You are on page 1of 5

`TALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL

FILIPINO GRADE IX
Unang Markahang Pagsusulit
Pangalan:___________________________ Seksyon: ______________ Petsa: ______________ Marka: ___________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Bilugan lamang ang titik ng inyong kasagutan.
1.) Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatulong sa:
A. pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento
B. pagbibigay kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita
C. pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat
D. pagkilala kung kalian naganap, nagaganap, gaganapin ang kilos o pangyayari
2.) Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito’y mauuri bilang maikling kwentong:
A. kababalaghan C. pangkatauhan
B. katutubong-kulay D. makabanghay
3.) Ang pangatnig na samantala ay ginagamit na: A. panlinaw B. pananhi C. pantuwang D. panapos
4.) Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu _______ hindi niya lubos maisip kung paano
niya ito haharapin. Alin sa mga transitional devices ang angkop na ipuno sa patlang?
A. kaya B. saka C. kung gayon D. sa lahat ng ito
5.) Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit tayo ng mga:
A. pantukoy B. pangatnig C. pandiwa D. pang-abay
6.) Napakarami na niyang napagtagumpayang problema____ hindi na niya alintana ang mga darating pa. Aling
transitional devices ang angkop na ipuno sa patlang?
A.kaya B. kung gayon C. datapwat D. sa lahat ng ito
Para sa bilang 7-8
Tinuyo ng nagdalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon,
magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa.
7.) Mahihinuhang ang ama ay magiging:
A. matapang B. mabuti C. matatag D. masayahin
8.) Ipinahihiwatig ng teksto na ang ama ay:
A.maawain B. mapagmahal C. matulungin D. maalalahanin
Para sa bilang 9-12
Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay
pumanaw ang aking anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglagalag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng
mata, ibinuga niya ang kaniyang hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig . Hinintay lamang niya ang
aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-
sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino. Isa’t kalahating oras siyang naghirap. Nabulag,
nanigas, nilabasan ng maraming dugo sa bibig, at naghabol nang naghabol ng hininga.”

9.) Layunin ng teksto na ___.


A. mangatuwiran B. magsalaysay C. maglahad D. maglarawan
10.) Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa ikatlong pangungusap?
A. bumiyahe B. namatay C. nakikipagsapalaran D. nangibang-bansa
11.) Sa ikaapat na pagungusap, alin ang maituturing na pangatnig?
A. sandali B. luha C. mata D. at
12.) Anong uri ng teksto ang binasa?
A. deskriptiv B. informative C. narativ D. expositori
13.)Siya’y nagtagumpay ____ sa kanyang pagsisikap. A. ngunit B. saka C. subalit D. dahil
14.)Alin sa mga sumusunod na pangatnig ang ginagamit na pantuwang. A. saka B. kaya C. datapwat D. ngunit
15.)Ang kwentong __________ ay nakatuon sa pagkakasunod ng mga pangyayari.
A. nagsasalaysay B. makabanghay C. naglalarawan d. nagtutula
16 Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na, Ayon kay Donna, ang pagpapakahulugan sa pahayag ay
malinaw”. A. pananda B. pangatnig C. pang-ukol D. pantukoy

17- 18.) _______ nasasabi niyang siya’y nakakaraos sa buhay, ________ hindi pa rin maipagkakaila ang lungkot na
kaniyang nararamdaman. A. Datapwat B. Subalit C. Kaya / A. Datapwat B. Subalit C. Kaya
19.) Sa sumusunod na mga pangungusap, ano ang angkop na pang-ugnay ang dapat ipuno? “ Balang-araw maaaring
lumuwag ang tali at kami’y pawalan. Malayo pa ang panahong iyon.”
A. ngunit B. kaya C. kung D. kasi
20.)Abala ang lahat _______ ikaw ay walang ginawa. A. saka B. samantala C. kung D. kong
21.) Maituturing ang isang kuwento na alamat kapag:
A. naganap sa mga tanyag na lugar B. naglalaman ito ng makatotohanang pangyayari
C. nagsasalaysay ng pinagmulan ng bagay o lugar D. naglalahad ng patunay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay
22.) Ang bawat bituin ay naging munting putting bulaklak na sadyag napakatamis ng samyo._____noon, ang kanyang
mga bulaklak ay naging paborito ng mga tao, pangkuwintas sa mga dalaga at bisita at pang-alay sa mga Santa tuwing
may okasyon. Anong salita ang maaaring ipuno na magiging pananda ng pang-abay na pamanahon?
A. hanggang B. kaya C. mula D. kapag
23.)____araw ng Linggo , nagsisimbaa ang buong mag-anak. Ang salitang nawawala sa pangungusap ay__.
A. Kung B. Kapag C. Sa D. Simula
24.) “ Simula ng natutong magsarili, siya’y naging responsableng bata”. Ang pangungusap ay may pang-abay a
pamanahon ___________.
A. walang pananda B. payak na salita C. may pananda D. inuulit
Para sa bilang 25-28
Sa loob ng kahariang Krairat, nakatago ang kagubatan ng Himmapan kung saan namamahay ang mga nakatatakot
na nilalang na hindi kilala sa daigdig ng mga tao. Sa loob ng kagubatan, nakakubli ang mga maganda at kaaya-ayang lawa
kung saan ang pitong kinaree ay araw-araw na nagtungo rito upang magtampisaw, lalo na sa araw ng Panarasi.
25.) Ang salitang may salungguhit sa teksto ay salitang Thai, na nangangahulugan sa wikang Filipino na __________.
A. kalakihan ng buwan B. kadiliman C. mainit ang panahon D. tagtuyot
26.) Mula sa binasang teksto, anong salita ang tumutukoy sa pang-abay na pamanahon?
A. kahariang Krairat B. araw-araw C. lalo D. Panarasi
27.) Ang pang-abay na pamanahon na ginamit sa texto ay _______.
A. walang pananda B. may pananda C. nagsasaad ng dalas D. payak na salita
28.) Ang layon ng binasang teksto ay__.
A. naglalahad B. nagpapaliwanag C. nagsasalaysay D. naglalarawan
29.) Makikipagkita bukas ng umaga si Prahnbun kay Prinsipe Suton. Ang salitang may salungguhit ay isang:
A. pang-abay B. pang-uri C. pangngalan D. pangatnig
30.) ___noon ay namuhay nang masaya’t matiwasay sina Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah. Alin ang angkop na pang-
abay na pamanahon ang ipuno sa patlang?
A.umpisa B. Mula C. Sa D. Nang
31.) Tumutukoy ito kung kailan ginanap, ginaganap o gaganapin ang pangyayari o kilos.
A. pang-abay na pamanahon C. pang-abay na pamaraan
B. pang-abay a panlunan D. pang-abay na panggaano
32.) Pumupunta taun-taon sina Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah sa kaharian ng Bundok Grairat. Ang salitang may
salungguhit sa pangungusap ay may pang-abay na pamanahon na_______:
A. may pananda B. walang pananda C. nagsasaad ng dalas D. inuulit
33.) Tinatalakay ng _______ ang pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari, o katawagan na maaring kathang isip
lamang. A. Kwento B. Tula C. Alamat D. Dula
34.) Alin sa mga salita ang nagsasaad ng dalas? A. tuwing B. ngayon C. kahapon D. kapag
35.) Kahapon nakipagkita si Prahnbun sa ermitanyo upang huming ng tulong. Ang salitang sinalanguhitan ay pang-abay
na may pananda. A. Tama B. Mali C. Wala sa dalawa
36.) _______ ngayon na aalis ang mangngisda, tiyak aabutan na siya ng dilim. A. Kung B. Kong C. At D. Saka
37.) Ang kultura natin ay hindi naman ____ sa pag-inog.
A. huminto B. humupa C. tumigil D. patuloy
38) Maituturing na salitang naglalarawan ang ____.
A. pinakamahusay B. nagkamit C. patimpalak D. programa
39.) Sa pangungusap na “ Ang araw ay muling sisikat sa dakong silanganan pagsapit g umaga .” Aling salita ang may 2 o
higit pang kahulugan? A. araw B. sisikat C. umaga D. lahat ng nabanggit
40.) Ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na may pamagat na “Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan,
at Buhay ng Kinabukasan” ay nagpapahiwatig na ang kultura ay :
A. nagbabago B. di- nagpapalit C. di itinuturo D. naaalis
41.) Sa pangungusap na “ Si Sitti Nurhaliza ay may ginintuang puso.” Ang salitang ginintuan ay :
A. nangangatuwiran B. naglalarawan C. nagsasalaysay D. nag-uugnay
42.) Nakatatakot ang magpatayo ng mga matatayog na gusali sa lugar na may malambot na lupa tulad ng sa Baguio. Ang
salitang may salungguhit ay tumutukoy sa :
A. taas B. lapad C. bigat D. laki

43.) Balikan ang blg. 42, ang salitang sinalungguhitan ay salitang _____.
A. naglalahad B. naglalarawan C. nagsasalaysay D.kilos
44.) Hindi masamang magkaroon ng___ na pangarap katulad ng ginawa ni Sitti Nurhaliza. Anong salitang naglalarawan
ang angkop na ipuno sa patlang?
A. matangkad B. malawak C. malaki D. matayog
Para sa bilang 45-48
Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay
Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula’t simula pa’y piñata ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo
Habang nakamasid lamang
Ang mga batang lansangang nakasama mo
Nang maraming taon
Hango sa: Elehiya Para kay Ram
45.) Sa binasang teksto, alin ang salitang naglalarawan?
A. matitigas B. bato C. pinatay D. kamatayan
46.) Ano ang ibig ipakahulugan ng salitang may salungguhit sa teksto?
A. pagsubok sa buhay B. mabibigat na Gawain C. mabatong daan D. lubak na daan
47.) Ang tekstong binasa ay may uring____.
A. nagsasalaysay B. naglalarawan C. expositori D. argumentative
48.) Ang tekstong binasa ay isang tula na naglalahad tungkol sa kamatayan. Ito’y tumutukoy sa ____:
A. elehiya B. Oda C. awit D. korido
49.) Lahat ng mga salitang naglalarawan ay maaaring gamitin sa tao. A. Tama B. Hindi C. Wala
50.) Napakasakit sa balat ang _________ na init ng araw. A. matimyas B. makinang C. matingkad D. mabagal
51.) Alin sa mga sumusunod na salita ang tumutukoy sa taas (height) ng tao.
A. maganda B. matangkad C. matayog D. malawak
52.) Ang akdang “ Kay Estella Zeehandelaar ay mula sa aling bansa?
A. Malaysia B. Singapore C. Indonesia D. Pilipinas
53.) Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na, Ayon kay Donna, ang pagpapakahulugan sa pahayag ay
malinaw”. A. pananda B. pangatnig C. pang-ukol D. pantukoy
54.) Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay, kinakailangang ikahon ako. Ano ang
kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A. itali sa bahay B. ikulong C. bawal lumabas D. lahat ng nabanggit
55.) “ Isinuko ko ang aking kalayaan at nagpakahon ako sa kanilang nais.” Ang ipinahihiwatig ng tauhan sa pahayag ay:
A. kawalan ng kapangyarihan C. pagkatalo
B. pagiging sunod-sunuran D. kasiyahan
56.) Sa pangungusap na “ Nagugutom si Egay at Nagluto si Mulong ng pansit.” Ano ang angkop na gamiting pang-ugnay
upang maging isang pangungusap ang mga nabanggit?
A. kaya B. palibhasa C. subalit D. datapwat
57.) Kung ang sanaysay na di-pormal ay tinatawag na personal, ang sanaysay a impersonal naman ay___.
A. naglalarawan B. pormal C. nang-aaliw D. nangungutya
58.) Sa sumusunod na mga pangungusap, ano ang angkop na pang-ugnay ang dapat ipuno? “ Balang-araw maaaring
lumuwag ang tali at kami’y pawalan. Malayo pa ang panahong iyon.”
A. ngunit B. kaya C. kung D. kasi
Para sa bilang 59- 60
Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay kinakailangang ikahon ako.
Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-ugnayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita
marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking
ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan.
Hango sa: Kay Estella Zeehandelaar
59.) Anong kultura ng Javanese ang masasalamin sa binasang teksto?
A. pinapahalagahan ang kababaihan C. pinagkaitan ng mga karapatan ang mga kababaihan
B. pantay ang karapatan ng babae’t lalaki D. may kalayaan ang mga kabataan
60.) Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa teksto?
A. hindi kilala C. kilalang-kilala
B. taga-ibang lupain D. lubos na kilala
TALINGA NATIONAL HIGH SCHOOL
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO GRADE IX

TALAHANAYAN NG ESPISIPIKASYON

MODYUL I Bilang ng Dami ng


MGA PAKSA/ARALIN Araw Bahagdan Aytem Kaalaman Proseso Pag-unawa
Aralin 2.1 (10) (5) (2)
Tanka at Haiku ng Hapon
Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka 14 34% 17 2,3,5 1,7,8, 13,17
at Haiku 10,14,15 9,19
Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at 4,11,16,
Haiku 12
Ponemang Suprasegmental
Aralin 2.2 (7) (3) (1)
Pabula ng Korea
Ang Hatol ng Kuneho 10 27% 11 21,25,26, 23,6,22 24
Nagkamali ng Utos 27,28,31,
Modal 32

Aralin 2.3 (8) (4) (1)


Sanaysay ng Taiwan
Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon 9 24% 13 48,30, 50,37 40
at Noong Nakaraang 50 Taon 36,33 38,39
Pilipino sa Pamamgitan ng 30,
Estadistikong Kasarian 36,33
Mga Pangatnig na Nag-uugnay ng 13
Magkatimbang at Di Magkatimbang
na Yunit
2.4: Maikling Kuwento ng Tsina (5) (3) (1)
Niyebeng Itim
Nagmamadali ang Maynila 7 15% 9 41,42,43 49,46,47 20
Pagpapalawak ng Pangungusap 44,45
Gamit ang Panuring

Kabuuan 40 100% 50

PREPARED BY:
KIM M. BRIGOLE
Subject Teacher
INSPECTED BY:

Emmeline s. villasawa

NOTED BY:
YOLANDA S. CANTON

You might also like