You are on page 1of 4

FULLBRIGHT COLLEGE BASIC EDUCATION

FIRST
PERIODICAL EXAM
IN FILIPINO 9

Pangngalan: Iskor:
Petsa:

MARAMING PAGPIPILIAN: Panuto: Basahin at unawain ang mga


sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa patlang ang letra ng may
tamang sagot. Erasures means wrong
_______1. Ano ang tawag sa mga salita, parirala, at sugnay na nag-uugnay ng mga
pangungusap.
A. Pang-ukol C. Pang-ugnay
B. Pangatnig D. Pang-angkop
______2. Ano ang ginagamit sa sa pag-uugnay ng mga salitang naglalarawan at
inilalarawan.
A. Pang-ukol C. Pang-ugnay
B. Pangatnig D. Pang-angkop
______3. Anong bahagi ng pananalita ang nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa, panghalip
o pang-abay sa iba pang salita sa loob ng pangungusap.
A. Pang-ukol C. Pang-ugnay
B. Pangatnig D. Pang-angkop
______4. Anong bahagi ng pananalita ang gumagamit ng isang kataga o salita na nag-
uugnay sa dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap.
A. Pang-ukol C. Pang-ugnay
B. Pangatnig D. Pang-angkop
______5. Ang telepono ni Juan ay naiwan sa loob ng sasakyan. Ito ay halimbawa ng?
A. Pang-ukol C. Pang-ugnay
B. Pangatnig D. Pang-angkop
______6. Anong teksto ang naglalaman ng mga suliranin ng bansa at kalakip na
mungkahing solusyon.
A. Tekstong Prosidyural C. Tekstong Informative
B. Tesktong ekspositori D. Tekstong Naratibo
______7. Anong teksto ang naglalaman ng mga elementong ito, tagpuan, paksa,
simbolismo, at banghay?
A. Tekstong Prosidyural C. Tekstong Informative
B. Tesktong ekspositori D. Tekstong Naratibo
______8. Ang Alibughang anak na hango sa Lucas 15:11-32 na isang parabula ay
halimbawa ng tekstong?
A. Tekstong Prosidyural C. Tekstong Informative
B. Tesktong ekspositori D. Tekstong Naratibo
_____9. Ang artikulo tungkol sa Habang Tag-init, Giyerahin ang Lamok Hideout, ay
halimbawa ng tekstong?
A. Tekstong Prosidyural C. Tekstong Informative
B. Tesktong ekspositori D. Tekstong Naratibo
______10. Isa sa mga pinakamalalim na anyo ng pagpapahayag at ito ay koleksyon ng mga
akda.
A. Akda C. Kultura
B. Sining D. Panitikan
______11. Ang ______ ay naglalayong maging pangunahing gabay ng isang akda. Ito ang
magtatakda ng layunin at bisa ng bawat bahagi ng pagsusulat.
A. Paksa C. Banghay
B. Layunin D. Akdang pampanitikan

______12. Sa pamamagitan ng pagtatakda ng isang malinaw at tiyak na _______,


nagkakaroon ng direksyon ang manunulat at nabibigyang-kahulugan ang mga impormasyon
at mga ideyang ipinapahayag.
A. Paksa C. Banghay
B. Layunin D. Akdang pampanitikan
______13. Ano ang tawag sa isang aparato sa panitikan kung saan ginagamit ang mga salita,
tao, marka, lugar, o abstrak na konsepto upang magpahiwatig ng ibang bagay maliban sa
kanilang literal na kahulugan.
A. Paksa C. Simbolismo
B. Idyoma D. Talinghaga
______14. Ano ang tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kwento o paksa. Nakalahad dito ng maayos ang mga pasalaysay na
pangyayari tulad ng kung ano at ano ang kahulugan ng mga pangyayari sa paksa.
A. Tagpuan C. Outline
B. Banghay D. Balangkas
_______15. Ano ang ating ginagamit upang malaman ang mga pagkakaiba at pagkakatulad
ng dalawa o higit pang mga bagay. Kadalasang gingamit sa mga Venn Diagram ay mga
malalaking bilog.
A. Paghahambing C. Timeline
B. Venn diagram D. Graphic Organizer
________16.Ano ang tumutukoy sa pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga
tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan, nang may maayos na
pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.
A. Paglalahad C. Paglalarawan
B. Pagsasalaysay D. Pangangatuwiran
_______17. Ito ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa
Bibliya, ano ito?
A. Alamat C. Pabula
B. Mitolohiya D. Parabula
_______18. Ano ang tumutukoy tumutukoy sa pormal at literal na kahulugan ng isang
salita.
A. Konotasyon C. Diksiyonaryo
B. Denotasyon D. Talinghaga
_______19. Ano naman ang tumutukoy sa ipinahihiwatig na kahulugan ng salita ayon sa
pagkakagamit nito.
A. Denotasyon C. Pahiwatig
B. Konotasyon D. Diksiyonaryo
_______20. Ano ang tumutukoy sa paglalarawan o pagsasaad ng isang bagay nang direkta
at walang ibang kahulugan o implikasyon.
A. Denotasyon C. Pahiwatig
B. Konotasyon D. Diksiyonaryo
_______21. Ano ang tumutukoy sa masistemang pagtukoy ng isang salita sa kanyang
orihinal na kahulugan.
A. Denotasyon C. Pahiwatig
B. Konotasyon D. Diksiyonaryo
______22. Ano ang tumutukoy sa mga dagdag na kahulugan o implikasyon ng isang salita.
A. Denotasyon C. Pahiwatig
B. Konotasyon D. Diksiyonaryo
______23. Ano ang tawag sa nagbibigay ng iba’t ibang pag-unawa at interpretasyon batay sa
konteksto ng paggamit nito.
A. Denotasyon C. Pahiwatig
B. Konotasyon D. Diksiyonaryo
______24. Ito ay ang mga emosyonal na, sosyal, o kultural na konsepto na nauugnay sa
isang salita, ano ang tinutukoy nito?
A. Denotasyon C. Pahiwatig
B. Konotasyon D. Diksiyonaryo
_____25. Ito ay isang uri ng akdang pampanitikang nagpasalin-salin sa bibig ng taong-bayan.

A. maikling kwento C. tula


B. alamat D. sanaysay
______26. Ito ay isang uri ng tunggalian na panloob dahil nangyayari ito sa loob
ng tauhan. Sa tunggalian na ito ay kalaban ng pangunahing tauhan ang kaniyang sarili.
A. Tao laban sa Tao C. Tao laban sa lipunan
B. Tao Laban sa Sarili D. Tao laban sa Kalikasan
______27. Anong panitikan ang nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
A. Tula C.Drama
Dula D. Sarswela
______28. Anong bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang
sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito.
A. Pang-ukol C. Pang-ugnay
B. Pang-uri D. Pang-angkop

______29. Ang akdang “Aanhin Nino Yan” ay maikling kuwento mula sa Thailand na isinulat
ni?
A. Lualhati Bautista C. Ruth Elynia Mabanglo
A. Vilas Manwat D. Cristina Dimaguila-Macascas

_____30. Ang _______ ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag


ang damdamin ng makata o manunulat nito
A. Tula C. Liriko
B. Awit D. Pabula

_______31. Anong anyo ng tula ang walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito ay
karaniwang ayon sa nais ng manunulat.
A. Tradisyonal C. Malayang taludturan
B. May sukat walang tugma D. Walang sukat na may tugma

_____32. Ano ang tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula sa
dalawa o higit pang taludtod.
A. Sukat C. Taludtod
B. Tugma D. Saknong

_______33. Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod na karaniwang may sukat na
waluhan, labing-dalawahan, at labing-animan na pantig.
A. Sukat C. Taludtod
B. Tugma D. Saknong

_______31. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa


harap ng maraming tao.
A. Balagtasan C. Talumpati
B. Tula D. Sanaysay

______32. Ginagamit ang makabuluhang tunog at sa paraang pasalita na tumutukoy sa


pagpaparating ng ideya o mensahe gamit ang salitang nagririprisinta sa mga kaisipan, ano
ito?
A. Salita C. Di-berbal
B. Berbal D. Pangungusap

_______33. Anong pagpapahayag ang gumagamit ng talaga, totoo at tunay na mga


ekspresyon.
A. Paglalahad C. Pagsasalaysay
B. Pangangatwiran D. Paglalarawan

______34. Ano ang tawag sa pagkakalikha ng mga tauhang gumaganap sa akda.


A. Aktor C. Gumaganap
B. Tauhan D. Karakterisasyon
_______35. Ano ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng Wikang Filipino?
A. Ponema C. Morpema
B. Ponolohiya D. Morpolohiya

II. TAMA O MALI: Panuto: Basahin at unawain ang bawat


pangungusap. Sagutin ng TAMA kung ang pangungusap ay wasto at
kung MALI guhitan ang salitang nagpapamali sa pahayag at isulat
ang wastong sagot. 15pts
Halimbawa: Kuwentong-bayan1. Ang paksa ng maikling kuwento ay
madalas tungkol sa pakikipagsapalaran, katatawanan,
katatakutan at pag-iibigan.

_______1. Ang uri ng maikling kuwentong melodrama ay nakatuon sa pagkakabuo at


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
_______2. Ang di-berbal na kuminikasyon ay isang Konkretong anyo ng komunikasyon dahil
tiyak at ispesipiko ang pagpaparating ng mensahe sa kinakausap.
_______3. Ang berbal na komunikasyon ay tumutukoy sa paggamit ng salita sa
pagpapahayag ng saloobin ng isang tao.
_______4. Ang paglalarawan ay nagtataglay ng mga elemento kung saan ang bawat isa
ay magkakaugnay-ugnay tungo sa pagiging masining nito.
_______5. Ang mga ekspresyong sa tingin ko, akala ko, sa palagay ko ay ginagamit sa
pagpapahayag ng opinyon o pananaw.
_______6."Actions speak louder than words" na nangangahulugan mas nag tataglay ng
matinding dating ang ikinikilos ng tao kaysa kanyang sinasabi, ito ay tumutukoy sa di-
berbal.
_______7. Si Edgar Allan Poe and tinaguriang ama ng maikling kuwento sa Pilipinas.
_______8. Ang sulat Kay Estella Zeehandelaar ay isang sanaysay na halaw sa mga liham ng
isang Prinsesang Javanese.
_______9. Ang Una, ikalawa at ikatlo ay ang ginagamit sa pang-uring pamilang
______10. Ang ponema ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang
salita mula sa isa pang salita ng partikular na wika.

“Ang taong nagmamahal nang tunay ay parang estudyante na kumukuha ng exam. Hindi siya
titingin sa iba kahit na nahihirapan na”

Inihanda ni Ma’am Rana

You might also like