You are on page 1of 6

Republika Ng Pilipinas

Kagawaran Ng Edukasyon
Rehiyon V
Solis Institute of technology
Managa-naga, Bulan, Sorsogon

Pangkalahatang panuto: Tumingala for motivation, tingnan si crush for inspiration at luminga-linga
for more information, huwag Lang magpapahuli Kay Sir para walang deduction.

Basahing mabuti ang bawat katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot, mahirap bilugan ang maling
sagot, kasinghirap mahalin ng maling tao. Charot!

1. Saan ang tagpuan ng kwentong “Hashnu, Ang Manlililok ng Bato?”


A. Anhui, Tsina C. Jiangxi, Tsina
B. Jiangsu, Tsina D. Shanxi, Tsina

2. Anong uri ng pananaw o paningin sa pagsulat ng isang maikling kwento ang


tinutukoy kung ang tagapagsalaysay ay may kakayanan ding mabasa ang
isipan at matukoy ang damdamin ng tauhan?
A. Maladiyos na Pananaw C. Ikalawang Panauhang Pananaw
B. Unang Panauhang Pananaw D. Ikatlong Panauhang Pananaw

3. Alin ang wastong pagkakasunud-sunod ng pagbabagong-anyo ni Hashnu?


A. araw – ulap – bato – hari – manlililok
B. araw – bato – hari – ulap – manlililok
C. hari – araw – bato – ulap – manlililok
D. hari – araw – ulap – bato – manlililok

4. Ayon sa kabanatang “Si Sisa,” ano ang bisyo ng asawa ni Sisa?


A. alak C. sabong
B. sakla D. opyo

5. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan kay Kapitan Basilio?


A. anak ni Sisa
B. pinuno ng grupong Conservador
C. isa sa mga miyembro ng pangkat Liberal
D. kalaban ni Don Rafael sa pagkamayaman

6. Ang mga sumusunod ay ang mga napuna ng mga tao kay Padre Salvi mula
nang dumating si Maria Clara MALIBAN sa:
A. tumamlay sa pagkain C. namamali sa pagmimisa
B. lalong nangangayayat D. naging palakausap sa mga tao
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat ng mga salita?
A. makagitaw C. masadlak
B. makaahon D. makabangon

8. Anong kabanata sa Noli Me Tangere ang itinuturing na HINDI kabilang sa


kabuuan ng nasabing nobela?
A. Dilim at Liwanag C. Sina Elias at Salome
B. Pulong ng Bayan D. Kuwento ng Isang Ina

9. Ano ang kahulugan ng salitang Sampilong mula sa akdang Luha ng Buwaya?


A. pangalan ng aso C. uri ng kakanin
B. kapatid ni Dislaw D. isang lalawigan
10. Sino sa mga sumusunod ang may propesyong guro sa nobelang binasa?
A. Iska C. Bandong
B. Pina D. Don Severo

11.ito ay tumutukoy sa pinaka-kapanabik na bahagi ng maikling kwento.

a.Kasukdulan b,kasukdulan c. Wakas d. Simula

12 Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa sunod sunod na pangyayari sa kuwento?

a.tagpuan b.tungalian c.diwa d. Banghay

13. Sa bahagi ito ng kuwento nabubuo ang problema o suliranin , Dito panandalian naghaharap
ang mga tauhan.

a.kakalasan b.kasukdulan c. Banghay d. saglit na kasiglahan

14.ang mga sumusunod na katangian ng maikling kuwento MALIBAN sa


___________________________________________

a.ito ay matatapos sa isang upuan d.may mabisang kasukdulan


b. binubuo ng kabanata e. May sadya o tiyak na pangunahin tauhan

15, Ang mga pangatnig ay transitional devices na nakatutulong sa:

a.pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa iisang kuwento.


b. pagbibigay kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng salita.
c.pagtukoy sa pangunahin tauhan sa maiking kuwento o alamat.
d.pagkikilala kung kailan naganap , gaganapin o ginaganap ang mga pangyayari

16. Ang pangatnig na samantala ay ginagamit na :

a.panlinaw b. pananahi c. Pantuwang d. panapos

17. Simula nang matutong magsarili, siya’y naging responsabling bata, ang pangungusap ay may
Pang abay na pamanahon.

a.walang pananda b,payak na salita c. may panananda d. di inuulit

18. __________araw ng Lingo, nagsisimba ang buong mag-anak, Ang salitang nawawala sa pangungusap ay

a.kung b.kapag c.sa d.simula

19.Maituturing ang isang kuwento na alamat kapag;

a.Naganap sa tanyag na lugar


b.Naglalaman ito ng makakatotohanan na pangyayari
c.Nagsasalaysay ng pinagmulan ng bagay o pangyayari.
d.naglalahad ng patunay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.

20. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito’y mauuri bilang
maikling kuwentong:

a.kababalaghan b.katutubong kulay c.panga tauhan d.makabanghay


Panuto: piliin Ang titik Ng pang-abay na ginamit sa pangungusap.
21.Ang matandang babae ay maagap na tinulungan ng isang mag-aaral.
A B C D
22.Masayang nagpasalamat ang matanda sa nagbuhat ng kanyang mga dalahin.
A B C D
23. Lumakad patungong paaralan ang mga mag-aaral at pumila nang maayos.
A B C D
24.Masigla silang nagsipasukan sa silid aralan matapos ng ilang minutong pagpila
A B C D
25.Ang bawat isa ay nakikinig nang mabuti sa sinasabi ng guro tungkol sa pananahi.
A B C D
26.Ang pagsulsi ng punit sa damit ay isang proyektong madaling ginawa ng mga mag-aaral.
A B C D
27. Labis na natuwa ang guro dahil sa ipinakitang kasipagan ng mga mag-aaral sa pagsasanay.
A B C D
28. Totoong sobrang taas na marka ang nakuha ng mga bata sa ginawa nilang proyekto.
A B C D
29. Umuwi ang mga bata na sabik ibalita sa mga magulang ang tagumpay nila sa paaralan.
A B C D
30.Lalong ginagahan mag-aral ang mga kabataan sa kabila ng kahirapan nila sa buhay.
A B C D

31.hindi pumasa sa pagsusulit si Juan _______ hindi siya nag-aral ng mga leksyon sa bahay.
A. kaya C.upang
B. dahil D. at
32. Maaari ka nang makaawit _______ makasayaw bukas dahil natapos mo ang mga pagsasanay.
A. o C. ni
B.at D.habang
33.Dapat may respeto sa kapwa ___________ may kapayapaan sa mundo.
A. upang C.dahil
B.samantala D.at
34.Hindi niya sinunod ang payo ng mga nakatatanda ________napahamak siya.
A.nang C.kaya
B.para D.subalit
35. Bumili ka na ng mga prutas _________mababa pa ang mga presyo nito.
A. ngunit C. habang
B.kapag D. dahil
36. Tawagan mo ako _________may ibibilin kang gawin.
A. kung C.dahil
B.kaya D.at
37.Hindi niya magawang hawakan ______tingnan ang namatay na alagang aso.
A. o C. ni
B.at D.nang
38. Makararating sana ako sa tamang oras ____________nasira anng sasakyan kanina.
A. at C.kaya
B.subalit D.samantala
39.Kumain ka ng mga prutas at gulay ______lumusog ang pag-iisip at katawan.
A. habang C.kung
B.nang D. at
40. Mag-aral kang mabuti ________gaganda ang kinabukasan mo.
A.o C.at
B.ni D.kung

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang luha at saka tumayo, mayroon siyang naisip,
mula ngayon magiging mabuti na siyang ama, Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang
amo sa kanyang sa asawa( na kiming iniabot sa naman ito agasd sa kanya ,tulad ng nararapat)

41 Mahihinuhang ang ama ay magiging

a.matatag b. mabuti c, Matapang d. Masayahin

42. maituturing na pang- abay na pamanahon ang:

a.magiging mabuti b,nagdadalamhating ama c. mula ngayon c. Dinukot sa bulsa

43, Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagbabago sa di mabuting ugali ng ama?

a.nakakuha siya ng pera c. namatay ang kanyang anac


b. nagbigay ng pera ang kanyang amo d. natuyo ang kanyang luha

44. Tawag sa mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita , parirala, o sugnay

a. Alamat b .Kuwentong makabanghay c. Transitional devices


C .Pangatnig d. Pang-abay na pamanahon

45. Ito ay uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing


tauhan.
A. elehiya B. epiko C. tanaga D. awit
46. Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa marangal
na pamumuhay ng mga tao. A. pabula B. anekdota C. parabula D. nobela
47. “ Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Ang pahayag ay _________________.
A. nakikiusap B. nag-uutos C. nagmamakaawa D. nagpapaunawa
48. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay
ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan,” sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita. Ang hindi
pagsuko ni Sita kay Ravana ay nangangahulugang ________. A. Natatakot B. Mahal ang kanyang
asawa C. Hindi si Ravana ang kaniyang gusto D. Naniniwala sa milagro
49. Ang pahayag na, “ Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli” ay nangangahulugang
________.
A. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis. C. ang nahuhuli kadalasan
ang unang umaalis.
B. lahat ay may pantay- pantay na karapatan ayon sa napag-usapan. D. mahalaga ang oras sa
paggawa.
50. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming
nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?
Kung ikaw ang isa sa mga huling dumating na isang oras lamang gumawa, ano ang gagawin mo?
A. tatanggapin ang ibinigay na upa C. hindi pakikinggan ang reklamo ng ibang
kasama
B. pababayaran lang ang nararapat na oras ng paggawa D. ibibigay ang sobrang upa sa
nagrereklamo
51. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. Ano ang kahulugan ng salitang “bihagin”?
A. ikulong B. hulihin C. bitagin D. akitin
52. Ang paratang sa kaniya ay isang kamalian. Ano ang kahulugan ng salitang paratang?
A. bintang B. akala C. maltrato D. palagay
53.“Nahagip ng kaniyang espada ang tenga at ilong ng higante.” Ano ang kahulugan ng salitang nahagip?
A. nasagasaan B. nadaplisan C. natamaan D. nasugatan
54. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana kaya umiisip sila ng ibang paraan. Ang salitang nakumbinsi ay
nangangahulugang ____.
A. napaniwala B. napasubaybay C. napasunod D. napapayag
55. Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho. Ang ibig sabihin ng upa ay _____.
A. pautang B. utang C. bayarin D. kaukulang bayad sa paggawa
56. Ang mga sumusunod ay katangian ng epiko maliban sa ________________.
A. Naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan
B. Inilalarawan ang pakikipagsapalarang pinagdaanan ng pangunahing tauhan
C. Inilalarawan ang taong namatay
D. Nagtataglay ng katangiang supernatural ang tauhan
57. Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian.
A. Komparatibo B. palamang C. pasahol D. di-magkatulad
58. May mahigit na katangian ang pinaghahambingansa bagay na inihahambing
A. Pahambing na komparatibo C. pahambing na pasahol
B. Pahambing na palamang D. pahambing na magkatulad
59. Lalong maunlad ang Saudi Arabia sa India. Ang salitang lalo ay salitang naghahambing sa paraang:
A. Magkatulad B. komparatibo C. palamang D. pasahol
60. Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalala ng batang banga ang pangaral ng
kanyang ina. Anong aral ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
A. Walang mabuting maidudulot ang pagsaway sa magulang
B. Habang may buhay, magpakasaya ka
C. Alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak.
D. Umiwas sa kaway ng tukso sa paligid

61.Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal mula sa
angkan ng mga Tsino na ang apelyidong pinagmulan ay ___
a.Alonso
b.Lamco
c.Realonda
d.Tan
62.Pinalitan ng Mercadoang orihinal na apelyido bilang pagsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso
Claveria na nag-aatas na gamitin ng lahat ang mga apelyidong Espanyol noong 1849.Ang Mercado
ay nangangahulugang____
a.palengke
b.pera
c.talino
d.yaman
63. Samantalang ang apelyidong ‘Rizal’ ay idinagdag din sa pangalan ng kanilang pamilya sa bisa rin ng
kautusan ni Gobernador Claveria noong 1849 na nangangahulugan namang____

a. katalinuan
b. luntiang bukid
c. pagsasaka
d. palengke

64. Isang obra maestrani Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere. Ito ay salitang Latin na
nangangahulugang___
a.Huwag Mo Akong Apihin
b.Huwag Mo Akong Galitin
c.Huwag Mo Akong Linlangin
d. Huwag MoAkong Salingin
65.Sino ang kauna-unahang Pilipinong nagsalin ng Noli Me Tangere sa Tagalog?
a. Alejandro G.Abadilla
b.Lope K.Santos
c.Pascual Poblete
d.Virgilio Almario
66.Ang Noli Me Tangere ay isang halimbawa ng nobelang___
a.pampamilya
b.pampolitika
c.panlipunan
d. panrelihiyon
67.Iniaalay ito ni Rizal sa
a.GOMBURZA
b. Inang Bayan
c. kasintahan Inang Bayan
d.pamilya
68.Naging instrumento ang aklat na ito upang makabuo ang mga Pilipino ng___
a.samahan ng maghihimagsik
b.pagkakaisa ng mga Pilipino
c.pagkakapatiran
d.pambansang pagkakakilanlan

69.Aling nobela ang nagsilbing inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?
a.Doctor Zhivago
b.Les Misarables
c.The Pathfinder
d.Uncle Tom’s Cabin
70.Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging dahilan upang maipalimbag ni Rizal ang Noli Me
Tangere sa Berlin noong Marso 1887?
a.pagbibigay ni Maximo Viola ng pera
b.pagpapadala ng pera ng ama
c.pagpapautang ng tagapaglimbag
d.pagtulong ni Retana

Inihanda ni:

G. Norven B. Grantos

Guro sa Filipino

You might also like