You are on page 1of 5

Ang modyul na ito ay umiikot lamang sa pagsasaling-wika. Nagpahayag sina C.

Rabin at E. Nida ng kanilang pagpapakahulugan ukol dito. Ngunit sa madaling salita,


Ang pagsasaling-wika ay paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
katumbas sa diwa at estilo na nasa wikang isinasalin.
Ayon sa aking pagkakaintindi, magbibigay ako ng halimbawa. Sabihin nating ang
orihinal na teksto ay ito: Her heart is as soft as a cotton. Kung isasalin ko ito: Busilak sa
kaputian ang kanyang puso. May mga orihinal na teskto rin na kapag isinalin ay may
dagdag at kabawasan na sa pahayag.
Nakasaad din dito ang kasaysayan nito sa daigdig at sa ating bansang Pilipinas.
Ibinigay rito ang tungkol sa sinaunang panahon ng pagsasaling-wika. Sinasabi rito na
sa Europa ay may kinikilalang unang tagapagsalin, at ito ay si Livius Adronicus na
isang Griyego at tinaguriang “Roman Drama”. Ang kilalang Odyssey ni Homer ay isa
sa kanyang isinalin sa kaparaanang patula at sa wikang Latin. Siya rin ang pinagmulan
ng Latin Literature. Ang Baghdad naman ay ang tanyag na paraalan ng pagsasalin
ng wika at pinagmulan rin ito ng pagkalat ng karunungan sa Arabia.

 Ang unang paksa sa ilalim ng pagsasaling-wika ay tungkol sa panahon ng


pagsasalin ng Bibiliya. Isinalin ito dahil:
1. Ito ang tumatalakay sa tao, sa kaniyang pinagmulan, layunin at destinasyon.
2. Dahil sa kataasan ng uri ng pagkakasulat nito.
Dagdag pa rito, sinasabi rin na ang orihinal na manuskrito ng Bibliya ay wala na.
Ang pinakaunang teksto nito ay nasa wikang Aramaic ng Ebreo at ito rin ang
pinaniniwalaang pinagmulan ng salin ni Origen sa wikang Griyego na kilala sa tawag
na Septuagint gayon din ang salin ni Jerome sa wikang Latin.

Ang tatlong itinuturing na pinakadakilang salin ng Bibliya ay salin nina Jerome


(Latin), Luther (Aleman), at ang kay Haring James (Ingles-Inglatera). Ang
kauna-unahan namang salin sa Ingles ng Bibliya ay ginawa ni John Wyclif at ang
bibliya na ginagamit nating mga Katoliko Romano ay tinatawag na Douai Bible. Ang
pinakahuling salin nito ay tinawag na “The New English Bible” na inilimbag ng
Oxford University noong 1970.

Alam nating madami nang ginawang pagsasalin sa Bibliya ngunit kinakailangan pa


rin natin itong isalin muli sa tatlong kadahilanan.
1. Ang mga arkeologo ay marami nang mga natuklasan ukol sa ibang diwa ng
unang salin.
2. Naging mas masidhi ang pag-aaral sa larangan ng linggwistika na siyang
naging daan sa pagpapalinaw ng maraming malabong bahagi nito.
3. Ang ginamit na wika sa klasikang English Bible ay hindi na maunawaan ng mga
mambabasa sa kasalukuyan at minsan ay iba na rin ang diwang inalalahad nito.

 Ang ikalawang paksang pinag-usapan sa modyul na ito ay ang pagsasalin sa


mga akdang klasika.
Maraming awtor o kilalang tao ang nagbigay ng kani-kanilang mga estilo sa pagsasalin
ng wika. Nakatala din sa modyul na ito ang kanilang mga sapantaha ukol sa
pagsasaling-wika.
 Sinabi ni GNG. VIRIGINIA WOOLF na walang makakapantay sa orihinal na salin
sapagkat ang wikang Griyego ay maugnayin, mabisa tiyak, at waring may aliw-iw
na nakaiigayang pakinggan. Ayon din sa kanya, may dalawang grupo rin ng mga
tagapagsaling-wika sa Ingles ng wikang Griyego, ito ay ang makaluma o
Hellenizers at ang makabago o Modernizers. Layunin ng mga Hellenizers na
maging tapat sa pagsasalin upang mapanatili ang orihinal na diwa at katangian ng
kanilang isinasalin. Sinasabi naman sa Modernizers na ang salin ay dapat
nahubdan na ng mga katangian at idyoma at nabihisan ng mga kakanyahan ng
wikang pinagsalinan.
 Ayon naman kay ROBERT BROWNING, kinakailangang maging literal hangga’t
maaari ang tagasaling-wika maliban na lamang kung ito ay lalabag sa kalikasan ng
wikang pinagsasalinan. May mga pahayag tayong tinatawag na idyoma kung saan
may malalalim na kahulugan ang mga ito ngunit para kay Browning kailangang
maging literal ang ibang mga pahayag sa tuwing nagsasalin ng wika.
 Si ROBERT BRIDGES naman ay nakapokus sa istilo ng pagsasalin.Ang opinyon
nito ay ang hindi makatwirang pagpilit na ipasok sa wikang pagsasalinan ang mga
kakanyahan ng wikang isinasalin.
 Sa kabilang banda naman, sina EDWARD FITZGERALD at SAMUEL BUTLER ay
may pareho namang paniniwala na alin mang salin ng mga akdang klasika ay
dapat maging natural pa rin ang daloy ng mga salita upang madali itong basahin at
unawain. May mga taong pinalalalim ang mga salitang kung pagbabasehan ay
may mas madaling kahulugan. Dahil dito, mas mahirap ang pag-iintindi sa mga
pahayag.
 Sa pagsasalin naman na isinagawa ni F.W. NEWMAN sa mga akda ni Homer,
ginawa naman niyang hindi ilayo ito sa orihinal na diwa upang hindi makalimutan
ng mambabasa na ang kanyang binabasa ay isa lamang salin at hindi ang orihinal.
Hindi naman sumang-ayon si ARNOLD sa sinasabing ito ni Newman dahil ayon sa
kanya, ang katapatan sa pagsasalin ay hindi naman nangangahulugan na tayo ay
nagpapaalipin sa orihinal na wika nito. Sa mga panahon namang iyon, nahaluan
ng Roma ang Atenia bilang sento ng karunungan.
 Pinakahuli, ayon naman kay C.DAY LEWIS sa pagsasalin niya ng “Aeneid” ni
Virgil sa wikang Ingles, para malaman ng tagapagsalin ang tono at damdamin ng
kaniyang gawa, ay kailangan ng ispiritwal na pagkakaugnayan ang awtor at ang
tagapagsalin.

 Bilang panghuli namang paksa sa modyul na ito, mayroong limang yugto ang
kasaysayan ng pagsasaling-wika sa Pilipinas. Nainiwala akong ang mga yugtong
ito ay may malaking parte sa maayos na pagsasalin-wika.

 Ang unang yugto ay ang panahon ng mga Kastila. Ang pagpapalaganap ng mga
Kastila ng relihiyong Iglesia Catolica Romana ang naging mitsa ng
pagsasaling-wika sa ating bansa. Hindi nagtuloy-tuloy ang mga Kastila sa
pagtuturo ng kanilang wika sa mga Pilipino, dahil ayon sa kanilang mga naranasan
sa pananakop, mas magtatagumpay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo kung
wikang katutubo ang kanilang gagamitin. Naging katanggap-tanggap naman ito sa
mga katutubo dahil ginagamit ito ng mga prayle sa pagtuturo ng salita ng Diyos. Sa
kabilang banda ay naging pangamba rin ito sa mga Kastila na kung matuto man
ang mga Pilipino ng kanilang wika, ay posibleng gamitin nila ito upang malaman
ang tunay na kalagayan ng bansa.
Ayon sa aking naintindihan at sa aking nakikita sa aking kapaligiran kung saan may
iba’t iba tayong relihiyon at iba-iba rin ang ginagamit nating wika sa pagpapalaganap
ng salita ng Diyos. Sa ating mga Katoliko, madalas na ang gamitin ay Tagalog o iba
namang diyalekto sa ibang katutubo sa halip na Ingles. Sa ibang relihiyon naman,
madalas namang gamitin ang wikang Ingles bilang midyum sa pagbibigay ng salita ng
Diyos.
 Ang ikalawang yugto ay ang panahon ng mga Amerikano. Nakasentro
naman ito sa edukasyon kung saan ito ang pangunahing patakarang kanilang
pinairal kung kaya’t bumaha sa ating bansa ng iba-ibang anyo at uri ng
karunungan mula sa Kanluran lalo na pagdating sa panitikan. Hindi tuwiran ang
pagsasalin sa panahon ito kung saan hindi orihinal ang kanilang isinasalin, kundi
isang salin din lamang.
Si ROLANDO TINIO ay ang kinilalang tagapagsalin ng panahong ito. Ang ilan din sa
mga Bookstore ay nakilala sa yugtong ito. Ang una ay ang National Bookstore na
isinlin ang mga nobela at kwentong pandaigdig para gawing aklat at magamit sa
paaralan. Ang ikalawa ay ang Goodwill Bookstore kung saan klasikong sanaysay
naman ang nilathala nila. Akdang pambata naman ang isinalin ng Children’s
Communication Center.
 Ang ikatlong yugto naman ay ang patakarang bilinggwal. Sa yugtong ito isinalin
sa Filipino ang mga materyales pampaaralan na nasa wikang Ingles. Mahalagang
matandaan natin ang Department Order No. 25, s. 1974 kung saan nakatala rito na
mas marami na ang kursong ituturo sa Filipino kaysa sa Ingles. Dahil sa usaping
ito, may mga asignaturang naisalin na sa wikang Filipino.
Para sa akin, may mga asignatura talagang mas madaling intindihin kung ito ay nasa
wikang Ingles sa halip na sa Filipino, kagaya na lamang ng Matematika, Akawnting,
Biology, Humanities at iba pa.
 Ang ikaapat na yugto naman ay ang pagsasalin ng mga katutubong panitikang
di-tagalog. Kinakailangan ito upang makabuo ng panitikang pambansa. Ang ating
kilalang “pambansang panitikan” ay para sa mga Tagalog lamang. Sa panahon
ding ito naganap ang kumperensya ng mga kilalang manunulat at iskolar sa pitong
pangunahing wika ng bansa kung saan pinagdala sila ng mga materyales na
nasusulat sa kani-kanilang bernakular upang magamit nila sa pagsasalin.
Halimbawa: Ang Cebuano at Ilocano ay nagdala ng kanilang sikat na Nobela ukol sa
bansang Pilipinas gamit ang kanilang mga diyalekto. Gagamitin nila ang kanilang
orihinal na gawa upang makapagsaling-wika.
 Ang ikalima at panghuling yugto naman ay ang pagsasalin ng panitikang
Afro-Asian. Kasama ang pagsasaling ito dahil ito ay nasa kurikulum na ng
ikalawang taon sa hayskul. Ayon kay ISAGANI CRUZ mas madali pa nating
makita ang malalayong likha kaysa sa likha ng mga kalapit bansa natin.
Halimbawa na lamang ay pagtangkilik ng halos nakararaming Pilipino sa K-Drama o sa
Anime na may ibang wika na isinasalin lamang sawikang Ingles. Ngunit kapag
ipinalabas naman ito na nakasalin sa wikang Filipino ay hindi nila ito tinatangkilik, ang
iba pa ay pinupuna ang pagsasaling ito. .

Kaugnay rin nito ang Translation Project kung saan nagkaroon ng pagsasalin ang
isang pangkat ng mga manunulat ng mga piling panitikan ng mga kalapit bansa.

Sa larangan ng pagsasalin ng akdang nasa drama naman nakilala sina Rolando Tinio
at Behn Cervantes. May mga samahan ring nabuo sa panahong ito. Ang pagtatatag
ng samahang ito sa pagsasaling-wika may malaking tulong sa pagpapasigla ng mga
gawain sa larangang ito.

RUBRIK
Pagtitiyak sa mga importanteng detalye ng aralin 5 PUNTOS
Pagpapatibay sa tiyak na natutunan mo sa aralin.
(Magbigay ng halimbawa/mga halimbawa) 5 PUNTOS

Sariling kuro-kuro o sapantaha sa aralin 5 PUNTOS

You might also like