You are on page 1of 6

Sining at Agham ng

Pagtuturo
11.2 Pagkatapos ng Obserbasyon

 Saan ako magsisimula


 Obserbasyon sa klasrum
 Pagkatapos ng Obserbasyon
 Ang daigdig ng Klasrum
 Ang mga mag-aaral
 Mga katangian ng mga Mag-
aaral

Renabelle De Guia
Tagapag-ulat
Panimula:
Ang sinulat na ulat ay naglalaman ng mga impormasyon sa pagsisimula ng isang
pagkatuto sa loob ng isang klasrum. Tumatalakay ito sa tungkulin ng guro sa loob ng
klasrum at mga katangian ng mga mag-aaral.

Layunin
Pagkatapos ng talakayan matatamo ng mga tagapakinig ang mga sumusunod:
1. Mahihinuha ang mga katangian ng mga mag-aaral.
2. Mahahambing ang mga kalagayan ng klasrum sa aktwal na pagtuturo.
3. Mababatid ang mga tungkol ng guro sa loob ng klasrum.

Talakayan

 Ang Daigdig ng Klasrum

 Sa loob lamang ng ilang saglit nagagawang makapag-isip ng guro ng mga


teknik upang maging mabisa ang pagtuturo. Under-represented sa mga
propesyonal na literatura ang kahalagahan ng kaligiran sa pagkatuto, ang
daigdig na ginagalawan ng guro ay ang klasrum.
 Malaki ang kaibahan ng mga inirereseta ng mga eksperto tungkol sa kung ano
ang dapat mangyari sa loob ng klasrum at kung ano talaga ang nangyayari rito.
May iba’t ibang paraan sa pagtuturo ng wika na hango sa preskripsyong
malayongmalayo sa reyalidad ng klasrum.
 Upang makalinang ng mga epektibong gawaing pedagolohikal, kailangang pag-
uugnayin ang mga kaalaman sa kalikasan ng pagkatuto/ pagtuturo ng wika at
ang gamit nito mula sa iba’t ibang disiplina tulad ng linggwistika, sikolohiya, at
sosyo-linggwistika at mga kabatiran sa mga nagaganap sa loob ng klasrum.
Hindi dapat inaasahan ng guro ang mga naisusulat at natutuklasan ng iba
tungkol sa kalikasan ng wika at gamit nito. Hindi ibig sabihin na dahil ito ay
gamit ng nakakarami ay ito na rin ang gagamitin ng guro.
 Ang huling desisyon ay nasa kamay ng guro,na siya dapat ang magsasabi kung
ano ang mabisa at angkop sa kanya at ng kanyang mag-aaral ayon sa kanilang
interes at kawilihan. Mahalagang isaalang-alang ang mga nagaganap sa loob
ng klasrum, sa anumang metodolohiya hinggil sa pagtuturo at pagkatuto ng
wika ay kailangang matibay na nakaangkla sa mga ebidensyang empirikal.
 Ang mga gawain sa pagkatuto at pagsasanay na pedalohikal ay hindi dapat
nakabatay lamang sa mga ideyolohiya o dogma, kundi sa mga ebidensya at
mga kaalamang bunga sa sariling paraang pag-aaral o pananliksik hinggil sa
mga proseso sa pagtuturo at pagkatuto ng wika.
 Upang maging makabuluhan ang anumang pananaliksik, dapat isipin na
kailangan nito ang taos-pusong pagsang-ayon ng guro. Hindi lamang dapat na
maging hanguan ng datos ang mga guro, higit sa lahat ay mahalaga ang
kanilang personal na pakikilahok sa mga pananaliksik. Dapat din na malinaw na
masasalamin ang ugnayan ng pagtuturo at panaliksik at ng guro at mga
mananaliksik.
 Sa pagtuturo kinakailangan na magbigay ng motibasyon ang guro sa mga
magaaral. Dito pumapasok ang mahahalagang tungkulin ng guro. Ito ay ang
pagkakaroon at paggamit ng mga mabisang estratehiya sa pagganyak sa mga
mag-aaral upang mapabuti ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa loob ng
silid-aralan.
 Sa paggamit ng mga epektibong estratehiya, maaari nitong gisingin ang interes
ng mga mag- aaral pati ang pagnanais nilang matuto pa, na inaangkopan ng
mabisang teknik sa pagtuturo. Maaari nitong gabayan ang mga mag-aaral sa
patuloy nilang pagtuklas ng bagong kaalaman.

Ang Guro at Pamamahala ng Klasrum


Isa sa pinakamahalagang salitang kaugnay ng pagtiyak sa pagkatuto ng mga
magaaral ay may mabuting pamamahala sa klasrum. Ang kahusayan ng guro sa gawaing
ito ay titiyak sa kabisaan ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang unang araw ng pasukan ang
pinakamahalagang araw ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang unang araw ng pasukan ang
pinakamahalagang araw para sa isang buong taong aralan. At ng epektibong pamamahala
ng klasrum ay kailangang magsimula agad sa araw na ito. Ang pamamahala ng klasrum ay
tumatalakay sa lahat ng mga bagay na ginagawa ng guro sa pagpapanuto ng buong klase,
pagsasaalang-alang ng laki ng klase,oras at mga kagamitan upang lubusang maganap ang
anumang pagtuturo at pagkatuto.
Gabay sa Maayos na Pangangasiwa ng Silid-aralan

Gawing magaan ang lahat May mga mag-aaral na sinusuri tayong mga guro nila
kung ano at saan nila makukuha ang kiliti nating mga guro kaya mas mainam na simulan
natin ang taon sa disiplinadong pangangasiwa sa silid-aralan nang sa gayon di natin
mabigyan ng puwang ang ating mga mag-aaral na magbigay ng dahilan para matigil ang
daloy ng ating talakayan.

 Pantay na pagtrato sa mga mag-aaral ang kailangan Huwag na huwag magkaroon


ng paborito sa klase.Ang mga mag-aaral,gaano man kabata alam kung tayo ay hindi
patas .
 Kung ang pinakamagaling nating mag-aaral ay nagkasala,kailangan rin natin silang
parusahan. Harapin ang mga magaganap na sagabal sa wastong pagkatuto ng mga
magaaral Huwag hayaang masira ang masayang talakayan ng buong klase nang
dahil lamang sa walang kabuluhang bagay.
 Humanap ng kapaki-pakinabang na paraan para di masira ang takbo ng talakayan.
Iwasang mamahiya sa klase.
 May mga mag-aaral na natututo mula sa mga halimbawa na itinuturo natin partikular
sa isyung pangdisiplina, pero mas mainam na iwasan pa rin nating komprontahin
ang isang mag-aaral sa harap ng klase dahil ito ay magdudulot ng kahihiyan sa
mag-aaral
 Iwasang matigil ang talakayan nang dahil sa maling pagpapatawa sa kanya para
mapahiya sa kanyang mga kaibigan at kamag-aaral. Dahil diyan, mawawala na ang
iyong kagustuhan na mapatuto ang batang iyan.
 Kausapin siya nang nag-iisa na walang sinumang nakakakita o nakaririnig.

Ang Mag-aaral
Ang mag-aaral o estudyante ay siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino.
Ang estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-aaral at makadiskubre ng mga bagay

1. Katangian ng mag-aaral
Mapapansin din ng guro na sa kaniyang klase ay may mga mag-aaral na may mga
tanging kakayahan. Ang kakayahang ito ay maaring sa wika, sa palabilangan, sa musika at
iba pa. Maaaring ang isang tao’y magkaroon ng isang bukod-tanging kakayahan dahil sa,
ang naturang kakayahan ay pinag-uukulan niya ng panahon at ng pansin. Ang isang may
angking talino ay madaling magkakaroon ng tanging kakayahan sa pamamagitan ng
dalubhasang tagapagturo.

2. Pagkakaiba-iba ng mag-aaral
Mapapansin kaagad ng isang gurong mapagmasid ang pagkakaiba-iba ng mga
mag-aaral na nasa kaniyang klase. Ang pagtuturo ay dapat ibagay sa mga mag-aaral, kaya
dapat lagging isaisip at pagukulan ng pag-aaral ang panariling pagkakaiba-iba nila. Ang
kaalaman tungkol sa pagkakaiba-iba ng tao ay totoong makabuluhan sa pagtuturo. Ang
kaibahan ng mga damdamin ay mahirap sukatin, nguni’t dapat mabatid ng bawa’t guro ang
kabuluhan ng damdamin sa pagtuturo lalo na sa pagbibigay ng panariling payo sa mga
mag-aaral.
3. Pag-unawa sa mag-aaral
Ang mag-aaral ay dapat na lubos na maunawan ng guro, sapagka’t siya ang sukat
ng lahat ng bagay sa pagtuturo. Ang pagtuturo ay nababatay sa pangangailangan ng mga
mag-aaral. Ang lahat ng tao’y may mga katangiang nagkakatulad-tulad, mga katangiang
karaniwan sa lahat, nguni’t bawa’t tao’y may bukod – tanging pangangatawan, isipan, talino,
damdamin, ugali at asal. Ang pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral ay makabuluhan sa
pagtuturo at tungkulin ng gurong kilalanin at gamitin ang mga naturang kaibahan.
SANGGUIAN
Felicano makrong-kasanayang-pangwika hango sa
https://pdfcoffee.com/felicanomakrong-kasanayang-pangwikadocx-pdf-
free.html

You might also like