You are on page 1of 7

I.

Pagkilala
Panuto: Kilalanin kung ano ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat sa
patlang ang sagot

1. Demonisyon ng pananampalataya na may mga tradisyon na kaparehas sa


Romano Katoliko. _______________
2. Kinikilalang unang guro at tagapagturo ng Ingles noong panahon ng Amerikano.
________________
3. Ito ay ang paggamit o pagtanggap ng mga salitang isasalin nang tuwiran at
walang pagbabago sa baybay, kundi man bilang kakabit ng mga katutubong
panlapi. ______________
4. Ang wikang ito ng Zamboanga ay nagsimula bilang isang pidgin. Sa ngayon ito
ay itinuturing na bilang isang Creole. _____________
5. Ito ay ang pagpapagaan ng bigat ng isang salita o termino na hindi
sinasakripisyo ang kahulugan nito. _______________
6. Ito ay mga salitang hiniram mula sa ibang lenggwahe na literal na isinasalin ang
bawat salita. _______________
7. Tumutukoy ito sa ekstrang kahulugang taglay ng isang salita depende sa
intensyon o motibo ng taong gumagamit nito. ______________
8. Ito ay nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhetibong kahulugan ng mga
termino. ______________
9. Pinakamaliit nay unit ng salita na nagtataglay ng kahulugan. ______________
10. Tumutukoy sa pundamental at teoretikong yunit ng tunog na nagbubuklod ng
salita. _______________
MGA SAGOT.
1. Iglesia Filipina Indepiendente
2. Sundalo
3. Adapsyon
4. Wikang Chavacan
5. Eupimismo
6. Hiram-Salin
7. Konotasyon
8. Denotasyon
9. Morpema
10. Ponema

II. Pagpipili
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Siya ang nagtatag ng Iglesia Filipina Independiente at nahirang bilang katas-
taasang Obispo ng relihiyong ito.
a. Martin Luther
b. Cicero
c. Padre Damaso
d. Padre Gregorio Aglipay

2. Panahon kung saan nagsimula ang pag-unlad ng wikang pambansa.


a. Panahon ng aktibismo at demokrasya
b. Panahon ng Aktibismo at demonstrasyon
c. Panahon ng aktibo at demokrasya
d. Panahon ng Kastila

3. Siya ang namuno sa mga Amerikano nang dumating ito sa Pilipinas.


a. Almirante Demel
b. Thomas Dewey
c. Admiral Dewey
d. George Butt

4. Ito ang nagging pokus nang pag-aaral noong panahon ng Amerikano


a. Ingles
b. Agham
c. Sibika
d. Sipnayan

5. Ang salitang ito ay tumutukoy sa anumang wika o diyalektong ginagamit sa


pagsasalita araw-araw ng karaniwang mga tao sa isang partikular na lugar.
a. Ponolohiya
b. Morpolohiya
c. Bernakular
d. Balbal

6. Ito ang uri nang pagsasalin ginagamit kung ang salita ay pangngalang pantangi
ng banyaga, katawagang siyentipiko o teknikal at mahirap daigliang i-reespel.
a. Pagtutumbas
b. Panghihiram
c. Paghahanda
d. Pagpapaigsi

7. Tinatawag ding "neolohismo" . Proseso kung saan ang isang salita o termino ay
maaaring nasa proseso nang pagpasok sa pangkaraniwang gamit.
a. Bagong hulog
b. Hiram salin
c. Bagong pagbuo
d. Bagong pagbigkas

8. Ito ay ang kombinasyon ng dalawang letrang katinig na pinagsama upang


katawanin ang isang tunog
a. Digrapo
b. Diptonggo
c. Morpemang A at O
d. Ponolohiya
9. Isang interpretasyon ng mga salitang pagsasaling tanda gamit ang mga tanda ng
sistema ng di pasalitang tanda
a. Intramiyotikong Pagsasalin (Paglilipat anyo)
b. Intersimiyotikong Pagsasalin (Paglilipat anyo)
c. Interlingguwal na Pagsasalin (Pagsasalin mismo)
d. Intralingguwal na pagsasalin (paglipat salita)

10. Angkop ito sa mga pagkakataong ang pagsasalin ay nangangailangan lamang


ng isa-isang tapatan
a. Paglilipat Anyo
b. Pagsasalin mismo
c. Pagtutumbas
d. Paglilipat salita

11. Kung nahihirapan sa pagsasalin, maaaring isalin ito ng literal. Maaring gawin ang
mga sumusunod, maliban sa?
a. Piliting kunin o gawin ang salitang kahulugan
b. Piliting kunin ang pinakamalapit na kahulugan
c. Unawain at tukuyin ang panag-uri
d. Wala sa nabanggit

12. Uri ng pagsasalin kung saan mabisang gamitin ang diksyonaryo


a. Pagsasalin ng pangungusap
b. Pagsasalin ng tugma
c. Pagsasalin ng parirala
d. Pagsasalin ng salita

13. Ito ay makabuluhang paraan ng pagpapayaman sa bokabularyo ng wikang


pinagsasalinan
a. Paglilikha
b. Panghihiram
c. Pagsasalin
d. Pagreispel

14. Ito ang pinakakaraniwang taktika sa paglikha ng salin.


a. Teknikal na pagsasalin
b. Hiram Salin
c. Bagong hulog
d. Bagong Pagbuo

15. Ito ang isa sa mga naging epekto nang pagkakasakop at impluwensya ng ibang
bansa sa ating bansa.
a. Pagpapaigsi
b. Paglikha
c. Panghihiram
d. Pagtutumbas

16. Isang mabisàng paraan ito upang mabilis na maipaloob sa wikang Filipino ang
mga hiram na salita. Marami nang pumasok na salita mulang Ingles na
karaniwang isinusulat na sa baybay Filipino, gaya ng “istambay” (standby),
“iskedyul” (schedule), “pulis” (police), “korni” (corny).
a. Pagsasaling politikal
b. Pagsasaling kultural
c. Pagreispel
d. Pagtutumbas

17. Ito ay nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhetibong kahulugan ng mga


termino.Tumukoy rin ito sa literal na pagpapakahulugan sa mga salita.
a. Semantika
b. Konotasyon
c. Paggamit
d. Denotasyon
18. Ang mga sumusunod ay ang mga bagay na isinasaalang-alang sa pagbibigay ng
kahulagan sa isang salita sa konotasyon at denotasyon, maliban sa,
a. pagiging nasyonal o pambansa
b. kadalisayan
c. pana-panahong gamit bilang “batis” ng kawastuan
d. mga posibleng interpretasyon
19. Ito ang nagpapakita ng mahalagang kaugnayan sa kung paano ang anumang
bagay na maaaring nauugnay sa isang salita o parirala, halimbawa, isang
ipinahiwatig halaga paghuhusga o damdamin.
a. Kahulugan
b. Interpretasyon
c. Katumbas
d. Kahalagahan
20. Ipinapakita ng teoryang ito na ang isang mahusay na diskurso ay palaging
nakabatay sa kinalalagyang sitwasyon na mga taong sangkot sa usapan.
a. Teoryang Semantik
b. Teoryang Pragmatik
c. Teoryang Sintaktiks
d. Teorya ng Morpolohiya

MGA SAGOT
1. D
2. B
3. C
4. A
5. C
6. B
7. C
8. A
9. B
10. C
11. C
12. D
13. A
14. D
15. C
16. C
17. D
18. D
19. A
20. B

You might also like