Lupang
Hinirang”

I – Ano ang ipinapakita sa larawan? Bakit dapat sundin ang batas trapiko?

P- Salamat sa iyong pakikibahagi! Maaari ka ng bumalik sa iyong upuan.


I- Jackpot Prize. Binabati kita! Nanalo ka ng 50 na load!
N- Salamat sa iyong pakikibahagi! Maaari ka ng bumalik sa iyong upuan.
A -Salamat sa iyong pakikibahagi! Maaari ka ng bumalik sa iyong upuan.
S- Sagutin ang tanong: Paano mo maipakikita ang pakikipagtulungan sa pamahalaan sa
programang Tapat Ko Linis Ko?

Panuto: Tukuyin ang tungkulin ng Mamamayang Pilipino na nasa larawan.

INDICATOR 1, INIDICATOR 3
E.Pagtalakay ng bagong (Act)
konsepto at paglalahad ng Pangkatang Gawain
bagong kasanayan #2
Unang Pangkat - Dula-dulaang MakaPilipino!
Gawin sa harap ng klase ang sitwasyon na nasa Activity Book. Ipakita kung paano dapat
ipagtanggol ni Lina ang ating bansa.

Sitwasyon: Sumama si Lina sa kanyang mga magulang sa Hongkong. Nakihalubilo siya sa


mga batang naroon at narinig niyang sinabi ng isa rito na nakakatakot pumunta sa
Pilipinas. Ipakita kung paano ang gagawin ni Lina na pagtatanggol sa ating Bansa.

Ikalawang Pangkat - Balitang Pinoy!


Magsagawa ng balitaan tungkol sa Tungkuling Pagmamahal sa Bayan ng mga Pilipino.
Maaaring gayahin ang 24 oras o TV Patrol sa pagbabalita. Isagawa ito sa harap ng klase.

Ikatlong Pangkat - Hugot Pinoy!


Gumawa ng isang hugot line na may kaugnayan sa Tungkuling Pagsunod sa Batas ng
Mamamayang Pilipino. Isulat ito sa manila paper at ibahagi sa harap ng klase.

Kailangan ng
Kraytirya Mahusay Katamtaman Pagsasanay
5 4 2
Nilalaman Wasto ang mga May ilang mali sa Maraming mali sa
detalye at mga detalye at mga detalye at
impormasyon impormasyon impormasyon
Presentasyon Mahusay ang Maayos na Hindi maayos na
pagsasagawa ng naisagawa ang naisagawa ang
gawain gawain gawain
Pagkakaisa Lahat ng kagrupo May ilang kagrupo Marami sa kagrupo
ay nakilahok na hindi nakilahok ang hindi nakilahok

INDICATOR 1, INDICATOR 2
F.Paglalapat ng aralin sa pang (Reflect) Panoorin ang video clip tungkol sa pagganap ng mga Frontliners sa kanilang
araw-araw na buhay tungkulin na ipagtanggol ang ating bansa laban sa COVID-19.

Batay sa napanood na video clip:


a. Paano mo maipakikita ang tungkulin mo bilang mamamayang Pilipino na labanan
ang mapinsalang COVID-19?

b. Kung sakaling tamaan ang isang mag-aaral ng COVID-19, dapat bang huminto
siya sa pag-aaral? Ipaliwanag ang sagot.

c. Gamit ang hashtag, isulat ang iyong maikling mensahe sa ating mga Frontliners
bilang pagpapahalaga sa kanilang sakripisyo at dedikasyon upang ipagtanggol ang
ating bansa laban sa nakamamatay na COVID-19.

INDICATOR 1, INDICATOR 2, INDICATOR 3


G.Paglalahat ng Aralin Panuto: Pindutin ang emoticon na Thumbs up kung ang pahayag ay tungkulin ng
mamamayang Pilipino at Thumbs down kung hindi.

1. Pagtatanggol sa bansa laban sa umaapi dito.


2. Pagsunod sa Saligang Batas ng Pilipinas.
3. Hindi pakikilahok sa programa ng pamahalaan.
4. Ipinagmamalaki ang kulturang Pilipino kahit kanino.
5. Paggalang sa Watawat ng Pilipinas.

INDICATOR 3
H.Pagtataya ng Aralin Panuto: Piliin ang letra ng angkop na tungkulin ng Mamamayang Pilipino na nasa loob ng
kahon at isulat ito sa patlang bago ang bilang.

A. Pagmamahal sa Bayan
B. Pagtatanggol sa bansa
C. Paggalang sa Watawat
D. Pagsunod sa batas
E. Pakikipagtulungan sa programa ng pamahalaan

_____1. Masayang nakikilahok si Marie sa paglilinis sa harap ng kanilang bahay dahil sa


panawagan ng programa ng barangay na “Tapat Ko, Linis Ko”
_____2. Pilit na kinukumbinsi ng kaniyang mga magulang si Jojo na mangupit sa tindahan
ng kaniyang tiyuhin. Hindi siya pumayag kahit nagagalit ang mga ito sa kaniya.

_____3. Tuwing Lunes, nagkakaroon ng pagtataas ng watawat sa paaralan nina Annali.


Habang umaawit, iniiwasan niyang sagutin ang kaniyang mga kamag-aral na nais
makipagkuwentuhan sa kaniya.

_____4. Sa tuwing bibili ng sapatos si Luna, lagi niyang pinipili ang mga gawa sa
Marikina kaysa sa mga yari sa Korea dahil ayon sa kanya, bukod sa maganda at matitibay
ang mga ito ay nakatutulong pa siya sa mga kapwa kababayan.

_____5. Pinag-aaralang mabuti ng mga mambabatas ang mga kasulatan na nagpapakita ng


lawak at teritoryo ng Pilipinas upang hindi basta maangkin ng ibang bansa.

I. Karagdagang Gawain para Magtala ng limang (5) paraan na makatutulong upang magampanan ng bawat kasapi ng
sa takdang- aralin at pamilya ang kanilang Tungkulin bilang Mamamayang Pilipino.
remediation 1.
2.
3.
4.
5.

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aara na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

G. Anong suliranin ang aking


naranasan
na solusyon sa tulong ng aking
punong guro at suberbisor?
H. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni:
JOWANIE L. CAJES
Guro – Manggahan Elem. School

Binigyang pansin ni:

MELANIE B. NOCHE
Dalubguro I

HELEN P. CATANAOAN
Punongguro I

You might also like