You are on page 1of 6

DETAILED LESSON PLAN SA ARALING PANLIPUNAN10

KONTEMPORARYONG ISYU

I. LAYUNIN
1. natutukoy ang konsepto at katuturan ng pagkamamamayan o citizenship
2. nauunawaan ang mga katangian ng isang mabuti at aktibong mamamayan.
II. NILALAMAN
a. Paksa: Konsepto at Katuturan ng pagkamamamayan
b. Sanggunian: Ikaapat na Markahan –Modyul 1 Araling Panlipunan (Pahina

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin- (Tumayo muna ang - (Our father ………) Amen.
lahat para sa isang panalangin)

2. Pagbati sa mag-aaral
- Magandang Umaga sa inyong lahat! - Magandang umaga din po!
Kamusta naman kayo? Okay naman po.
3. Pag-aayos ng Silid

4. Pagtala ng Liban
- May mga lumiban ba sa klase - Wala po !
ngayon? Kung mayroon, sino?

5. Pagbabalik-Aral – - Ang ating talakayan noong


- Ano ang ating tinalakay noong nakaraang araw ay tungkol sa
nakaraan? Sino ang maaaring magbahagi? Karahasan at Diskriminasyon.
- Ito po ay tungkol sa konsepto
ng gender at sex.

B. Gawain 1. Suriin ang mga larawan


at sabihin kung ano ang ipinapahiwatig
nito.
- Ano ang ipapakit ng Larawan?

(Ito po ay nagpapakit ng paggalang


sa watawat ng Pilipinas
)
(Ito po ay nagpapakit ng pagtangkilik
sa gawang pinoy.)

(Ito po ay mga rules sa batas


trapiko.)
(Nagpapakita po ito ng Pagpili
sa Pilipinas)

C. Pagtatalakay
- Ang ating paksang pag-uusapan ay
tungkol sa Konsepto at Katuturan ng
Pagkamamamayan.

Ang konsepto ng Citizenship


(pagkamamamayan) o ang kalagayan o
katayuan ng isang tao bilang miyembro ng
isang pamayanan o estado ay maaaring
iugat sa kasaysayan ng daigdig.

Pamantayan ng pagiging isang mamamayan


ng pilipinas.
 Mga naging mamamayan ng
pilipinas sa panahon ng
pagpapatibay ng saligang
batas 1987.
 Ang ama at ina ay
mamamayan ng Pilipinas.
 Mga naging mamamayan ayon
sa batas ng Pilipinas.

Maaaring mawala ang pagkamamamayan


ng isang indibiduwal dahil sa mga
sumusunod:

1. Kung siya ay sasailalim sa proseso ng


naturalisasyon sa ibang bansa.
2. Ang panunumpa ng katapatan sa
Saligang- Batas ng ibang bansa.
3. Tumakas sa hukbong sandatahan ng
ating bansa kapag may digmaan.
4. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.

Dalawang Prinsipyo ng
Pagkamamamayan
1. Jus Sanguinis – ang pagkamamamayan
ay nakabatay sa pagkamamamayan ng
isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang
prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
2. Jus Soli o Jus Loci - ang
pagkamamamayan ay nakabatay sa
lugar kung saan siya ipinanganak. Ito
ang prinsipyong sinusunod sa
Amerika.

- Ang isang responsableng mamamayan ay:


1. Makabayan
2. May pagmamahal sa kapwa
3. May respeto sa karapatang pantao
4. May pagpupunyagi sa mga bayani
5. Gagap o malalim ang kaalaman sa
mga karapatan at tungkulin bilang
mamamayan
6. May disiplina sa sarili
7. May kritikal at malikhaing pag-iisip.

- Gawaing maaaring makatulong sa ating


bansa.

1. Sumunod sa batas- trapiko. Sumunod


sa batas.
2. Laging humingi ng opisyal na resibo
sa anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga bagay na
smuggle. Bilhin ang mga lokal na
produkto. Bilhin ang gawang- Pilipino.
4. Positibong magpahayag ng tungkol sa
atin gayundin sa sariling bansa.
5. Igalang ang nagpapatupad ng batas-
trapiko, pulis at iba pang
lingkodbayan.
6. Itapon nang wasto ang basura.
Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
7. Suportahan ang inyong simbahan.
8. Tapusin ng may katapatan ang
tungkulin sa panahon ng eleksiyon.
9. Maglingkod nang maayos sa
pinapasukan.
10. Magbayad ng buwis.
11. Tulungan ang isang iskolar o isang
batang mahirap.
12. Maging mabuting magulang. Turuan ng
pagmamahal sa bayan ang mga anak.

D. Paglalahat
1. Ano ang konsepto na nakapaloob sa - (Sasagot ang mga mag-aaral)
pagiging bahagi ng pamayanan?
2. Bakit mahalaga ang aktibong
pakikilahok sa mga Gawain na nagsusulong - (Mahalaga po ito dahil kabilang
ng kabutihan ng isang pamayanan? po kami sa lipunan)

E. Pagpapahalaga
- Bilang isang mag-aaral, paano mo
maipapakita ang pagrespeto sa mga
batas at responsibilidad ng tao sa isang ( iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral)
pamayanan?

F. Paglalapat.

Gawain: Pilipino o Hindi? Panuto:


Tukuyin kung ang mga sumusunod na
sitwasyon ay nagpapakita ng pagkapilipino o
hindi.
- Pilipino
1. Si Julius ay isang anak ng isang Bikolano.
Naninirahan sila sa Maynila. Pilipino o hindi?
- Hindi
2. Nagpupunta sa Boracay ang
Amerikanong si Jacob tuwing sasapit ang
mahal na araw. Pilipino o Hindi? Paano mo
- Hindi
nasabi?
3. Si kapitan Guerrero ay isang sundalong
Pilipino na naninirahan sa Mindanao. Nang
sumiklab ang gyera, ay tumakas siya kasama
- Pilipino
ang kanyang pamilya. Pilipino o Hindi?
Ipaliwanag.
4. Si Bella ay Pilipino na pinanganak sa
America. Ginamitan ito ng prinsipyong Jus
Sanguinis
Hindi
5. Si Jordan ay isang American citizen na -
naninirahan sa Pilipinas.

G. PAGTATAYA
PANUTO: Isulat ang salitang Tama kung ang
pahayag ay nagpapakita ng
Pagkamamamayan at salitang MALI kung
hindi.

__________1. Ang pagkamamamayan ay na


kalagayan ng isang indibidwal sa isang
nasyon-estado.
__________2. Gagamitin ang pamamaraang
ipinapahintulot ng batas upang iparating sa
kinauukulan ang kanyang mga hinaing at
saloobin.
__________3. Ang pagkamamamayan ng
isang bata ay nakabatay sa kanyang mga
magulang.
__________4. Ang isang responsableng
mamamayan ay isang taong may
pagmamahal sa kapwa Pilipino.
________5. Ang pagbabayad ng buwis ay
isang Gawain upang matulungan ang
bansang iyong kinabibilangan.

IV. TAKDANG ARALIN


Gumawa ng Slogan na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan at pagkapilipino

You might also like