You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII – Easter Visayas
Schools Division of Samar
Sta. Margarita I District
STA. MARGARITA NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Margarita, Samar

SEPTEMBER 20&22, 2022


Semi - Detailed Lesson Plan sa Grade 10 – Araling Panlipunan

I. LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Ang mag-aaral ay may pag- unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga hamong pangkapaligiran
upang maging bahagi ng pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng tao

B. PAMANTAYANG PAGGANAP:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran tungo
sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao

C. KASANAYANG PAGKATUTO: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung


pangkapaligiran ng Pilipinas

D. KODA:
E. TIYAK NA MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Maalala o malaman ang mga anyo at uri ng likas na yaman


b. Natatalakay ang mga sanhi at bunga ng pagkasira ng mga likas na yamang gubat at lupa
c. Maunawaan ang mga masasamang epekto kapag nasira ang mga likas na yamang gubat
at lupa

II. PAKSANG ARALIN:

 PAKSA:Hamon Pang-Kapaligiran sa Likas na yaman: Yamang Gubat at Lupa


 SANGGUNIAN: https://www.youtube.com/watch?v=CMzBwAc_j2s,
 KAGAMITAN: TV, LAPTOP, CHALK, CHALKBOARD.
 Estratehiya: Inquiry-based, Video-based.

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN:
- Panalangin
- Pagbati
- Pagsasa-ayos ng silid
- Pagtatala ng liban
B. PAGGANYAK(MOTIBASIYON) O BALIK-ARAL:

- Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral tungkol sa nakaraang aralin.

1. Batas Republika 9003 ay kilala bilang, ano?


2. Magbigay ng isang kahalagahan ng pagbubukod ng mga basura.
3. Ano ba ang dapat gawin sa mga basura para maiwasan ang problema sa solid waste?

- Ang guro ay magpapatugtog o magpapakita ng isang kanta at magtatanong tungkol sa


kanilang napansin sa kanta.
Halimbawa:
1. Batay sa litrato at kanta, ano ang mga napapansin niyo?
2. Ano sa palagay nyo ang mga dapat gawin para maiwasan o masolusyunan ang problema
sa kapaligiran?

C. PAGLALAHAD

- Ilalahad ng guro ang paksa at mga layunin para alam ng mga mag-aaral ang dapat nilang
matutuhan sa araling ito.
Paksa: Hamon Pang-Kapaligiran sa LIkas na yaman: Yamang Gubat at Lupa
Layunin:
1. Maalala o malaman ang mga anyo at uri ng likas na yaman
2. Natatalakay ang mga sanhi at bunga ng pagkasira ng mga likas na yamang gubat at lupa
3. Maunawaan ang mga masasamang epekto kapag nasira ang mga likas na yamang gubat
at lupa

D. PAGTATALAKAY SA ARALIN
- Ang guro ay magpapakita ng isang vidyow na tumatalakay tungkol sa pagkasira ng yamang
gubat at lupa
- Magsisimula nang talakayin ng guro ang aralin kasama ang mga mag-aaral
(Inquiry method)

E. PAGLALAHAT/PAGPAPAHALAGA/PAGSASABUHAY
- Ang guro ay magtatanong tungkol sa mga mag-aaral tungkol sa kanilang natutuhan.

1. Anu – ano ba ang mga uri ng likas na yaman?


2. Magbigay ng isang anyo ng likas na yaman
3. Magbigay ng isang maaring maging epekto kapag nasira ang ating likas na yamang gubat at lupa

IV. PAGTATAYA:
A. Panuto: Basahin nang Mabuti ang mga tanong sa ibaba at isulat sa iyong kwaderno ang
LETRA ng tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng uri ng likas na yaman MALIBAN sa___?
a. Yamang Tubig b. Yamang Gubat c. Yamang Lupa d. Yamang Pera

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pagkasira ng likas na yamang gubat?

a. Ang pagiging disiplinado ng mga tao` c. Mapang-abusong paggamit nito


b. Pagtaas ng populasyon d. Walang ngipin na batas
3. Isa sa mga dahilan kung bakit nauubos o nasisira ang mga yamang gubat katulad ng mga
puno ay dahil sa _____?

a. Illegal logging c. Fuel Harvesting


b. Kaingin d. SANAOL

4. ISA sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit nasisira ang yamang lupa, ano ito?

a. Illegal Mining c. Illegal logging


b. Dynamite Fishing d. SANAOL

5. Ang mga sumusunod ay mga sanhi o dahilan kung bakit nagkakaroon ng landslide sa isang
lugar MALIBAN LANG SA ___?
a. Pagkalbo ng kagubatan
b. Pagkalambot ng lupa dahil sa kawalan ng puno
c. Pagkakaroon ng illegal mining
d. Pagtatapon ng basura

B. Ipaliwanag abg tanong na “Bakit sinasabing ang mga mahihirap na mamamayan ang pangunahing
naaapektuhan ng nagaganap na deforestation? 5 pts.

Susi sa Pagwawasto:
Konektado sa tanong ang sagot – 4
Kalinisan – 1

V. KARAGDAGANG GAWAIN:
Panuto: Magsaliksalik at isulat sa kwaderno ang mga batas na tumutugon o nagbibigay
solusyon sa suliranin sa likas na yamang gubat o lupa.

VI. PAGNINILAY/REPLIKSYON:
VII. MARKA:

INIHANDA NI: ISINURI NI:

JORDAN S. HULAR POLICARPO V. UY


Guro I DalubGuro I / Pinuno ng Departamento, Baitang 10

IWINASTO NI: INAPROBAHAN NI:

RONNEL A. RAMADA GLORIA B. TAMIDLES, JD


Ulong Guro I
Punong-Guro III

You might also like