You are on page 1of 15

Isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't

ibang anyo at estilo.


PANITIKAN
TULA
SAKNONG
TALUDTOD
Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim na
kahulugan
TRADISYUNAL
BERSO BLANGKO
MALAYANG TALUDTURAN
TULA
Tulang walang sukat at walang tugma. Ang anyo ng tulang ito ay siyang
nanaluktok na anyong tula sa panahon ng paghingi ng pagbabago ng mga
kabataan.
TRADISYUNAL
BERSO BLANGKO
MALAYANG TALUDTURAN
TULA
Tulang may sukat bagamat walang tugma.
TRADISYUNAL
BERSO BLANGKO
MALAYANG TALUDTURAN
TULA
Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ
Mahigit sa hayop at malansáng isdâ,
Sino ang may-akda ng linyang ito?
Jose Rizal
Amado V. Hernandez
Alejandro G. Abadilla
Juan Miguel Severo
Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo, mali...
Ito na ang huling tula na isinulat ko tungkol sayo
Iniibig kita, at ubos na ubos na ako...."
Sino ay may-akda sa tulang ito?
Jose Rizal
Amado V. Hernandez
Alejandro G. Abadilla
Juan Miguel Severo
Lipad, lipad
Kaya mong lumipad
Sa sipag at tiyaga
Abot mo ang iyong pngarap
Kahit anong lakas ng hangin
Ay hindi mo susukuan
Dahil ang pangarap mo’y
Kailanman hindi susukuan

Sino ang may-akda ng tulang "PANGARAP"?


Anthony Vasquez
Anthony Marquez
Anthony Enriquez
Anthony Perez

Lipad, lipad
Kaya mong lumipad
Sa sipag at tiyaga
Abot mo ang iyong pngarap
Kahit anong lakas ng hangin
Ay hindi mo susukuan
Dahil ang pangarap mo’y
Kailanman hindi susukuan
Sa anong anyo ng tula kabilang ito?
TRADISYUNAL
BERSO BLANGKO
MALAYANG TALUDTURAN
SESURA

Ang tula ay bahagi na ng buhay ng tao. Nagbibigay ito sa atin nang wastong
damdamin, karanasan, karunungan at kawilihan. Ginagamitan din natin ito ng
iba't ibang estilo at pamamaraan. Kaya naman, ang tula ay maituturing ______.
answer choices
tayutay
anyo
kayamanan
sining
ang buhay ko’t biyakin ang bungo
sa bungo ko’y buong nakalimbag pa rin sa sariwang dugo:
“Pilipino akong sa pambubusabos ay hindi susuko!”
Sino ang may-akda ng tulang ito?

Jose Rizal
Amado V. Hernandez
Alejandro G. Abadilla
Juan Miguel Severo

Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod

Isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).

Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Ang tunog
ng huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod.

Ito ay ang saglit na pagtigil o paghinto sa pagbigkas ng tula.

Ito'y elemento ng tula na kailangang magtaglay ng maririkit na salita upang


masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Ito ang nagsasalita sa tula. Maaaring nasa una, ikalawa o ikatlong panauhan.

Ito ang diwa ng tula. Maaring malungkot, kapighatian, pag-asa, masaya o


pangangaral.
Magandang basahin ang tulang 'di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit.

Ito’y isang elemento ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.


Ginagamitan ng mga tayutay.

Paraan ng patutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.

Tinatawag ding Assonance sa Ingles.

Paraan ng patutugma ng tunog kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig.

Tinatawag ding Consonance sa Ingles.


Uri ng saknong na may dalawang linya
tercet
quatrain
quintet

Uri ng saknong na may pitong linya.


couplet
sestet
octave
septet

Uri ng saknong na may tatlong linya.


couplet
tercet
quatrain
sestet

Uri ng saknong na may anim na linya.


quatrain
quintet
sestet
septet
Q. 

Uri ng saknong na may apat na linya.


quatrain
quintet
sestet
septet
Republic of the Philippines PALAWAN STATE UNIVERSITY College of Teacher
Education Department of Elementary Education Puerto Princesa City

Inihanda nina:

DARREL GRACE LAURIO

JAY-ANN MAGBANUA

Modyul sa
SC – FIL 1:

PAGTUTURO NG FILIPINO

SA ELEMENTARYA

####### ITINAKDA NG KURSO

Koda at Pamagat ng Kurso SC-FIL 1: Pagtuturo ng Filipino sa Elementary (Estruktura at


Gamit ng Wikang Filipino Taong Panuruan at Semestre Unang Semestre, Taong 2020- 2021

Bilang ng Yunit 3 Deskripsiyon ng Kurso Pagsanay ng paggamit ng estruktura at gamit ng


wikang Filipino sa pagtuturo sa elementarya. Sumasaklaw sa deskriptibong pag-aaral ng wikang
Filipino sa lebel ng ponolohiya, morpolohiya, semantika, at sintaks. Tunguhin sa pagtatapos ng
Kurso

1. Naipamamalas ang kaalaman at pag-unawa sa konseptuwal na balangkas sa pagtuturo ng


Filipino sa K- 12;
2. Nailalahad ang mga legal na batas pang-edukasyon, mga teoryang pilosopikal, mga
kaalaman at batayang nag-uugnay sa pagpapalawak ng kasanayan sa pagtuturo ng
Filipino; 3, Naipamamalas ang kakayahang komunikatibo, replektibo, at mapanuring pag-
iisip sa wikang Filipino sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga aralin hinggil sa
ponolohiya, morpolohiya, semantika at sintaks, at teknolohiya tungo sa paghubog ng
isang buo at ganap na Pilipino, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang
makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig;
3. Nakabubuo ng mga kongkretong produkto na naglalapat sa mga natutuhan sa paggawa ng
bawat bahagi ng banghay aralin at mga istratehiyang angkop at napapanahong gamitin sa
pagtuturo ng Filipino sa elementarya;
4. Naisasagawa ang pagpapakitang-turo nang dalawahan o pangkatan batay sa wasto at
organisadong pagkakabuo ng banghay aralin. Talatakdaan sa Pag-aaral Pag-aaral ng
Modyul: Martes at Biyernes, 2:00-5:00pm Online Class: 2:00-4:00pm (Biyernes) Linggo
Modyul 1 Modyul 1: Filipino sa Kurikulum ng Elementarya 2 Modyul 2: Ponolohiya ng
Wikang Filipino 3 Modyul 3: Morpolohiya ng Wikang Filipino 4-5 Modyul 4: Pagbuo at
Pagpapalawak ng mga Bahagi ng Pananalita 6 Modyul 5: Estratehiya sa Pagtuturo at
Pagtataya 7-8 Modyul 6: Pagpaplano sa pagtuturo ng Filipino IMPORMASYON NG
GURO/INSTRUKTOR

Guro: Ms. Darrel Grace Lusoc-Laurio (para sa BEED III A)

Mobile Numbers: 09563078681

E-mail Address: dlaurio @psu.palawan.edu

Facebook/Messenger Account: Darrel Grace Lusoc-Laurio

Pahina ng Pamagat i Itinakda ng Kurso ii Panimula iii Talaan ng Nilalaman iv

MODYUL 1 Filipino sa Kurikulum ng Elementarya

Aralin 1: Filipino Bilang Aralin sa Elementarya 1

Pagtuturo ng Filipino sa Ilalim ng K-12 Kurikulum 2 Pamantayan sa Program, Bawat Yugto, at


Baitang 4

Aralin 2: Balangkas ng Kurikulum ng Filipino sa K- 12 7

Ang Batayang Konseptuwal ng Filipino 8 Mga Batayang Teorya at Pilosopiya sa Pagtuturo ng


Filipino 10

Aralin 3: Layunin sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 13

Aralin 4: Most Esssential Learning Competencies sa Filipino 18

Ebalwasyon 32 Mga Sanggunian 33

TALAAN NG NILALAMAN

Generated by app.pixton/#/

#######
I. PANIMULA

Isang maligayang pagbati sa iyo! Binabati kita sapagkat ngayon ay may pagkakataong kang
matuto ng mga kaalaman na makatutulong upang ikaw ay maging handa sa pagtuturo ng Filipino
sa Elementarya.

Tutulungan ka ng modyul na ito na mas mapahusay pa ang iyong katangi-tanging galing at


talento para buoin ang pagkatao at tulungang mahasa ang isang mag-aaral na Pilipino na
magkaroon ng pagmamahal sa kaniyang wika at bansa.
Ang modyul na ito ay nahahati sa iba’t ibang bahagi o aralin upang higit na maging magaan para
sa iyo ang pag-aaral. Ang mga araling ito ay:

Aralin 1 - Filipino Bilang Aralin sa Elementarya Aralin 2 - Balangkas ng Kurikulum ng Filipino


sa K- Aralin 3 - Layunin sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya Aralin 4 - Most Essential
Learning Competencies (MELCs) sa Filipino
II. PANGKALAHATANG LAYUNIN

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na maipamamalas mo ang mga kaalaman at kaunawaan


sa koseptuwal na balangkas, pamantayan, layunin, at nilalaman sa pagtuturo ng Filipino sa
Elementarya sa ilalim ng K-12 Kurikulum.
III. NILALAMAN

####### 1 LAYUNIN

ARALIN 1 FILIPINO BILANG ARALIN SA ELEMENTARYA

MODYUL 1: FILIPINO SA KURIKULUM NG ELEMENTARYA

Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahan na magagawa mo ang mga sumusunod:

1. Natutukoy ang tunguhin ng pagtuturo ng Filipino sa elementarya.


2. Napaliliwanag ang mga makrong kasanayan na dapat malinang sa pagtuturo ng Filipino
3. Natutukoy ang iba’t ibang pamantayan sa kurikulum.
4. Nasasabi ang kahalagahan ng pagtuturo at pagkilala sa wikang Filipino.

####### 1 PANLINANG NA GAWAIN

Basahin at unawain ang teksto hinggil sa pagtuturo ng Filipino sa Elementarya sa ilalim

ng K-12 Kurikulum.

Ang isang gurong nagtuturo sa elementarya ay dapat may natatanging

kakayahan na taglay sapagkat isang malaking hamon ang magturo sa mga nasa

murang edad pa lamang. Ang mga matututuhan nila ay magsisilbing pundasyon sa

kanilang landas na tatahakin at batayan ng kanilang pagkatuto. Kung ikaw ay

magtuturo ng Filipino sa elementarya, kinakailangan na maging magiliw at masayahin

ka rin upang matuto rin ang mga mag-aaral nang masigla at masaya lalo na sa Filipino.

Makatutulong rin kung ikaw mismo bilang guro ay nagpapakita ng pagmamahal sa


ating sariling wika.

Ayon sa Artikulo XIV Seksiyon 6, “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na

wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” Patunay ito na dapat nating patuloy na

pagyamanin at payabungin ang wikang Filipino at isang paraan ang pagtuturo ng

asignaturang Filipino. Nabibigyang-halaga rin natin ang wikang Filipino sa

pamamagitan ng paggamit nito sa ating araw-araw na pakikipagtalastasan.

Sa pagtuturo rin ng wika, kinakailangang ilantad ang mga mag-aaral sa iba’t

ibang makatotohanang gawain upang maiparanas sa kanila ang tunay at kapaki-

pakinabang na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng mga babasahin, pasulatin ng

tula o kuwento, pagtatalumpati, pagbigkas ng tula, pagsasagawa ng dula, panonood

ng makabuluhang palabas o pagsusuri ng pelikula, pakikinig sa balita at pagbibigay ng

opinyon hinggil dito, at marami pang iba na maglilinang sa limang makrong kasanayan.

Ang limang makrong kasanayan sa pagtuturo ng Filipino ay: pagsasalita , pagbasa ,

pagsulat , pakikinig , at panonood.

Pagsasalita – Mahalagang malinang ang kakayahan at kasanayan sa pagpapahayag ng kaisipan


at damdamin, makipagpalitang-kuro, makapagsalaysay ng mga karanasan, makapagbigay ng
reaksiyon, makipanayam, atbp.

Pagbasa – Mahalagang mahasa sa paghahanap ng kaalaman at katotohanan, pag-apuhap ng


kahulugan at kabuluhan ng mga bagay-bagay sa paligid o paglinang sa mapanuri at malikhaing
kaisipan.

Pagsulat – Kailangang mapaunlad sa pagpapahayag ng kaisipan ng tao sa pamamagitan ng


paggamit ng simbolo (titik). Makatutulong din sa pagpapahayag ng saloobin, reaksiyon, o
opinyon.

Pakikinig – Mahalaga sa pagkuha at pag-unawa ng impormasyon at maging daan sa


pagkakaunawaan ng isa’t isa.
Panonood – Kailangang mahasa upang mapaunlad ang kasanayan sa paghihinuha, pagwawakas,
pagsusuri, paglalahat, pagkilatis sa katotohanan o opinyon, at maging alerto sa mga nangyayari
sa paligid.

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay naglabas ng kurikulum (K-12) na may iba’t

ibang pamantayan sa programa ( Core Learning Area Standards ), bawat yugto ( Key

Stage Standards ), at bawat baitang ( Grade level Standards ) na inaasahang

maipamamalas sa bawat yugto at baitang ng isang mag-aaral sa Filipino.

A. Pamantayan sa Programa (Core Learning Standards):

Pamantayan ng Programa ng Baitang 1-

Nagagamit ang wikang Filipino upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman
sa araling pangnilalaman, magamit ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag ng sariling
kaisipan, damdamin o karanasan nang may lubos na paggalang sa kultura ng nagbibigay at
tumatanggap ng mensahe.

B. Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto (Key Stage Standards):

Kinder- Baitang 3

Sa dulo ng Baitang 3, nakakaya ng mga mag-aaral na ipakita ang kasanayan sa pag-unawa at


pag-iisip sa mga narinig at nabasang teksto at ipahayag nang mabisa ang mga ibig sabihin at
nadarama.

Baitang 4-

Sa dulo ng Baitang 6, naipapakita ng mga magaaral ang sigla sa pagtuklas at pagdama sa


pabigkas at pasulat na mga teksto at ipahayag nang mabisa ang mga ibig sabihin at nadarama.

C. Pamantayan sa Bawat Baitang (Grade Level Standards):

BAITANG PAMANTAYAN SA BAWAT BAITANG

####### K

Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pagpapahayag ng iniiisip at damdamin sa wikang


katutubo at ang kahandaan sa pagbasa at pagsulat upang makilala ang sarili at matutong
makisalamuha sa kapwa.

####### 1
Pagkatapos ng Unang Baitang , inaasahang nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalita at
di-pasalitang paraan ng pagpapahayag at nakatutugon nang naaayon. Nakakamit ang mga
kasanayan sa mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya,
damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at
kaugnay ng kanilang kultura.

Nawa’y maipakita mo ang pagmamahal sa wikang Filipino sa pamamagitan ng

pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga susunod na henerasyon. Sa tulong ng iba’t

ibang kapamaraan, kayang-kaya mong gawing masaya at makabuluhan ang klase.

Ikaw, bilang magiging guro na rin sa mga susunod na taon ang magiging susi upang

mas lalong mahalin at pahalagahan ng mga kabataan ang ating sariling wika.

PAGSASANAY:

1. Ano-ano ang mga makrong kasanayan sa pagtuturo ng wikang Filipino? Paano makatu
tulong ang mga ito sa pagpapaunlad ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang
Filipino?
2. Bakit mahalaga na alam ng guro ang bawat pamantayan ng kurikulum lalo na ang
pamantayan sa bawat baitang?

####### 1 PANGWAKAS NA GAWAIN

Ilapat sa isinasaad na gawain sa ibaba ang iyong kaalaman at kasanayang

natutuhan buhat sa araling tinalakay.

Sa loob ng anim na taon mo sa Kagawaran ng Edukasyon, ay nakilala kang isang

magaling na guro sa Filipino, kaya’t naimbitahan kang maging tagpagsalita para sa

isang panayam. Paano mo hihikayatin ang mga nakikinig/manonood na kinakailangan

ng isang mag-aaral ang asignaturang Filipino sa kanilang buhay? Maglahad ng mga

kapamaraanan o plano sa maaari mong gawin.

####### 2 LAYUNIN

####### 2 PANIMULANG GAWAIN

Pag-aralan nang mabuti ang Konseptuwal na Balangkas sa Filipino sa ibaba.


ARALIN 2

BALANGKAS NG KURIKULUM NG FILIPINO SA K- 12

Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahan na magagawa mo ang mga sumusunod:

1. Naipaliliwanag ang Konseptuwal na Balangkas sa Filipino;


2. Natutukoy ang nilalaman ng gabay pangkurikulum; at
3. Nasusuri ang mga teorya at pilosopiyang basehan sa pagbuo ng kurikulum.

Sa ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga kagamitang panturo ng mga guro bilang suporta
sa kurikulum na magmumula sa administrasyon, ahensiyang panlipunan, pribado at publiko,
pamahalaang lokal, midya, tahanan at iba pang sektor ng lipunan. Isinaalang-alang sa pagbuo ng
kurikulum ang pangangailangang panlipunan, lokal at global na pamayanan, maging ang
kalikasan at pangangailangan ng mga mag-aaral.

Pinagbatayan din ang mga legal na batas pang-edukasyon, at mga teoryang pilosopikal ng
edukasyon at wika nina Jean Piaget (Developmental Stages of Learning), Leo Vygotsky
(Cooperative Learning), Jerome Bruner (Discovery Learning), Robert Gagne (Heirarchical
Learning ), David Ausubel (Interactive/Integrated Learning),Cummins (Basic Interpersonal
Communication Skills-BICS at Cognitive Academic Language Proficiency Skills-CALPS) at ng
ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na nagsabing “nasa kabataan ang pag-asa ng
bayan”. Dahil ang Filipino ay nasa disiplina ng wika, pinagbatayan ang mga teorya sa kalikasan
at pagkatuto ng wika, mga teorya / simulain sa pagsusuring panliterasi at mga pagdulog sa
pagtuturo ng wika (W1, W2, W3) at pagtuturo ng mga akdang pampanitikan at tekstong palahad.

Samantala, makikita rin na ang bawat baitang ay may iba’t ibang domain na nakapaloob sa
limang makrong kasanayan na lilinangin:

Para sa Baitang I-III: 1. Pakikinig (Pag-unawa sa Napakinggan)

2. Pagsasalita a. Wikang Binibigkas b. Gramatika (Kayarian ng Wika)


3. Pagbasa a. Kamalayang Ponolohiya b. Pag-unlad ng Talasalitaan c. Palabigkasan at
Pagkilala sa Sarili d. Kaalaman sa Aklat at Limbag e. Pag-unawa sa Binasa
4. Pagsulat a. Pagsulat at Pagbaybay b. Komposisyon
5. Estratehiya sa Pag-aaral
6. Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan Para sa Baitang IV
7. Pakikinig (Pag-unawa sa Napakinggan)
8. Pagsasalita a. Wikang Binibigkas b. Gramatika (Kayarian ng Wika)
9. Pagbasa a. Pag-unlad ng Talasalitaan b. Pag-unawa sa Binasa
10. Pagsulat (Komposisyon)
11. Panonood
12. Estratehiya sa Pag-aaral
13. Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan
Para sa Baitang V-VI 1. Pakikinig (Pag-unawa sa Napakinggan) 2. Pagsasalita a. Wikang
Binibigkas b. Gramatika (Kayarian ng Wika) 3. Pagbasa a. Pag-unlad ng Talasalitaan b. Pag-
unawa sa Binasa 4. Panonood 5. Estratehiya sa Pag-aaral 6. Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan

Halimbawang gabay pangkurikulum sa ikaanim na baitang:

Mga Batayang Teorya at Pilosopiya ng Pagtuturo sa F ilipino

Is ang saligan sa kurikulum ng kagawarang ang paniniwala sa teorya ng constructivism. Ang


mga mag-aaral ang siyang tagabuo ng kahulugan sa tulong ng kaniyang dating kaalaman at
karanasan. Ang mga mag-aaral ay nakikipag-ugnayan sa isa’t isa at ibinabahagi ang kanilang
nauunawaan, nararamdaman, at karanasan para makabuo ng bagong kaalaman. Ang mga guro ay
nagiging facilitato r o tagapagdaloy ng kaalaman. Hinihimok ang mga mag-aaral na makipag-
ugnayan, magpalitan ng kuro-kuro, karanasan, at makabuo ng bagong kahulugan at kaalaman na
batay sa kanilang pangangailangan sa tulong ng interbensiyong ibibigay ng guro.

2. Bakit mahalagang alam ng guro ang mga teorya at pilosopiyang naging batayan sa
pagbuo ng gabay pangkurikulum? Ano-ano ang mga kasanayan na maaaring malinang
kung gagamitin ito ng isang guro sa kaniyang pagtuturo?

####### 2 PANGWAKAS NA GAWAIN

1. Ipagpalagay mong ikaw ay isa nang ganap na guro. Ano-ano ang maaari mong gawing
plano para maituro ang lahat ng kasanayan pampagkatuto na nakatakdang maisagawa sa
loob ng isang linggo? Idetalye ang mga mahahalaga mong paghahanda. Ilapat mo rin ang
isa sa mga teorya o pilosopiya na iyong natutuhan. Maaari ka pang magsaliksik ng iba’t
ibang paraan sa pagtuturo ng Filipino na gamit ang teoryang/pilosopiyang ito.

####### 3 LAYUNIN

####### 3 PANIMULANG GAWAIN

ARALIN 3 LAYUNIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA

Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahan na magagawa mo ang mga sumusunod:

1. Naipaliliwanag ang tunguhin ng araling Filipino.


2. Naihahambing ang mga layunin sa bawat baitang.

Kung ikaw ay tatanungin, anong aralin ang nais mong maisama at matalakay sa pag-aaral ng
wikang Filipino sa elementarya? Magbigay ng mga angkop na layunin para sa araling ito. Isulat
ang sagot sa loob ng kahon.

5. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang makilala at mabasa ang mga pamilyar at
di-pamilyar na salita;
6. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan;
7. Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat;
8. Nauunawaan na may iba’t ibang dahilan ng pagsulat;
9. Naipamamalas ang iba’t ibang dahilan ng pagsulat;
10. Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at
pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan.

Ikaapat hanggang Ikaanim na Baitang

1. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan;


2. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan, at damdamin;
3. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang
talasalitaan;
4. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan sa pag-unawa ng iba’t ibang teksto;
5. Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin;
6. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng iba’t ibang uri ng media tulad
ng patalastas at maikling pelikula; at
7. Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa

komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan.

Narito naman ang ilan sa mga pamantayan sa pagganap (performance standards):

1. Natatalakay ang paksa o isyung napakinggan;


2. Nakabibigkas ng tula at iba’t ibang pahayag nang may damdamin, wastong tono, at
intonasyon.
3. Naisasalaysay muli ang nabasang kuwento o teksto nang may tamang pagkakasunod-
sunod at nakagagawa ng poster tungkol sa binasang teksto;
4. Nagagamit ang diksiyunaryo at nakagagawa ng balangkas sa pagkalap at pag- unawa ng
mga impormasyon;
5. Nakasusulat ng talatang pasalaysay;
6. Nakapagsasalaysay tungkol sa pinanood; at
7. Nakasasali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagtula, pagsulat ng sariling tula,
at kuwento.

####### PAGSASANAY:

Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1. Ano ang pangkalahatang tunguhin ng araling Filipino? Ipaliwanag ito.


2. Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga layuning pangnilalaman sa bawat
baitang.

You might also like