You are on page 1of 5

Pangalan:

Baitang: Pangkat: Petsa:

Pag-aayos ng Datos: Organisasyon ng mga Impormasyong Nasaliksik

Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos(una, isa pa, iba pa)
(F8WG-Ii-j-23)

Alamin Natin!
Binabati kita! Sa wakas narito ka na sa huling modyul para sa unang
markahan. Sabik ka na bang matutunan ang huling aralin para sa markahang
ito? Kung gayon, simulan na natin.

Gawing gabay sa pagkatuto ang mga sumusunod na layunin:


1. Natutukoy ang mga pahayag na ginagamit sa pag-aayos ng datos sa isang
pananaliksik.
2. Napahahalagahan ang organisadong paglalahad ng mga datos sa
pamamagitan ng paggamit sa mga panandang pahayag.
3. Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng mga datos sa
paglalahad ng mga impormasyong nasaliksik.

Subukin Natin!
Sa bahaging ito susubukin nating muli ang iyong dati nang kaalaman sa bagong
paksa.

Salungguhitan ang mga pahayag na ginamit upang magiging maayos ang


paglalahad ng mga impormasyon sa mga sumusunod na pangungusap.

1. Isa sa mga dahilan ng pagabago ng panahon ay ang kapabayaan ng tao.


2. Sa unang bahagi, ipinakita ang mga adbentahe sa paggamit ng teknolohiya sa
larangan ng edukasyon.
3. Sinundan ito ng isang maikli ngunit malinaw na paliwanag kung paano
gagamitin ang teknolohiya sa pagtuturo.
4. Inilahad sa programa ang kasaysayan ng lungsod. Pagkatapos ay masining na
ipinakita ang mga pagbabagong naganap dito.
5. Sa dakong huli, napagkasunduan ng lahat na sundin ang batas.

Hingin mo sa iyong guro ang susi ng sagot at iwasto ang iyong gawain.

Aralin Natin!
Naging madali lang ba sa iyo ang unang gawain? Ayos lang iyan. Daragdagn
natin sa bahaging ito ang iyong kaalaman.

Basahin at unawain ang nilalaman ng teksto.

COVID19
Komprehensibong ipinaliwanag sa website ng Kagawaran ng Kalusugan ang
tungkol sa pandemyang COVID19 upang lubos itong maunawaan ng mga Pilipino. Sa
unang bahagi, sinagot ng kagawaran kung ano nga ba ang COVID19. Sinundan ito ng
paglalahad sa mga sintomas ng sakit at kung paano ito naikakalat. Napag-alaman na
ito ay naipapasa ng tao-sa-tao. Ang karaniwang sintomas nito ay ang lagnat, ubo’t
sipon, at pag-iksi o kahirapan sa paghinga. Pagkatapos, nagbigay rin ng mga paraan
ang kagawaran kung paano maiiwasan ang pagkalat ng sakit. Kabilang sa kanilang
mungkahi ay ang palagiang paghuhugas ng kamay, pagsunod sa tamang paraan ng
pag-ubo, pag-iwas sa paghawak ng mga hayop, pagluluto nang maayos sa mga
pagkain, at pagpapanatiling malusog upang mapalakas ang resistensya. Maliban rito,
marami pang mahahalagang impormasyon ang maaaring mabasa mula sa pahina
tungkol sa pandemya. Sa dakong huli, inilahad ng kagawaran ang kasalukuyang
aksyon na kanilang ginagawa upang makontrol ang pagkalat ng sakit.

Sanggunian: https://www.doh.gov.ph/2019-nCov/FAQs-Filipino

Tungkol saan ang binasa mong teksto? Ano-ano ang mga mahahalagang
impormasyong nakapaloob dito?
Naging maayos ba ang daloy ng mga ideya at impormasyon dahil sa mga salitang
ito? Paano nakatutulong sa iyong pagbabasa ang mga salita o pariralang naka-bold?

Sang-ayon ako sa iyo. Layunin nga ng mga naka-bold na pahayag sa teksto na


maging organisado ang paglalahad sa mga mahahalagang impormasyon dito. Kabilang
sa mga panandang maaaring gamitin upang maging maayos ang pagkakasunod-sunod
ng mga datos ay ang mga sumusunod: una, sa unang bahagi, bilang panguna, isa
sa ,isa pa, sinundan ito, saka, pagkatapos, sa dakong huli at iba pa.

Isaulo mo ang mga panandang iyan. Magagamit mo iyan sa mga susunod na


gawain.

Gawin Natin!
Basahin at suriin ang talata. Tukuyin ang mga panandang ginamit upang maging
maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga datos. Salungguhitan lamang ang sagot.

Isa sa mga paksa ng mga artikulong isinulat ni Zen Hernandez noong 2017 ay
kung paanong napagkitaan ng isang Pilipino ang mga basurang plastik mula sa dagat.
Unang inilahad sa artikulo ang katuwa-tuwang paraan upang mabawasan ang mga
basurang plastik sa karagatan. Kasunod nito, ipinakilala ang gawain bilang “Plastic
Solution” na pinangunahan ni G. Raf Dionisio. Pagkatapos, ipinaliwanag na ang mga
boteng plastik ay ginagamit bilang mga materyales sa kontruksyon ng mga
pampahingahang silid sa La Union, Zambales, Baler at Aurora. Sa huli, ang kikitain ng
produkto ay paiikutin upang makapagbigay ng iba pang opurtunidad sa ibang tao para
sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng kanilang sarili.

Sanggunian: https://news.abs-cbn.com/life/11/12/17/adbokasiya-para-sa-kapaligiran-
maaari-ring-gawing-negosyo

Sanayin Natin!
Punan ng wastong salita o parirala ang talata sa ibaba upang mabuo ang diwa
nito. Piliin lamang ang sagot mula sa kahon. Titik lamang ang isulat.

Batay sa (1) _______ mga artikulong isinulat ni Bianca Dava noong 2019, ang
pagbabago ng klima ay nakaaapekto sa pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa. (2)
_________, malinaw na inilahad ang pagpapaliwanag ni Dr. Solante tungkol dito.
(3)_________, ginawang patunay ang mataas na kaso ng dengue sa Payatas, Quezon sa
mapait na pangyayari. (4)________ ,isa-isang ibinahagi ang iba pang mahahalagang
pahayag ng mga eksperto tungkol sa suliranin. (5)__________, inilahad ng mamamahayag
ang mga estadistika mula sa Kagawaran ng Kalusugan ukol sa kaso ng dengue sa
bansa.

a. sa huling bahagi b. kasunod nito c. pagkatapos


d. isa sa e. sa unang bahagi

Sanggunian: https://news.abs-cbn.com/news/08/11/19/climate-change-may-ambag-
sa-paglobo-ng-dengue-cases-sa-bansa

Tandaan Natin!
Sa modernong panahon, napakalawak at napakarami ng maaari nating
mapagkunan ng impormasyon. Tandaan na mahalaga ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon upang mas maging maayos ang paglalahad
ng mga ito. Sa pagsasaayos ng mga ito maaari nating gamitin ang mga kataga at
salitang: una, sa unang bahagi, bilang panguna, isa sa ,isa pa, sinundan ito,
saka, pagkatapos, sa dakong huli at iba pa.

Suriin Natin!
Mahaba-haba rin ang naging aralin mo sa pananaliksik. Naaalala mo pa ba ang
mga ito? Sa bahaging ito sasanayin natin ang iyong kasanayan sa pananaliksik
upang maiugnay mo sa bagong aralin na iyong natutunan, ang pagsasaayos o wastong
pagsusunod-sunod ng mga datos.

Magsaliksik tungkol sa edukasyon sa Pilipinas. Maghanap ng apat na


mahahalagang impormasyong may kaugnayan dito upang mabuo mo ang diyagram. Sa
pagsasagawa ng pananaliksik, maari kang magpatulong sa mas nakatatanda sa iyo
upang magabayan ka sa iyong gawain. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang
pinagkunan ng mga nasaliksik na impormasyon pagkatapos ng gawain.

EDUKASYON
Payabungin Natin!
Mahusay! Bunga ng iyong pananaliksik, nakahanap ka ng apat na
mahahalagang impormasyon tungkol sa edukasyon ng Pilipinas. Ngayon
sigurado akong mapagtatagumpayan mo ang huling gawain para sa markahang ito.

Gamit ang mga impormasyon sa binuong diyagram sumulat ka ng isang talata.


Isaalang-alang ang paggamit ng mga pananda sa pagsasaayos o wastong pagsusunod-
sunod ng mga datos ng ginawang pananaliksik.

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Pagnilayan Natin!

Mahalaga ang organisasyon ng mga ideya at impormasyon sa loob ng teksto


upang madali itong maunawaan. Tulad ng isang maayos at organisadong Sa
pamamagitan nito nailalahad mo nang malinaw ang mga impormasyong iyong
nasaliksik. Gamit ang mga iminungkahing pahayag, nagagabayan mo ang mga
mambabasa sa daloy ng mga detalye sa loob ng iyong binubuong babasahin. Tandaan,
ang

Writer: Eric L. Fernandez


Illustrator:
Template developer: Neil Edward D. Diaz, PDO II – LRMS, Davao del Norte
Answer key to Activities (Separate Sheet)
Susing sagot

Subukin Natin
1. Isa sa
2. Sa unang bahagi
3. Sinundan
4. Pagkatapos
5. Sa dakong huli

Gawin Natin
1. Isa sa
2. Unang
3. Kasunod nito
4. Pagkatapos
5. Sa huli

Sanayin Natin
1. d
2. e
3. b
4. c
5. a

Suriin Natin
- Batay sa resulta ng pananaliksik ng mag-aaral

Payabungin Natin
- Pansariling sagot ng mag-aaral batay sa ginawang pananaliksik

You might also like