You are on page 1of 16

CHRISTIAN COLLEGES OF SOUTHEAST ASIA

Rosario Building Don Julian Rodriguez Avenue, Ma-a, Davao City


Provides Quality Education in a Christ-centered Institution

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4 QUARTER 1

I. LAYUNIN

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagunawa sa konsepto ng bansa.


B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa
C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO 1. Natatalakay ang konsepto ng isang bansa.
2. Napapatunayan at naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.
3. Naiisa-isa ang mga katangian ng isang bansa sa pamamagitan ng graphic
organizer
II. NILALAMAN

A. PAKSA Pilipinas: Ang Aking Bansa


B. SANGGUNIAN Araling Panlipunan 4 Unang Markahan Modyul 1
Araling Panlipunan Curriculum Guide
C. MGA KAGAMITAN Laptop, Projector, Cartolina, Graphic Organizer, Scotch Tape, Markers

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG−AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagdadasal
Sabihin: “Magsitayo ang lahat para sa isang maikling
panalangin, maari bang ay pamunuan mo ang (Ang lahat ay nagsitayo upang
panalangin? manalangin)

2. Pagbati
Sabihin: “Magandang umaga sa inyong lahat! “ “Magandng umaga po, Binibining
Marjorie”
3. Pagsasaayos ng silid aralan
Sabihin: “Pakiayos ng inyong mga silya at pakidampot ang mga (Ang lahat ng magsisitayo at pupulutin
kalat at itapon sa tamang lalagyan at pagkatapos ay maari na ang lahat ng kalat pagkatapos ay
kayong umupo” isasaayos ang silya at uupo)

4. Pagtatala ng liban sa klase


(Susuriin ng guro ang seat plan kung lahat ba ay dumalo o may
lumiban)

5. Balik Aral

6. Pagbabalik Tanaw sa mga mga tuntunin sa silid-aralan.


Sabihin: “Bago tayo magpatuloy, mayroon tayong mga
paalala kung tayo ay may aralin sa loob ng silid−aralan. Una,
umupo nang maayos, pangalawa, making sa guro at
pangatlo, itaas ang ating mga kamay kung may nais kayong “Opo Ma’am”
itanong o gusto niyong magsalita. Nagkakaintindihan ba
tayo?
Magaling!

1
B. PAGGANYAK
(Ipapakita ng guro ang tula gamit ang projector at iapapabasa ito sa
mga mag−aaral)

Sabihin: Batay sa tula na inyong binasa, alin ang mga salita na naglalarawan (Magsisitaasan ang kamay ng mga
ng isang bansa? mag−aaral)
“Teritoryo”, “Pamahalaan”, “Pilipino”
“Sagana sa likas na yaman”

Sabihin: Magaling! At dahil diyan, bigyan natin ng limang bagsak ang ating (papalakpak ang mga mag−aaral)
mga sarili. Isa, dalawa, tatlo.

Sabihin: Batay sa ating ginawa ngayon lamang, ano kaya ang ating paksa (Magsisitaasan ang kamay ng mga
ngayong araw na ito? mag−aaral)

Sabihin: Sige “Ang bansang Pilipinas”

C. GAWAIN
1. Pagbabalik tanaw sa gabay sa pagsasagawa ng aktibiti.
2. Hahatiin ang klase sa apat at ang bawat grupo ay maglilista ng mga
bagay na nagpapahiwatig na ang Pilipinas ay isang bansa. Bibigyan ng
isang kapat na manila paper ang bawat grupo at isang marker.

D. PAGSUSURI
Magtatawag ang guro ng isang mag−aaral galing sa kanya−kanyang
grupo upang ipresenta ang kanilang naging gawain sa harap ng klase.
Gagawin ito sa loob ng tatlo hanggang limang minuto. Gagawin (Magsisitaasan ng kamay ang mga
pagkatapos ay itatanong ng guro ang ang mga sumusunod mag−aaral)
(Mga Posibleng Sagot)
Ano ang inyung naunawaan sa kahulugan ng isang bansa? “Ang bansa ay isang lugar o teritoryo
na may naninirahang mga grupo ng
tao na may magkakatulad na
kulturang pinanggagalingan, iisa o
pare-parehong wika, pamana,
relihiyon at lahi.”
Anu−ano ang katangian ng isang Bansa? “Tao, Pamahalaan, Territoryo, Ganap
na kalayaan o Soberanya”

Bakit ninyo nasabing isang bansa ang Pilipinas? Kailan ito naging “opo, dahil may naninirahan dito, may
bansa? teritoryo, pamahhalaan at ganap na
kalayaan. Naging ganap tayong bansa

2
nang lumaya tayo sa pananakop ng
mga Amerikano”

E. PAGHAHALAW
 Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang
pinanggagalingan, iisa o pare-parehong lahi, wika, relihiyon, at pamana.
 Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na elemento ng pagkabansa –tao, teritoryo,
pamahalaan, at ganap na kalayaan o soberanya.
 Ang Pilipinas ay maituturing na isang bansa dahil may naninirahan dito, may sariling teritoryo, may pamahalaan
at may ganap na kalayaan
F. PAGLALAPAT
Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, hahatiin ang klase sa apat at pupunan ang ang graphic organizer . Bibigyan ng
kalahating kartolina ang bawat pangkat kung saan ilalagay nila ang kahalagahan ng mga katangian ng isang bansa.
Mamili ang bawat grupo ng isang representante para ilahad ang kanilang ginawa sa loob ng limang minuto.
Unang Pangkat – Tao
Pangalawang Pangkat – Pamahalaan
Ikatlong Pangkat – Ganap na kalayaan o soberanya
Ikaapat na Pangkat – Teritoryo

IV. PAGTATAYA

Sabihin: Ngayon ay lubos na ninyon naunawaan ang ating aralin, kumuha ng isang buong papel at saguting ang mga
tanong na makikita ninyo. Ipasa ang papel pagkatapos ng limang minuto. Lagyan mo ng tsek ( √ ) ang patlang kung
tama ang pangungusap at ekis ( X ) naman kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____1. Ang Pilipinas ay maituturing na isang bansa.

_____2. Tinatawag na bansa ang isang bansa kung mayroon itong tao at teritoryo lamang.

_____3. Ang bansa ay may apat na elemento o katangian ng pagkabansa.

_____4. Ang isang bansa ay mayroong pamahalaan at ganap na kalayaan o soberanya lamang.

____5. Ang bansa ay isang lugar na tinitirhan ng grupo ng taong may magkakatulad na kulturang pinanggagalingan.

V. TAKDANG−ARALIN

Sa isang buong papel, gumawa ng isang sanaysay na naglalaman ng tatlo hanggang anim pangungusap na nagpapatunay
na ang ugnayan ng mga katangian ng isang bansa at ilarawan ang mangyayari sa Pilipinas kung hindi nito taglay ang isa sa
mga ito.

Inihanda ni: Marjorie M. Daungcay 3rd Year BSED Social Studies

3
CHRISTIAN COLLEGES OF SOUTHEAST ASIA
Rosario Building Don Julian Rodriguez Avenue, Ma-a, Davao City
Provides Quality Education in a Christ-centered Institution

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4 QUARTER 2

I. LAYUNIN

A. PAMANTAYANG Ang mag-aaral ay nasusuri ang mga iba’t ibang mga gawaing pangkabuhayan batay
PANGNILALAMAN sa heograpiya at mga oportunidad at hamong kaakibat nito tungo sa likas kayang
pag-unlad.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa iba’t ibang hanapbuhay at
gawaing pangkabuhayan na nakatutulong sa pagkakakilanlang Pilipino at likas
kayang pag-unlad ng bansa
C. PAMANTAYAN SA 1 Naipapaliwanag ang iba’t ibang pakinabang pang-ekonomiko ng mga likas na
PAGKATUTO yaman ng ating bansa
2. Napapahalagahan ang likas na yaman ng bansa.
3. Nakakapagbahagi ng kahalagahan ng likas na yaman sa pamamagitan ng
dugtungang tula.

II. NILALAMAN

A. PAKSA Iba’t ibang Pakinabang Pang−ekonomiko ng mga Likas na Yaman ng Bansa


B. SANGGUNIAN Araling Panlipunan 4 Ikalawang Markahan Modyul 1
Araling Panlipunan Curriculum Guide
C. MGA KAGAMITAN Laptop, Projector, Cartolina, Scotch, Markers

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG−AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagdadasal
Sabihin: “Magsitayo ang lahat para sa isang maikling
panalangin, maari bang ay pamunuan mo ang (Ang lahat ay nagsitayo upang
panalangin? manalangin)

2. Pagbati
Sabihin: “Magandang umaga sa inyong lahat! “ “Magandng umaga po, Binibining
Marjorie”
3. Pagsasaayos ng silid aralan
Sabihin: “Pakiayos ng inyong mga silya at pakidampot ang (Ang lahat ng magsisitayo at pupulutin ang
mga kalat at itapon sa tamang lalagyan at pagkatapos ay lahat ng kalat pagkatapos ay isasaayos ang
maari na kayong umupo” silya at uupo)

4. Pagtatala ng liban sa klase


(Susuriin ng guro ang seat plan kung lahat ba ay dumalo o
may lumiban)

5. Balik Aral
Sabihin: Bilang pagbabalik aral, ating suriin ang mga
larawan na ipapakita ko sa pamagitan ng projector. Tukuyin “Opo Ma’am”
ninyo ang pangalan ng mga likas na yaman na ito. Handan a
ba ang lahat?

4
MT. MAYON CHOCOLATE HILLS
(Huhulaan ng mga mag−aaral ang
pangalan ng mga likas na yaman)

BANAUE RICE TERRACES MARIA CRISTINA FALLS

Sabihin: Napakahusay at natandaan pa ninyo ang ating nakaraang aralin.


Ang mga larawang nakita ninyo ay iilan lamang sa napakadaming likas
na yaman ng ating bansa kaya naman ay suki tayo ng mga turisya

6. Pagbabalik Tanaw sa mga mga tuntunin sa silid-aralan.


Sabihin: “Bago tayo magpatuloy, mayroon tayong mga
paalala kung tayo ay may aralin sa loob ng silid−aralan.
Una, umupo nang maayos, pangalawa, making sa guro at
pangatlo, itaas ang ating mga kamay kung may nais kayong
itanong o gusto niyong magsalita. Nagkakaintindihan ba
tayo? “Yes ma’am”
Magaling!
(Magsisitaasan ang kamang ng mga
B. PAGGANYAK
mag−aaral)
(Ipapakita ng guro ang word puzzle gamit ang projector at
iapapabasa ito sa mga mag−aaral)

Sabihin: Mayroon tayong world puzzle dito, ngayon ang gagawin niyo ay
hahanapin ang apat na salita sa loob ng word puzzle. Itaas ang kamay
kapag gusto sumagot at pumunta sa harapan para ituro kung saan nakita “Opo ma’am”
ang salita, Nagkakaintindihan ba tayo? (Magsisitaasan ang mga kamay ng mga
Susi sa pagwawasto:
mag−aaral para sumagot)

5
Sabihin: Magaling at nahanap ninyo ang apat na salita! At dahil diyan, (Papalakpak ang mga mag−aaral)
bigyan natin ng limang bagsak ang ating mga sarili. Isa, dalawa, tatlo.

Sabihin: Batay sa ating ginawa ngayon lamang, ano kaya ang ating paksa
ngayong araw na ito?

Sabihin: Sige “Mga pakinabang sa ekonomiya ng likas na


Magaling! yaman ng bansa”

C. GAWAIN
1. Pagbabalik tanaw sa gabay sa pagsasagawa ng aktibiti.
2. Hahatiin ang klase sa tatlong grupo at ang bawat grupo ay
maglilista ng mga likas na yaman at ang pakinabang nito sa
ekonomiya ng bansa. Bibigyan ng kalahating manila paper ang
bawat grupo at isang marker.

D. PAGSUSURI
Magtatawag ang guro ng isang mag−aaral galing sa
kanya−kanyang grupo upang ipresenta ang kanilang naging
gawain sa harap ng klase. Gagawin ito sa loob ng tatlo hanggang
limang minuto. Gagawin pagkatapos ay itatanong ng guro ang ang
mga sumusunod

Anu−ano ang mga pakinabang ng mga likas na yaman sa bansa?


“Produkto at kalakal, Turismo at enerhiya”
Ano ang inyung naunawaan sa kahalagahan ng mga likas na
yaman sa ating bansa? “Ang ating likas na yaman ay hindi lamang
nakakaakit sa mata, nakakatulong pa sa
pamumuhay. “
Paano mo mapapahalagahan ang mga likas na yaman ng
bansa? “gamitin itong mabuti at huwag abusuhin”
“gagawin ang pagtatanim ng mga kahoy
sa kabundukan o sa pamayanan”

E.PAGHAHALAW
 Ang mga likas na yaman ay nakapagbibigay ng maraming pakinabang sa ating ekonomiya
 Ang mga sumusunod ang pinagmulan ng pakinabang pang ekonomiko.
 Pakinabang sa Kalakal at Produkto na kung saan nagmumula sa mga likas na yaman.
 Pakinabang sa Turismo tulad ng Cholate Hills ng Bohol, mga dalampasigan, mga kagubatan at iba pang
magagandang tanawin sa bansa. Malalakas ito sa atraksyon sa mga turista na nagmumula sa iba’t ibang panig ng
mundo.
 Pakinabang sa Enerhiya dahil hindi na tayo kailangan imangkat ng malaking halaga ng langis o krudo. Ang iilan sa
mga halimbawa ay ang talon ng Maria Cristina, lawa ng Caliraya at ang windmill ng Bangui, Ilocos Norte.

F. PAGLALAPAT
Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, ang tatlong grupo ay magkakaroon ng dugtungang tula. Susulat ng isa hanggang
dalawang saknong ang bawat grupo at bibigkasin ng sabayan at magkadugtong sa ibang grupo. Ang nilalaman ng
tula ay ukol sa kahalagahan ng bawat pakinabang pang−ekonomiko ng mga likas na yaman.
Unang Pangkat – Pakinabang sa Kalakal at Produkto
Pangalawang Pangkat – Pakinabang sa enerhiya
Ikatlong Pangkat – Pakinabang sa turismo

6
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

IV. PAGTATAYA

I.

II. SANAYSAY

Gumawa ng sanaysay kung paano, bilang isang mag−aaral, mapapangalagaan ang mga likas na yaman.

V. TAKDANG−ARALIN

Sa isang buong papel, ilista ang mga likas na yamang matatagpuan sa inyung komunidad at tukuyin kung anong pakinabang
pang−ekonomiko ang taglay nito.

Inihanda ni: Marjorie M. Daungcay 3rd Year BSED Social Studies

7
CHRISTIAN COLLEGES OF SOUTHEAST ASIA
Rosario Building Don Julian Rodriguez Avenue, Ma-a, Davao City
Provides Quality Education in a Christ-centered Institution

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4 QUARTER 3

I. LAYUNIN

A. PAMANTAYANG Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pangunawa sa bahaging ginagampanan ng


PANGNILALAMAN pamahalaan sa lipunan, mga pinuno at iba pang naglilingkod sa pagkakaisa,
kaayusan at kaunlaran ng bansa.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok at pakikiisa sa mga
proyekto at gawain ng pamahalaan at mga pinuno nito tungo sa kabutihan ng lahat
(common good).
C. PAMANTAYAN SA 1 Natatalakay ang kahuluguhan at kahalagahan ng pamahalaan;
PAGKATUTO 2. Natutukoy ang antas ng pamahalaan.
3. Naibabahagi ang kahalagahan ng pamahalaan sa pamamagitan ng tableau.

II. NILALAMAN

A. PAKSA Ang Pamahalaan ng Aking Bansa


B. SANGGUNIAN Araling Panlipunan 4 Ikatlong Markahan Modyul 1
Araling Panlipunan Curriculum Guide
 https://www.youtube.com/watch?v=ZS7db5-tSE4
 https://www.youtube.com/watch?v=1ydw8gLju4A

C. MGA KAGAMITAN Laptop, Projector, Worksheet (Graphic Organizer)

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG−AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagdadasal
Sabihin: “Magsitayo ang lahat para sa isang maikling
panalangin, maari bang ay pamunuan mo ang (Ang lahat ay nagsitayo upang
panalangin? manalangin)

2. Pagbati
Sabihin: “Magandang umaga sa inyong lahat! “ “Magandng umaga po, Binibining
Marjorie”
3. Pagsasaayos ng silid aralan
Sabihin: “Pakiayos ng inyong mga silya at pakidampot ang (Ang lahat ng magsisitayo at pupulutin
mga kalat at itapon sa tamang lalagyan at pagkatapos ay ang lahat ng kalat pagkatapos ay
maari na kayong umupo” isasaayos ang silya at uupo)

4. Pagtatala ng liban sa klase


(Susuriin ng guro ang seat plan kung lahat ba ay dumalo o may
lumiban)

5. Balik Aral
Sabihin: Sa nagdaang markahan, ano ang inyung natutunan? “Mga likas na yaman ng bansa”
“Kultura ng mga Pilipino”

8
Sabihin: Napakahusay at natandaan pa ninyo ang ating nakaraang (Papalakpak ang mga mag−aaral nang
aralin. Dahil diyan, bigyan natin ng limang bagsak ang ating mga limang beses)
sarili.

6. Pagbabalik Tanaw sa mga mga tuntunin sa silid-aralan.


Sabihin: “Bago tayo magpatuloy, mayroon tayong mga
paalala kung tayo ay may aralin sa loob ng silid−aralan. Una,
umupo nang maayos, pangalawa, making sa guro at pangatlo,
itaas ang ating mga kamay kung may nais kayong itanong o
gusto niyong magsalita. Nagkakaintindihan ba tayo? “Opo Ma’am”
Magaling!

B. PAGGANYAK
(Magpapakita ang guro ng mga larawan ng mga sikat na tao at
huhulaan nila kung sino ang mga ito)

1 2

3 4

(Magsisitaasan ang kamay ng mga


mag−aaral)

Sabihin: Kilala niyo ba kung sino ang nasa unang larawan? “Siya po si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sige Ang pangulo ng Pilipinas”
Sabihin: Magaling, Kilala niyo ba kung sino ang nasa pangalawang
larawan? “Siya po si Bong Go, isang senador”
Sige
Sabihin: Magaling, Kilala niyo ba kung sino ang nasa ikatlong larawan? “Hindi po namin kilala, teacher”
Siya si Alexander G. Gesmundo, batay sa kanyang kasuotan, ano aya ang “Para po siyang abogado”
kanyang trabaho?
Magaling! Siya ay isang abogado at siya rin ang bagong punong hukom.

Sabihin: Ngayon, sa panghuling larawan, kilala niyo ba siya?


“Siya po si Mayor Sebastian Duterte”
Sige

Sabihin: Magaling! At dahil lahat kayo ay nakilahok bigyan natin ng limang


bagsak ang ating mga sarili. Isa, dalawa, tatlo.

Sabihin: Batay sa ating ginawa ngayon lamang, ano kaya ang ating paksa
ngayong araw na ito?

Sabihin: Sige “Ang ating pamahalaan!”

9
Magaling!

C. GAWAIN
1. Pagbabalik tanaw sa gabay sa pagsasagawa ng aktibiti.
2. Manonood ang mga mag−aaral ng dalawang bidyo tungkol sa (Papanuorin ang mga bidyo at pupunan
Pamahalaan ng Pilipinas. Ang gawaing ito ay gagawin sa tulong ng ang graphic organizer)
mga katabi (by partner). Bibigyan ng guro ang bawat pares ng papel
na may nakaguhit na graphic organizer na pupunan ng
impormasyon sa pamamagitan ng panonuod at pakikinig sa bidyo.
 https://www.youtube.com/watch?v=ZS7db5-tSE4
 https://www.youtube.com/watch?v=1ydw8gLju4A

D. PAGSUSURI
Sabihin: Tapos na ba ang lahat sa gawain? Kung gayon ay hawakan niyo ((Magsisitaasan ang kamay ng mga
iyan at magtatanong ako at kailangan ninyo itong sagutin. mag−aaral)

Ano ang uri ng pamahalaan ng Pilipinas? “Demokrasya o Republika”


Ano naman ang dalawang antas nga pamahalaan ng Pilipinas? “Pambansa at Lokal na pamahalaan”
Anu−ano ang mga sangay ng Pambansang pamahalaan? “Ehekutibo, Lehislatibo, Hudisyal”
Ano ang trabaho ng Ehekutibo? “nagpapatupad ng batas”
Sino ang pinuno ng ehekutibo at ano ang kanyang mga kapangyarihan? “Ang Pangulo o Presidente
. May kapangyarihan siyang maglabas
ng administratribong kautusan,
kapangyarihan sa mga dayuhan,
pagbawi ng nakaw na yaman,
pangkalahatang superbisyon sa local na
pamahalaan at Veto Power”

Ano ang trabaho ng Hudisyal at sino ang mga nandito? “sumusuri ng batas. Ito ay
pinamumunuan ng Korte Suprema o
Kataas taasang Hukuman na binubuo ng
isang punong Mahistrado at labing-apat
(14) na katulong ng mahistrado”

Ano ang trabaho ng Lehislatibo at sino ang mga nandito? “gumagawa ng batas
. Ito ay pinamumunuan ng Kongreso.
Binubuo ito ng mataas na kapulungan o
Kapulungan ng Senado (Senate) at
mababang kapulungan o kapulungan ng

10
mga kinatawan (House of
Representative).”
Sino naman ang nasa lokal na pamahalaan? “Mga alkalde ang namumuno sa lokal na
pamahalaan”
Sa inyung tingin? Sa tatlong sangay ng pamahalaan, ano ang “Ang ehekutibo po.”
pinakamakapangyarihan? “Ang Lehislatibo po”
“Ang Hudisyal po”
Sa tingin ba ninyo kayang punan ng isa’t isa ang tungkulin ng ibang sangay? “Hindi po”
Ibig sabihin? “Makapangyarihan ang lahat ng sangay
ng pambansang pamahalaan kahit
magkaiba ang kanilang tungkulin.”
Magaling. Ano naman sa tingin ninyo ang mangyayari kapag ang isang “Magulo po, walang kaayusan at
bansa ay walang pamahalaan? parating may away o giyera”
E. PAGHAHALAW
 Ang pamahalaan ay isang samahan na may kapangyarihang gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo.
 Presidensiyal at demokratiko ang uri ng pamahalaan sa Pilipinas
 Mahalaga ang pamahalaan dahil ito ang nagpapaupad ng mga programa para sa nasasakupan
 May dalawang antas ng pamahalaan: Pambansang Pamahalaan at Lokal na Pamahalaan
May Tatlong sanga ang pambansang pamahalaan:

1.
Ehekutibo o tagapagpaganap (- nagpapatupad ng batas)
Kabilang dito ang presidente at bise president. Ang mga kapangyarihan ng isang president ay ang sumusunod: (1) Ordinance
Power o kapangyarihang magpalabas ng mga administratibong kautusan, (2) Kapangyarihan sa mga dayuhan. (3.)
Kapangyarihan sa pagrereserba ng lupa at pagbawi ng nakaw na yaman. (4.) Kapangyarihang maghirang sa posisyon. (5)
Kapangyarihan ng pangkalahatang superbisyon sa mga lokal na pamahalan. 6. Veto Power.
2. Lehislatibo o tagapagbatas (gumagawa ng batas)
Ito ay pinamumunuan ng Kongreso. Binubuo ito ng mataas na kapulungan o Kapulungan ng Senado (Senate) at mababang
kapulungan o kapulungan ng mga kinatawan (House of Representative). Ilan sa mga kapangyarihan ng Kongreso ay ang
mga sumusunod: (1.) Nagbabago ng probisyon sa Konstitusyon kung kinakailangan. (2.) Nagpapatibay ng mga kasunduang
panlabas ng bansa. (3.) Nagpapatibay ng badyet ng pamahalaan. (4.) Lumilikha ng dalawang pangunahing dokumento: mga
panukalang batas (bills) at mga kapasiyahan (resolutions) upang makagawa ng batas.
3. Hudisyal o tagapaghukom (sumusuri ng batas)
Ito ay pinamumunuan ng Korte Suprema o Kataas taasang Hukuman na binubuo ng isang punong Mahistrado at labing-
apat (14) na katulong ng mahistrado hanngang sumapit sila sa gulang na 70. Ang Court of Appeals o Sandiganbayan ay isang
espesyal na hukuman para sa mga opisyal na pamahalan na may kaso ng korapsyon. Ilan sa kapangyarihan ng
tagapaghukom ay ang mga sumusunod: (1.) Gumagawa ng legal na dsisyon tungkol sa mga kasong nakakaapekto sa mga
embahador, ibang pampublikong ministro at konsul. (2.) Pagtatalaga ng pansamantalang hukom sa ibang hukoman ng hindi
hihigit ng anim na buwan ng walang pahintulot ng hukom. (3.) Paghirang ng mga empleyado sa hukuman ayon sa mga
pamantayan ng serbisyo sibil. (4.) Sinuri, magrebisa, magbaliktad, magbago o magpatibay bilang apela sang-ayon sa
isinasaad ng batas o Rules of Court ng mga pinal na hatol.
 Lokal na Pamahalaan. Ang lokal na pamahalaan naman ay kinapapalooban ng: a. Lalawigan b. Lungsod o munisipyo c.
Barangay. Alkalde ng bawat lungsod o bayan ang namumuno sa lokal na pamahalaan. Sila ay direktang inihalal ng kanilang
nasasakupang lungsod o bayan tuwing ikatlong taon at maaaring manungkulan hanggang tatlong termino

F. PAGLALAPAT
Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, hahatiin ang klase sa tatlong grupo at ang bawat grupo ay magsasagawa ng
tableau na nagpapakita sa mga senaryong maaring mangyari kung wala ang pamahalaan.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

11
IV. PAGTATAYA

V. TAKDANG−ARALIN

SANAYSAY

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makausap ang Pangulo ng ating bansa ano kaya ang sasabihin mo sa kanya na
posibleng isa sa mga paraan upang mabigyang solusyon ang mga suliraning hinaharap ng ating bansa.

Inihanda ni: Marjorie M. Daungcay 3rd Year BSED Social Studies

12
CHRISTIAN COLLEGES OF SOUTHEAST ASIA
Rosario Building Don Julian Rodriguez Avenue, Ma-a, Davao City
Provides Quality Education in a Christ-centered Institution

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4 QUARTER 4

I. LAYUNIN

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ng magaaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa kanyang


mga karapatan at tungkulin bilang mamamayang Pilipino.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng pagganap sa
kanyang tungkulin bilang mamamayan ng bansa at pagsasabuhay ng kanyang
karapatan.
C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO 1. Natutukoy ang batayan ng pagkamamamayang Pilipino;
2. Naipapakita ang pagmamalaki sa pagiging mamayang Pilipino sa
pamamagitan ng dugtungang pagkanta.
3. Naiisa-isa ang mga konsepto at prinsipyo ng pagkamamamayan
II. NILALAMAN

A. PAKSA Konsepto ng Pagkamamamayang Pilipino


B. SANGGUNIAN Araling Panlipunan 4 Ika-apat na Markahan-Modyul 1
Araling Panlipunan Curriculum Guide
C. MGA KAGAMITAN Laptop, Projector, Cartolina, Graphic Organizer, Scotch Tape, Markers

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG−AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagdadasal
Sabihin: “Magsitayo ang lahat para sa isang maikling
panalangin, maari bang ay pamunuan mo ang (Ang lahat ay nagsitayo upang
panalangin? manalangin)

2. Pagbati
Sabihin: “Magandang umaga sa inyong lahat! “ “Magandng umaga po, Binibining
Marjorie”
3. Pagsasaayos ng silid aralan
Sabihin: “Pakiayos ng inyong mga silya at pakidampot ang (Ang lahat ng magsisitayo at pupulutin
mga kalat at itapon sa tamang lalagyan at pagkatapos ay ang lahat ng kalat pagkatapos ay
maari na kayong umupo” isasaayos ang silya at uupo)

4. Pagtatala ng liban sa klase


(Susuriin ng guro ang seat plan kung lahat ba ay dumalo o may
lumiban)

5. Balik Aral
Sabihin: Sa nagdaang markahan, ano ang inyung “Ang Sistema ng pamahalaan ng
natutunan? Pilipinas”
“Ang mga tungkulin ng pamahalaan”
Sabihin: Napakahusay at natandaan pa ninyo ang ating
nakaraang aralin. Dahil diyan, bigyan natin ng limang (Papalakpak ang mga mag−aaral nang
bagsak ang ating mga sarili. limang beses)

13
6. Pagbabalik Tanaw sa mga mga tuntunin sa silid-aralan.
Sabihin: “Bago tayo magpatuloy, mayroon tayong mga
paalala kung tayo ay may aralin sa loob ng silid−aralan.
Una, umupo nang maayos, pangalawa, making sa guro at “Opo Ma’am”
pangatlo, itaas ang ating mga kamay kung may nais kayong
itanong o gusto niyong magsalita. Nagkakaintindihan ba
tayo?
Magaling!

B. PAGGANYAK
Klas, bago tayo dumako sa ating paksang aralin ay magkakaroon
muna tayo ng isang gawain. Ang WIKARAMBULAN. Tutukuyin “Opo Ma’am”
lamang ninyo ang mga kalipunan ng salita na katunog nito.
Maliwanag ba?
LEAK-HAS (LIKAS)
NATURAL-IS-A-THOUGH (NATURALISADO)
JUICE-SOUL-LEE (JUS SOLI)
JUICE-SUN-GEE-KNEES (JUS SANGUINIS)

Mahusay! Tama ang inyong mga kasagutan

Sabihin: Ang mga nabuong salita ay mga uri at prinsipo ng Pagkamamayang


Pilipino. Dahil kayo ay nakilahok sa ating paggaganya, bigyan natin ng (Papalakpak nang limang beses)
limang bagsak ang ating mga sarili

C. GAWAIN
1. Pagbabalik tanaw sa gabay sa pagsasagawa ng aktibiti.
2. Hahatiin ang klase sa apat at ang bawat grupo ay bibigyan Sobreng
naglalaman ng mga gawain ng bawat grupo. Gagawin ito sa loob ng
15 minuto.

Unang Pangkat: Susulat ng Tula tungkol sa LIKAS O NATURAL BORN (Gagawin ang kanya−kanyang gawain)
CITIZEN at DI LIKAS O NATURALISADO

Pangalawangg Grupo: Magsasagawa ng Story Telling patungkol sa JUS


SOLI AT JUS SANGUINIS (Magsisitaasan ang kamay ng mga
mag−aaral)
Ikatlong Grupo: Magsasagawa ng Broadcasting patungkol sa mga Dahilam
ng Pagkawala ng Pagkamamayang Pilipino. “Ang bansang Pilipinas”

Ikaapat na Grupo: Magsasagawa ng Drama Serye patungkol sa mga


hakbang sa muling pagkamit ng Pagkamamayang Pilipino.

D. PAGSUSURI
 Batay sa iprenisentang tula ng unang pangkat, ano ang dalawang “Likas o Katutubong Mamamayan at
uri ng mamayang Pilipino? Naturalisadong Mamamayan”
 Sa inyung tingin, sa paanong paraan na hindi maging kwalipikado “Kapag siya ay wala pa sa tamang edad”
ang isang dayuhan para sa naturalisasyon? “kapag baguhan palang tumira sa
Pilipinas.
“Kapag nagkasala gaya ng pagrerebelde
o paggamit ng dahas”

14
 Batay sa iprenisentang story telling ng ikalawang grupo, ano ang “Jus Sanguinis at Jus Soli”
mga prinsipyo ng Pagkamamayang Pilipino ayon sa
kapanganakan? “Opo, dahil may dugong Pilipino pa rin
 Tama! Sa konsepto ng Jus Soli, sa tingin ninyo, maari bang paglaki
siya lalo na pagtuntong niya sa tamang
ng bata ay piliin niya ang pagkamamayan niya batay sa dugo ng edad”
mga magulang niya? “• Siya ay naging naturalisadong
 Batay sa iprenisentang Broadcasting ng pangatlong pangkat, mamamayan ng ibang bansa, siya ay
Anu−ano ang mga dahilan ng pagkawala ng pagkamamamayang naglingkod sa sandatahang lakas ng
Pilipino? ibang bansa, pinili niya ang
pagkamamamayan ng napangasawang
dayuhan, panunumpa ng katapatan sa
ibang bansa pagsapit niya ng 21 taong
gulang, itinakwil niya ang kanyang
pagkamamamayan (expatriation) ,
napatunayan na siya ay tumakas sa
hukbong sandatahan ng Pilipinas at
kumampi sa kaaway sa panahon ng
pakikidigma.”
“Sumunod sa batas at maging tapat sa
 Sa inyung palagay, ano ang dapat gawin para mapangalagaan ang bansa.”
pagiging Pilipino? “1. Naturalisasyon 2. Aksiyon ng
 Sa iprenisentang Drama Serye ng panghuling pangkat, sa Kongreso sa Pilipinas 3. Repatrisayon o
papaanong paraan muling makamit ang Pagkamamamayang pagbabalik sa Pilipinas at muling
Pilipino? pagsumpa ng katapatan dito”
 Proud ba kayo sa pagiging Pilipino ninyo? “Opo!”
E. PAGHAHALAW
Ang pagkamamamayan o citizen ay nangangahulugan na ang isang tao ay kasapi o bahagi ng estado na may pananagutang maging
tapat ayon sa itinatakda ng batas. Hindi lahat ng naninirahan sa isang bansa ay matatawag na mamamayan nito sapagkat
mayroong mga dayuhang naninirahan lamang dito upang mag-aral, mamasyal at makipagkalakal. Ito ay hindi maituturing na
Pilipino dahil sila ay isang mamamayan ng isang bansa.
 Uri ng Mamamayang Pilipino
Mayroong dalawang uri ng mamamayang Pilipino:
1. Likas o Katutubong Mamamayan - Ang likas na mamamayan ay anak ng isang Pilipino isa man o parehong Pilipino ang
kanyang mga magulang.
2. Naturalisadong Mamamayan - Ito ay mga dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng
naturalisasyon. Ang naturalisasyon ay isang legal na paraan na kung saan ang isang dayuhan na nagnanais na maging
mamamayan ng isang bansa ay dadaan sa isang proseso sa korte o hukuman. Kapag siya ay naging mamamayang Pilipino,
kailangan niyang sumunod sa mga batas at kultura ng bansa
 Tatlong Mahahalang Elemento ng Pagkamamamayan
1. Legal Status o Pagkamamamayan bilang katayuang legal tumutukoy sa karapatang sibil, political at panlipunan. Ang
isang mamamayan ay malayang kumilos na naaayon sa batas at may karapatang humingi ng proteksiyon sa batas kapag
kailangan niya ito.
2. Ang mga mamamayan bilang kinatawang politikal na aktibong nakikilahok sa mga institusyong politikal sa mga
pamayanan.
3. Ang pagkamamamayan bilang kasapi ng pamayanang politikal na pinagmumulan ng pakakilanlan.
 Mga Prinsipyo ng Pagkamamamayang Pilipino ayon sa Kapanganakan
Sa pagtamo ng likas na pagkamamamayang Pilipino may dalawang prinsipyo na kinikilala sa buong mundo ayon sa
kapanganakan. Ito ay ang:
1. Jus Sanguinis - Naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila.
2. Jus Soli - Naaayon sa lugar ng kanyang kapanganakan. Ibig sabihin, kung ang isang sanggol ay ipinanganak sa isang
bansa na sumusunod sa prinsipyong ito, siya ay ituturing na mamamayan ng bansang iyon ano man ang
pagkamamamayan ng kanyang magulang.
 Katangian ng Mamamayang Pilipino
Sinasabi sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang batas ng 1987 na ang isang mamamayan ng Pilipinas ay nagtataglay ng mga
sumusunod na katangian: (a.) Mamamayan ng Pilipinas sa panahon na pinagtibay ang kasalukuyan ng Saligang Batas ng
1987 noong Pebrero 2, 1987. (b.) Ang mga magulang ay mamamayang Pilipino. (C). Mga mamamayan na isinilang
bago sumapit ang Enero 17, 1973 na may inang Pilipino at pumili ng pagka mamamayang Pilipino pagdating

15
sa hustong gulang (21taong gulang). (d.) Mga dayuhang naging mamamayan ng Pilipinas ayon sa batas ng
naturalisasyon.
 Mga Dahilan ng Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino
Maaaring mawala ang pagkamamamayang Pilipino kusang loob man o sapilitan. Nakasaad sa batas ang mga
maaring dahilan kung bakit hindi natatamo o nawala ang pagkamamamayang Pilipino. Expatriation ang tawag
sa kusang loob ng pagkamamamayan. Ito ay ang mga sumusunod:
• Siya ay naging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa.
• Siya ay naglingkod sa sandatahang lakas ng ibang bansa.
• Pinili niya ang pagkamamamayan ng napangasawang dayuhan.
• Panunumpa ng katapatan sa ibang bansa pagsapit niya ng 21 taong gulang.
• Itinakwil niya ang kanyang pagkamamamayan (expatriation)
• Napatunayan na siya ay tumakas sa hukbong sandatahan ng Pilipinas at kumampi sa kaaway sa panahon ng
pakikidigma.
F. PAGLALAPAT
Sa pagpapakita ng pagmamalaki sa pagiging Pilipino ay magkakaroon ng dugtungang pag−awit. Ang bawat leader
ng apat na grupo ay pag−uusapan ang paghahati sa kantang “Ako Ay Pilipino” ni Kuh Ledesma.
https://www.youtube.com/watch?v=-M2qnNm6yeM .At iprepresenta ito sa klase

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

IV. PAGTATAYA

Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag. Piliin sa kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa malinis na
papel.
A. Jus Sanguinis C. Naturalisasyon E. Saligang Batas
B. Jus Soli D. Expatriation

____ 1. Pagkamamayan ayon sa dugo.


____ 2. Isang batas kung saan nakasaad ang pagkamamamayang Pilipino.
____ 3. Pagkamamamayan ayon sa lugar ng kapanganakan.
____ 4. Isang legal na paraan ng pagiging mamamayan ng isang dayuhan ayon sa batas.
____ 5. Tawag sa kusang-loob na pagsuko ng pagkamamamayan

V. TAKDANG−ARALIN

Kumuha ng isang buong malinis na papel. Sumulat ng maikling talata tungkol sa kahalagahan ng pagiging isang
mamamayang Pilipino. Pag-ugnayin ang iyong mga natutunan sa araling ito sa iyong dating kaalaman at karansan.

Inihanda ni: Marjorie M. Daungcay 3rd Year BSED Social Studies

16

You might also like