You are on page 1of 3

SANAYSAY

Ang sanaysay ay maikling komposisyong pampan- tikan na maaaring


mapagpaliwanag, mapanuri, o mapaglarawan at tumatalakay ng paksang
kadalasa'y mula sa personal o limitadong pananaw.

Halimbawa:

"Panulaan at Kasaysayan" ni Octavio Paz, salin ni Lamberto E. Antonio (V.S.


Almario, ed., Makabagong Tinig ng Siglo: Mithi 21-22, 1989, p. 89). Hindi man
nakita ang teksto nito sa SL, sa dulas ng pagdaloy ng wika sa TL ay
mahihinuhang komunikatlibo/ idyomatiko ang ginamit na salin dito, masarap
namnamin sa Filipino at hindi sumusunod sa sintax ng wikang IndoEuropeo.

Panulaan at Kasaysayan

Bawat tula ay isang pagtatangkang pagtugmain ang kasaysayan at panulaan


para sa kapakanan ng panulaan. Laging sinisikap ng makata na iwasan ang
paniniil ng kasaysay'an kahit ibinibilang niya ang sarili sa lipunang
kinabubuhayan niya at kahit nákikisangkot siya sa "napapanahong pangyayari
---isang sukdulang halimbawa na unti-unting humihirap isahagap sa
makabagong daigdig. Ang kalikasan ng tula ay maihahambing sa Pista:
bukod sa pagiging petsa sa kalendaryo, paglihis ito sa pagkakasunod-sunod
ng oras at pagsiklab din ng isang kasalukuyan na yugto-yugtong nagbabalik
nang walang kahapon o bukas. Isang Pista ang bawat tula, isang mabilisang
pagsisimula ng purong panahon.

Bágong-Húlog
VIRGILIO S. ALMARIO Ferndale Homes 29 Disyembre 2015
Huwag namang mabibigla sa aking ilang kapangahasan. Halimbawa, ang
imbento kong “bágonghúlog” para sa isang uri ng paglikha ng salita. Sa aking
ix paliwanag, ibig kong tukuyin dito ang pagdukal sa bodega ng wika at
pagpilì ng isang salita upang bigyan ng bagong kahulugan. Malimit itong
mangyari, kahit sa nauso ngayong gámit ng “húgot” sa hanay ng mga artista’t
manganganta. Hindi ko naman nais tawagin itong recycling dahil hindi naman
basura ang salita na muling binibigyan ng gamit. Wala akong maapuhap na
katapat sa Ingles. Sa naturang neolohismo, ibig ko ring ituon ang pansin sa
ugat ng “kahulugán” at siyang púnto ng mga gawaing pangwika. Kung hindi
ninyo napapansin, ang orihinal na ibig sabihin ng “húlog” ay ihagis paibabâ
ang isang bagay. Ihagis para sirain ito. Masamâ ang ibig sabihin. Ngayon,
bakit nagmula ang “kahulugán” natin sa lingguwistika sa “húlog”? Malaki ang
posibilidad na kinuha natin ang gámit panlingguwistika sa “húlog” ng mga
karpintero. Kasangkapan itong may bolang bakal na may tulis at nakaugnay
sa isang mahabàng pisi. Inihuhulog ito mula sa itaas upang masipat kung
tuwid ang pagkakatayô ng haligi at anumang katulad na bahagi ng
konstruksiyon. Ginagamit din noon ng mga sastre ang salita upang ilarawan
ang mahusay na liston ng pantalon. Marami ring “salin” o “halaw” ng mga
nobela ni Rizal at isang magandang pagkakataón upang “ihulog” ang aking
pagtalakay hinggil sa etika o moralidad sa pagsasalin, at upang maidiin ang
responsabilidad ng pagsasalin at ang posibleng masamâng epekto ng
komersiyalismo sa pagtuturo ng Rizal sa partikular at sa pambansang
edukasyon sa kalahatan. Ang kasong ito ay isang malaking isyu sa
pagsasalin. Malimit na ipinapataw ang bigat ng “kasalanan” sa nagpapasalin
—sa pabliser o sa korporasyon o sa partidong pampolitika (sa gobyerno)—
ngunit dapat ding ipagunitang malaking tungkulin ito ng sinumang nagnanais
maigálang na tagasalin. Sa dulo, hindi ito “trabaho lang.” Isa itong maselan at
mabigat na x trabaho para sa anumang dapat isulong na karunungan at
katotohanan sa mundo. Uulitin ko, isang tulong sa preparasyong
pangedukasyon ng nagnanais maging tagasalin ang aklat na ito. Na ang
kahulugan para sa sinumang babásang tagasalin ay humanap pa ng mga
dagdag na aklat at babasahín upang higit na mapatalas ang sariling talino.
Hindi ito Bibliya. Napakarami pang dapat basáhin at saliksikin upang maging
tunay na dalubhasang tagasalin. Ang tinatawag ngayong aralin sa pagsasalin
(translation studies) ay isang malawak na bukirin at patuloy na nililinang dahil
sa matindi at patuloy na lumalaking pangangailangan sa pagsasalin sa buong
mundo. Buksan mo, Tagasalin, ang aklat na ito at sumanib sa matamis na
pintig ng daigdig.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsasalin ng Sanaysay

Tulad ng gawaing pampanitikan, wika ang pangunahing kasangkapan


sa pagsasalin. Sa isang pagtanaw, mas mahirap pa ito kaysa gawaing
pampanitikan, dahil dalawang wika ang dapat pagpakadalubhasaan ng
tagasalin sa ordinaryong sitwasyon. Kailangang dalubhasa siya sa Simulaang
Lengguwahe (SL) o ang wika ng isinasaling akda, at ng Tunguhang
Lengguwahe (TL) o ang wikang pinagsasalinan ng akda. Wika nga ni John
Dryden para sa sinumang nais magsalin ng tula, kailangang “bukod sa isang
henyo sa naturang sining ay (kailangang) dalubhasa 2 BATAYANG
PAGSASALIN kapuwa sa wika ng kaniyang awtor at sa kaniyang sarili. Hindi
rin kailangang nauunawaan lámang natin ang wika ng makata kundi maging
ang kaniyang natatanging takbo ng isip at paraan ng pagpapahayag, na mga
katangiang ikinabubukod at sa ganoong paraan ay ikinaiiba niya sa lahat ng
ibang manunulat. Kapag isinaalang-alang natin ito, kailangang isaloob natin
na ibagay ang ating henyo sa kaniya, na idulot ang takbo ng kaniyang isip
alinsunod sa kaniyang takbo ng isip, at kung ipahihintulot ng ating dila, o kung
hindi man, bahagyang ibahin ngunit hindi ang kasuotan, at lalo nang hindi
iibahin o sisirain ang sustansiya

You might also like