You are on page 1of 5

Aralin 0 Sanaysay

Nilalaman Pagkakaiba at Pagkakatulad sa ibang akda


Analohiya
Kasanayang Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan
Pampagkatuto Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa
(Learning ibang akda
Competency)  Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda
(analohiya)
MELC Code F10PB-IIf-77, F10PB-IIf-78, F10PT-IIf-74

Sanaysay
Isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at
mga bagay-bagay na sadyang kapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa ang sanaysay. Maibibilang sa
uring ito ng panitikan ang mga sulating pampahayagang gaya ng artikulo, natatanging pitak o lathalain, at
tudling. Kasama rin sa uring ito ang mga akdang pandalub-aral gaya ng tesis, disertasyon, at diskurso;
gayundin ang mga panunuring pampanitikan at mga akdang pampananaliksik. Ang mahahalagang kaisipan
sa sanaysay ay tumutukoy sa mahahalagang impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa. Ang mahalagang
impormasyong ito ay maaaring isulat nang pabalangkas. Ang balangkas ay isang lohikal o kayay
kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat. Ito rin ay isang panukalang buod ng
komposisyon. Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay.
Ang sanaysay ay may sumusunod na katangian:
1. Makabuluhan ang paksa-maaaring panrelihiyon, panlipunan, pang-kaugalian, pangkabuhayan, pang-
edukasyon, at iba pang paksa.
2. May kaisahan- nauukol lamang sa isang paksa ang dapat talakayin at sunod-sunod ang paghahanay ng
kaisipan.
3. Tamang pananalita-tama ang salitang ginagamit ayon sa paksang inilalahad.
4. Makatawag-pansin ang pamamaraan- inilalahad sa paraang masining ang simula, gitna at wakas.
Ang sumusunod ay uri ng sanaysay ayon sa pangkalahatang pag-uuri:
Ang pormal o maanyong sanaysay ay nagtataglay ng makatotohanang impormasyon, piling mga
salita, at pahayag na maingat na tinalakay kaya’t masasabing mabisa. Ito ay may maayos na
balangkas na nakatutulong sa lohikal na paglalahad ng kaisipan. Ang ganitong uri ng sanaysay ay
karaniwang umaakay sa mga mambabasang mag-isip nang malalim at palakbayin ang guniguni. Ang
pormal na sanaysay ay nagnanasang magpaliwanag, manghikayat, at magturo tungo sa
pangkaunlarang-isip at moral ng mga mambabasa.
Ang pamilyar o di-pormal o tinatawag ding palagayang sanaysay ay mapang-aliw, mapagbiro, at
nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwan, pang-araw-araw, at personal na
paksa. Binibigyang-diin nito ang karanasan at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng
may-akda ay maaaring naranasan din ng mga mambabasa. Ang pananalita ay paraang usapan lamang
ng magkakaibigan kaya magaan, madaling maintindihan, at palagay na palagay ang loob ng may-
akda. Malimit itong nasusulat sa unang panauhan. Ang pamilyar na sanaysay ay nagmimithing
mangganyak, magpatawa, o kaya ay manudyo o magsilbing salamin sa lahat ng mga saloobin at
kondisyong pansikolohikal ng mga mambabasa.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.” Noong 1580, isinilang ito sa
Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang “Ama ng Sanaysay”. Ito ay tinawag nyang essai sa
wikang Pranses na nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng
pagsulat.
Elemento ng Sanaysay
1. Tema- ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa. Bawat bahagi ng akda ay nagpapalinaw ng
temang ito.
2. Anyo at Estruktura- ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga
mambabasa. Ang maayos na pagkakasunod ng ideya o pangyayari ay nakatulong sa mambabasa sa pag-
unawa sa sanaysay.
3. Kaisipan- ang mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.
4. Wika at Estilo- ang uri at antas ng wika at estilo ng pagkagamit nito ay nakaaapekto rin sa pag-unawa ng
mambabasa, higit na mabuting gumamit ng simple, natural, at matapat na mga pahayag.
Basahin at unawain ang talumpati ni G. Nelson Mandela na binigkas niya noong Mayo 10, 1994
nang siya ay pasinayaan bilang pangulo. Naging daan ang panitikan particular na ang sanaysay o talumpati
sa paglalahad ng pagnanais ng kalayaan ng kanilang bansa. Sa talumpati ay naihahayag din nila ang
pagkauhaw sa kalayaan, karapatan, at katarungan na naging bahagi na ng kanilang buhay, ng kanilang
kultura.
Nelson Mandela: Bayani ng Africa
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

Sa mga kapita-pitagan, kataas-taasang mga panauhin, mga kasama, at mga kaibigan…


Ngayon, lahat tayong naririto ay pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asa sa kasisilang na
kalayaan gayundin naman sa mga nagdiriwang sa iba pang bahagi ng mundo. Mula sa mga karanasan ng di-
pangkaraniwang kapahamakan ng tao na namayani nang matagal, isisilang ang lipunang ipagmamalaki ng
sangkatauhan.Ang ating mga nagawa bilang ordinaryong mamamayan ng Timog Africa ay kailangang
magbunga ng tunay na mamamayan nito na magpapalawak sa paniniwala ng sangkatauhan sa katarungan,
magpapalakas sa tiwala sa kadakilaan ng kaluluwa, at magtutustos sa lahat ng ating pag-asa sa
kapakinabangan ng buhay ng lahat.Ang lahat ng ito ay utang natin sa ating mga sarili at sa mga taong
naririto ngayon. Sa aking mga kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang bawat isa sa atin ay
kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang bansang ito, sa tanyag na puno ng jacaranda sa Pretoria, at sa
mga puno ng mimosa.
Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang ito, mararamdaman natin ang pansariling
pagbabago. Ang kalagayan ng bansa ay magbabago tulad ng panahon. Tayo ay kumilos nang may
kaligayahan at kagalakan sa paglunti ng kapaligiran at sa pagbukadkad ng mga bulaklak.
Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa lalim
ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na unti-unting nalulugmok
ng di pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas, at paghihiwalay ng
mga tao sa mundo. Ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at
pagkakaroon ng rasismo. Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa, ay nakadama ng kapayakan nang
ibinalik sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo, na pinagkaitan ng batas kamakailan lang, ay binigyan ng
bihirang pribilehiyong mamahala sa mga bansa sa sarili nating lupain.
Pinasasalamatan namin ang aming mga pinagpipitaganang panauhin sa pagparito upang angkinin,
kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang tagumpay para sa katarungan, para sa kapayapaan, at para sa
dignidad.
Naniniwala kami na ipagpapatuloy ninyo ang pagtulong sa amin sa pagharap sa mga pagsubok sa
pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae, walang diskriminasyon sa
lahi, at demokrasya.
Malugod naming tinatanggap ang tungkulin na ang aming mamamayan at ang kanilang kalayaang
politikal, pananampalataya, kababaihan, kabataan, negosyo, tradisyunal, at mga pinuno na isagawa
ang kongklusyong ito. Hindi mawawala riyan ang aking Second Deputy President, ang Kagalang-galang na
si F. W. de Klerk. Pinasasalamatan din namin ang lahat ng bumubuo sa hukbong panseguridad sa pagganap
sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang ating unang malayang eleksiyon at ang transisyon sa demokrasya,
mula sa “hukbong uhaw sa dugo” na nag-aalangan pa ring makakita ng liwanag. Ang panahon para sa
paghilom ng sugat ay naririto na. Ang panahon upang pag-ugnayin ang pagkakaiba-iba ng opinyon na
nagiging dahilan ng pagkakahati-hati ay dumating na. Ang panahon upang bumuo ay nasa atin na. Sa wakas
ay naabot na natin ang emansipasyon sa politika. Nangako tayong palalayain ang ating mamamayan sa
kahirapan, kakulangan, pagdurusa, kasarian, at iba pang diskriminasyon. Nagtagumpay tayo sa ating huling
hakbang sa pagkakaroon ng kapayapaan. Itinalaga natin ang ating sarili sa pagbuo ng kumpleto,
makatarungan, at panghabambuhay na kapayapaan. Tayo ay nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa
milyon-milyong mamamayan. Pumasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung saan ang lahat ng
mamamayan ng Timog Africa, itim man o puti, ay maglalakad na walang takot sa kanilang mga puso, tiyak
ang kanilang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad – isang bansang may kapayapaang pansarili at
pambansa. Bilang simbolo ng pagbabago sa ating bansa, ang bagong Interim Government of National Unity
ay sa panahon ng biglaang pangangailangan, bibigyang-pansin ang isyu ng amnestiya ng mga taong
kasalukuyang nakakulong. Inaalay namin ang araw na ito sa lahat ng mga bayani ng bansang ito at sa iba
pang bahagi ng mundo na nagsakripisyo at isinuko ang kanilang mga buhay upang tayo ay lumaya. Ang
kanilang mga pangarap ay naging makatotohanan. Kalayaan ang kanilang handog. Tayo ay may
pagpapakumbaba at pagmamalaki sa karangalan at pribelehiyo na ikaw, mamamayan ng Timog Africa ay
iginagawad sa atin, bilang unang Pangulo ng nagkakaisa, malaya, walang diskriminasyon ng lahi, at
pamahalaang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng kasarian. Nauunawan naming walang madaling daan
para sa kalayaan. Batid naming kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay. Kailangan nating kumilos
nang sama-sama bilang nagkakaisang mamamayan para sa pambansang pagkakasundo-sundo, para sa
pambansang pagkakabuo-buo, para sa pagsilang ng bagong mundo. Magkaroon nawa ng katarungan para sa
lahat. Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat. Magkaroon nawa ng hanapbuhay, tinapay, tubig, at
asin para sa lahat. Malaman nawa ng bawat isa na ang katawan, ang isip, at ang kaluluwa ay dapat lumaya
upang mabigyang kasiyahan ang kanilang mga sarili.
Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing ito ng kawalang-katarungan at
sakripisyo sa kawalang dignidad at kahalagahan ng pagiging katutubo sa mundo.
Maghari nawa ang kalayaan.
Pagpalain ka ng Diyos, Africa!
Salamat.

Ang talumpating binasa ay halimbawa ng sanaysay na pormal na nagbibigay ng impormasyon


tungkol sa dating kalagayan ng lahi ng nagtatalumpati at nanghiikayat din na siya ay tulungan sa pagtupad
sa kaniyang tungkulin at mithiin-ang magkaroon ng kalayaan. Sa susunod na gawain ay susubukin ang iyong
kakayahang kumuha ng mahahalagang impormasyon sa isang talumpati.

ANALOHIYA (Palasurian) o Paghahalintulad


Ito ay ang tawag sa proseso kung sinusuri o pinagkukumpara ng dalawang bagay, lugar, ideya
o katangian na magkaugnay o magkatumbas. Ang analohiya ay paghahambing ng dalawang bagay na
kapuwa nagtataglay ng ilang mahahalagang aspekto. Sa ganang sarili, ang analohiya ay hindi nagpapatunay
sa isang bagay, kailangang mapatunayan ang katumpakan nito batay sa sinasabi mismo ng unang bagay na
nais ihambing. Sa pamamagitan ng analohiya ay makikita ang pagiging makatwiran ng isang ideya.
Ginagamit ang bantas na tutuldok sa pagpapakita ng analohiya.
Uri ng Analohiya
1. Magkasingkahulugan (synonym)- Ang pares ng salitang pinagkukumpara ay magkalapit ang
kahulugan.
Halimbawa: matumal-madalang
2. Magkasalungat (Antonym) – Ang pares ng salitang pinagkukumpara ay magkalayo ang
kahulugan.
Halimbawa: matayog-mababa
3. Katawanin (partitive)- Ang pares ng salitang pinagkukumpara ay bahagi ng isang lupon o buong
bahagi.
Halimbawa: 1. Saknong: tula
2. gulong: kotse
4.Sanhi at Bunga (Cause and Effect)- Ang pares ng salitang pinagkukumpara ay magkaugnay sa
nagpapakita ng sanhi at bunga ng isang pangyayari.
Halimbawa:
Baha: pagkawasak ng mga bahay

Q3 Filipino 10 Quiz # 7

Pangalan:__________________________

Gawain 1: Paglinang ng talasalitaan- Analohiya


Panuto : Ibigay ang hinihinging katumbas na salita ng sumusunod mula sa talumpating
binasa. Piliin ito sa loob ng kahon. Ibigay ang ugnayan sa isa’t isa upang
mabigyang- linaw kung bakit ito ang iyong naging sagot.

1.
Kagubatan karagatan katawan prutas silid-aklatan tinapay

Bulaklak : hardin:: aklat: _________________

2. Berde: kapaligiran::asul:_________________

3. Espiritwal: kaluluwa::pisikal:______________

4. Puso:katawan::___________:puno

5. ______________::gutom::tubig:uhaw

Gawain 2
Panuto : Suriin ang mga pangungusap. Isulat ang T sa patlang kung tama at M kung mali
ang sumusunod na pahayag kaugnay sa sanaysay.
______6. Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay.

______7. Ayon kay Alejandro G. Abadilla ang sanaysay ay “pagsasalaysay ng isang sanay.”

______8. Pormal ang isang sanaysay kung ito ay maingat na pinipili ang pananalita.

______9. Nagsisilbing aliwan/libangan at ang himig ng pananalita ay parang nakikipag-usap


lamang ay ilan sa katangian ng di-pormal o personal na sanaysay.

______10. Ito ay tinatawag na essay sa wikang Pranses na ngangahulugang isang pagtatangka,

isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.

Gawain 3
Panuto: Alamin kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang akda.
Gamitin ang Venn Diagram sa ibaba. Gawin ito sa ibabang bahagi ng papel na
ito.
(5 points each)

Pagkakaiba ng
Pagkakaiba ng
Sanaysay sa
Sanaysay sa iabang
iabang akda
akda
Pagkakapareho

You might also like