You are on page 1of 2

1. Bakit Itinuturing na pagtataksil ang gawaing pagsasalin sa panahon ng Romano?

Ang pagsasalin ay isang paraan ng pagsulat ng isang teksto o ng salita kung saan ito ay isinusulat
mulisa ibang wika ayon sa target na wika ng tagasalin subalit hindi nawawala ang diwa ng orihinal na
teksto. Ang tungkulin ng isang tagasalin, ayon kay Walter Benjamin, ay ang pagpapanatili ng katangian
ng orihinal na teksto pagkatapos nitong isalin sa panibagong wika. At ang isang tagasalin ay hindi lamang
maihatid sa mga mambabasa ang mismong tekstong pinagmulan ngunit siya ang magiging katumbas ng
may-akda ng orihinal sa wikang isinalin. Ang tungkulin ng tagasalin ay ang maipahayag nang malinis ang
nais ipahayag ng orihinal na teksto sa pnibagong wika. Sa kontinenteng Europa, isa sa mga kinkilalang
unang tagasalin ay si Livius Adronicus. Si Adronicus ayisang Griyego na kilala sa kanyang pagsaling-wika
ng epikong Odyssey ni Homer sa Latin sa kaparaanang patula noong 240 B.C. Tinagurian din siyang ama
ng “Roman Drama” at ng literaturang Latin sa kabuuan. Siya rin ay kinikilalang unang nagsulat ng panitik
sa Latin. Sa kabilang banda, itinuturing na pagtataksil ang pagsasalin sa panahon ng Romano dahil
sinasabi na nawawala ang pagiging tula ng isang tula kung ito ay isinasalin. Ang pagsasalin ay itinuturing
na parasitikong gawainat ang mga tagasalin ay kinukutya dahil sinasabing hindi sila malikhain

2. Pananakop bang maituturing nang isinalin sa katutubong wika ang katuruan ng simbahan?
Bakit?

Masasalamin na sa kasaysayan ng Pilipinas ang mga katuruan ng simbahan na isinalin sa wikang


ginagamit ng bansa. Kung babalikan ang kolonisasyon ng mga Kastila noong 1521, isa sa kanilang layunin
nang dumaong sila sa teritotyo ng Pilipinas ay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo na ngayon ay
pinaniniwalaan na ng marami. Hindi lang sa Pilipinas ito ipinalaganap ngunit pati sa Amerika, Aprika,
Indya at iba pang mga isla sa Pasipiko. Maituturing na paraan ng pananakop ang pagsasalin ng mga
katuruan ng simbahan sa ibang wika dahil ang layunin ng pagsasalin nito ay para mas lalong maunawaan
ng mga mambabasa ang nais ipahayag ng mga dayuhan at ng Kristiyanismo. Ngunit bago pa man
dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ay mayroon na itong sariling sibilisasyon, paniniwala at relihiyon.
May sariling gobyerno, kultura at sinasamba. Ang relihiyong Animismo o ang pagsamba sa kalikasan ay
lumaganap na sa isla ng Pilipinas bago pa dumating ang mga Kastila. Ang mga sinaunang Pilipino noon ay
sumasamba sa bundok, araw, buwan, bituin, puno, kidlat, kulog, apoy atbp. Naniniwala rin sila sa mga
anito at kay Bathala pati na rin sa mga diwata. Sa pagdating ng mga Kastila ay nagbago ang mga
paniniwalang ito at napalitan ng Kristiyanismo, ang relihiyong ipinalaganap ng mga Kastila.

3. Pagtataksil pa rin bang maituturing ang pagsasalin sa panahon ngayon?

Sa aking opinyon ay hindi na maituturing na pagtataksil ang pagsasalin sa kasalukuyang panahon


sapagkat ito’y ginagamit ng halos lahat ng bansa sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa at sa mga karatig
nitong lugar. Marami na rin ang mga bilingguwal at multilingguwal sa Pilipinas sapagkat isa itong
bansang multilingguwal na mayroong mahigit 150 na wika at wikain. Sa pamamagitan ng kaalaman sa
iba’t-ibang wika, nakakapagsalin ang isang bilingguwal o multilingguwal kahit sa pakikipag-usap lamang.
Malaki ang naitutulong ng pagsasalin sa pakikipag-ugnayan ng isang bansa sa mga karatig na bansa.
Bawat bansa ay may sari-sariling kultura at lengguwaheng ginagamit sa pakikipag-usap maging sa
pagsulat. Masasalamin sa mga literatura na isinulat sa sariling lengguwahe ang kultura ng isang bansa.
Sa pamamagitan ng pagsasalin, maaaring maunawaan rin ng mga taong sa ibang bansa nakabase. Sa
pagsasalin rin ay mahalaga na malaman ang kasaysayan at kultura ng tekstong pinagmulan bago isalin sa
ibang lengguwahe upang malaman ang wastong gamit ng mga salita at kung paano ito ginamit sa
panahon na isinulat ang akda. Sapagkat marami sa mga mamamayang Pilipino ay limitado lang ang mga
lengguwaheng nalalaman kung kaya’t mahalaga ang pagsasalin dahil ito ay isa sa mga paraan upang
magkaunawaan at pahalagahan ang kultura at kasaysayan ng ibang kalapit na bansa.

You might also like