You are on page 1of 22

PANIMULA

Ang pagsasaling wika ay matagal nang isinasagawa sa bansa simula pa


sa ating mga ninuno ngunit mas nabigyang tuon ang pagsasalin nang dumating
ang iba't ibang mananakop sa ating bansa, lalo nilang binigyan tuon amh
pagsasaling wika, kabilang na rito ang iba't ibang akdang pampanitikan.

Batay sa sinulat ng dalubwika (Einar Haugen), iminungkahi niya ang


sumusunod na hakbang sa pagsasalingwika. l Pagsusuri – sa pagsasalin,
kailangang basahin muna ang teksto sa orihinal na wika (W1).

Dapat alamin ang mga sumusunod:

I. Kahulugan ng bawat salita

II. Pagkagamit ng bawat salita sa isang pangungusap kung ang


pagpapakahulugan ng isang salita sa mga salita ay maaapektuhan
ng nilalaman.

III. Paglilipat – inililipat ng tagapagsalin ang nilalaman sa wikang


pinagsasalinan.

IV. Pagbabago – pagsulat muli sa panibagong salita o teksto sa


sariling pangungusap.

Sa kasalukuyan, lahat halos ng bansa sa daigdig ay patuloy sa lansakang


pagsasalin sa kani-kanilang wikang ng mahuhusay na akdang nasusulat sa iba't
ibang wika sa layuning maihatid sa higit nanakararaming bahagi ng mambabasa
ang mga pagsasalin, at ang pagsasalin ng pyesa ng literatura na nagtataglay ng
mga bagong kaalaman at karunungang buhat sa ibang bansa na karaniwan ay
sa higit na maunlad na wika nasusulat na tulad ng wikang ingles.
PAUNANG PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Siya ay ang manunulat at orador na nagpahalaga sa batas.

a. Catullus c. Lauretius

b. Cicero d. Livius Andronicus

2. Sino ang alemnang paring katoliko, propesor at teolohiya at ikonikong


pigura ng Repormasyong Protestante na matinding tinutulan ang
pagaangkin ng Katolisismo na ag kalayaan mula sa bansa ng Diyos sa
kasalanan ay mabibili ng salapi.

a. Martin Luther c. Marcus Plautus

b. Livius Andronicus d. Cicero

3. Isang Demonisayon ng pananampalataya na may mga tradisyon na


kaparehas sa Romano Katoliko.

a. Iglesia Catolico Romana c. Iglesia ni Cristo

b. Iglesia Filipina Independiente d. Muslim

4. Kinikilalang unang guro at tagapagturo ng Ingles noong panahon ng


Amerikano.

a. prayle c. gobernador

b. gwardya-sibil d. sundalo

5. Ito ay ang relihiyon na ipinakilala ng mga Amerikano sa mga Pilipino.

a. Iglesia ni Cristo c. Protestanismo

b. Islam d. Katoliko
6. Siya ang nagtatag ng Iglesia Filipina Independiente at nahirang bilang
katas-taasang Obispo ng relihiyong ito.

a. Martin Luther c. Padre Damaso

b. Cicero d. Padre Gregorio Aglipay

7. Isa sa mga unibersidad na naipatayo noong panahon ng Amerikano.

a. Polytechnin University of the Philippines’

b. Far Eastern University

c. National University

d. University of the Philippines

8. Penominong wika na nagpapakita ng ugnayan ng wika at lipunan at kung


paano ang lipunan nakaambag sa pag-unlad ng wika.

a. Bilinggwal c. Tagalog

b. Sosyolinggwistiks d. Ingles

9. Panahon kung saan nagsimula ang pag-unlad ng wikang pambansa.

a. Panahon ng aktibismo at demokrasya

b. Panahon ng Aktibismo at demonstrasyon

c. Panahon ng aktibo at demokrasya

d. Panahon ng Kastila

10. Ito ay isang halimbawa ng epikong Ilokano.

a. Kwento ng pagong at matsing c. Epiko ng Biag ni Lam-


ang

b. Pinagmulan ng Daigdig d. Ibalon


11. Tanggapang maituturing na nangunguna at siyang kinikilala sa
pagsasaling wika ng Pilipinas.

a. Kagawaran ng Edukasyon c. Kagawaran ng wikang Filipino

b. Komisyon ng Edukasyon d. Komisyon ng wikang Filipino

12. Isang pagsasalaysay na itinuturing na totoong naganap sa lipunan noong


nagdaang panahon.

a. Epiko c. Alamat

b. Mito d. Pabula

13. Tawag sa sistema ng pagsulat sa Pilipinas.

a. Alibata c. diptonggo

b. Calligraphy d. wala sa nabanggit

14. Sila ay nakaabot sa Baghdad at doon isinalin ang wikang Arabic.

a. Iskolar ng Roma c. Iskolar ng Amerika

b. Iskolar ng Pilipinas d. Iskolar ng Syria

15. Ang mga sumusunod ay mga pamayanan na pinahati-hati sa apat na


order ng misyonerong Espanyol maliban sa :

a. Augustino c. Pransiskano

b. Romano d. Heswita
PAUNANG PAGSASANAY

Panuto: Pagtapat-tapatin ang salitang Ingles sa angkop na salin nito sa Filipino.


Hanay A Hanay B
1. Paalam, Mahal ko a. Hello
2.Swertihin ka sana! b. Goodbye my love
3.Kumusta c. I love you
4.Minamahal Kita d. Forgive me
5.Patawarin mo ako e. Fight!
6.Makibaka! f. Good luck!

PAGTALAKAY

Kronolohikal na Pinagmulan ng Pagsasaling Wika sa Iba’t-ibang dako ng


mundo

Nagsimula ito sa Europa na kung saan isang griyego na nagngangalang


Livius Andronicus ay nakilala ng isinaling-wika niya ang kilalang odyssey ni
Homer sa wikang Latin, ito ay naisalin niya sa anyong patula noong 240 B.C.
Kinilala siyang Ama ng Roman Drama, sa panahon niya ay nakilala rin ang
pangalang Navevius at Ennius gayundin sina Cicero at Catalus.

Nakilala naman ang lungsod sa Baghdad bilang isang paaraln ng


pagsasaling-wika, sa pamamagitan ng paaralng ito ang isang pangkat ng mga
Arabiko na mga iskolar na nakaabot sa lugar na ito ay nagsalin sa wikang
arabiko ng mga isinulat ng mga kilalang pantas na sina Aristotle, Palto, Galea,
Hippocrates at iba pa.

Nang naisalin sa iba’t-ibang wika ang mga nakasulat sa bibliya, natatanging


ang pagsasaling wika ni Martin Lutter(1483-1646) ang kinilala bilang may
pinakamainam na salin.
Taong 1959 nakilala o pinakilala ang prinsipe ng pagsasaling wika mula sa
Europa ng isinalin ni Jacques Amyot ang lives at Famous Greeks and Romans
sa wikang Aleman na orihinal na isinulat ni Plutarch.

Taong 1972, nakilala sa aklat na essay on the Principles of Translation ni


Alexander Tyler mayroon siyang ibinigay na mahahalagang puntos hinggil sa
pagsasaling wika.

1. ang isang salin ay kailangang katulad na katulad ng orihinal na diwa.

2. Ang istilo at paraan ng pagsulat ay kailangang katulad ng orihinal.

3. Ang isang salin ay kailangang magtaglay ng dulas at luwag ng


pananalitang tulad ng orihinal upang hantggat maari ay may paraang
orihinal.

 Si Livius Andronicus ay amang panitikan sa Latin, ang unang pinunong


Latin, nagsalin ng Odyssey sa Latin.

 Si Marcus Plautus at Terence, unang manunulat ng Comedy.

 Laucretius at Catullus, mga manunulat.

 Cicero, isang manunulat at orador na nagpahalaga sa batas.

 Ayon sa ilan sa mga batikang manunulat na gaya nina Varo Cicero at


Horace, ay ipinagtibay na si Livius Andronicus ang pinagmulan ng Latin
Literature.

Ang unang pagsasalin ay sinundan pa ng ibang pagsasalin, sina Naevius at


Cennis ay gumawa rin ng pagsasalin sa Latin ng mga dulang Griyego tulad
yaong isinulat ni Euripedis. Sinundan ito ni Cicero tinaguriang bilang mahusay na
tagasalin at manunulat. Isang nangunguna sa pagsasalin ng Arabic ng mga
isinulat nina Aristotle, Plato, Gale, Hippocrates at iba pang kilalang mga matatag
na manunulat.

 Iskolar sa Syria - isang pangkat na nakaabot sa Baghdad at doon isinalin


nila wikang Arabic.

 Pagkaraan ng tatlong siglo, napalitan ng toledo ang baghdad bilang sentro


ng karunungan sa larangan ng pagsasaling-wika.

 Adeland - nagsasalin sa salitang Latin ng mga sinulat ni Euclid na noon


ay naisalin na sa Arabic.

 Retines - ang nagsalin sa Latin ng koron noong 1141.

Si Martin Luther ay isang alemnang pareng katoliko, propesor ng teolohiya at


ikonikong pigura ng Repormasyong Protestante. Kanyang matinding tinutulan
ang pag-aangkin ng Katolisismo na ang kalayaan mula sa parusa ng Diyos sa
kasalanan ay mabibili ng salapi. Ang kanyang pagtanggi sa pagbawi ng lahat ng
kanyang mga isinulat sa kahilingan ni Papa Leo X noong 1520 at ng emperador
ng banal na Imperyo Romano na si Charles V noong 1521 ay humantong sa
kanyang pagkakatiwalag ng Papa at Kondemasyon ng emperador bilang
tagalabag ng batas.

Kronolohikal na kasaysayan ng Pagsasaling Wika sa Pilipinas

Panahon ng Kastila

Sa kagustuhang mapalaganap ng mga kastila ang relihiyong Iglesia


Catolica Romana, kinailangang pag sasalin sa Tagalog at sa iba pang
katutubong wika ng mga dasal at mga akdang panrelihiyon. Hindi nagtagal ang
pagtuturo ng Kastila sa mga Pilipino, dahil ayon sa pangyayari mas higit na
nagging matagumpay ang pagpapalaganp ng kristyanismo sa pamamagitan ng
paggamit ng wika ng mga katutubo na siya naming tinaggap ng mga katutubo na
marinig nilang ang kanilang katutubong wika ang ginagamit ng mga prayle sa
mga dasal at pagtuturo sa mga salita ng Diyos. Panghuli ay hindi lantarang
inihayag ng mga Kastila ay ang pangambang matuto ang mga Pilipino ng
Wikang Kastila sa kadahilanang baka ito pa ang maging kasangkapan nila sa
totoong kalagayn ng bansa. Kahit lumisan ang kapangyarihan ng Espanyol sa
Pilipinas, nagpatuloy pa rin ang pagsasalin ng mga pyesang nasa wikang
Kastila.

Ang pagsasaling wika sa Pilipinas ay nagsimula sa pangangailangang


mapalaganap ng mga mananakop sa Kastila ang Relihiyong Iglesia Catolica
Romana.

Iglesia Filipina Independiete ay isang denomisyon ng pananampalataya


na may mga tradisyong kaparehas sa Romano katoliko. Ang relihiyong ito ay
sinimulan ni Isabelo de Los Reyes.

 Ang pamayanan ay pinaghati-hati sa apat na order ng


misyonerong Espanyol na pagkaraan ay naging lima:

 Agustino

 Pransiskano

 Dominiko

 Rekolekto

 Heswita

Nagkaroon ng malaking epekto sa pakikipagtalastasan sa mga katutubo


ang paghahati ng pamayanan. Nang sakupin ng espanyol ang katutubo ay may
sarili na itong wika na ginagamit upang makipag-usap at makipagkalakalan
ngunit pinigil nila. Nagtatag ang hari ng Espanya ng paaralang magtuturo ng
wikang kastila sa mga Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle.
Halimbawa

Ang Duplo

Ang Ibong Hari


Hari: Simulan na ang laro. Bumilang kayo
Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo
Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo
Hari: Tribulasyon!
Lahat: Tribulasyon!
Hari: Estamos en la Buena Composicion (Tandig)
Ang komposisyonng tanan
Ay paglalarong mahusay!
Ang magulo ay mahalay
Sa mata ng kapitbahay
Mga binibini at mga ginoo
Matatanda’t batang ngayong naririto
Malugad na bati ang tanging handog ko
Sa pagsisimula nitong larong duplo
Ang hardin ko ay kubkob ng rehas na bakal,
Asero ang pinto’t patalim ang urang,
Ngunit at nawala ang ibon kong hirang
Ang mga biyaka ang muka’t magnakaw!
Mga Biyaka: Hindi kami ang nagnakaw.

Panahon ng mga Amerikano

Naging masigla ang pagsasalin sa wikang pambansa ng mga klasikong


nasa wikang Ingles. Dahil ang pagkatuto, ang edukasyon ang nagging
pangunahing patakaran ng mga Amerikano kaya naman bumaha sa atin ang
iba’t-ibang anyo ng karunungan mula sa kanluran at lalo na sa larangan ng
panitikan. Ang pagsasalin sa panahong ito ay isinasagawa di-tuwiran, ibig
sabihin ay isinasalin ang tekstong hindi orihinal. Kinilala sa panahong isto si
Rolando Tinio, isang mahusay na maraming naisalin sa paraang klasiko,
karamihan sa mga naisalin niya ay ginamit at ipinalalabas sa piling teatro sa
kamaynilaan.

 Pagkatapos ng kolonyalistang Espanyol, dumating ang mga


Amerikano sa pamumuno ni Almiranle Dewel.

 Ingles ang naging wikang panturo noong panahong ito.

 Ginamit na instrumento ang pambansang sistema ng edukasyon


sa pagnanais na maisakatuparan ang mga plano na alinsunod sa
mabuting pakikipag-ugnayan.

 Ang mga sundalo ang kinikilalang unang guro at tagapagturo ng


Ingles na kilala sa tawag na Thomasites.

 Noong taong 1931, ang Bise Gobernador Heneral George Butte


ay nagpahayag ng kanyang panayam ukol sa paggamit ng
bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taong pag-aaral.

 Sumangayon kay Bise Gobernador Heneral sina Jorge Bacobo


ayt Maximo Kalaw.

Pamahalaang Amerikano: Mga pagbabago sa Pamumuhay at Kultura

 Maraming mga pampublikong paaralan ang naipatayo dahilan upang


maraming mga Pilipino ang nakapag-aral.

 Maaring paaralang normal ang naipatayo na siyang nagsanay sa mga


nais maging guro sa buong bansa.

 Naitatag ang Kagawaran ng pagtuturong Pampunliko o Department of


Public Instruction noong 1901.
 Sibika ang naging pokus ng pagtuturo sa mga paaralan binigyang-diin ang
demokratikong pamumuhay at hindi ang relihiyon. Maraming mga
Unibersidad, pampubliko at pribado ang naitatag sa bansa.

 Mga Unibersidad na naipatayo sa panahon ng Amerikano: National


University (1900)

Mga Pagbabagong naganap sa Relihiyon

 Nabigyang kalayaan sa pagsamba ang mga Pilipino. Pagkatatag ng iba’t-


ibang relihiyon.

 Ipinakilala ng mga Amerikano ang relihiyong Protestanismo.

 Iglesia Filipina Independiente: itinatag ni padre Gregorio Aglipay na siya


ring nahirang bilang kataas-taasang obispo ng relihiyong ito. May
pagkakahawig sa simbahang katoliko ngunit hindi kinikilala ng Papa sa
Roma. Lumawak at nagkaroon ng maraming kasapi noong panahon ng
Amerikano.

Halimbawa

English

I once had a ring My despair was so great

That had a single gem It reached the heavens

I inherited it I clasped my hand

From my Father And placed them upon the table

I thought I hid it Whoever finds

In a chest The ring I inherited

But it disappeared My poor heart

Without my knowledge Will worship him


Tagalog

Ako ay may sing sing Nawala ang sing sing

May batong kay inam Di ko na nakita

Binigay sa akin Abot hanggang langit

Ng mahal kong nanay Ang taglay kong dusa

Sa tapat ng dibdib Sino mang binata

Iningat ingatan Ang makakuha

Kung san nawaglit Ang abang puso ko

Di ko na nalaman Ay magiging kanya

Patakarang Bilinggwal

Ang pagpapatupad ng patakarang bilinggwal sa ating sistema ng edukayon


ayon sa Dept. Order No. 25, section 1974, higit na marami ang mga kursong
ituturo sa Filipino kaysa sa Ingles. Dapat lamang na pasiglahin ang pagsasalin
sa Filipino ng kagamitang pampagtuturo sa Science, Home Economis, Good
Manners and Right Conduct, Health Education at Music. Isinalin din ang Tagalog
Reference Gramar.

Ang Edukasyong Bilinggwal ng 1974 (1974-1986)

A. Kahulugan

 Biliggwal - isang penominong pang wika na tahasan at


puspusang tinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistiks.
Ipinapakita rito ang ugnayan ng wika at lipunan at kung paano ang
lipunan ay nakaambag sa develipment ng wika.

B. Mga batayan sa pagtuturo ng edukasyong biliggwal 1974


 Panahon ng aktibismo at demonstrasyon – simula ng pag-unlad ng
wikang pambansa.

 Executive Order No. 202 na bubuo sa Presidential Commision to


Survey Philippine Education (PCSPE) upang gumawa ng
masusing pagaaral sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon tulad
ng inaasahan.

C. Implementasyon ng Edukasyong Bilinggwal 1974

 Hunyo 19, 1974 ang kagawaran ng edukasyon at kultura ay


naglagda sa pamamagitan ng kautusang pangkagawaran Blg. 25
s. 1974 ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakaranmg
edukasyong bilinggwal.

 Simula 1978 hanggang 1982 naging sapilitan na ang paggamit ng


Pilipino sa mga paaralan sa mga Tagalog na lugar na
nagsisimnulang gumamit nito noong 1974-1975.

D. Ebalwasyon at Sarbey Kaugnay ng Edukasyong Bilinggwal 1974

 Komprohensibong pag-aaral sa Edukasyong Bilinggwal ng 1974


ang isinagawa noong 1985-1986 na binubuo nina Bonifacio P.
Sibayan et. Al na tinatawag na Bilingual Education Evaluation
(BEPE).

Pagsasaling Wika sa Panahon ng Katutubo

Bago pa man dumating ang mga Kastila’y may sarili nang kasiningan ang
mga Pilipino. Ang bagay na ito’y pinatutunayan ng mga mananalaysay na
kastilang nakarating sa kapuluan. Isa na sa nagpapatunay sa kasiningan ng
Pilipinas si Padre Peraro Chirino sa kaniyang Relacian de las Islas Filipinas
(1604). Sinabi niyang may sariling wika ang Pilipinas at ang mga naninirahan
dito’y may sistema ng pagsulat na tinatawag na alibata.
Mayaman sa mga kwentong bayan ang Pilipinas. Ito ang kabang-yaman
na ating panitikan. Dito nasasalamin ang nagging buhay ng ating mga ninuno.

 Kuwentong bayan - batay sa artikulong isinulat ni D.


Damiana Eugenio na kilala sa larangan ng Folklore sa
Pilipinas, ang “Legends and Folklores”.

 Mito – tuluyang pagsasalaysay na tinuturing totoong


naganapsa lipunang iyon noong mga panahong nagdaan.

hal. Mito ng Maranao “Ang pinagmulan ng Daigdig”

 Alamat – ang tuluyang pagsasalaysay na kaiba sa mito


sapagkat tinuturing ang alamat ng mga nagkukuwento at
nakikinig.

hal. Alamat ng Ilog

 Salaysayin – maaring pabula, mga kuwentong engkantado,


mga kuwentong panlinlang, katusuhan etc.

Halimbawa

“Ati ku pung Sing Sing” (Kapampamngan)

Atin ku pung singsing Ing sukal ning lub ku


Metung yang tepukan Susukdul king banwa
Alaman ke iti Pikurus kung gamat
King indung ibatan Babo ning lamesa

Sangkan keng sininup’ Ninu mang manakit


King metun a kaban King singsing kung mana
Mewala ya iti, Kalulung pusu ku
E ku kamalayan. Manginu ya keya
Pagsasalin ng mga Ktutubong Panitikan Di-Tagalog

Ang tinatawag nating “Pambansang Panitikan” na panitikan lamang ng


mga Tagalog sapagkat bahagyang-bahagya na itong kakikitaan ng panitikan ng
ibang pangkat-etniko ng bansa. Kinailangan ang pagsasaling ito upang makabuo
ng panitikang pambansa. Inanyayahan sa ibang kumperensya ang kinilalang
mga pangunahing wika sa bansa (Cebuano, Ilocano, Hiligaynoin, Bicol, Samar-
Leyte, Pampango, at Pangasinan) pinagdala sila ng piling nateryales na
maisusulat sa kani-kanilang bernakular na wika upang magamit sa pagsasalin.

 Kinailangan ang pagsasalin ng mga katutubong panitikan di-


tagalog upang makabuo ng panitikang pambansa.

 LEDCO (Language Education Council of the Philippines) at


SLATE (Secondary Language Teacher Education) ng DECS at
PNU noong 1987.

 Pagtulong ng Ford Education

 Cebuano, Ilocano, Haligaynon, Bicol, Samar-Leyte, Pampanga at


Pangasinan.

 Bernakular

 Sa proyektong ito, nagkaroon din ng pagsasalin sailing Chinese –


Filipino Literature, Muslim at iba pang panitikan ng mga minor na
wika ng bansa.

 GUMIL (Gunglo Dagiti Mannurat ng Ilocano)

Sa pamamagitan ng pagsasalin, ang mga kwentong orihinal na isinulat sa


Ilocanoay nalagay nasa katayuan upang mapasama sa pambansang panitikan
sapagkat mayroon ng bersyon sa wikang pambansa.
Halimbawa

Epiko ng Biag ni Lam Ang (Epikong Ilokano)

Buod

Noong unang panahon, may mag-asawang nag ngangalang Juan at


Namongan. Ang mag asawa ay nakatira sa baryo ng Nalbuan. Noong magbuntis
si Namongan ay umalis ang asawang si Juan upang parusahan ang isang grupo
ng igorot. Habang wala si Juan ay isinilang ni Namongan ang kanilang anak na
lalake. Lubos na kahanga hanga ang sanggol sapagkat pagkapanganak pa
lamang ay marunong na itong magsalita. Ang pangalang "Lam-ang" ay sya
mismo ang pumili. Maging ang mga ninong at ninang ay sya ring nagtalaga.

Isang araw, nagtanong si Lam-ang kung nasaan ang kanyang ama. Nasa
bundok ito upang parusahan ang mga igorot" na saad naman ng ina. Nalungkot
si Lam-ang sapagkat matagal na nyang di nakikita ang ama buhat ng sya ay
isilang. Isang araw ay nanaginip si Lam-ang na ang kanyang ama ay pinatay ng
mga igorot. Sa galit nito ay nagpunta sya sa kabundukan at pinatay lahat ng
igorot doon. Ang batang si Lam-ang ay syam na taong gulang pa lamang noon.

Sa kanyang paguwi sa kanilang lugar sa Nalbuan ay napadaan si Lam-


ang sa ilog ng Amburayan. Doon ay pinaliguan sya ng mga kabigang babae. Ang
mga dumi at dugo sa katawan ni Lam-ang ay naging tila lason na pumatay sa
mga isdang nasa ilog. Nang nasa wastong gulang na si Lam-ang ay nakilala nya
si Ines Kannoyan. Sya ay umibig dito. Nagpasyang manligaw si Lam-ang sa
magandang si Ines. Dala ang kanyang tandang at paboritong aso.

Lubos na nainis si Lam-ang nang makitang maraming nakapalibot na


manliligaw sa bahay ni Ines kaya't inutusan nya ang kanyang tandang na
tumilaok. Sa tinalok ng manok ay agad na nasira ang bahay ni Ines at namatay
ang lahat ng manliligaw. Agad namang inutusan ni Lam-ang na kumahol ang aso
at tumahol nga ito. Sa tahol naman ng kanyang aso ay tila himalang bumalik sa
dati ang gumuhong bahay ni Ines.
Lumabas si Ines at ang magulang nito upang harapin si Lam-ang.
Hiningi ni Lam-ang ang kamay ni Ines upang pakasalan. Hindi naman tumanggi
ang mga magulang ni Ines sa isang kondisyon. Tapatan lamang ang kanilang
kayamanan. Hindi naman ito naging hadlang kay Lam-ang. Umuwi si Lam-ang
at bumalik na may dalang bangka na puno ng ginto. At kalaunay ikinasal din
sila ni Ines.

Lumipas ang maraming taon ay dumating ang pagkakataon upang


manghuli si Lam-ang ng isdang "Rarang". Isang obligasyon sa mga lalaking may
asawa ang humuli nito. Ngunit may pangitain na si Lam-ang na mapapatay sya
ng isdang "Berkahan". Ito ay isang isda na kalahi ng mga pating. Sa kabila nito
ay di pa rin nagbago ang isip ni Lam-ang na hulihin ang isdang Rarang. Ngunit
nangyari nga ang pangitain ni Lam-ang at sya ay napatay ng Berkahan. Lubhang
nagtangis si Ines at agad na umupa ng mga maninisid upang makuha ang mga
buto ni Lam-ang. Agad namang nakuha ang mga buto ni Lam-ang. Kasama ni
Ines ang tandang at aso ni Lam-ang, kanilang dinasalan gabi-gabi ang mga buto
ng asawa. Hanggang sa isang araw, si Lam-ang ay muling nabuhay. Mula noon
ay namuhay sila ng masaya.

Pagsasalin sa Panitikang Afro-Asian

Kinailangan ang pagsasaling ito dahil kasama na sa kurikulum ng ikalawang


taon sa hayskul ang pagtuturo ng Afro-Asian. Ang pagsasama sa kurikulum ng
panitikang Afro-Asian ay masasabing pagwawasto sa pagkakamali sapagkat
noong nakaraang panahon mas binigyang halaga ang pagsasalin ng panitikang
Kanluranin at hindi ng panitikan ng mga kalapit bansa.

 May kinalaman ito sa mga panitikan ng ating bansa.

 “Para tayong mahihina, ang mga matang mas madali pang Makita
ang malayo kaysa sa mga likha ng mga kalapit bansa natin” –
Isagani Cruz
 Sina Rolando Tino at Ben Cervantes ang pagsasalin sa
banyagang akdang nasalarangan ng drama.

 NCCA (National Commission on Culture and Arts) at PETA


(Philippine Educational Theatre Association). Mga institusyong
nagsagawa ng mga proyektong pagpapaunlad ng wikang
pambansa.

 Komisyon sa wikang Filipino – tanggapang maituturing na


nangunguna at siyang kinikilala sa pagsasaling wika sa Pilipinas.
Itinatag ng pamahalaan upang siyang mangalaga sa
pagpapalaganap ng wikang pambansa.

 Ingles pa ang midyum na ginagamit sapagkat ang mga salin sa


Ingles ng Afro-Asian Literature ang magagamit o available sa
ngayon.

IKALAWANG PAGSASANAY

Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ang salin ay angkop at ekis (x ) naman kung
hindi.

___1. intelligence

___2. dullness ___5. ComprehendsiOn


Talino

___3. knowledge ___4. stupidity


IKALAWANG PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot

1. Siya ang ama ng panitikan sa bansang Roma.


a. Livius Andronicus c. Martin Luther
b. Plautus d. Plato

2. Isang grupo ng iskolar na nakaabot sa Baghdad.


a. Iskolar sa Roma c. Batikan sa Roma
b. Iskolar sa Syria d. Batikan sa Syria

3. Ito ang nagging sanhi ng matinding pagtutol ni Martin Luther sa pag-


aangkin ng Katolisismo.
a. Pagbawi sa kanyang lahat na isinulat
b. Ang kalayaan mula sa parusa ng Diyos ay makukuha sa dasal
c. Ang kalayaan mula sa parusa ng Diyos ay mabibili ng salapi
d. Pagpapalaganap ng Katolisismo

4. Pinasimulan ng pagsaaling-wika sa Pilipinas.


a. Pagpapalaganap ng Propaganda c. Pagpapalaganap ng
Doktrina
b. Pagkakaintindihan ng Kastila at Pilipinas d. Pagpapalaganap ng
Relihiyon

5. Isang demonisyon ng pananampalataya.


a. Iglesia Filipina Independiente c. Katoliko Filipin Independiente
b. Iglesia Filipina Dependiente d. Katoliko Filipina Dependiente

6. Siya ang namuno sa mga Amerikano nang dumating ito sa Pilipinas.


a. Almirante Demel c. Thomas Dewey
b. Admiral Dewey d. George Butt
7. Ito ang nagging pokus nang pag-aaral noong panahon ng Amerikano
a. Ingles c. Agham
b. Sibika d. Sipnayan

8. Isang penominong pang wika sa tahasan at puspusang tinatalakay sa


larangan ng sosyolinggwistiks.
a. Monolinggwal c. Trilinggwal
b. Multilinggwal d. Bilinggwal

9. Ang mga sumusunod ay ang mga halimbawa ng panitikan at kwentong


bayan sa Pilipinas mula noon maliban sa:
a. Mito c. Teatro
b. Alamat d. Salaysayin

10. Uri ng tula na sinusulat ng mga katutubo noon na may 7 pantig kada
taludtud.
a. Malaya c. Haiku
b. Tanaga d. Ambahan

Tama o Mali
11. Tinutulan ng mga prayle ang pagtatag ng paaralang nagtuturo ng wikang
Kastila sa Pilipinas
12. Maysarili ng wika ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga
Espanyol.
13. Mga guro mula sa Amerikano ang nagturo sa mga Pilipino noong
panahon ng kanilang pananakop.
14. Ang mito ay kadalasang patungkol sa pinagmulan ng mga bagay at lugar.
15. Ingles ang ginagamit na midyum noong panahon ng pagsasalin sa
Panitikang Afro-Asian.
Mga Sagot sa Unang Pagsusulit

1. b
2. a
3. b
4. d
5. c
6. d
7. c
8. a
9. b
10. c
11. d
12. b
13. a
14. d
15. b

Mga Sagot sa Unang Pagsasanay


1. B

2. F

3. A

4. C

5. D

6. E
Mga Sagot sa Ikalawang Pagsasanay

1. Check

2. X

3. Check

4. X

5. Check

Mga Sagot sa Ikalawang Pagsusulit

1. a
2. b
3. c
4. d
5. a
6. b
7. a
8. d
9. c
10. c
11. tama
12. tama
13. mali
14. mali
15. tama

You might also like