You are on page 1of 6

PAGSASALIN

SA
KONTEKSTONG
FILIPINO

Aleli A. Dela Cruz


BEED 1- 1D
TAKDANG GAWAIN
(KABANATA 2)

1. Bakit itinuturing na pagtataksil ang gawaing


pampagsasalin sa panahon ng Romano?

Sa bansang Europa, si Livius Adronicus ay kilala bilang


kauna-unahang tagasalin sa kanilang bansa. Kilala siya sa
kaniyang pagsasaling-wika ng epikong pinamagatang
Odyssey ni Homer sa wikang latin sa paraang patula.
Tinagurian siyang "Ama ng Roman at Drama" at ng
literaturang Latin. Siya ay kinikilalang unang nagsulat ng
panitik sa latin, ngunit sa kabilang banda, itinuturing na
pagtataksil ang pagsasalin sa panahon ng Romano dahil
ayon sa kanila ay nawawala raw ang pagiging tula ng
isang tula kapag ito ay isinasalin. Noong panahon ng
Romano, ang pagsasalin ay itinuturing na isang mababa
at parasitikong gawain, Ngunit ang ganoong pag-iisip
noong panahon ng mga Romano ay hindi tama.
Kung anong akda ang iyong isasalin, ito pa rin ang
magiging anyo nito kapag naisalin. Ang wika lamang ang
nababago ngunit ang ideya, kahulugan, o mensahe nito.
Gaya ng saad ni Walter Benjamin na isang anyo ang
pagsasalin at upang maunawaan ito ay kinakailangang
balikan ang orihinal. Isa rin sa mga tungkulin ng isang
tagasalin ang pagsasalin ay umiiral hiwalay ngunit
kaugnay sa orihinal. Ang muling pagkalikhang ito ay
nagtitiyak sa kaligtasan ng orihinal na gawa,. Dagdag rin
na ang tunay na pagsasalin ay malinaw: hindi tumatakip
sa orihinal kundi pinanatili amg purong wika na
pinapalalakas sa sariling paraan na makita ang
pamumulaklak ng buong orihinal na teksto. Ayon naman
kay Aura Batnag, isa sa tatllong tungkulin ng tagasalin
ang maging tapat sa kanyang awtor. Ito rin ay
pagpapatunay na ang pagsasalin ay hindi iniiba ang
akdang isasalin. Ito ay ang pagiging tapat sa tunay na
mensahe at kahulugan ng awtor sa paglilipat nito sa
wikang pinagsasalinan. Maaari siyang magdagdag ng
salita, o magdagdag ng paliwanay ngunit hindi niya sakop
ang kahulugang ibig iparating ng orihinal na awtor.
2. Pananakop bang maituturing nang isinalin sa
katutubong wika ang katuruan ng simbahan? Bakit?

Sa aking palagay, ang pagsasalin sa katutubong wika ng


katuruan ng simbahan ay maituturing na pananakop.
Alam naman natin na isa sa mga layunin ng mga Espanyol
ay maipalaganap ang Kristiyanismo nang sakupin nila ang
bansang Pilipinas. Makikita hanggang sa panahon natin
ngayon ang impluwensiyang ito sa bahagi ng ating buhay
sa relihiyon, tayo ay lubos na nasakop ng mga Espanyol
at nagtagumpay sila na maikalat ang Kristiyanisma. Dito
masasabi ko na naging malaki ang papel nang pagsasalin
sa isyu ng pananakop. Isa sa pangunahing dahilan ay
kung hindi naisalin sa katutubong wika ang mga katuruan
ng simbahan ay hindi ito maiintindihan ng mga katutubo
at hindi maipalalaganap ang Kristiyanismo sa ating bansa.
Ito ay ginamit ng mga Espanyol upang mapadali ang
pananakop sa ating bansa. Sa tulong nang pagsasalin ay
nagtagumpay ang mga Espanyol sa pagpapalaganap ng
kanilang relihiyon.
3. Pagtataksil pa rin bang maituturing ang pagsasalin sa
panahon ngayon?

Sa ating panahon ngayon ang pagsasalin ay isa nang


kagalang-galang at isang mahalagang trabaho. Hindi na
ito maituturing na pagtataksil sapagkat kinikilala na ang
kanilang husay at galing sa pagsasalin. Nabibigyan na ng
katarungan ang kanilang mga gawa. Aminin natin na ang
mga tagasalin ay may malaking papel sa larangan ng
sining at pagbasa. Kung iisipin, kung wala ang taong iyon
na siyang nagsaasalin sa iba't ibang lengguwahe ng isang
akda ay hindi ito maikakalat o mabibigyan ng bagong
salin na siyang magbibigay ng bagong rendisyon sa akda
at mas maraming tao ang makakabasa nito. Ngayon ang
bawat isa ay mayroon ng kalayaan na magsalin sa kung
anong lengguwahe o diakleto ang kanilang ninanais. Hindi
gaya noong sa panahon ng mga Romano na iba ang tingin
sa mga tagasalin at sa kanilang mga gawain. Isang
magandang halimbawa ang salin ni Pascual Poblete ng
"Noli Me Tangere" na gawa ng ating pambansang bayani
na si Dr. Jose Rizal. Dito naging malaking ambag ang
kaniyang ginawa na siyang nakatulong sa ating mga
Pilipino na mas matutuhan ang mga mensahe ni Rizal sa
atin. Ngayong panahon ay gamit na gamit ang akdang
iyon at marami na ang nagsalin din sa kanilang bersyon.
Dito ay nabibigyan ng liwanag ang ating kasaysayan at
ganon din naman kung mula sa ibang bansa ang isasalin,
Makikita mo ang kahalagahan nang pagsasalin sa atin at
sa ganitong paraan ay nakapagpapakilala sa mga bagong
mambabasa ng isang akdang itinuturing na makabuluhan
ng isa o ilang tao at maging sa ating kasaysayan. Ngunit
hindi biro ang pagsasalin, ito ay may mga tungkulin dapat
gampanin at mga katangiang dapat mayroon ka. Lubos
akong humahanga sa mga tagasalin dahil nagbibigay sila
ng pagkakataon sa mga tao na makabasa ng isang akda
sa kanilang wika o dialekto. Hindi madali ang kanilang
trabaho kaya dapat natin silang bigyan nang rekognisyon
at igalang natin ang kanilang trabaho.

You might also like