Professional Documents
Culture Documents
NG
PAGSASALING
WIKA
Ang kinikilalang unang tagasalin ay si Andronicus na siyang
nagsalin ng Odyssey ni Homer sa anyong patula (240 B.C.) Sinundan
ito nina Naevius at Ennius, gayon din
nina Cicero at Catulus. Sa pagdaraan
ng maraming taon ay dumami nang
dumami ang mga tagasaling-wika na
siyang nagdulot ng malaking pag-
unlad ng mga bansa sa Europa at
Arabya. Nakilala ang lungsod ng
Bagdad bilang isang paaralan ng
pagsasalingwika sa pamamagitan ng
isang pangkat ng mga iskolar na nakaabot sa Bagdad at isinalin sa
Arabiko ang mga isinulat nina Aristotle, Plato, Galea, Hippocrates at
iba pa. Pagkaraan ng tatlong siglo, Toledo naman ang sumibol sa
larangan ng pagsasalingwika. . Ang mga tanyag na tagapagsalin ay sina
Adelard at Retines. Ang sinasabing pinakataluktok na panahon ng
pagsasalingwika ay ang panahon ng pagsasalin ng Bibliya.
Ang kinikilalang pinakamabuting salin ng Bibliya ay ang salin ni
Martin Luther (1483-1646).
Ang kinikilalang ―Prinsipe ng
Pagsasalingwika‖ sa Europa ay si Jacques Amyot
na siyang nagsalin ng ―Lives of Famous Greeks
and Romans‖(1559) ni Plutarch sa wikang
Aleman.
5
SINING AT AGHAM NG PAGSASALIN: Kalipunan ng mga Saling Teknikal at Pampanitikan
binabasa ay isang salin at hindi orihinal. Sa pagsapit ng
ikadalawampung siglo ay isa na lamang karaniwang gawain ang
pagsasalingwika kaya naman ang uri ng mga nagsisunod na salin ay
mababa sa uring nararapat.
6
SINING AT AGHAM NG PAGSASALIN: Kalipunan ng mga Saling Teknikal at Pampanitikan
ANG MGA PAGSASALIN SA MGA AKDANG KLASIKA
7
SINING AT AGHAM NG PAGSASALIN: Kalipunan ng mga Saling Teknikal at Pampanitikan
Ayon kay C. Day Lewis sa kanyang pagsasalin ng ―Aeneid‖ ni
Virgil (na siyang pinakapopular sa panulaang Latin) sa wikang Ingles,
upang mahuli ng tagapagsalin ang tono at damdamin, kinakailangang
magkaroon ng ispiritwal na pagkakaugnayan ang awtor at ang
tagapagsalin.
Ang pagsasaling-
wika sa Pilipinas ay
nagsimula sa
pangangailangang
mapalaganap ng mga
mananakop na Kastila
ang relihiyong Iglesia
Catolica Romana.
Kinailangan ang
pagsasalin sa Tagalog at sa iba pang katutubong wika ng mga dasal at
mga akdang panrelihiyon. Ngunit hindi naging konsistent ang mga
Kastila sa pagtuturo ng wikang Kastila sa mga Pilipino, dahil ayon sa
kanilang karanasan sa pananakop, higit na nagiging matagumpay ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng paggamit ng
wika ng mga katutubo at naging mas katanggap-tanggap sa mga
katutubo ang marinig na ginagamit ng mga prayle ang kanilang
katutubong wika sa pagtuturo ng salita ng Diyos. Ang ikatlong dahilan
na hindi lantarang inihayag ng mga Kastila ay ang pangamba na kung
matuto ang mga Pilipino ng wikang Kastila ay maging kasangkapan pa
nila ito sa pagkamulat sa totoong kalagayan ng bansa. Sa paglisan ng
kapangyarihang Espanyol sa Pilipinas, nagpatuloy pa rin ang pagsasalin
ng mga piyesang nasa wikang Kastila.
8
SINING AT AGHAM NG PAGSASALIN: Kalipunan ng mga Saling Teknikal at Pampanitikan
Ikalawang Yugto – Panahon ng mga Amerikano
9
SINING AT AGHAM NG PAGSASALIN: Kalipunan ng mga Saling Teknikal at Pampanitikan
ng mga kagamitang pampagtuturong nasusulat sa Ingles. Ang ilan sa
mga halimbawang isinalin sa panahong ito ay ang mga gabay
pampagtuturo sa Science, Home Economics, Good Manners and Right
Conduct, Health Education, at Music. Isinalin din ang Tagalog
Reference Grammar, Program of the Girl Scouts of the Philippines at
iba pa.
10
SINING AT AGHAM NG PAGSASALIN: Kalipunan ng mga Saling Teknikal at Pampanitikan
Ayon kay Isagani Cruz, ―Para tayong mahihina ang mga matang
mas madali pang makita ang malayo kaysa mga likha ng mga kalapit
bansa natin.‖ Ang pagsasama sa kurikulum ng panitikang Afro-Asian
ay masasabing pagwawasto sa pagkakamali sapagkat noong mga
nakaraang panahon mas binigyang
halaga ang pagsasalin ng panitikang
Kanluranin at hindi ng panitikan ng
mga kalapit na bansa.
11
SINING AT AGHAM NG PAGSASALIN: Kalipunan ng mga Saling Teknikal at Pampanitikan