You are on page 1of 7

JAMIE ANNE H.

ABREA
BEED III

I.LAYUNIN
Matapos ang Aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan :

A. Nakapagpapahayag kung paano ipagtanggol ang sariling bansa

B. Naisasagawa ang kaalaman sa Paggalang sa kapwa Pilipino

C. Natutukoy ang kahalagan ng bansa pinagmulan o kinagisnan.

II.NILALAMAN
A .ARALIN : ANG MAMAMAYANG PILIPINO

B. SANGGUNIAN : Bayanihan Panlipunan 4 (Aralin 15 pp. 258-274)

C. KAGAMITAN : powerpoint presentation ,visual aids, projector

III. PAMAMARAAN NG PAGTUTURO


A. PANIMULANG GAWAIN

 Panalangin
Mga bata tayong lahat ay tumayo at
damhin ang presensya ng ating
panginoon sa pagsisimula ng atinf
talakayan.

Princes , Maari mobang pamunuan ang (Tumayo ang lahat para sa Pagdarasal)
pagdarasal?

 Pagbati

Isang Magandang Umaga sa inyong


Magandang Umaga din po
lahat mga bata!!!

 Pagsasaayos ng Silid-Aralan
(Aayusin ng mga mag-aaral ang upuan at
Bago kayo magsi-upo, Maari niyo bang
dadamputin ang kalat).
ayusin at damputin ang kalat sa tapat at
ilalim ng inyong upuan.

 Pagtatala ng Lumiban sa klase

Mula sa grupo ng mga babae, mayroon Wala Po.


bang lumiban sa inyong kamag-aral?
Ganon din sa grupo ng lalaki mayroon
ba?
B. BALIK ARAL SA NAKARAANG
ARALIN

-Kahapon ay tinalakay natin ang Pamahalaan


at serbisyong panlipunan

- Sino ang tumutugon sa panganagilangan ng


mga mamamayan.?

-Pamahalaan
-Tama!!!

-Sino ang nakakatanda kung ano-ano ang mga


programa ng pamahalaan.
-Pagpapaunlad ng edukasyon

-Programang Pangkalusugan

-Programang Pangkabuhayan

-Programang Pangkapayapaan at Kaayusan

-Programang Pang-agrikultural

-Programang Pangkalikasan

-Programang Pang-Imprastrura
-Mahusay mga bata!!! Talagang may natutunan
kayo sa ating nakaraang aralin.

C. PAGHAHABI SA LAYUNIN NG
ARALIN

Bago tayo dumako sa ting aralin mayroon


akong Picture na ipapakita sa inyo at sabihin
niyo kung ano ang inyong nakikita.

-Ma’am tungkol po ito sa pagiging Maka


Pilipino.
-Mahusay !!!

D. PAG-UUGNAY NG MGA
HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN

Ngayon ay alamin natin ang Batayan ng


Pagkamamamayan . at kung Paano nakikilala
ang pagkamamamayan ng mga Pilipino .
May ideya ba kayo kung ano ang
pagkamamamayan.?

Ang pagkamamamayan ay tumutukoy sa


pagiging bahagi ng isang tao sa isang teritoryo -Wala po.
o estado na nagtatamasa ng mga karapatang
pantao, panlipunan, at pulitikal na pinaiiral itto.

Ayon sa saligang batas 1987, Artikulo IV,


Seksyon I, ang mga mamamayang Pilipino ay
ang mga sumusunod:

Pakibasa :

1. Iyong mga mamamayan ng Pilipinas nang


mapagtibay ang Saligang Batas.

2. Ang iyong ama at ina ay mga mamamayang


Pilipino.

3. Ang iyong ina ay Pilipino at isinilang bago


sumapit ang Enero 17, 1973, at pinipili ang
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa
hustong gulang.
-Hindi lahat ng mga naninirahan sa Pilipinas ay
mga mamamayang Pilipino. Nagtataglay ng 4. Iyong naging mamamayang Pilipino ayon sa
buong karapatang sibil at pulitikal ang isang naturalisasyon.
mamamayang Pilipino. Ang ibang naninirahan
sa ating bansa ay mga dayuhan lang. hindi sila
nagtatamasa ng mga karapatan ng
mamamayang Pilipino.

-ito ang Batayan ng Pagkamamamayan

Ang pagkamamamayan ay nahahati sa


dalawang uri: Ang Likas na Mamamayan at
ang Naturalisadong Mamamayan.

Pakibasa:

1. Likas na Pagkamamamayan

Sa batayang ito, ang pagkamamamayan ay


ayon sa pagkakapanganak. Ang una ay ang Jus
Sanguinis o batay sa relasyon ng dugo. Ayon
dito, ang batang isinilang ay sumusunod sa
pagkamamamayan ng kanyang mga magulang
o ng isa sa kanila.

Ang ikalawang batayan sa pagkamamamayan


ay ang Jus Soli. Ayon dito, ang
pagkamamamayan ng isang bata ay naaayon sa
lugar ng kaniyang kapanganakan at wala itong
Dito sa Pilipinas , ang prinsipyong Jus kinalaman sa pagkamamamayan ng kaniyang
Sanguinis ang sinusunod. Kung ang ama at ina magulang .
o isa sa kanila ay Pilipino, ang isang bata ay
ituturing na mamamayang Pilipino.

Ang prinsipyong Jus Soli o Jus Loci ay


sinusunod sa Estados Unidos kung saan ang
sinumang ipinanganak sa kanilang bansa ay
itinuturing na Amerikano.

Pakibasa :

2. Naturalisadong Mamamayan

Ang pagiging naturalisadong mamamayan ay


ang paraan kung saan natatamo ng mga
dayuhan ang pagkamamamayan ng isang bansa
sa pamamagitan ng hatol ng hukuman o batas
ng kongreso. Ito ay isang pormal o proseso ng
pagtanggap sa isang banyaga at pag kakaloob
sa kaniya ng mga pribilehiyo at karapatan
Upang maging isang Naturalisadong Pilipino, bilang mamamayang Pilipino.
ang isang dayuhan ay kailangang makatalima
sa mga sumusunod:

Pakibasa:

a. Hindi bababa sa 21 taong gulang sa araw ng


pagdinig ng kaso.

b. Naninirahan sa Pilipinas sa loob ng sampung


(10) tuloy-tuloy na taon. Ito ay maaring
maging (5) taon lamang kung:

1. Siya ay may hinahawakang


tungkuling pampubliko sa Pilipinas;

2. Siya ay nakapagtatag ng industriya o


bagong imbensyon;

3. Siya ay nakapag-asawa ng Pilipino;

4. Siya ay nakapagturo ng dalawang


taon sa pribado o pampublikong
paaralan;

5. Siya ay ipinanganak sa Pilipinas.


c. Siya ay may mabuting pagkatao;

d. SIya ay may ari-arian at matatag na


hanapbuhay;

e. Siya ay may anak na pinag aral sa Pilipinas ;

f. Siya ay nakapagsasalita at nakapagsusulat ng


Ingles o Kastila at isa sa mga pangunahing
wika sa Pilipinas;

g. Siya ay naniniwala sa Saligang Batas ng


Pilipinas at
Naiintindihan niyo ba mga bata .
h. May pagtanggap sa Kulturang Pilipino.

Mukhang handa na kayo sa ating activity.


-Opo!!!

E. PAGLINANG SA KABIHASNAN

(Hahatiin sa dalawang grupo ang klase).

Kumpletuhin ang Balangkas sa ibaba ayon sa


katangian ng pagkamamamayang Pilipino.

(Ang klase ay mahahati sa dalawang grupo.)

Sagot:

1.Siya ay naniniwala sa Saligang batas ng


Pilipinas

2.May Mabuting pagkatao

3.Ang ama at ina ay kapwang Pilipino


F. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG
4.May pagtanggap sa kulturang Pilipino
ARAW-ARAW NA BUHAY

Paano nakikilala ang pagkamamamayan ng


isang Pilipino ?

- Ang pagkamamamayan ay ang


Sino ang mamamayang Pilipino ? pagiging bahagi ng isang estado o
bansa na nagtatamasa ng karapatang
pantao,pulitikal at panlipunan.

-Ang mamamayang Pilipino ay nakatira sa


pilipinas.
G.PAGLALAHAT SA ARALIN

- Ang pagkamamamayan ay ang pagiging .


bahagi ng isang estado o bansa na nagtatamasa
ng karapatang pantao pulitikal , at panlipunan.
Pero dapat mga bata kahit ano o sino man sila
ay matututo tayo rumespeto ng kapwa kahit na
magkakaiba kayo ng pinagmulan.

GAWAIN 1

Isulat ang T sa patlang kung tama ang


isinasaad ng pangungusap at M kung ito ay
hindi tama.

_____________1. Maaring matamasa ng isang


dayuhan ang pagkamamayang Pilipino.

_____________2. Ang mga batang may ama at


inang Pilipino ay mga mamamayang Pilipino.

_____________3. Ang Lahat ng naninirahan


sa Pilipinas ay mga Pilipino. 1. TAMA

____________4. Maaring mawala ang 2. TAMA


pagkamamamayan kung ikaw ay hindi
3. MALI
naniniwala sa Saligang Batas ng Pilipinas.
4. TAMA
____________5. Dapat tayong manatiling
tapat sa ating republika. 5. TAMA

____________6. Maituturing kang Pilipino 6. TAMA


kahit banyaga ang iyong mga magulang basta
sa Pilipinas ka nakatira. 7. TAMA

____________7. Tinatamasa rin ng mga 8. MALI


dayuhan ang lahat ng karapatan ditto sa ating 9. MALI
bansa.
10. TAMA
____________8. Hindi ka Pilipino kung ang
iyong ina lamang ang Pilipino.

____________9. Maaring mawala ang iyong


pagkamamamayang Pilipino kapag nagpunta
ka sa ibang bansa.

___________10. Ang anak ng mag-asawang


Australyano na ipinanganak sa Pilipinas ay
isang Pilipino.
IV. PAGTATAYA SA ARALIN
Kilalanin ang mga sumusunod na tauhan at lagyan ng TSEK ang kahon ng mga mamayang
Pilipino.

1. Si Minda ay isang anak ng Amerikano at Pilipino. Naninirahan siya sa Pilipinas.

2. Kapwa Pilipino ang mga magulang ni Carmela. Sa Amerika siya ipinanganak.

3. Ang ina ni Richard ay Pilipino at ang kaniyang ama ay Tsino.

4. Ang ama at ina ni Clark ay kapwa Amerikano. Naninirahan sila sa Pilipinas.

5. Si Mark ay isang sundalo subalit sumali siya sa sandatahang lakas ng Amerika.

V. TAKDANG ARALIN
Magbigay ng mga Pambansang sagisag ng Pilipinas. Isulat sa isang buong papel.

You might also like