You are on page 1of 7

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

NAME OF THE General Education


PROGRAM

COURSE TITLE Retorika COURSE CODE FILI102

PREREQUISITE/ None COURSE UNIT 3 units


CO REQUISITE

COURSE CO 3: Makasulat ng isang talata o komposisyon na masining/matalinghaga gamit


OUTCOME ang mga idyoma at tayutay.

MODULE 7 Tayutay

LESSON LO 3. Makasusulat ng isang talata o komposisyon na masining/matalinghagang


LEARNING gamit ang mga idyoma at tayutay.
OUTCOME/S

TOPICS Tayutay
WEEK / 7
INCLUSIVE
DATE Sept. 26-30, 2022

MODALITY Synchronous, Asynchronous (MS Teams, Zoom, or RingCentral)

LESSON PROPER

Pangkalahatang Ideya

Ang tayutay ay isang pampanitikang paraan ng pagpapahayag na kaiba at malayo sa

karaniwang paraan ng pananalita at naglalayong magawang marikit, maharaya, masining

upang maging akma, mabisa at kawili-wili ang pag-unawa at pagdama ng sinuman sa

damdaming ipinahihiwatig.
____________________________________________________________________

PAGTALAKAY

Ano ang Tayutay?

Tayutay- Ito’y isang talinghagang, pahayag na pahiwatig. Ang tayutay buhat sa salitang taytay

(bamboo plank o bridge), tulay, amdamyo. Sa kolokyal ay itinatayong tulay, sa pigura ang

tayutay ay pagkakaunawaan. Ito ay paglayo sa paggamit ng karaniwang salita na ang layunin

ay magiging maganda ang pagpapahayag: pasalita o pasulat.

May mga matalinghagang pagpapahayag na ginagamit ang wika upang maging

makulay ang pagpapakahulugan. Maraming mga akdang pampanitikan lalo na ang panulaan

at maikling katha na gumagamit ng iba’t ibang tayutay.

Sa pag-aaral nga ng retorika, ang patalinghagang pagpapahayag ay kadalasang

iuugnay. Isa nga sa pangunahing layunin ng retorika ang magandang pagpapahayag na

matatagpuan sa mga matatalinghagang pananalita.

Ito rin ay isang salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang isang

kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumagamit ng talinghaga o di-

karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang-diin ang kanyang saloobin.


MGA URI NG TAYUTAY
1. Pagtutulad
Naghahambing sa magkaibang bagay, tao, pangyayari. Gumagamit ng mga salita’t
pariralang-katulad ng: parang, animo’y, kawangis, anaki’y, gaya ng, para ng.
Halimbawa:
1. Animo’y ahas na nanlilingkis ang kanyang pagkakapulupot ng kamay sa aking bisig.

2. Parang sirang plaka ang bibig ni Linda.

3. Gaya ng halamang lumaki sa tubig

4. Ako’y tila isang nakadipang krus.

5. Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

6. Ang buhay ay tulad ng isang batis.

2. Pagwawangis
Tiyakang paghahambing at naiiba sa pagtutulad sa di paggamit ng mga pariralang tulad
ng: kawangis ng, para ng, gaya ng, animo’y at iba pa.
Halimbawa:
1. Ikaw ay tinik sa lalamunan ni Mercy.

2. Ang Panginoon ay pastol ng aking buhay; pinaglilingkuran Niya ako nang lubos.

3. Pagbibigay Katauhan
Pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa mga karaniwang bagay o pagkakapit
ng katalinuhan sa mga bagay na walang talino.
Halimbawa:
1. Sumasayaw ang mga alon sa karagatan.

2. Lumuluha ang panahon sa kabiguan ng kanyang pag-ibig.

4. Pagmamalabis
Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan ng kalagayan ng tao, bagay,
pangyayari at iba pa, sa mga ganitong pagpapahayag.
Halimbawa:
1. Dumanak ang dugo sa lugar na ito dahil sa sagupaan ng dalawang praterniti.

2. Nakalulusaw ang tingin ng mag-aaral na iyon tuwing may talakayan ako sa klase.
5. Pagpapalik-Saklaw o Sinekdoki
Naisasagawa ang pagpapahayag na ito sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi
bilang pagtukoy sa kabuuan. Maaari naming isang tao ang kumatawan sa isang pangkat.
Halimbawa:
1. Sampung mga daliri ang marahang tumitipa sa tiklado ng piyano.

2. Isang Solomon ang nagpasynag tapusin ang hidwaaan ng dalawang inang umaangkin sa
iisang sanggol.

6. Pagtawag o Apostrophe

Kahawig ito ng pagbibigay-katauhan. Dito’y ginagawa ang pakikipag-usap sa


karaniwang bagay na tila ba’y nakikipag-usap sa isang buhay na tao o anyong panawagan sa
taong patay na o kung hindi ma’y hindi man kaharap.

Halimbawa:
1. Hangin, pumarito ka’t pawiin ang patinding init.

2. Panibugha, layuan mo kaming magsing-irog at nang kami’y magkaroon ng kapayapaan.

7. Tanong Retorikal
Ito’y isang pagatatanong na hindi naghihintay ng sagot at hindi rin nagpapahayag ng
anumang alinlangan. Ang kabaliktaran ng itinatanong ang malimit pagdiinan ng tanong
retorikal.
Halimbawa:
1. Ang isa kayang propesyunal ay agad maniniwala sa mga sabi-sabi?

2. Ang mga hayop ba’y may talinong katulad ng tao?


Mga Gawain ng Pagtataya:
Pangalan:_____________________ Asignatura:____________

Petsa:________________________ Marka:_________________

INTERAKTIBONG PAGSASANAY
Paksa: Tayutay

Gawain 1: Pagkilala sa tayutay

Panuto: Isulat sa patlang kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa mga sumusunod na
pahayag.
____________________1. Ang buhay ng tao ay parang isang gulong, minsan nasa ilalim
minsan nasa ibabaw.
____________________2. Lumuluha ang liham na tinanggap ni Rosalie hindi niya mapigilan
ang mapaiyak.
____________________3. Apat na maliliit na paa ang patakbong sumalubong sa ama.
____________________4. Pag-asa, halika at tugunin ang mga tanong kong nagbibigay-buhay
sa akin.
____________________5. Ang pangalan ni Derang ay isang mabangong bulaklak sa kanyang
mga kanayon.
____________________6. Mapapasukan ng kalabaw ang butas ng ilong.
____________________7. May babae kayang tatagal makisama sa isang lalaking tamad,
sugarol, lasinggero at nambubugbog?
____________________8. Umulan ng pera nang dumating si Ben sa kanilang baryo buhat sa
ibayong dagat.
____________________9. Parang sirang plaka ang bibig ni Mario.
____________________10. Ang papuri ni Leny ay musika sa pandinig ni Efren.

Gawain 2: Pagkilala sa tayutay

Panuto: Palawakin ang pahayag.

1. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tayutay sa idyoma. Isulat ang iyong sagot sa
pamamagitan ng isang talahanayan.

2. Magsaliksik ng isang akdang pampanitikan na ginagamitan ng tayutay. Pakisalungguhitan


ang mga tayutay na ginamit sa akda.
MGA SANGGUNIAN:

Abal, M.A. (2009). Retorika (Filipino III). Mandaluyong City: National Bookstore.

Aguilar, et. al. (2013).Masining na pagpapahayag (Retorika).Pateros, Metro Manila:


Grandbooks Publishing Inc.

Arrogante, Jose A. (2000). RETORIKA sa MabisangPagpapahayag. Navotas, Metro Manila:


National Book Store.

Bendalan,N. M. (2013).RETORIKA: Mabisa at masining na pagpapahayag. Manila: Wiseman’s


Books Trading ,Inc.

Belvez, P.M. et.al. (2001). Retorika: mabisang pagsasalita at pagsulat. Manila:Rex Bookstore.

De Dios, L.A.et.al., (2008). Modyul sa retorika, masining na pagpapahayag. Metro Manila,


Grand Books Publishing

Mag-Atas, Rosarioet. al. (2002).Mabisang pagpapahayag retorika. (Filipino


3).IkalawangEdisyon. MakatiCity: Grandwater Publications and Research Corporation.

San, Juan G. P. et al. (2007). Masining na pagpapahayag. Makati City:

Tanawan, Dolores et. al.(2003). Retorika, mabisang pagpapahayag. Quezon, City :

Elektronikong sanggunian

https://www.slideshare.net/RayAlvarez2/tayutay-ppt
http://ffaijm.blogspot.com/2017/06/mga-uri-ng-tayutay.html

You might also like