You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN

SA ARALING PANLIPUNAN IV
GRADE IV – AGONCILLO/ 11:20 am – 12:00 pm

PEBRERO 7, 2020 (BIYERNES)

I. LAYUNIN:

A. PAMANTAYANG NILALAMAN:

- Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa kanyang


mga karapatan at tungkulin bilang mamamayang Pilipino

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP:

- Ang mag-aaral ay nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng pagganap sa


kanyang tungkulin bilang mamamayan ng bansa at pagsasabuhay ng kanyang karapatan.

C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO:

- Natatalakay ang mga tungkuling kaakibat ng bawat karapatang tinatamasa. (AP4KPB-IVc-3)

II. NILALAMAN:

ARALIN 4: Mga Tungkuling Kaakibat ng mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian:

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro TG pp. 158 - 162


2. Mga Pahina sa Kagamitan ng Mag-aaral LM 354 - 361
3. Karagdagang kagamuitan mula sa portal ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo

(kwaderno, PPTx, mga larawan, flashdrive, TV Monitor, metacard, puzzle, crossword puzzle)

IV. PAMAMARAAN:

PANIMULA:

PAGSASANAY

Buuin ang puzzle ukol sa Karapatan ng bata na “Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at
aktibong katawan”
A. BALIK-ARAL:

Hanapin sa kahon ang mga sumusunod na salita. Bilugan ang mga ito.
T U N G K U L I N B A E T Q P T N C M K

A K L M V M C V G A D N G H A H M L M A

W B B N I I T C B N S D C O G C O T A R

A C K X C K M X V S W C A T M V O N U A

T L D G T D F K C A A A B B A Y A N E P

A B I M O V K Z X C X D V B M R R N B A

W K O K R C A V Z X C A A D A S D F G T

X M A Y K A P A N G Y A R I H A N I J A

L D M L D Q W L S G D E B S A Q W E R N

C C T M A V A W P A M A H A L A A N Y U

PAMAHALAAN KAPWA WATAWAT


TUNGKULIN PAGMAMAHAL BAYAN
BANSA MAYKAPANGYARIHAN KARAPATAN

B. PANLINANG NA GAWAIN:

1. PAGGANYAK:

Tukuyin ang mga sumusunod na larawan. Sabihin kung paano sila nagkaroon ng
kaugnayan sa bawat isa.

=
2. PAGLALAHAD:

Magkaroon ng pantomime ng mga sumusunod:

a. Dalawang mag-aaral na nagkukuwentuhan at hindi nagkikinig sa guro (Karapatan sa edukasyon)


b. Batang pinapakain ng gulay ngunit ayaw kumain. (Karapatan sa pagkain o maging malusog)
c. Batang yakap ng magulang ngunit nanghahampas (Karapatan sa pagmamahal sa magulang)
d. Batang naglalaro habang nagsisimba. (Karapatan sa relihiyon)
e. Tinderang nandaraya sa timbangan (karapatang mamili ng hanapbuhay)

Ipatukoy ang mga karapatang Nakita nila sa pantomime. Ipasulat ito sa pisara.

Isa-isahin ang mga mali sa pantomime.

a. Tama ba na may karapatan lamang ang mga tao?


b. Ano kaya ang kailangang kaakibat nito?
c. Ano kaya ang mangyayari kung ang karapatan ay walang kasamang tungkulin?
d. Ano ang katapat ng bawat karapatan?

TUNGKULIN = KARAPATAN

C. PANGKATANG-GAWAIN:

a. Hatiin ang klase sa limang (5) grupo at pangalanan itong Pangkat 1 - EDUKASYON, Pangkat 2 - PAGKAIN,
Pangkat 3 – PAGMAMAHAL SA MAGULANG, Pangkat 4 – RELIHIYON at Pangkat 5 - HANAPBUHAY

Pangkat EDUKASYON: Maglista ng mga tungkuling kaakibat sa KARAPATAN SA EDUKASYON.

Pangkat PAGKAIN: Gumuhit ng larawan o poster ang kaakibat sa KARAPATAN SA PAGKAIN O MAGING
MALUSOG

Pangkat PAGMAMAHAL SA MAGULANG: Gumawa ng tableau upang ipakita tungkuling dapat kaakibat
PAGMAMAHAL SA MAGULANG

Pangkat RELIHIYON: Gumawa ng islogan upang ipakita tungkuling kaakibat sa KARAPATAN SA RELIHIYON

Pangkat HANAPBUHAY: Gumawa nang maikling dula-dulaan upang ipakita tungkuling kaakibat KARAPATANG
MAMILI NG HANAPBUHAY

PAMANTAYAN SA ISANG PANGKATANG-GAWAIN SA ISANG PRESENTASYON

ESKALA NG PAGPUPUNTOS:
5 – LUBOS NA KASIYA-SIYA
4 – KASIYA-SIYA
3- NANGANGAILANGAN NG PAGPAPABUTI
D. PAGTALAKAY

Mga Kaakibat na tungkulin ng ating mga karapatan. Sumangguni sa LM pahina 355 – 356 para sa iba
pang mga tungkuling kaakibat ng karapatan.

KARAPATANG SA
EDUKASYON

Mag-aral nang Magtapos ng


mabuti pag-aaral

Magkaroon ng oras at
pagpapahalaga sa
pag-aaral

E. PAGLALAPAT:

Ilgay sa tamang kolum ang mga kaakibat na tungkulin ng bawat karapatan. Piliin ang mga sagot
sa kahon.

KARAPATAN SA KARAPATAN SA KARAPATAN SA KARAPATAN SA KARAPATANG


EDUKASYON PAGKAIN O MAGING PAGMAMAHAL SA RELIHIYON MAMILI NG
MALUSOG MAGULANG HANAPBUHAY

Magsimba tuwing araw ng Linggo. Sumunod sa utos ng magulang. Gumawa ng mga takdang-aralin.

Kumain ng gulay at prutas. Pumasok sa paaralan ng tamas sa oras. Nagtitinda ng mga pabulok na delata.

Magpuri at magpasalamat sa Panginoon. Mag-ehersisyo. Magbigay galang sa mga magulang.

Tinderang nagbibigay ng tamang sukli.

F. PAGLALAHAT:

Ano ang katumbas ng bawat nating karapatan?

Ang bawat karapatan ay may katumbas na tungkulin na tungkulin na dapat gampanan para sa
ikabubuti ng sarili, upang maging mapayapa ang pamayann at upang maging kaagapay ng bansa sap ag-unlad.

TUNGKULIN = KARAPATAN
G. PAGTATAYA:

DIREKSYON: Ang bawat ay larawan ay nagpapakita ng maling tungkuling kaakibat ng karapatan. Bilugan ang
pangungusap na magtatama sa bawat tungkuling kaakibat ng karapatan.

1. 2.

Nagtatapon ng tirang pagkain. Panghihiya sa kapwang may ibang relihiyon.

A. Itabi ang tirang pagkain. A. Mahalin ang kapwa kahit ano relihiyon.
B. Hayaang itapon ang tirang pagkain. B. Ipagpatuloy ang panghihiya.
C. Laging magtira ng pagkain. C. Magtawag pa ng mga kasama sa pangungutya.
D. Huwag magluto ng sapat na pagkain. D. Huwag makialam kapag nakakita nito.

3. 4.

Ang mga mag-aaral ay nagsasayang ng Ayaw making sa magulang.


oras sa computer shop.

A. Manghingi lagi ng sobrang baon A. Hayaang talikuran ang mga magulang.


sa pagko-computer. B. Umalis ng bahay.
B. Pumasok araw-araw sa klase. C. Mahalin at making sa mga magulang.
C. Magsinungaling sa magulang tungkol D. Gumawa ng ibang bagay.
sa pagpasok sa paaralan.
D. Magbakarda.

KASUNDUAN:

- Pag-aralan ang susunod na paksang tatalakayin, Aralin 5: “ Kahulugan at Kahalagahan ng Gawaing


Pansibiko”, LM pahina 362 - 366.

You might also like