You are on page 1of 4

SALUD CAGAS TECHNICAL AND VOCATIONAL HIGH SCHOOL

BACUNGAN, MAGSAYSAY, DAVAO DEL SUR


UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 9

Pangalan:____________________________________Taon/Seksyon:__________________
Guro: GIDEON C. CANADA
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at BILUGAN ito.
Part 1:
1. Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa
A. Pagsunod-sunod ng mga pangayayari sa isang kwento.
B. Pagbibigay-kahulugan sa mga konotasyon at denotasyon ng mga salita
C. Pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kwento o alamat.
D. Pagkilala kung kalian naganap, o gaganapin ang kilos o pangyayari.
2. Kapag ang maikling kwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari ito’y mauri bilang maikling
kwentong____
A. Kababalaghan B. Katutubong kulay C. Pangtauhan D. Makabanghay
3. Ang tulang naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang pook o pamgyayari ay
tinatawag na tulang _____.
A. Mapang-uroy B. Mapaglarawan C. Mapang-aliw D. Mapangpanuto
4. Ang pang ugnay ay bahagi ng salitang ___________.
A. Pangkayarian B. Pantukoy C. Pananda D. Pangawing
5. Sa sanaysay na “Kay Estella Zeehandelaar”. Paano ito nagtapos?
A. Nagkaroon sila ng Kalayaan C. Nabago ang kanilang Sistema
B. Ang mga babae ay pwede ng lumabas sa bahay D. Lahat ng nabanggit
6. Sa pangungusap na, si Sitti Nhuraliza ay may ginintuang tinig at ginintuang puso, ang salitang ginintuan ay
mabibilang na _______,
A. Nangangatwiran B. Naglalarawan C. Nag-uugnay D. Nagsasalaysay
7. Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na, Ayon kay Donna, ang pagpapakahulugan sa pahayag ay
malinaw?
A. Pananda B. Pangatnig C. Pang-ukol D. Pantukoy
8. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa panaganong paturol?
A. Pinuhin, anihin, ihain C. kumanta, tumalilis, kumaripas
B. Gamitan, asahan, pag-aralan D. natapos, natatapos, matatapos
9. _____ ni Rizal ang Noli at El Fili upang mapalaya ang Pilipinas sa mga espanyol. Aling anyo ng pandiwa ang
angkop na ipuno sa pahayag
A. Nagamit B. gagamitin C. ginamit D. kakagamit
10. Ang patalastas o anunsiyo ay isang paraan ng kumunikasyon o pakikipagtalastasan na may layuning _______.
A. Maglarawan B. manghimok C. mangaral D. magpakilala
11. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay – kinakailangang ikahon ako. Ano
kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A. Itali sa bahay B. ikulong C. pagbawalang lumabas D. lahat ay nabanggit
12. Alin sa sumusunod na pandiwang paturol ang nasa perpektibong katatapos?
A. Kumaripas B. kalusong C. kakatayo D. pinagsabitan
13. Sa pangungusap, ang araw ay muling sisikat sa dakong silangan pagsapit ng umaga, aling salita ang may dalawa o
higit pang kahulugan?
A. Araw B. umaga C. sisikat D. lahat ng nabanggit

Part 2 : Punan ng tamang pangatnig 14-25

14. _____ hindi natuto ang tao dulot ng kanyang kapalaluan.


A. Kaya B. dahil C. sapagkat D.ngunit
15. Siya’y nagtagumpay _____ sa kanyang pagsisikap.
A. Dahil B. kaya C. nang D. sapagkat
16. Abala ang lahat, ______ ikaw ay walang ginagawa.
A. sapagkat B. ngunit C. pero D. samantala
17. Siya ay matalino ______ mapagbigay pa.
A. baka B. sapagkat C. dahil D. saka
18. ______ matalino siya, wala naman siyang kaibigan.
A. subalit B. dahil C. ngunit D. datapwat
19. Mahal ka niya, _____ hindi niya gaanong naipakikita ito.
A. subalit B. dahil C. ngunit D. datapwat
20. Marami na akong natutuhan, _____ tila kulang pa ito.
A. subalit B. dahil C. ngunit D. datapwat
21. Ang transitional devices na, sa wakas, sa lahat ng ito ay ginagamit bilang
A. panapos B. pantuwang C. panlinaw D. panimula
22. Paano nakatutulong ang paggamit ng pangatnig sa isang pangungusap?
A. Napagsusunod natin nang tama ang pangyayari C. Upang maugnay ang dalawang salita
B. Upang maging maayos ang pangungusap D. Lahat ng nabanggit
23. Ang pangatnig na samantala, saka ay ginagamit bilang
A. panapos B. pantuwang C. panlinaw D. panimula
24. Ang pangatnig na kaya, dahil sa ay ginagamit bilang
A. panapos B. pantuwang C. panlinaw D. pananhi
25. Ito ay ginagamit sa pag-uugnay ng mga pangungusap at sugnay
A. pangatnig B. pang-abay C. pang-ukol D. pang-uri

PART 3: Pang-abay 26-30

26. Ang pang-abay na ____ ay nagsasaad kung kalian ginanap, ginaganap o gaganapin ang pangyayari o kilos.
A. pamanahon B. pamaraan C. pananda D. wala sa nabanggit
27. Ang pang-abay na pamanahon katulad ng nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing ay halimbawa ng __.
A. walang pananda B. may pananda C. nagsasaad ng dalas D. wala
28. Ang pang-abay na pamanahon katulad ng kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas ay halimbawa ng ______.
A. walang pananda B. may pananda C. nagsasaad ng dalas D. wala
29. Ang pang-abay na pamanahon katulad ng araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan ay halimbawa ng _____.
A. walang pananda B. may pananda C. nagsasaad ng dalas D. wala
30. Ano ang tawag sa salitang naglalarawan?
A. pang-abay B. pangatnig C. pang-ukol D. pang-uri
31. Ito ay isang uri ng sanaysay na maaaring makahulugan, matalinghaga at matayutay at ang tono nito ay seryoso at
hindi nagbibiro.
A. pormal B. di-pormal C. pangkaraniwan D. tayutay
32. Ito ay isang uri ng sanaysay na palakaibigan
A. pormal B. di-pormal C. pangkaraniwan D. tayutay

Para sa mga bilang 33-35


Tinuyo ng nagdadalamhating ama ng kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon,
maging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asaw a (na kiming
iniabot naman iti agad sa kanya, tulad ng nararapat)

33. Mahihinuhang ang ama ay magiging__________.


A. matatag B. mabuti C. matapang D. masayahin
34. Maituturing na pang-abay na pamanahon ang _________.
A. magiging mabuti B. nagdadalamhating ama C. mula ngayon D. dinukot sa bulsa
35. Ipinahiwatig ng teksto na ang ama ay _______
A. maawain B. mapagmahal C matulungin D. maalalahanin
Para sa pahina 36
Tapos po ako ng pagtuturo kaso wala pa ring mapasukan.Sabagay, kahit magtuturo ka
ngayon, di mo kakayanin.Oo nga po e.
Di mo ba kaya kahit ‘yung tigtatatlong daan lang na kuwarto isangaraw? Hindi po talaga
kaya e.”“Sige, ipakita mo na itong papel sa opisina ng Social Services. Doon
sa bandang kanan.
Salamat po! Maraming salamat!”
Kailangang magpanggap, at magsinungaling, mapunta lang si Rebosa Charity Ward ng
ospital. Dito, kahit paano, kutson ang mahihigaan niRebo, di hamak na mas mainam kesa
higaang bakal na de gulong ng Emergency Room

36. Ang salitang may salungguhit sa teksto ay isang ____.


A. pandiwa B. pangngalan C. pang-abay D. pang-uri

Para sa mga pahina 37-38


Isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si Sitti Nurhaliza mula
sa bansang Malaysia. Nagkamit siya ng iba’t ibang awit
-parangal hindilamang sa kaniyang bansa kundi maging sa internasyonal na patimpalak.
Isa na rito ang titulong “Voice of Asia” nang makamit niya ang Grand Prix Champion mula sa
Voice of Asia Singing Contest na ginanap sa Almaty,Kazakhstan.

37. Maituturing na salitang naglalarawan ang ____.


A. pinakamahusay B. nagkamit C. ginanap D. patimpalak
38. Ang salitang nasalungguhitan sa sanaysay ay nangangahulugang ____.
A. pag-eensayo B. pamahiin C. paligsahan D. programa
39. Ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na may pamagat na Kultura:”Pamana ng Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan”ay nagpapahiwatig na ang kultura ay ____.
A. nagbabago B. naaalis C. di nagpapalit D. di itinuturo
40.“Isinuko ko ang aking kalayaan at nagpakahon ako sa kanilang nais.” Ang ipinahihiwatig ng tauhan sa
pahayag ay ____.
A. pagkatalo C. kawalan ng kapangyarihan B. pagiging sunod-sunuran D. kasiyahan
Part 4: Pang-uri 41-45
Hanapin ang salitang naglalarawan.
41. Ang malawak na palayan ay pagmamay-ari ng pamilya Isidro.
A. palayan B. pagmamay-ari C. pamilya D. malawak
42. Naghahabulan ang tatlong magkaibigan habang naliligo sa dagat.
A. naghahabulan B. magkaibigan C. naliligo D. tatlong
43. Ang maamo niyang mukha ang dahilan kung bakit siya ay kinagigiliwan ng lahat.
A. mukha B. kinagigiliwan C. maamo D.dahilan
44. Si Lea ay isang masunuring anak kaya siya ay mahal ng kanyang mga magulang.
A. Anak B. Lea C. magulang D. masunuring
45. Nahuli ng mga pulis ang anim na lalaking nanloob sa tahanan ng mga Gomez.
A. Nahuli B. pulis C. tahanan D. anim

Pang-angkop at Pang-ukol 46-50


46. Ito ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
A. Pangatnig B. pang-abay C. Pang-ukol D. pang-angkop
47. Mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita.
A. Pangatnig B. pang-abay C. Pang-ukol D. pang-angkop
48. Ang aming bahay ay may malaking pinto. Anong pang-angkop ang ginamit sa pangungusap?
A. ng B. may C. ay D. ang
49. Ayon kay Duterte ang Pilipinas ay mayaman. Anong uri ng pang-ugnay ang may salungguhit sa
pangungusap?
A. Pangatnig B. pang-abay C. Pang-ukol D. pang-angkop
50. Malaking pera ang nawala. Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pangatnig B. pang-abay C. Pang-ukol D. pang-angkop

You might also like