You are on page 1of 30

Topograpiya ng

Pilipinas
Ano ang topograpiya?

Ang topograpiya ay tumutukoy sa katangiang


pisikal ng bansao pook batay sa mga nayong lupa
at mga nayong tubig nito.
Mga Anyong Lupa
KAPATAGAN
Ang kapatagan ay malawak at patag nas lupain.
Ang mga kapatagan ay karaniwang ginagawang
sakahan. Ang pinakamalawak na kapatagan sa
bansa ay ang Kapatagan ng Gitnang Luzon.
BUNDOK
Ang bundok ay mataas na nayong lupa at may
matarik ng dalisdis. Malawak ang ibaba nito ngunit
kumukitid pataas sa taluktok. Ang pinakamataas na
bundok sa Pilipinas ay ang Bundok Apo sa Davao
del Sur.
BULUBUNDUKIN
Ang bulubundukin ay hanay ng mga bundok.
Ang pinakamahabang bulubundukin sa bansa ay
ang Bulubundukin ng Sierra Madre. Ilan pa sa
bulubundukin sa bansa ang Bulubundukin ng
Cordellera at Bulubundukin ng Caraballo.
LAMBAK
Isang mahabang kapatagan sa pagitan ng mga
burol o bundok ang lambak. Magandang sakahan
ang lupa sa lambak dahil mataba ang lupa nito.
Ang Lambak ng Cagayan ang pinakamalaking
lambak sa Pilipinas.
BULKAN
Ang bulkan ay lupain na kawangis ng bundok
ngunit ito ay may bunganga sa tuktuk at ito ay
nagbubuga ng apoy, asupre, lava at mga bato.
Tanyag sa bansa ang Bulkang Mayon, Bulkang
Taal at Bulkang Pinatubo.
TAlAMPAS
Ang talampas ay patag na lupa sa itaas ng
bundok.
Ang Baguio at Tagaytay ay mga kilalang
talampas sa Pililinas.
BUROL
Mataas na lupain ang burol ngunit ito ay di-
sintaas ng bundok. Pinakakilalang burol sa bansa
ang Chocolate Hills sa Bohol.
TANGWAY
Ang tangway ay mahabang luping halos buung-
buong naliligiran ng tubig at nakaugnay sa mas
malaking masa ng lupain.
Ang Zamboanga at Bicol ay halimbawa ng
tangway sa Pilipinas
Mga Anyong TUBIG
DAGAT
Ang dagat ay bahagi ng karagatan na malapit sa
lupa. Ilan sa mga dagat sa Pilipinas ay ang Dagat
ng Sulo, Dagat Sibuyan at Dagat Camotes
LOOK
Ang look ay maluwag na bunganga ng lupa sa
baybayin na pinapasok ng tubig mula sa dagat. Ilan
sa mga look na matatagpuansa bansa ay ang Look
ng Maynila, Look ng Subic at Look ng Sapian sa
Capiz
GOLPO
Ang golpo ay kahawig ng look sa anyo ngunit
ang bunganga nito ay karaniwang higit na
maluwang kaysa sa look. Ang pinakamalaking
golpo sa bansa ay ang Golpo ng Moro sa
Mindanao. Ilan pa sa golpo sa bansa ang Golpo ng
Leyte.
LAWA
Ang lawa ay anyong tubig na buung-buong
naliligiran ng lupa. Ang mga pangunahing lawa sa
Pilipinas ay ang Lawa ng Laguna, Lawa ng Taal at
Lawa ng Lanao.
ilog
Ang ilog ay isang mahaba at makipot na nayong
tubig na nagwawakas sa isang higit na malaking
anyong tubig.
Ilang halimbawa ng ilog sa bansa ang Ilog ng
Cagayan, Ilog Pasig at Ilog Angat.
TALON
Ang talon ay anyong tubig na bumabagsak mula
sa dalisdis ng bundok .
Nagiging pangunahing atraksiyon ang mga talon
tulad ng Talon ng Maria Cristina at Talon ng
Pagsanjan.
KIPOT
Ang kipot ay makitid na anyong tubig na nag-
uugnay sa dalawang malaking anyong tubig.
Pinakamalaking kipot sa bansa ang kipot ng San
Juanico. Nariyan din ang Kipot ng Tablas.
Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Titik lang ang
isulat sa inyong papel

A B
1.Malawak at patag na lupain a. burol
2.Nasapagitan ng mga burol o bundok b. kapatagan
3.Patag na lupain sa itaas ng bundok c. talampas
4.Hanay ng mga bundok d. lambak
5.Bahagi ng isang malaking lupain e. tangway
f. bulubundukin
Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Titik lang ang
isulat sa inyong papel
A B
1. Dumadaloy mula sa dalisdis a. lawa
2. Buung-buong naliligiran ng lupa b. kipot
3. Nagwawakas sa mas malaking c. bukal
anyong tubig d. dagat
4. Bahagi ng karagatan na malapit sa lupa e. talon
5. Makitid na anyong tubig na nag-uugnay e. look
sa dalawang malaking anyong tubig
Punan ang tsart ng mga halimbawa

Anyong Lupa:
BUNDOK BULKAN LAMBAK TALAMPAS
1 1. 1. 1.
2 2. 2. 2.

Anyong Tubig:
DAGAT TALON LAWA ILOG
Punan nang tamang salita ang bawat patlang upang mabuo
ang talata na naglalarawan sa topograpiya ng bansa. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.
Matatagpuan sa Pilipinas ang iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig. Sa katunayan ang Pilipinas ay binubuo ng (1)
_____________ na pulo. Ang pinakamalawak na (2) ________________ sa bansa ay ang Gitnang Luzon. Dito rin matatagpuan
ang pinakamaliit na (3) ________________ sa buong mundo, ang Taal. Kung may patag na lupa sa bansa mayroon ding mga (4)
________________. Ang pinakamataas sa mga ito ay matatagpuan sa Davao – ang Apo. Isasa mga magandang tanawin na
matatagpuan sa bansa ay ang Chocolate Hills na isang halimbawa ng (5)_______________.
Mayaman din sa mga anyong tubig ang bansa. Ang pinakamahabang (6)_____________ sa bansa ay ang ilog ng
Cagayan. Niriyan din ang mga naggagandahang mga (7) __________________ tulad ng Ma. Cristina at Pagsanjan. Makikita rin
sa bansa ang (8) ___________________ ng San Juanico.

bulkan ilog kipot bundok


7,101 burol talon kapatagan
7,107

You might also like