You are on page 1of 6

Pakitang Turo

Sa
ARALING PANLIPUNAN 4

Richel Abong ROSA CABUGUAS


Gurong Tagapagsanay Guro

l. Layunin
Pagtapos ng talakayan, ang mga mag-aaral sa Ikaapat na Baitang ay inaasahang
magagawa ang sumusunod na 75% na kasanayan.
a. Naibibigay ang katangian ng pagiging produktibong mamayan
Code:AP4KPB-Ivf-g-5
KBI:Pagpapahalaga pagtitipid ng enerhiya

ll. Paksang Aralin


a. Paksa : Katangian ng Produktibong Mamamayan
b. Sanggunian : Aral Pan. LM (p. 382-385)
c. Kagamitan : Larawan, kagamitang biswal
d. Konsepto : Ang mga katangian ng pagiging productibong mamamayan ay
pagiging malusog, may tamang saloobin sa paggawa, pagtitipid
ng enerhiya at iba pa.
lll. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
a. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Pagtala ng mga lumiban sa klase
3.Pagkalap ng takdang aralin

1. Pagsasanay:
Mga bata mayroon ako ditong mga salitang (Babasahin ng mga bata ang mga salita.)
nakasulat sa plaskard. Basahin ng sabay-sabay.

MAMAMAYAN MAMAMAYAN

PRODUKTIBONG PRODUKTIBONG

YAMAN YAMAN

BANSA BANSA

KAPAKI-PAKINABANG KAPAKI-PAKINABANG

Magaling !

2. Balik Aral:
Sa ating pamayanan, sino-sino ang mga itinuturing
na mga produktibong mamamayan? Titser, magsasaka!

Magaling!

Ano pa? Mangingisda!

Mahusay!

Ano pa? Karpintero, Guro at iba pa.

Napakagaling!
Bakit sila itinuturing na produktibong mamamayan? Titser, sapagkat sila ay may kasanayan sa paggawa.

Magaling!

B.Pagpapalalim na Gawain:

3. Pagganyak:
Mga bata, mayroon ako dito mga larawan sa pisara.
Piliinang angkop na salita sa ibaba.

Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan? Titser, yung isang larawan ngrirecycle po

Magaling !

Ano pa? Nah-eehersisyo po!

Tama!

4. Paglalahad:
Batay sa mga larawan na nasa pisara, anong uri ng Titser, katangian po ng isang produktibong
mamamayan ang mga katangian nito? mamamayan.

Magaling!

5. Talakayan
Balikan natin ang mga larawan. Ano kaya ang
katangian ng isang produktibong mamamayan?

Sige nga Nikka! Isa sa mga katangian ng isang produktibong


mamamayan ay pagiging malusog.

Mahusay!

Bakit kaya isa sa mga katangian ng isang


produktibong mamamayan ay dapat maging malusog?

Sige nga Lovely ! Titser upang makagawa ng maayos at may


kagalingan sa paggawa.

Tama!

Ang pagkakroon ng malusog na pangangatawan


madali kang makakapag-isip ng mga ideya at
makakagawa nang maayos na ata may kagalingan.

Tingnan ulit ang larawang ito.


Ano kaya ang isa pang katangian ng isang
produktibong mamamayan?

Rhian ?
May pinag-aralan at kasanayan sa paggawa.
Magaling!

Tama ba na isa sa katangian ng produktibong Opo Titser!


mamamayan ay pagkakaroon ng pinag-aralan at
kasanayan sa paggawa?

Bakit Kyle? Upang magawa ng maayos ang kanyang napipiling


gawain.

Mahusay!

Sa ganitong paraan, malaki ang kanyang maitutulong


sa pag-aangat ng kanyang napiling hanap buhay at ng
kaniyang tanggapang pinasukan.

Kung tayo ay gagamit ng enerhiya sa bahay, ano ang Kailangan magtipid tayo ng enerhiya !
ang ating dapat gawin?

magaling!

Bakit kailangan tayo magtipid ng enerhiya? Sapagkat ang pagtitipid ng enerhiya ay isa sa mga
katangian ng pagiging produktibong mamamayan.

Magaling!

(Tatanungin ang mga bata ng iba pang katangian ng


produktibong mamamayan).

5.1 Ginabayang Gawain

PANGKAT DUTERTE:
Panuto: Ibigay ang mga katangian ng isang
produktibong mamamayan. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Nag-aaral ng mabuti para sa napiling


gaawain.
a. May pinag-aralan at kasanayan sa pagagawa. A
b. Pagiging malusog
c. Matalinong pamimili

2. Sinusuri kung may sira ang mga gripo.


a. May pinag-aralan at kasanayan sa pagagawa. B
b. Natitipid ng enerhiya
c. Matalinong pamimili

3.Ginagawa o tumutulong sa gawaing I


niatang sa kanya.
a. May tamang saloobin sa paggawa A
b. Pagiging malusog
c. Matalinong pamimili

PANGKAT AQUINO:
Panuto: Gamit ang mga larawan. Ibigay ang mga
katangian ng isang produktibong mamamyan.Piliin ang
sagot sa kahon at isulat ang sagot sa pisara.
pagiging malusog matalinong pamimili

natitipid sa enerhiya May tamang saloobin sa

PANGKAT De Lima:
Panuto: Magbigay ng 3 katangian ng isang
produktibong mamamayan. Isulat sa papel ang sagot
at basahin sa harapan ng klase.

6. Paglalahat
Ano-ano nga ulit ang katangian ng isang Ang mga katangian ng isang produktibong
produktibong mamamayan? mamamayan ay pagiging malusog, may tamang
saloobin sa paggawa, pagtitipid ng enerhiya.

Magaling!

7. Pagtataya (di-ginabayang gawain)

Pangkat Duterte
Panuto: Ibigay ang mga katangian ng isang
produktibong mamamayan. Piliin ang sagot sa Hanay
B.

A B
1.Bumili ng mga gamit a. pagiging malusog 1. c
na yari sa ating bansa
gaya ng sapatos,
kakanin,palamuti

2. Si Jose ay nag- b. may tamang saloobin 2.a


eehersisyo araw-araw sa paggawa
3. Tinanggal ni kyle ang c. tinatangkilik ang
saksakan ng TV kung sariling producto 3.d
hindi ginagamit.
4. Ginawang palamuti ni d. pagtitipid ng enerhiya 4.e
Lovely ang mga kabibe.
5.Pumapasok sa tamang e.muling paggamit ng 5.b
oras ang aming guro. mga patapong bagay
Pangkat Aquino:
Panuto: Ibigay ang katangian ng isang produltibong
mamamayan. Isulat ang nawawalang letra sa patlang.

1. May dalang listahan ng bibilhin so Nikka tuwing


mamalengke.

ma_ _lino_ _m_ _amili

2. Gumagamit ng baso si Rean tuwing magsisipilyo.

ng_ _ _id ng en_rhi_a

3. Kumakain ng gulay at prutas ng madalas si Syra.

_ _ _igi_ _ ma__sog

4. Nakikiisa sa mga programma sa baranggay si Lovely.

May t_m_ _ _saloobin sa pag__w_

5. Bumili ng sapatos si Kian na gawa sa Marikina.

tinatangkilik_ _ _sarili_ _pro_uk_o

Pangkat De Lima:
Panuto: Ibigay ang mga katangian ng isang
produktibong mamamayan. Isulat sa loob ng bilog ang
mga katangian.

Mga katangian ng
Produktibong
Mamamayan

IV. Pagtataya
Panuto: Ibigay ang mga katangian ng produktibong
mamamayan.Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon.

1. Laging na sa takdang oeas si Nelson sa E


pagpasok sa trabaho para matapos niya ang lahat ng
Gawain. A
2. Pinapatay ni Anna ang ilaw pag hindi
kailangan. C
3. Tuwing mamimili si Nanay ng de lata
tinitignan niya ang expiration date. D
4. Iniingatan ng kapatid ko ang laruan na binili
ko upang tumagal.
5. Gawa sa lumang karton ang proyekto ni Isay. B
a. pagtitipid sa enerhiya
b. muling paggamit ng patapong bagya
c. matalinong mamimili
d. ginagamit ng wasto ang mga kalakal at paglilikod
e. may tamang saloobin sa paggawa

V. Takdang Aralin

Panuto: Pumili ng mga katangian ng produktibong


mamamayan at kung paano mo ito papahalagahan.
Isulat sa inyong kwaderno ang sagot.

You might also like