You are on page 1of 4

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10

IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3.1

________________________
________________________
YUGTO NG PAGKATUTO: TUKLASIN

I. Kompetensi

F10PD-IIIa-74 Nabibigyang puna ang napanood na video clip.

II. Nilalaman

A. PANITIKAN: Liongo (Mitolohiya mula sa Africa)

(Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles)

B. GRAMATIKA at RETORIKA: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika


C. URI NG TEKSTO: Naglalahad
D. KAGAMITAN: video clip, power point presentation
E. Sanggunian: Panitikang Pandaigdig 10 TG pahina 100-152, LM pahina 243-252

III. Proseso ng Pagkatuto

Pagganyak

- Pagpapanood ng video clip “Slum Stories Kenya”

a. Ano ang iyong naramdaman matapos mong mapanood ang video clip?
b. Anong uri ng pamumuhay ang masasalamin sa bansang Kenya batay sa napanood
na video clip?
c. May mga pangayayari ba sa napanood na video clip na nangayayari sa ating
kasalukuyang panahon? Magbigay ng patunay.

Aktibiti
Pagbibigay input tungkol sa kasaysayan ng Kenya. (p.243)
Informance tungkol sa maikling kasaysayan ng bansang Kenya
Analisis 1
Pagsusuri ng mga mag- aaral sa mga larawang may kaugnayan sa bansang Kenya.

Aktibiti 2
Pagpapabasa ng tekstong “Mashya at Mashayana: Mito ng Pagkalikha”

Analisis 2

Sagutin ang mga gabay na tanong sa pamamagitan ng pangkatang gawain.

 Pangkat 1- Pagbuo ng Jingle


 Pangkat 2- Interbyu
 Pangkat 3- Pagbabalita
 Pangkat 4- Pag-uulat
Paglalahad ng Aralin

PANITIKAN: Liongo (Mitolohiya mula sa Africa)


(Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles)
GRAMATIKA at RETORIKA: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika
URI NG TEKSTO: Naglalahad

Pagbibigay hinuha sa Mahahalagang Tanong:

PANITIKAN: Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya na


may iba’t ibang batayan?
GRAMATIKA at RETORIKA: Paano magagamit nang angkop ang mga
pamantayan sa pagsasaling – wika?

Inaasahang Pagganap

Isa kang mahusay na tagapagsalin. Napili ka ng embahada ng Africa at Persia


upang isalin ang kanilang mga mitolohiya sa wikang Filipino upang maipakilala ang
kanilang bansa sa buong daigdig. Tiyaking magagamit mo ang mga pamantayan sa
pagsasaling-wika.

Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot 20%


Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot 20%
Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag 20%
Sapat na kaalamn sa paksang isasalin 20%
Sapat na kaalaman sa kultura ng bansa 20%
Kabuuan

Abstraksyon
Pagkakakilanlan ng Bayan

Pilipinas

Pilipinas

Aplikasyon

Balikan ang Video clip na pinanood tungkol sa Slum Stories of Kenya. Batay sa video
clip na napanood, sumulat ng isang liham sa lider ng Kenya tungkol sa mga nais mong
maiparating sa kanya.Isulat ito sa kalahating bahagi ng papel. (Ipost ito sa kahit na anong social
media gaya ng Facebook, Instagram, Tweeter, Blogs, atbp. , Ibibigay na Takdang Aralin)

Takdang Aralin
1. Ipopost sa Hatirang Pang-madla ang ginawang sulat para sa lider ng Kenya.
2. Basahin ang akdang “Liongo” pahina 245-246.
3. Isa isahin ang mga pangyayaring sumasalamin sa kultura ng Kenya.

Inihanda nina:

MARIA CECILIA H. MENDOZA


Guro III
Dr. Juan A. Pastor MNHS

ELMA H. ILAGAN
Guro II
San Pedro NHS

ANAROSE S. MANALO
Guro I
Maximo T. Hernandez MNHS

Binigyang Pansin:

LORETA V. ILAO
Pansangay na Tagamasid sa Filipino

You might also like