You are on page 1of 2

FILIPINO 9 Quiz #2

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang katanungan sa bawat bilang. Isulat


ang tamang titik sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit


sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o dalawang sugnay?
A. pangalan B. pandiwa C. pang-ugnay D.panghalip
2. Mula sa pangungusap na “Huling Sabado ng Pebrero ang ika limang Sabado.
Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak”. Anong
pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. huli B. kasabay C. Pebrero D. pagtatapos
3. Alin ang tamang pang-ugnay na dapat gamitin para mabuo ang diwa ng
pahayag na “Hindi na niya makuhang laruin ang beyblade _______ ayaw niya
itong bitawan sa loob ng kaniyang kamay o di kaya’y bulsa.”?
A. habang B. bagamat C. subalit D. dahil
4. Batay sa pangungusap na “Naglalambing ang aking anak. Kami pumasok sa
loob ng bahay, naiwang nilalamgam na ang nakabukas ngunit di nagalaw na
mga kendi sa aming kinaupuan.” Alin sa ibaba ang pang-ugnay na bubuo sa
pahayag?
A. nang B. kung C. kaya D. sapagkat
5. Alin sa ibaba ang posible mong sariling wakas ng kuwentong Anim na Sabado
ng Beyblade na ang angkop ang ginamit na pang-ugnay?
A. Tuluyan nang pumanaw ang aking anak subalit hindi ko pa rin matatanggap ang kanyang
pagkawala.
B. Nang mamatay ang anak ko, nagpatuloy kami sa aming buhay at
patuloy pa rin naming inaalala ang masayang araw na kasama siya.
C. Naging miserable ang aming buhay dahil nawala na ang aming anak.
D. Sa huli ay nagsisisi ako sa pagkawala ng aming anak.
6. Ayusin ang mga pangungusap ayon sa tamang pagkakasunod-sunod sa
kwentong “Anim na Sabado ng Beyblade”. Alin sa ibaba ang tamang ayos nito?
1. Humuling na magdiwang ng kaarawan ang aking anak kahit hindi pa niya
araw.
2. Tuluyan siyang nakalbo noog sumunod na Sabado.
3. Huling Sabado ay pumanaw na ang aking anak
4. Sumunod ay naki-bertday siya kasama ang pinsan

A. 1 3 4 2 B. 1 4 2 3 C. 1 2 3 4 D. 1 4 3 2
7. Mula sa bilang 6, alin sa mga pahayag ang nagsasaad na patapos na ang
kuwento?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
8. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga pang-ugnay sa pagkakasunod-
sunod ng pangyayari?
A. sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na pang-ugnay
B.sa pamamagitan ng paggamit ng anumang pang-ugnay na gustong
gamitin.
C. sa pamamagitan ng paggamit nito sa pangungusap
D. sa pamamagitan ng paggamit nito sa salita

9. Bakit kailangang gumamit ng angkop na pang-ugnay sa pagkakasunod-sunod


ng pangyayari?
A. upang mas malinaw at madaling maintindihan ang pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari
B. upang mapahaba ang pangungusap ng pagkakasunod-sunod na mga
pangyayari
C. para may nag-uugnay sa pagkasusunod-sunod ng pangyayari
D. para gumanda ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari
10. Ano ang mangyayari kung hindi angkop na pang-ugnay ang ginamit sa
pagkakasunod-sunod ng pangyayari?
A. Maaaring maging magulo ang pangungusap.
B. Maaaring maganda ang kinalabasan ng kuwento.
C. Hindi magiging kaaya-ayang basahin kaisipang nais.
D. Hindi tumpak ang mensahe sa mga pangungusap sa kwento.

C.Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari ng akdang Anim na Sabado ng Beyblade


gamit ang angkop na mga pang-ugnay. Sundin ang format sa ibaba at isulat ang sagot sa
sagutang papel.Gawing gabay ang Pamantayan sa Pagmamarka.

Timeline

Sabado 1 Sabado 2 Sabado 3 Sabado 4 Sabado 5 Sabado 6

Pamantayan sa Pagmamarka

Batayan
1- Napagsunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na pang-ugnay
2- Sariling pangungusap o pahayag ang ginamit
3- Kumpleto ang kaisipan ng buong kuwento
4- May wastong gamit ng mga salita, tamang baybay at bantas

4/4 ng batayan ang nagawa= 10 puntos


3/4 ng batayan ang nagawa =8 na puntos
2/4 ng batayan ang nagawa= 6 na puntos
1/4 ng batayan ang nagawa = 4 puntos

You might also like