You are on page 1of 8

PAGSULAT NG

ESPESYAL NA
BALITA –
PAKIKIPANAYAM
O INTERBYU

Aldoyesa, Ivy
Batausa, Jobelle
Taneo, Floran
Tapi-on, Gemma
Katuturan

Ang pakikipanayam ay nasa paraan ng pagtatanong upang makakuha ng impormasyon


tulad ng kaisipan, opinion, o tanging kaalaman ukol sa isang paksang nakatatawag ng pansin at
kawilihan ng madla na karaniwa’y ukol sa mga tanyag at kilalang tao o kilalang awtoridad.

Ito ay isang paraan sa pagkuha ng impormasyon, datos o opinyon na gagamitin sa


pagsulat.

Ang Interbyung Pasalaysay

Karaniwan, ang tuwirang mga balitang salaysay ay batay sa interbyu o mga interbyu.Ang
interbyung pasalaysay ay isang pormal na usapan bilang pangunahing batayan ng impormasyon.

Ang reporter ay maglalahad ng mga katanungan upang matamo ang impormasyon tulad
ng opinyon, mga ideya o espesyal na impormasyon batay sa paksang interesado ang
publiko.Karaniwan ay mula sa mga prominenteng tao o mga kinikilalang awtoridad sa lipunan.

Pagsasagawa ng Pakikipanayam o Interbyu

1. Ang maayos na kaanyuan.

2. Dumating sa takdang oras.

3. Mapitagan, laging handa at interesado. Kailangang makinig lamang, hindi magbibigay ng


sariling ideya o makipagtalo sa kakapanayamin.

4. Maglaan ng ilang minuto upang magkapalagayan at makuha ang loob ng kakapanayamin.

5. Huwag isulat lahat ng sinabi ng kinapanayam. Piliin ang mahahalagang bahagi lamang
tulad ng: mahahalagang pangalan, mga bilang at tuwirang sinabi.

6. Magtanong sa tamang pagkakataon.

7. Iwasan ang mga katanungang makapagdudulot ng kahihiyan o magbibigay ng hindi


kaaya-ayang impormasyon.

8. Iwasan hangga’t maaari ang mga katanunganng ang sagot ay oo at hindi.

9. Isulat sa unang pahina ng notebook ang mga titik o salita na susi sa mga tanong upang
hindi malimutan ang mga ito.

10. Uliting malakas ang mga bilang at iba pang mahalagang pangyayari upang malaman
kung nakuha ng tama ang mga ito.

11. Huwag kalimutang mag pasalamat sa kinapanayam.

12.

Apat na Uri ng Pakikipanayam

1. Pakikipanayam tungkol sa opinion – ang tao ay kinakapanayam dahil sa siya ay


awtoridad o may kaalaman sa isang bagay. Isinasagawa ito upang makakuha ng
komentaryo o opinion sa mga taong kilala at may awtoridad.

2. Pakikipanayam tungkol sa personalidad – ang personalidad ng isang tao ay ang


nagiging batayan at hindi dahil sa kanyang kuru-kuro. Ang pakikipanayam sa isang
sikat na tao na may kinalaman sa kanyang pagkatao ay magiging kawili-wili sa mga
mambabasa.

3. Biograpikal – pakikipanayam tungkol sa talambuhay ng isang tao.

4. Pagsasama ng tatlong uring pakikipanayam o exclusive interview – ang


kinakapanayam lamang ang naroroon at maraming mamamahayag ang nagtatanong
sa kanya tulad ng pangulo ng bansa o sa isang tanyag na tao.
Ang pakikipanayam ay maaari ring:

Pormal– kung ang mamamahayag ay gumagawa ng pakikipagtipon sa taong kakapanayamin.


Ang sesyon ng sagot-tanong ay may kapaligirang pormal.

Di-pormal – kung ang sesyon ng tanong at sagot ay payak. Ang mamamahayag ay hindi
gumagawa ng pakikipagtipon sa taong kakapanayamin.

Ang pakikipanayam ay balita rin. Ang tao ay kawili-wili, ay siyaang gumagawa ng balita.
Ang resulta ng pakikipanayam ay maaaring hindi lubhang mahalaga sa kayaman ng bayan
subalit ito ay magagawang kawili-wili ng isang mahusay na mamamahayag.

Tuntunin sa Paghahanda ng Pakikipanayam

1. Tiyakin ang paksang tatalakayin at maging handa sa mga makabuluhang tanong sa


kakapanayamin.

2. Tiyakin na angkakapanayamin ay may malawak na kaalaman sa paksa.

3. Makipagtipan nang maayos tungkol sapetsa, araw, at oras upang mabigyan ng sapat na
panahon ng makapaghanda ang kakapanayamin.

4. Mag-imbestiga sa personalidad ng taong kakapanayamin.

5. Maging magalang sa pagtatanong.

6. Kung may impormasyon na hindi naitala sa mga sinabi, hilingin na ulitin muli ito.

7. Upang matiyak na wasto ang naitala, basahin ito sa kinapanayam.

8. Katapusan, magpasalamat sa taong kinapanayam.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Balita Batay sa Pakikipanayam o Interbyu

1. Sundin ang pagkakasunod-sunod ayon sa kahalagahan ng interbyu.

2. Para sa lathalaing interbyu, gamitin ang pinakaorihinal upang mabatid ang mabisang
pagkasunud-sunod. Karaniwang naiiwan ang mahalagang pananaw ng kinapanayam na
makatutulong nang malaki.

3. Magsimula sa angkop na pamatnubay. Karaniwan, ang tuwiran o di-tuwirang pagsipi ng


sinabi, ang paglalarawan sa nakaraan o ang magingibang pamamaraan ng pagsulat ay
epektibo.

4. Pag-ugnayin ang pamatnubay at ang unang talatang paksa.

5. Tiyakin na kaya ng suportahan ng pamatnubay ang buong istorya.

6. Ayusin ang pagtatalakay, magsimula sa pinakamahalagang impormasyon, mga opinion


sa mga magkasunod na talata na tuwirang siping sinabi at ang buod ng pahayag. Ang
lathalaing interbyu ay walang itinalagang batayan; ito ay malaya, batay sa pagkataong
kinapanayam at sa orihinalidad ng kumapanayam.

• Iwasto ang lahat ng pagkakamaling pang gramatika na nagawa ng kinapanayam


maliban na lamang kung kinakailangang ilantad ang pagkataong kinapanayam.

• Sipiin nang buo ang sinabing kinapanayam kung kinakailangan.

• Tiyaking hindi binago ang nais naipakahulugan ng kinapanayam.

7. Huwag isama sa ilalahad ang mga katanungan sa panahon ng panayam.

8. Iwasan ang anumang paghahambing sa sarili maliban na lamang kung may magandang
dahilan upang gawin.

Pagsulat ng Interbyu

1. Isulat kaagad ang salaysay matapos ang interbyu.


2. Uriin ang interbyung isusulat tulad ng :nagbibigay ng impormasyon, opinyon, lathalain o
ang lahat ng ito.

a. Impormasyon o nagbibigay kaalaman – ito’y naglalahad sa mga


mahahalagang pangyayari.

b. Opinyon- Interbyu – naglalahad sa mahahalag ang pananaw o palagay.

c. Lathalain o Featured interbyu – naglalahad ng pagkataong kinapanayam, ang


mga Gawain at mga interes.

d. Pinagsama-samang interbyu – ito ay may katangian tulad ng lathalain,


impormasyon at opinyon.

3. Piliin at suriing mabuti ang mga naitala. Isama lamang ang mga materyales na may
kinalaman sa paksa upang maiwasan ang pagmamalabis. Kung ang interbyu ay
nasauring lathalain, hayaan ang istorya na uminog sapagkataong kinakapanayam.
Iwasan ang paulit-ulit na impormasyon tulad ng paboritong mga pagkain, mgaartista at iba
pang may kinalaman dito.

4. Bumuo ng mga tala at sumulat ngbalita.

5. Hangga’t maaari ipakita ang mga siniping salita sa kinapanayam.

Paksa: Pag-uugnay ng mga pangyayari sa El Filibusterismo sa kasalukuyang panahon.

Layunin: Maihahambing ang mga pangyayari noong panahon ng Kastila sa kasalukuyan.

Panimula:

Ang El Filibusterismo ay isang nobelang naglalarawan sa mga kaganapan sa pamamahala sa


relihiyon, pamahalaan, pagtuturo, pag-aaral, pamumuhay, at pagnenegosyo sa panahon ng
Kastila hanggang sa kasalukuyang panahon. Maihahalintulad ang mga ito sa pamamahala nina
Padre Clemente, Sibyla, at Salvi sa relihiyon, pamamalakad ng kapitan Heneral sa pamahalaan,
pagtuturo nina Padre Millon, pag-aaral nina Placido, Basilio at Isagani at ang pagnenegosyo nina
Quiroga at Simoun.

Ang pakikipanayam na ito ay naglalayon na maiugnay namin ang mga pangyayari noong
panahon ng kastila sa ating kasalukuyang pamumuhay.

1. Pangugumusta sa mga kinapanayam

Ayon sa mga guro na aming kinapanayam, ang pagiging guro ay isang maayos, maganda at
masayang propesyon sapagkat nakakatulong ka sa mga kabataan upang sila’y matuto, bukod pa
rito, ito rin ay nakapagbibigay suporta sa pangagailangan ng kanilang pamilya dahil sa mataas
din ang sahod na kanilang tinatanggap at maraming benepisyo naipagkakaloob sa kanila.

2. Taon sa serbisyo
Matagal-tagal narin daw sila sa pagtuturo, halos pagkatapos nila sa kolehiyo ay inilaan na nila
ang kanilang buhay sa pagtuturo. Para sa kanila, ang pagtuturo ay hindi lamang isang propesyon
kundi matituturing na nilang buhay dahil sa kakaibang nadarama nila tuwing nalalaman nilang
may natututuhan ang mga bata sa kanilang mga itinuturo at pangaral.

3. Mga nag-udyok sa kanila upang pumasok sa ganitong gawain at serbisyo

Upang magtagal sa ganitong propesyon maaaring mayroong nag-udyok sa ating mga guro upang
pasukin ito. Ayon sa kanila, nahikayat silang magturo dahil narin sa kabuhayan at
pangangailangan na matutustusan nila ang kanilang mga pamilya bagamat ito ay minamaliit
natin, ito umano’y nagbibigay ng mataas na sweldo. Ngunit ang pinakamahalaga dito ay ang
kagalakan na malaman mong magkakaroon ng kaalaman ang mga bata dahil sa iyong interes na
turuan at hubugin ang kanilang mga pagkatao. Isa pa sa ikinagagalak nila ay sa tuwing bumabalik
ang kanilang mga naging estudyante na nagtagumpay sa kanilang buhay at nagbibigay
pasasalamat sa kanila. Ang pagiging guro rin ay nagbibigay ng saya na hindi kayang suklian ng
kahit gaanong kataas na sahod mula sa ibang propesyon.

4. Magagandang karanasan sa gawain

Sa pagiging guro tiyak na mag-uumapaw ang iyong pagkatao sa magagandang karanasan dahil
sa maraming uri ng tao na iyong nakakasalamuha at nabibigyan ng halaga. Sa pakikipanayam
namin sa mga guro kanilang sinambit na napakasaya nila at ito ang propesyong kanilang napili .
Labis daw silang natutuwa sapagkat sa pagtuturo ay naibabahagi nila ang kanilang mga ideya,
kaalaman, karanasan at prinsipyo sa buhay na magsisilbing gabay ng mga batang kanilang
tinuturuan upang mapagtanto ang tunay na halaga ng buhay na ipinagkaloob sa kanila. Ang
bawat bata na kanilang nahuhubog at natuturuan kanilang nararamdaman ang saya na
naidudulot ng tagumpay ng mga ito. Ang bawat araw na pagbabahagi nila ng buhay sa
pagmumulat sa mga murang kaisipan ng mga kabataan ay mahalaga at nagiging magandang
karanasan sa kanilang paglalakbay sa mundo.

5. Mga suliraning kanilang kinakaharap sa propesyon

Maraming saya ang naidudulot ng pagiging guro at ang tanging bagay lamang na madalas nilang
nagiging suliranin ay ang katigasan ng ulo ng mga kabataan kung kaya’t ang pagiging guro ay
kinakailangan ng napakahabang pisi. Ang bawat pagsubok na kanilang kinakaharap ay kanilang
nakakayanan dahil na rin sa alam nila na mahalaga na harapin nila ang mga ito dahil ang kanilang
propesyon ang siyang nakatutulong sa pagbangon ng bayan sa pamamagitan ng mga buhay na
kanilang hinuhubog. Isa pa sa nagpapalakas sa loob nila ay ang mga magaaral na bumabalik
upang magpasalamat at ang simpleng tagumpay lang nang mga ito ay pumapawi na sa lahat ng
hirap na kanilang nararanasan sa pagtuturo.

6. Mga katangian na dapat taglayin nang isang tulad nila

Ang pagiging isang guro ay isang propesyon na nangangailangan ng mahabang pisi at interes na
maturuan at mahubog ang isang bata. May iba’t ibang ugali ang mga kabataan kung kaya’t
kailangan ang mabuting pakikisama sa kanila. Ang isang guro rin ay siyang tumatayo bilang
pangalawang magulang nang bawat kabataan na nasa paaralan kaya kinakailangan na maging
mapagmahal. Kapag ikaw ay isang guro ay kailangan mong ibigay ang buong puso mo sa
trabaho dahil kung hindi siguradong hindi ka magtatagal sa serbisyo.

7. Layunin kung bakit nais nilang manatili sa kanilang hanapbuhay o gawain

Sa pagpasok sa ganitong propesyon, bawat isa ay may natatanging layunin na nagsisilbing


gabay upang mapabuti sa kanilang napiling propesyon. Ayon sa mga gurong aming kinapanayam
ang layunin nila sa pagtuturo ay maturuan ang mga bata ng magandang kaugalian bukod sa
kaalaman na maaari nilang matutuhan. Ito daw ang nais nila, ang makatulong sa mga bata upang
hindi mapariwara at mas mapabuti pa. Ngunit hindi talaga maaalis ang kanilang pagnanais na
magkaroon ng mataas na sahod upang may maiabot sa kani-kanilang pamilya at nang
matustusan ang kanilang mga pangangailangan bilang isang mag-anak.

8. Mga tungkulin ng mga katulad nila sa ating bayan.


Ang pagiging guro ang pinakamahirap at pinakamahalagang propesyon sa ating bayan. Si Hesus
ay isa ring guro at siya ang pinakamabuting ehemplo nang pagiging guro. Ang bawat guro ay
mahalaga sa ating bayan dahil walang doktor, abogado, pari,negosyante at iba pa kung wala ang
ating mga guro. Tungkulin nang isang guro na turuan at hubugin ang bawat kabataan at sila rin
ang responsable sa pagmumulat ng kanilang kaisipan at damdamin sa hinaharap na paglilingkod
nila sa ating bayan.

9. Mensahe sa ating mga kabataan.

Para sa mga nagnanais maging guro kinakailangan nilang taglayin ang napakahabang pisi sa
pag-intindi sa bawat bata na kanilang natuturuan at nahahawakan ang buhay. Dahil ang kanilang
papel na ginagampanan sa ating bayan ay napakahalaga. Kailangan ng tiyaga at isipin na ang
lahat nang ginagawa nila ay para sa hinaharap ng bansa na ang bawat batang kanilang mahubog
ay maaaring magdala ng tagumpay at karangalan sa ating bansa.

10. Pagbibigay pasasalamat sa mga kinapanayam.

Ang mga guro ay tunay na mahalaga sa ating bayan. Sila ang humuhubog sa atin sa paglabas
natin sa ating mga tahanan upang tayo’y matuto sa ating pamumuhay at sa mga kahaharapin
pang pagsubok at paglalakbay dito sa mundo. Tunay ngang kahit hindi natin sila kadugo o
kapamilya ay mga tao sila na handang magsakripisyo ng kanilang oras at buhay upang tayo ay
maturuan at mahubog para makatulong sa pag-unlad ng bayan sa hinaharap.

Kagaya nang pagtanaw namin ng utang na loob sa lahat ng aming naging guro ay
nagpapasalamat kami sa lahat nang guro na buong pusong nagbigay nang sarili at panahon sa
mga kabatan tulad namin.

6. Mga katangian na dapat taglayin nang isang tulad nila.

Ang pagiging isang lingkod bayan ay isa sa pinakamahalagang tungkulin na ginagampanan nang
mga nasa pulitika. Tulad halimbawa nang isang punong barangay kagaya ni G. Doval. Ayon sa
kanya ang isang kapitan o punong barangay ay kinakailangang may malawak na kaisipan para sa
mabilis na pag-aksyon sa mga hinaing at problema na kinakaharap nang kanyang nasasakupan.
Kailangang din na mabilis at responsable ang kanyang pagtugon at paghahanap kasagutan sa
mga suliranin na kinakaharap ng barangay.

Dahil sa ang punong barangay ang may hawak sa buong barangay ay kinakailangan na maging
pantay at parehas siya sa mga nasasakupan. Kailangan din nagbigay sya nang pagpupulong
upang maiulat sa mga nasasakupan ang progreso nang barangay at kung may mga bagong
proyekto o programang nais ipatupad. Sa mga pagpupulong ding ito ay binibigyan nang
pagkakataon ang isang mamamayan upang idulog ang isang suliranin.

Higit sa lahat ang isang lingkod bayan din ay nararapat na may interes para maglingkod sa bayan
at hindi para lamang sa sariling kapakanan o kaginhawaan. Kailangang magpamalas siya nang
pagtitiwala sa mga tao at umani rin nang pagtitiwala mula sa mga ito mula sa tapat na
paglilingkod.

7. Layunin kung bakit nais nilang manatili sa kanilang hanapbuhay o gawain.

Si Kapitan Doval daw ay bata palang ay pangarap na ang maglingkod sa bayan. Sabi nya
natapos na sya bilang ama sa kanilang pamilya. Siya ay nakapagpatapos na ng mga anak at ang
tanging pangarap na lamang niya ay ang maglingkod. Siya ay naglalayon na makitang
masagana, progresibo at nakakasabay sa ibang barangay ang San Jose kung kaya siya ay
patuloy na nagbibigay oras at paglilingkod sa barangay. Ayon pa sa kanya, ang buhay niya ay
sadyang maikli na lamang at wala siyang naiisip na paraan upang makatulong sa kapwa at
makagawa nang kabutihan sa kanila kung hindi na lamang sa tapat na pagseserbisyo.

8. Mga tungkulin ng mga katulad nila sa ating bayan.

Ang mga katulad nila ang namumuno sa lahat nang bagay na umiikot sa barangay o bayan. Sila
ang gumagawa ng paraan upang ang mga bagay- bagay ay mailagay sa lugar at maging maayos
at organisado. Maliking papel ang ginagampanan nang kahit sinong tao ang nasa pulitika.
Tungkulin nilang maglingkod para sa ikasasagana at ikauunlad nang kanilang nasasakupan. Ang
bawat pagdedesisyon nila ay nararapat na para sa ikabubuti nang nakararami at hindi lamang
nang iilan na tao.

Tungkulin nila na bigyan nang malinis na panunungkulan ang bawat mamamayan dahil sila ang
nagbigay nang tiwala at nagdala sa sinomang nanunungkulan sa pwesto. Sa barangay ay
kailangan ding siyang maging makatarungan upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan.

9. Mensahe sa ating mga kabataan.

Sa ating mga kabataan ay pagiging mulat lamang sa mga nangyayari sa ating lipunan,ang
simpleng pag-obserba at simpleng pananaliksik umano ay malaki nang tulong na ating
magagawa para sa bayan. Kagaya nang ating proyekto na nakatutulong sa pagmumulat nang
ating kaisipan ay malaking ambag na upang umasenso tayo dahil sa mga ito ay nagpapakita na
tayo na kahit alam nila na wala pa tayong masyadong pwedeng gawin ay nagpapakita naman
tayo nang malasakit sa bayan.

Para naman sa ilan sa atin na nagnanais manungkulan o maglingkod ay nag-iwan si G. Doval sa


atin ng mensahe na maari nating baunin sa darating na araw. Kung nagnanais tayong
manungkulan at maglingkod ay dapat daw tayong magbigay ng tapat, malinis at magandang
pagseserbisyo. Lagi rin nating dapat isaisip na ang paglilingkod ay nangangailangan nang malinis
na motibo. Kailangan din tayong magbigay pagpapahalaga sa tiwala na binagay at initang sa
ating mga balikat. Kung ilan man sa atin ay mabigyan nang pagkakataong magpamalas din nang
paglilingkod sa bayan ay hinahamon tayo ni G. Doval na bawat isa sa atin ay maging mabuting
ehemplo para sa ibang nanunungkulan at maging kaagapay nang mga mabubuting pinuno upang
baguhin ang masamang emahe nang mga pulitiko na tumatak na sa puso at isip nang bayan.

10. Pagbibigay pasasalamat sa mga kinapanayam.

Ang maging tagapaglingkod nang pamahalaan ay malaki ring responsibilidad na


pinanghahawakan. Dahil sa ating mga pinuno ay nailalagay sa lugar ang mga bagay-bagay at
nagiging mas organisado tayo. Sila na mga pinuno ang gumagawanang paraan kung sakaling
may suliraning kinkaharap. Sila ang ulo at sa tulong natin sila ay malayang nakagagalaw at
nakapaglilingkod sa bayan.

Bagamat hindi lingid sa atin na sadyang napakarumi na nang pulitika. Lahat na yata ay nagtatago
sa mabangong pangalan at umaalingasaw na kalooban. Ngunit sa aming kinapanayam ay muling
naliwanagan ang aming mga isipan na hindi pa lahat nang nanunungkulan ay bulok ang sistema.
Aming napagtanto na may magagawa pa tayo upang baguhin ang mga pangit at masamang
imahe na nakatatak sa ating pulitika.

Pinasasalamatan namin ang lahat nang mga nanunungkulan na kahit lantaran ang temtasyon
nang yaman at kasaganahan ay buong puso paring tumutugon sa malinis, tapat at maayos na
paglilingkod na kanilang sinumpaan sa harap nang batas.

REALISASYON at PANGWAKAS:

Mula sa aming mga nakapanayam aming naiugnay at napatunayan sa aming mga sarili na tunay
na ang mga pangyayari sa El Filibusterismo ay nagaganap sa kasalukuyang panahon.

Aming naipakita mula sa aming mga kinapanayam ang realidad ng buhay at ang mga katayuan
ng mga pangkat sa lipunan na aming kinausap. Aming naiugnay ang pagpapatakbo nang mga
kastila sa pamamahala sa relihiyon sa kasalukuyang pamamahala nang mga nasa simbahan.
Kagaya ni G. Nilo ay nakararanas din siya ng mga panunuhol mula sa iba na kagaya ng nangyari
sa ilang kabata sa El Fili.

Sa mga guro naman ay aming napansin ang malaking pagkakaiba dahil sa panahon ngayon ay
may pakialam na ang ating mga guro sa ating mga mag-aaral, hindi kagaya ng mga pangyayari
noon na walang pagpapahalaga sa kabataan ang mga guro.

Bagamat ang aming nakapanayam ay kinakitaan nang mabuting intensyon sa paglilingkod sa


bayan hindi lingid sa aming kaalaman na ang iba sa mga nanunungkulan ay tila mga kastila ang
paglilingkod na nasa loob ang kabulukan sa pamamahala. Mabuti na lamang ay may iilan pa na
kagaya ni Kap. Doval .

Tunay ngang nakapagpamulat nang aming mga kaisipan ang pakikipanayam na ito hindi lamang
dahil ito ay isang proyekto na kinakailangan namin sa aming paag-aaral ngunit isa rin itong
naging daan upang mabuksan ang aming mga kaisipan sa hinaharap o maging kasalukuyang
paglilingkod na maari naming maging gawain sa mga susunod na taon ng aming pamumuhay.

You might also like