You are on page 1of 8

Aspekto ng

Pandiwa
Pagbabanghay ng Pandiwa Ayon sa
Iba’t ibang Aspekto
ASPEKTO NG PANDIWA

Katangian ng pandiwa na nagsasaad kung


naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos, at kung
nasimulan na at kung natapos nang ganapin o
ipinagpapatuloy pa ang pagganap.
APAT NA ASPEKTO NG PANDIWA

1. Perpektibo (Naganap) – nagsasaad ng kilos na natapos na

2. Imperpektibo (Nagaganap) – nagpapahayag ng kilos na


nasimulan na ngunit di pa natatapos at
kasalukuyan pang ipinagpapatuloy.
3. Kontemplatibo (magaganap) - Naglalarawan ng kilos na
hindi pa nasimulan
4. Perpektibong Katatapos - Nagsasaad ito ng kilos na
kayayari o katatapos lamang bago
nagsimula ang pananalita
PAGBABANGHAY
NG PANDIWA
Sa mga pandiwang may inisyal na ponemang m
Perpektibo – ang m ay napapalitan ng n
Imperpektibo – mananatiling ang m ay nananatilin n at inuulit
ang unang pantig ng salitang ugat
Kontemplatibo – babalik ang n sa m at nagkakaroon pa rin ng
pag-uulit sa unang pantig ng salitang-ugat
Perpektibong Katatapos – gumamit ng panlaping ka at inuulit
ang unang pantig ng salitang-ugat
ANYONG KONTEMPLATIB PERPEKTIBONG
PERPEKTIBO IMPERPEKTIBO
PAWATAS O KATATAPOS
mahuli nahuli nahuhuli mahuhuli kahuhuli
magtapon nagtapon nagtatapon magtatapon katatapon
manghakot nanghakot nanghahakot manghahakot kahahakot
Sa mga pandiwang may panalaping um
Perpektibo – magkapareho lamang ito sa anyong pawatas
Imperpektibo – mananatili ang panlaping um at inuulit ang
unang pantig ng salitang ugat
Kontemplatibo – nawawala ang panlaping um at nagkakaroon
pa rin ng pag-uulit sa unang pantig ng salitang-ugat
Perpektibong Katatapos – gumamit ng panlaping ka at inuulit
ang unang pantig ng salitang-ugat

ANYONG KONTEMPLATIB PERPEKTIBONG


PERPEKTIBO IMPERPEKTIBO
PAWATAS O KATATAPOS
umalis umalis umaalis aalis kaaalis
sumali sumali sumasali sasali kasasali
kumuha kumuha kumukuha kukuha kakukuha
Sa mga pandiwang may panalaping –in/-hin
Perpektibo – ang hulaping in ay nagiging unlapi kung ang
salitang ugat ay nagsisimula sa patinig at gitlapi kung katinig
Imperpektibo – mananatili ang panlaping –in/-hin sa
unahan/gitna at inuulit ang unang pantig ng salitang ugat
Kontemplatibo – ibinabalik ang –in/-hin sa hulihan at
nagkakaroon pa rin ng pag-uulit sa unang pantig ng salitang-
ugat
Perpektibong Katatapos – gumamit ng panlaping ka at inuulit
ang unang pantig ng salitang-ugat
ANYONG KONTEMPLATIB PERPEKTIBONG
PERPEKTIBO IMPERPEKTIBO
PAWATAS O KATATAPOS
awitin inawit inaawit aawitin kaaawit
basahin binasa binabasa babasahin kababasa
takutin tinakot tinatakot tatakutin katatakot
Sa mga pandiwang may panalaping –an/-han
Perpektibo – ang hulaping an/han ay nananatili ngunit nadaragdagan
ng unlaping-in kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa patinig at
gitlaping -in- kung katinig
Imperpektibo – mananatili ang hulaping –an/han, mananatili ang
panlaping –in/-hin sa unahan/gitna at inuulit ang unang pantig ng
salitang ugat
Kontemplatibo – mananatili ang hulaping –an/han, mawawala ang –
in/-hin at nagkakaroon pa rin ng pag-uulit sa unang pantig ng
salitang-ugat
Perpektibong Katatapos – gumamit ng panlaping ka at inuulit ang
unang pantig ng salitang-ugat
ANYONG KONTEMPLATIB PERPEKTIBONG
PAWATAS PERPEKTIBO IMPERPEKTIBO O KATATAPOS
asahan inasahan inaasahan aasahan kaaasa
tawagan tinawagan tinatawagan tatawagan katatawag
walisan winalisan winawalisan wawalisan kawawalis

You might also like