You are on page 1of 5

CASA DEL BAMBINO EMMANUEL MONTESSORI

Contreras Compound, Alangilan, Batangas City


Taong Panuruan 2022 - 2023
HIGH SCHOOL DEPARTMENT

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Pangalan: ___________________________________________________________ Petsa: _______________________


Baitang at Seksyon: ________________________________________________ Iskor: _______________________

I. Panuto: Tukuyin kung ano ang isinasaad ng bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

_____1. Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita na maaaring maghudyat ng kahulugan ng


pahayag.
A. Intonasyon C. Hinto
B. Diin D. Punto

_____2. Paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan.


A. Bugtong C. Tula
B. Tulang Panudyo D. Tugmang de gulong

_____3. “Hindi siya nawawalan ng pag-asa, tulad ng isang kandila na kahit kaunti na lamang ay
nagliliwanag parin.” Ito ay nasa anong paraan ng pagpapakahulugan ng salita nabibilang?
A. Konotasyon C. Anapora
B. Denotasyon D. Katapora

_____4. Pahulaan o palaisipan na nagpapatalas ng isipang nilikha ng ating mga ninuno upang libangin ang
isa’t isa.
A. Sanaysay C. Salawikain
B. Bugtong D. Sawikain

_____5. Tumatalakay sa mga paksang higit na mabigat at seryoso.


A. Pormal na sanaysay C. Katotohanan
B. Di pormal na sanaysay D. Opinyon

_____6. Ayon sa kanya ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na naglalahad ng karanasan ng taong sanay
sa pagsasalaysay.
A. Jose P. Rizal C. Jose Corazon de Jesus
B. Alejandro G. Abadilla D. Jose dela Cruz

_____7. Bahagi ng sanaysay na nilalaman ang kabuuang pasya ng akda hinggil sa paksang tinatalakay.
A. Simula C. Wakas
B. Katawan D. Banghay

_____8. Isang mahalagang sangkap ng sanaysay kung saan may maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o
pangyayari.
A. Tema at Nilalaman C. Wika at Istilo
B. Anyo at Istruktura D. Wastong gramatika

_____9. Tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawar taludtod na bumubuo sa isang saknong.


A. Kariktan C. Sukat
B. Tugma D. Taludtod

_____10. Anong aral ang iniwan ng kwentong “Swerte o Malas?”


A. Tayo ang gumagawa ng ating sariling kapalaran.
B. Hindi masamang maniwala at umasa sa mga pamahiin.
C. Ang tao ay may kani-kaniyang paniniwala na nagsisilbing gabay sa ating buhay.
D. Matutong makuntento sa buhay.
_____11. Isang anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng isang tao
gamit ang maririkit na mga salita.
A. Sanaysay C. Maikling-kwento
B. Tula D. Tulang-bayan

_____12. “Tita, Jean, Grace ang pangalan niya.” Ito ay nangangahulugang;


A. Ipinapakilala si Grace kina Tita at Jean.
B. Sinasabi ang buong pangalan ng ipinapakilala.
C. Ipinapakilala kay Tita Jean si Grace.
D. Kinakausap si Tita at Jean dahil ipinakikilala si Grace sa kanila.

_____13. “Gina, Belle Laroco ang pangalan niya.” Ano ang nais ipahiwatig ng ayos ng pangungusap?
A. Ang sinasabi ay ang buong pangalan ng kaniyang ipinapakilala.
B. Ang kausap ay si Gina, at sinasabing si Belle Laroco ang pangalan ng kaniyang ipinapakilala.
C. Ang kausap ay si Gina Brlle, at sinasabing Laroco ang pangalan ng kaniyang ipinapakilala.
D. Ang kausap ay sina Gina, Belle, at sinasabing Laroco ang pangalan ng kaniyang ipinapakilala.

_____14. “Duke Eduardo Miguel ang pangalan niya.” Ito ay nagpapahiwatig na;
A. Ipinakikilala sina Duke at Eduardo kay Miguel.
B. Ipinakikilala si Miguel kay Duke Eduardo.
C. Sinasabi ang buong pangalan ng ipinakikilala.
D. Kinakausap si Duke at ipinakikilala sa kanya si Eduardo Miguel.

_____15. Ang pagpapantig ay tumutukoy sa bilang ng bigkas ng salita, kung gayun ilang pantig ang
bumubuo sa salitang MAYAMAN?
A. 1 C. 3
B. 2 D. 4

_____16. Tulang may kabuuang sukat na labingpitong pantig.


A. Tanka C. Tanaga
B. Haiku D. Soneto

_____17. Isang maikling salaysay hinggil sa isang mahahalagang pangyayaring kinakasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisaang kakintalan o impresyon lamang.
A. Maikling kwento C. Sanaysay
B. Kwentong-bayan D. Tula

_____18. Ang may akda ng kwentong “Swerte o Malas.”


A. Mary Grace R. Dino
B. Mary Jane R. Dino
C. Mary Claire R. Dino
D. Mary R. Dino

_____19. “Napakaraming magagandang bulaklak na makikita sa pagtitipong ito.” Ang salitang bulaklak ay
nangangahulugang?
A. Isang uri ng halaman C. Nagpapahiwatig sa magandang ugali ng isang tao
B. Tumutukoy sa babae D. Tumutukoy sa lalaki

_____20. Tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.


A. Diin C. Hinto
B. Antala D. Tono

II. Panuto: Pumili at isulat sa patlang ang tamang salita na may wastong diin ayon sa wastong
gamit nito sa pangungusap. (2 puntos)

(pala , pa.la)
21. Dumating na ____________________ siya kagabi na may dalang maraming ____________________.

(dating , da.ting)
22. _____________________ matamlay na ang bata noong bagong ____________________ pa lamang ito.
(la.mang , lamang)
23. Ako ____________________ dapat ang maging ___________________ sa amin.

(taga , ta.ga)
24. Ang lalaking ____________________ probinsya ay may ____________________ sa kanyang mukha.

(yaya , ya.ya)
25. Ang aming ____________________ ay nag-____________________ nang mamasyal.

III. Panuto: Piliin sa Hanay B ang tamang tugon o kahulugan ng mga salita o pahayag sa Hanay A.
Isulat ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B

_____26. Magandang gabi po. A. afternoon


_____27. /ha.pon/ B. Si Jose ang tinutukoy, hindi ang ibang tao.
_____28. /hapon/ C. Ang taong tinutukoy ay hindi si Jose.
_____29. Hindi siya si Jose. D. Japanese
_____30. Hindi siya / si Jose. E. Pagbati

IV. Panuto: Piliin sa mga salitang nakakahon ang sagot sa sumusunod na bilang. Isulat ang tiitik ng
tamang sagot.

Para sa bilang 31-36

A. Saknong
B. Tugma
C. Kariktan
D. Talinghaga
E. Taludtod
F. Paksa

_____31. Maririkit na salita na ginagamit sa tula upang masiyahan gayundin mapukaw ang damdamin at
kawilihan ng mga mambabasa.
_____32. Tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang salita at tayutay sat ula.
_____33. Grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang mga linya.
_____34. Tumutukoy sa tunguhing nais iparating ng may akda sa kanyang tula.
_____35. Nagbibigay sat ula ng angkin nitong himig o indayog.
_____36. Mga linya ng mensaheng matatagpuan sa saknong sa tula.

Para sa bilang 37-40

A. Tulang Liriko
B. Tulang Pasalaysay
C. Tulang Dula
A. Tulang Patnigan

_____37. Isinasagawa ng padula na itinatanghal sa isang entablado kung saan ang usapan dito ay sa
paraang patula.
_____38. Tulang sagutan na itinatanghal ng mga nagtutunggaling makata sa paraang patula.
_____39. Naglalahad ng makulay at mahahalagang tagpo sa buhay na nasa anyong patula
_____40. Karaniwang maikli at payak at itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin.

Para sa bilang 41-43

B. Oda
C. Elehiya
D. Soneto

_____41. Tulang may labing-apat na taludtod.


_____42. Nagpapahayag ng pagpuri sa isang bagay. Ito ay walang tiyak na bilang ng pantig o bilang ng mga
taludtod.
_____43. Ito ay nagpapahayag ng panimdim o pagkalumbay dahil sa isang namatay na minamahal.

Para sa bilang 44-46

A. Epiko
B. Awit
C. Korido

_____44. Karaniwang pinapaksa nito ay pakikipagsapalaran, katapangan, at kabayanihan ng tauhan sa tula.


_____45. Tulang pasalaysay na nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod.
_____46. Mas makatotohanan at nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod.

Para sa bilang 47-51

A. Moro-moro
B. Komedya
C. Tibag
D. Panunuluyan
E. Sarswela

_____47. Isinasadula rito ang paghahanap nina Maria at Jose ng bahay na matutuluyan sa nalalapit na
pagsilang kay Hesus.
_____48. Isang dulang musikal na naglalarawan ito ng pang-araw-araw na buhay nating mga Pilipino.
_____49. Tulang dula na pumapaksa sa paglalabanan ng mga Muslim at Kristiyano.
_____50. Masasayang diyalogo ang ginagamit dito at nagwawakas nang masaya.
_____51. Pagsasadula ng paghahanap ng krus na pinagpakuan kay Kristo. Ito ay ginaganap tuwing buwan
ng Mayo.

Para sa bilang 52-55

A. Karagatan
B. Duplo
C. Balagtasan
D. Batutian

_____52. Isang paligsahan sa pagtula na hango sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa
dagat.
_____53. Tagisan ng talino sa pamamagitan ng pagtula bilang pangangatwiran sa isang paksang
pinagtatalunan.
_____54. Sagutang patula na may halong pangungutya at pagpapatawa.
_____55. Madulang pagtatalo na karaniwang ginaganap sa isang maluwag na bakuran ng namatayan. Ang
paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari.

Para sa bilang 56-60

A. Bugtong
B. Tugmang de Gulong
C. Tulang Panudyo

_____56. Baston ni kapitan,


Hindi mahawakan.

_____57. Putak! putak!


Batang duwag!
Matapang ka’t nasa pugad!

_____58. Matanda na ang nuno,


Hindi pa naliligo.
_____59. Pinagpapala ang nagbabayad ng tama.

_____60. Bata batuta!


Isang perang muta!

V. Panuto: Isulat ang K kung ito ay tumutukoy sa Konotasyon at D kung ito naman ay tumutukoy
sa Denotasyong kahulugan ng salita.

_____61. Tinitingala si Jean ng kaniyang mga kaklase dahil sa kaniyang pagiging mahusay na mag-aaral.
_____62. Masakit ang kaniyang lalamunan dahil sa tinik.
_____63. Hindi kailanman matutumbasan ng kahit ano pang ginto ang pagtulong sa kapwa.
_____64. Mapait na karanasan ang sinapit ng ina sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
_____65. Naniniwala ang mga mamamayan na kaya hindi umuunlad ang bansa ay dahil sa ilang mga
buwaya sa lipunan.
_____66. Hindi matigil ang usap-usapan tungkol sa nanalong koponan sa basketbol sapagkat marami ang
nagsasabing ang laro ay niluto.
_____67. Nang tumingala siya sa kalangitan, nakita niya ang sanlaksang bituin na nagbibigay ng liwanag sa
gabing madilim.
_____68. Maraming plastik sa mundo kaya’t di dapat agad-agad na magtiwala.
_____69. Bihira na lamang ang paggamit ng kutsarang pilak ngayon dahil sa mahal ang halaga ng bilihin.
_____70. Napakaganda ng panahon kapag kulay bughaw ang langit.

____________________________
G. John Lloyd B. Cabrera
G. Joshua D. Uri
Mga Guro sa Filipino 7

_________________________________
Gng. Sofia Bantugon B. Vizco
Punungguro

You might also like