You are on page 1of 12

Pangatnig

Inilahad ni: Naisha Allison S. Panganiban


Pangatnig
-tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa
dalawang salita,parirala o sugnay na pinagsunod-
sunod sa isang pangungusap.

Halimbawa:
AT,PATI,SAKA,NI,MAGING,SUBALIT,NGUNIT, at
KUNG.
Walong Uri
ng
Pangatnig
9/16/2019
Pamukod
-ito ay ginagamit sa pagbubukod o pagtatangi
halimbawa nito ay o,ni,at,man,maging

Halimbawa:
Hinugasan ni Jelay ang aking kinainang
plato.

9/16/2019
Panubali
-ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan
halimbawa nito ay kung, sakali, sana,
kapag.

Halimbawa:
Sana bago sumapit ang kapaskuhan ay
dumating na ang itay.

9/16/2019
Paninsay
-ito ay ginagamit kung sinasalungat ng unang
bahagi ng pangungusap ang pangalawang bahagi
nito.Halimbawa nito ay kahit, kahit man,
ngunit, dapatwat, subalit, samantala, bagamat.

Halimbawa:
Lahat ng kagustohan mo ay ibinigay
niya,kahiman nagawa mo parin siyang lokohin.

9/16/2019
Pananhi
-ito ay nagbibigay ng dahilan o katuwiran
para sa pagkakaganap ng kilos halimbawa
nito ay sapagkat, dahil sa, sanhi sa.

Halimbawa:
Mapapatawad ko lahat ng ginawa niya
,sapagkat mahal ko siya.

9/16/2019
Panapos
-ito ay nagsasabi ng nalalapit na katapusan
ng pagsasalita halimbawa nito ay sa wakas,
upang, sa lahat ng ito.

Halimbawa:
Matagal ang ginawang pagtatalumpati ng isang
kandidato sa wakas natapos din ito.

9/16/2019
Panlinaw
-ito ay ginagamit upang ipaliwanag ang
bahagi o kabuuang ng isang nabanggit.

Halimbawa:
Nagkausap-usap na ang magkakaibigan, kung
kaya sila ay magkakasundo na muli.

9/16/2019
Panimbang
-ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng
karagdagang impormasyon at kaisipan
halimbawa nito ay anupat, at saka, pati.

Halimbawa:
Si Enso pati si Selya ay isinama ng
kanilang lola sa pagsimba.

9/16/2019
Pamanggit
-ito ay gumagaya halimbawa nito ay
daw, raw, di umano.

Halimbawa:
Si Laurence daw ay tumama sa lotto ng
jackpot.

9/16/2019

You might also like