You are on page 1of 2

Rosales, RuthA.

BSED Fil – 3101

Ang Kasaysayan ng Pagsasaling-wika sa Daigdig at sa Pilipinas

I. Kasaysayan ng Pagsasalin sa Daigdig


Ang mga Pagsasalin sa Bibliya

 Ang tatlong itinuturing na pinakadakilang salin ng Bibliya ay ang kay Jerome (Latin), ang kay Luther
(Aleman) at ang kay Haring James (Ingles-Inglatera). Samantalang ang kauna-unahang salin sa Ingles
ng Bibliya ay isinagawa ni John Wyclif.
 Ang unang salin ng mga Katoliko Romano ay nakilala sa tawag na Douai Bible
 Ang maituturing naman na pinakahuling salin ng Bibliya ay ang “The New English Bible” (1970) na
inilimbag ng Oxford University..
Ang mga Pagsasalin sa mga Akdang Klasika

 Ang kalakhan ng kinikilalang mga akdang klasika ay ang mga orihinal na nasusulat sa Griyego at Latin,
ngunit ayon kay Gng. Virginia Woolf, ang alin mang salin ay hindi makakapantay sa orihinal sapagkat
ang wikang Griyego ay isang wikang maugnayin, mabisa, tiyak at waring may aliw-iw na nakaiigayang
pakinggan.
 Dalawang pangkat ang mga tagapagsaling-wika sa Ingles ng wikang Griyego, ito ay ang makaluma o
Hellenizers at ang makabago o Modernizers.
 Ayon naman kay Robert Browning, ang tagasaling-wika ay kailangang maging literal hangga’t maaari
maliban kung ang pagiging literal ay lalabag sa kalikasan ng wikang pinagsasalinan.
 Naniniwala naman si Robert Bridges na higit na mahalaga ang istilo ng awtor kung ang isang
mambabasa ay bumabasa ng isang salin.
 Pareho naman ang paniniwala nina Edward FitzGerald at Samuel Butler na alin mang salin ng mga
akdang klasika ay dapat maging natural ang daloy ng mga salita, madaling basahin at unawain.
 Sa mga pagsasalin ni F.W. Newman sa mga akda ni Homer, pinilit niyang mapanatili ang kakanyahan
ng orihinal hangga’t maaari dahil naniniwala siya na kailangang hindi makaligtaan ng isang mambabasa
na ang akdang binabasa ay isa lamang salin at hindi orihinal.
 Ayon kay C. Day Lewis sa kanyang pagsasalin ng “Aeneid” ni Virgil (na siyang pinakapopular sa
panulaang Latin) sa wikang Ingles, upang mahuli ng tagapagsalin ang tono at damdamin,
kinakailangang magkaroon ng ispiritwal na pagkakaugnayan ang awtor at ang tagapagsalin.

Kasaysayan ng Pagsasaling-wika sa Pilipinas


A. Unang Yugto – Panahon ng mga Kastila
 Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay nagsimula sa pangangailangang mapalaganap ng mga mananakop
na Kastila ang relihiyong Iglesia Catolica Romana. Kinailangan ang pagsasalin sa Tagalog at sa iba pang
katutubong wika ng mga dasal at mga akdang panrelihiyon.
B. Ikalawang Yugto – Panahon ng mga Amerikano
 Sa panahong ito, naging masigla ang pagsasalin sa wikang pambansa ng mga akdang klasikang nasa
wikang Ingles.Ang pagsasalin sa panahong ito ay isinagawa sa paraang di-tuwiran, ibig sabihin ang
isinasalin ay hindi ang orihinal na teksto kundi ang isa na ring salin.
 Isa sa mga tagasaling marami ang naisaling klasikong akda ay si Rolando Tinio. Ang mga dulang
isinalin niya ay ipinalabas sa mga piling teatro sa Kamaynilaan lalo na CCP.
C. Ikatlong Yugto ng Kasiglahan – Patakarang Bilinggwal
 Ang ikatlong yugto ay ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales pampaaralan na nasusulat sa Ingles
tulad ng mga aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa. Kaugnay ito ng pagpapatupad sa
patakarang bilinggwal sa ating sistema ng edukasyon.
 Ayon sa Department Order No. 25, s. 1974, higit na marami ang mga kursong ituturo sa Filipino kaysa
Ingles. Nangangahulugan, samakatwid na lalong dapat pasiglahin ang mga pagsasalin sa Filipino ng
mga kagamitang pampagtuturong nasusulat sa Ingles.
D. Ikaapat na Yugto ng Kasiglahan – Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikang Di-Tagalog
 Kinailangan ang pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-Tagalog upang makabuo ng panitikang
pambansa. Ang tinatawag nating “pambansang panitikan” ay panitikan lamang ng mga Tagalog
sapagkat bahagyang-bahagya na itong kakitaan ng panitikan ng ibang pangkat-etniko ng bansa.
 Nagkaroon din ng Pagsasalin ang GUMIL (Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilocano. Pumili ang mga
manunulat na Ilocano ng mahuhusay na kwento sa wikang Iloco at isinalin sa Filipino, pagkatapos ay
ipinalimbag ang salin at tinawag na KURDITAN.
E. Ikalimang Yugto ng Pagsasalin – Pagsasalin ng Panitikang Afro-Asian
 Ang panahong ito ay nakatuon sa pagsasalin ng mga panitikang Afro-Asian. Kinailangan ang
pagsasaling ito dahil kasama na sa kurikulum ng ikalawang taon sa hayskul ang pagtuturo ng Afro-
Asian.
 Pinangunahan naman nina Rolando Tino at Behn Cervantes ang pagsasalin ng banyagang akdang nasa
larangan ng drama.
 Isinalin naman ng Komisyon sa Wikang Filipino ang mga karatula ng iba’t ibang departamento at
gusali ng pamahalaan, dokumento, papeles para sa kasunduang panlabas, Saligang Batas at iba pa.

Referens: Kizibatan. (18, July 2015). Ang kasaysayan ng pagsasalingwika sa daigdig at sa Pilipinas. (18 July, 2015) Retrieved from
https://kitzibatan.wordpress.com/2015/07/18/ang-kasaysayan-ng-pagsasalingwika-sa-daigdig-at-sa-pilipinas/

You might also like