You are on page 1of 3

Pangalan: _____________________________Istrand/Seksyon: _____________Petsa : _________Iskor :____

Panuto:

TEST I-Pagpipili: Basahin at unawain ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot.

_____1. Wikang ginagamit ng halos lahat ng mga palabas sa telebisyon tulad ng mga teleserye, mga
pagbabalita at iba’t iba pang mga palabas mula sa umaga hanggang sa madaling araw.
A. Bisaya B. Bicolano C. Filipino D. Englis

_____2. Gampaning pangwika na kung saan gagawin ang isang aksiyon para sa hinaharap.
A. Komisib B. Deklaratib C. Direktib D. Ekspresib

_____3. “Teri, nagra-rock and roll ang mga puno na imposible sa totoong buhay pero nasa komiks, di ba!!”.
Ang pahayag ay nasa anong gampaning wika?
A. Komisib B. Direktib C. Direktib D. Representatib

____4. “Oo, gagawin ko na bukas ang nariserts mong mga steps sa pagluluto.” Ang pahayag ay nasa anong
gampaning wika?
A. Komisib B. Deklaratib C. Direktib D. Ekspresib

_____5. “Bro, pakidalhan mo pa ko ng mga aklat ha…asahan ko.” Ang pahayag ay nasa anong gampaning
wika?
A. Komisib B. Deklaratib C. Direktib D. Ekspresib

_____6. “Huwag ka na mag-alala, pramis dadalhin ko na sa susunod nating pagkikita.” Ang pahayag ay nasa
anong gampaning wika?
A. Komisib B. Deklaratib C. Direktib D. Ekspresib

_____7. Isang katangian ng wika na nagsisilbing identidad dahil sa mga paniniwala, tradisyon at ugali,
paraan ng pamumuhay, relihiyon at wika.
A. Arbitraryo B. Kultural C. Lipunan C. Sosyolistiko

_____8. Ang Dandansoy ay isang katutubong awit. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapatunay na ang
wika sa awiting Pilipino ay nagpapakita ng kultura.
A. Ang wika ay may makabuluhang tunog.
B. Ang wika ay kaluluwa ng isang personalidad.
C. Ipinapakita sa mga awiting Pilipino ang kulturang pagpapahalaga sa bayan, mga paraan ng
pamumuhay at magandang asal para sa buhay.
D. Taglay ng wika ang sistemang balangkas.

____9. Ang paggamit ng mga terminong kaugnay ng mga trabaho o iba’t ibang hanapbuhay o larangan ay
paggamit ng ________.
A. Jargon B. Komunikasyon C. Linguistic D. Register

_____10. Ang pagpapaikli sa mga parirala lalo na sa Ingles kagaya ng HBD sa halip na Happy Birthday ay
tinatawag na ___.
A. barayti B. daglat C. jargon D. register

____11. Ang pagpapaikli sa mga parirala ay nakapagdudulot ng kalituhan sa mga paraan ng pagpapahayag
sa text o SMS subalit ito’y tinatanggap ng lipunan bilang isa sa mga katangian ng wika. Ito ay
nagpapatunay na ang wika ay ___.
A. arbitraryo B. may sistemang balangkas c. dinamiko D. sumasabay sa uso

_____12. Pagpapalit-palit ng Ingls at Filipino sa pagpapahayag.


A. code switching B. daglat C. jargon D. register
_____13. Ayon kina ____, ang kakayahang gramatikal ay pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa
ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya.
A. Canale at Swain B. Chomsky at Hymes C. Hymes at Swain D. Savignon at Swain

____14. Ang pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan.
A. leksikon B. morpolohiya C. ortograpiya D. Sintaks

____15. Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy sa Morpolohiya?


A. Mahalagang bahagi ng salita C. Pagbuo ng salita
B. Pagpapalawak ng pangungusap D. Prosesong derivational at inflectional

Sa bilang 16 – 20, suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Piliin ang angkop na salita sa loob ng panaklong
upang mabuo ang pangungusap.

_____16. (A. Pahirin , B. Pahiran) mo ng mantekilya ang pandesal.


_____17. Pakidala ang pagkaing ito (A. kina , B. kila) Nelia at Pat.
_____18. (A. Mayroon, B. May) ba siyang pasalubong mula sa Batanggas?
_____19. Nariyan na yata ang Tatay! Buksan mo na ang (A. pinto , B. pintuan)!
_____20. (A. Ooperahin , B. Ooperahan) si Maria bukas ng umaga.

_____21. Proseso ng maingat na pagmamatyag sa damdamin ng kapwa bago magsalita o kumilos.


A. Pahiwatig B. Pakiramdam C. Pragmatik D. Pakikisama

_____22. Pagpupuntirya sa kausap o isyu (diretsahan).


A. Paandaran B. Parinig/Pasaring C.Pahaging D .Paramdam

_____23. Ito ay kakayahang magamit ang verbal at di-verbal na mga hudyat upang maipabatid nang mas
malinaw ang mensahe.
A. Chronemics B. Pragmatik C. Estratedyik D. Vocalics

____24. Pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid.


A. kinesika B. Vocalics C. Chronemics D. Pictics

_____25. Ito ay pag-aaral ng galaw ng mata.


A. Pictics B. Vocalics C. Oculesics D. Pictics

Para sa bilang 26 -35, basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Sabihin kung ang pahayag ay tama
o mali.
_____26. Ang pagbuo ng tentatibong balangkas ay makatutulong sa pagbibigay g direksiyon sa
pagsasaaayos ng mga ideya at sa pagsulat.
A. Tama B. Mali
_____27. Burador ang tawag sa aktuwal na sulating ipapapsa na sa guro.
A. Tama B. Mali
_____28. “Hawig” ang tawag sa pangangalap-tala kung binago lamang ang mga pananalita subalit
nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.
A. Tama B. Mali
_____29. Iisa lang ang estilo ng pagsulat ng biliyograpiya para sa sulating pananaliksik.
A. Tama B. Mali
_____30. Isa sa mahalagang bagay na dapat i-konsidera sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang pagpili
ng paksang magiging interesado at kakayanin ng sususlat.
A. Tama B. Mali
_____31. Kailangang mabigyang credit o pagkilala ang may-ari o manunulat ng mga ginamit na sanggunian
sa pamamagitan ng talababa at bibliyograpiya.
A. Tama B. Mali
_____32. Kapag gumamit ang manunulat ng “tuwirang sinipi” sa pangangalap ng tala ay pinaiikli lamang
niya ang bersiyon ng isang mas mahabang teksto.
A. Tama B. Mali
_____33. Kailangang maging malinaw sa susulat ang layunin ng kanyang pagsulat.
A. Tama B. Mali
_____34. Sa pagsulat ng sulating pananaliksik, mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay na introduksiyon at
katawan subalit hindi na mahalaga ang kongklusyon.
A. Tama B. Mali
_____35. Sa pagsulat ay hindi mahalagang matukoy ang audience o inaasahang mambabasa ng isusulat.
A. Tama B. Mali

_____36. Ang Starting Over Again, One More Chance at It Takes a Man and a Woman ay napapabilang sa
anong uri ng sining?
A. dula B. moro-moro C. pinilakang tabing D. sarswela

_____37. Ang partikular na gamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon. Isang panlipunang salik na
isinasaalang-alang kaugnay ng baryasyon ng pananalita ng indibiduwal ay depende sa mga sitwasyon ng
paggamit.
A. barayti B. daglat C. jargon D. register

_____38. Blog, Skype, IG. Tukuyin kung sa anong propesyon, gawain, larang o disiplina ang mga
nakatalang termino o jargon.
A. batas B. edukasyon C. media D. social media

_____39. Check-up, prescription, aspirin. Tukuyin kung sa anong propesyon, gawain, larang o disiplina ang
mga nakatalang termino o jargon.
A. batas B. edukasyon C. media D. Medisina

_____40. Sa kasalukuyang panahon, ang ______ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating
bansa.
A. liham B. Sulatroniko C. SMS/text D. video call

_____41. Ang mga smusunod ay mga komponent ng kakayahang pangkomunikatibo maliban sa:
A. barayti ng wika B. diskorsal C. istratdedyik D. gramatikal

_____42. Ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung
kailan naganap ang kuwento.
A. director B. eksena C. tagpuan D. yugto

_____43. Isang proseso ng paglipat o pag unl;ad ng isang buhay ng tao o lugar.
A. director B. eksena C. tagpuan D. yugto

_____44. Ang namumuno o nasusunod sa isang gaganapin na pelikula.


A. director B. eksena C. tagpuan D. yugto

_____45. Isang pangyayari sa isang lugar sa isang panahon.


A. director B. eksena C. tagpuan D. yugto

_____46. Ang ang witing pambata na Leron, Leron Sinta ay nagangahulugang ___.
A. kunwa-kunwaring pag-ibig C. mahirap masungkit ang prutas
B. walang hanggang pagmamahal D. wala sa nabanggit

Para sa bilang 47 – 48, tukuyin kung paano baybayin sa wikang Filipino ang mga sumusunod:

_____47. charger
A. baterya B. duyog C. initsigan D. pantablay

_____48. Browser
A. duyog B. initsigan C. panginain D. Pantablay

You might also like