You are on page 1of 8

Mapa ng Konsepto

Ang Concept Map o Mapa ng Konsepto ay malaking tulong upang mas madaling
maisa-isip ang mga ideya o impormasyon na may kaugnayan sa isang paksa o
konsepto. Isa rin ito sa pinakamadaling paraan ng pagsasaayos sa mga ideyang may
kaugnayan sa isang paksa. Maliban sa Vien Diagram ang Concet Map ay isa rin sa
pinakakilalalng disenyong grapiko.
Gaya ng halimbawang Mapa ng Konsepto sa ibaba iniisa-isa nito ang iilan sa mga
bansang sakop ng Asya. Ang Asya ang nagsisilbing pangunahing ideya at ang mga
bansang sakop o bumubuo ng Asya ang nagsisilbing mga pansuportang ideya.

China

Singapore

Thailand

Asya
Vietnam

Malaysia

Philippines
K-W-L Tecnique (Know-Want-Learn)

Tinatawag na K-W-L Technique or Know-Want-Learn ang disenyong grapiko na


ito dahil na rin sa mismong laman nito. Sa Filipino ang Know-Want-Learn ay
nangangahulugang dati nang alam na impormasyon, gusto pang malaman, at kung
ano-ano natutunan ng mag-aaaral sa isang paksa.
Ang disenyong grapiko na ito ay maaaring magamit sa pagsukat ng kaalaman ng
mag-aaaral hinggil sa isang paksa at higit sa lahat magdudulot ito ng makabuluhang
karagdagang kaalaman na ituturo sa kanila ng guro. Sa ganitong paraaan din bilang
guro makakukuha tayo ng tiyak na batayan sa kung ano man ang mga karagdagang
ating maituturo sa ating mga mag-aaaral.

Know Want Learn


-Ang panitikan ay -Kung mayroon bang -Ang panitikan sa buong
repleksyon ng buhay na katulad ang panitikan ng mundo ay nagkakaiba-isa
mayroon tayo ngayon sa mga Pilipino. dahil sa magkaibang
kasalukuyan. kultura, tradisyon, at
paniniwala.

-Ang panitikan ang -Ano-ano ang kahalagan -Mahalaga ang panitikan


naglilibro sa isang bansa. ng panitikan sa buhay ng sa bawat mamamayan ng
bawat mamamayan sa isang bansa sapagkat ang
isang lugar? panitikan ang sumasalamin
ng kultura tradisyon at
paniniwala ng mga
mamamayang nagmamay-
ari nito.
Data Retrieval Chart

Ang Data Retrieval Chart ay lubos na makatutulong upang isariwa o aalalahanin


ang nakaraang talakayan hinggil sa isang partikular na paksa. Kalimitan nagsisilbi itong
patunay ng lubusang pagkatuto sa isang paksa kung saan ang isang indibidwal ay
makabubuo ng paglalahat sa buong talakayang sinariwa.
Gaya ng halimbawa sa ibaba, makikita natin na ang mga salik sa paghinto ng
isang mag-aaral ay binigyan ng mga dahilan at ng karampatang solusyon. Dito
ipinapakita na hindi lang pala sa pagsasariwa ng nakaraang talakayan ang gamit ng
disenyong grapiko na ito, magagamit din pala ito sa paglutas ng suliranin.

Mga salik sa Dahilan Solusyon


Paghinto
Mag-aplay ng mga
1. Kakulangan sa Nanggaling sa mahirap na skolarsip sa pamahalaan
pinansyal pamilya. maging sa mga malalaking
kompanya.

Gawing intrinsic motivation


ang kawalan ng emosyonal
Walang emosyonal na
2. Kawalan ng interes na suporta ng magulang
suportang nakukuha mula
sa pag-aaral para magsumikap at
sa magulang.
makapagtapos ng pag-
aaral.

Magsumbong sa mga guro


Kinukutya “bullied” o o sa magulang mismo para
3. Takot mag-aral
inaapi sa paaralan. matigil na ang ginagawang
pang-aapi.
Bar Graph

Ang Bar Graph ay kadalasang ginagamit upang ipakita at mas madaling


maiitindihan ang mga datos. Sa pamamagitan nito magiging maayos ang pagkakalahad
ng mga datos. Madalas gamitin ang disenyong grapiko na ito sa paglalahad ng mga
numero at halos magkatulad lamang ito sa Line Graph at Pie Graph kung ating
pagbabatayan ang mga gamit nila.
Isa sa halimbawa nito ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enrol sa paaralan ng
LNHS (Lumbia National High School). Makikita dito na sa taong 2001 hanggang 2003
kakaunti pa lamang ang bilang ng nag-enrol hanggang sa tumaas ito sa taong 2013
hanggang sa taong 2015.

Kabuuang Bilang ng Enr ollm ent s a LNHS

2500

2000

1500

1000

500

0
2001 - 2003 2004 - 2006 2007 - 2009 2010 - 2012 2013 - 2015
Walk-A-bout Technique

Ang Walk-A-bout Technique ay maaaring magamit sa pagtatapos ng talakayan sa


isang paksa. Ang disenyong grapiko na ito ay mainam gawing pagtataya at sa
pamamagitan nito matutukoy ng guro o ng tagapag-ulat kung anong bahagi sa kanyang
paksa tinalakay ang bibigyan pa niya ng karagdagang pagpapaliwanag.

RECALL -Naaalala ko pa na ang kakayahang


lingguwistiko ay ang abilidad ng
taong makabuo at makagawa ng
pangungusap.

-Masasabi ko po na lahat ng tao ay


REACT
mayroong kakayahang
lingguwistiko ngunit iilan lamang
ang may kakayahang gumawa ng
higit pa sa karaniwan.

UNDERSTAND -Oo, sapagkat sa tingin ko ay ang


pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa
araw-araw ay nagbibigay sa akin
ng pagkakataong makaunawa sa
kanilang sinasabi.
Balangkas ng Problema/Solusyon Grapiko

Ang Balangkas ng Problema ay ginagamit upang matukoy ang problema sa isang


tiyak na sitwasyon at mabigyan ito ng posibleng solusyon. Sa pamamagitan nito
maipapakita rin ang posibleng pinag-ugatan ng isang problema.
Mula sa halimbawang makikita sa ibaba, makikita natin ang isang problemang
kinakaharap ng mga kabataan dulot ng impluwensya ng Social Media. At sa susunod na
bahagi makikita rin natin ang mga solusyon at maaaring maging resulta kapag hindi
nasolusyunan ang naturang problema.

Sino: Kabataan
Problema Ano: Adiksyon sa Social Media
Bakit: Wala nang ganang pumasok sa klase.

Magandang Resulta Sinubukang Solusyon


Solusyon
1. Magaling sa 1. Paglimita sa oras ng
teknolohiya ang paggamit ng
kabataan at laging teknolohiya ng
malay sa mga kabataan lalo na ang
pangyayari sa loob at madalas na pabisita sa
labas ng bansa. mga Social Meadia.

Pangwakas na Resulta
Magkakaroon ng sapat na disiplina sa sarili ang
kabataan.
Balangkas ng Kwento

Ang Balangkas ng Kwento ay maaaring gamitin upang ipakita ang mahahalagang


pangyayari sa isang kwento na kinasasangkutan ng mga tauhan sa isang tiyak na
tagpuan. Dito rin nakikita ang kagandahan ng isang kwento na maaaring makapagbigay
interes sa mga mambabasa.

TAGPUAN
TUNGGALIAN
 Sa palengke
 Pinagbintangan ni Aling
Marta ang batang
nakabangga sa kanya na
kumha umano ng
TAUHAN
kanyang kalupi.
 Aling Marta
 Andres Reyes KASUKDULAN
 Hinanap ni Aling Marta si
Andres, at binatak ang
SIMULA
kaniyang leeg, hinihingi ang
 Umalis si Aling Marta kaniyang nawawalang kalupi.
Tumakbo si Andres dahil nasaktan
papunta sa palengke
siya. Nabangga siya ng isang
dahil magtatapos ang humahagibis na sasakyan, at
kanyang anak na dalaga. namatay.

WAKAS
SAGLIT NA KASIGLAHAN
 Pag-uwi ni Aling Marta sa
 Nabangga si Aling Marta ni bahay, natuklasan niya na
Andres Reyes. Naggalit. naiwan niya pala ang kanyang
Napansin ni Aling Marta na kalupi. Sinabi ng kaniyang
nawawala ang kaniyang asawa na kinuha niya ang
kalupi. pambili ng tambako mula sa
kaluping nasa bulsa ng bestido
ni Aling Marta, ngunit
nakalimutan niyang isauli.
Klaster ng Konsepto (Concept Cluster)

Ang Klaster ng Konsepto ay maaaring gamitin upang mabigyan ng


tiyak na kahulugan ang anumang paksa. Ito rin ay isang madaling paraan
upang maiisa-isa ang mga ideyang kaugnay sa paksa. Bilang isang
halimbawa, makikita natin sa ibaba na ang uri ng tayutay ang pangunahing
ideya kaya inilagay ito sa gitnang bahagi ng konseptong klaster. Makikita
naman sa gilid nito ang mga uri tayutay gaya ng pagtutulad,
pangwawangis, pagmamalabis, pagpapalit-tawag, pagpapalit-saklaw, at
pang-uyam bilang sumusuportang detalye ng pangunahing paksa.

Pagtutulad

Pang-uyam Pangwawangis

Uri ng
Tayuta
y
Pagpapalit-
Pagmamalabis
saklaw

Pagpapalit-
tawag

You might also like