You are on page 1of 4

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO

Baitang-7
August 7, 2018
Puntos:

Pangalan: _____________________________________ Seksyon:___________


70
PANGKALAHATANG PANUTO:
Iwasan ang maraming bura.
Siguraduhing sumunod sa mga panuto.
Bawal mangopya.
Siguraduhing malinis at klaro ang pagkasulat ng sagot.

I- TAMA O MALI
Lagyan ng TAMA ang patlang kung ang isinasaad sa pangungusap ay wasto at MALI kung ang isinasaad sa
pangungusap ay hindi wasto. 10pts

________1. Ang kuwentong bayan ay mga kuwentong naipapasa ng pasalita o mga sulatin kung saan
naisasalamin ang kultura ng mamayang pinagmulan nito.
________2. Ang panitikan ay mga salaysay o akdang nakatutulong sa pag preserba at pagyabong ng
kultura ng isang bansa.
________3. Ang mga kuwentong epiko ay may pangunahing tauhan na nagpapakita ng kabayanihan
at di karaniwang lakas.
________4. Ang Elemento ng maikling kuwento ay ang mga tauhan, banghay at wakas.
________5. Ang kuwentong “TULALANG” ay isang halimbawa ng parabula.
________6. Ang pabula ay isang uri ng kuwentong bayan na ang pangunahing tauhan ay isang hayop.
________7. Ang mito ay isang uri ng kuwentong bayan na nagsalaysay ng pinagmulan ng isang bagay o
pangyayari.
________8. Ang parabula ang isang uri ng kuwentong bayan na kinapupulutan ng aral at maaring
mangyari sa totoong buhay.
________9 .Ang kuwentong “BUNDOK KANLAON” ay isang halimbawa ng alamat.
________10. Ang Epiko ay mga kuwentong nagmula sa iba’t ibang pangkat-etniko.

II- PUNAN ANG PATLANG


Isulat sa patlang ang tamang sagot na isinasaad sa bawat aytem. 10pts

26. Ang __________________________ay mga kuwentong madali at natatapos sa isang upuan lamang.
27. Tauhan, Tunggalian at __________________________ay ang mga Elemento ng maikling kuwento.
28. Ang mga __________________________ay ginagamit upang makapagpahayag ng mabisa, malinaw
at lohikal na pangungusap.
29. Ang __________________________ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa
tanghalan.
30. Ang salitang __________________________ay maaring katutubo o banyaga.

III- PAGPILIAN
Basahin ng mabuti ang tanong sa bawat aytem. Isulat sa patlang ang MALAKING TITIK ng napiling sagot.
15pts

1|Page
_____11. Ito ang pagkasunod-sunod ng pangyayari sa isang maikling kuwento.
A. buod B. banghay C. tunggalian D. wakas
_____12. Ang problema ng pangunahing tauhan sa kuwento ay_________.
A. tauhan B. paksang aralin C. suliranin D. tagpuan
_____13. Ang epikong TULALANG ay nagpapakita ng kultura ng pangkat etnikong _______ .
A. Aeta B. Maranao C. Manobo D. Muslim

Basahin ang talata sa kahon para sa aytem 14-20.

[1]Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasya ang matalinong pilandok na
magpunta sa paborito niyang malinaw na batis upang doon magpalamig at uminom. [2]May isang
malaki at gutom na baboy-ramo pala ang nakatago sa gilid ng malalabay na puno at naghihintay ng
anumang maaaring makain. [3]Nakita niya ang pilandok kaya mabilis siyang lumabas at humarang sa
daraanan ng pilandok. [4] “Sa wakas, dumating din ang aking pagkain. [5]Gutom na gutom na ako sa
maghapong hindi nakakain, kaya’t humanda ka Pilandok dahil ikaw ngayon ang aking magiging
hapunan,” ang tatawa-tawang sabi ng baboy-ramo.

_____14. Anong uri ng kuwentong bayan ang ginamit sa talata?


A. parabula B. pabula C. mito D. alamat
_____15. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
A. pilandok B. baboy-ramo C. batis D. araw
_____16. Balikan ang pangungusap [2], ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa akda?
A. patay B. malalaki C. malalabong D. manipis
_____17. Balikan ang pangungusap [1], ano ang salitang pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. kaya B. ng C. kaya’t D. niyang
_____18. Base sa pangungusap [5], ano ang gamit ng salitang pang-ugnay na may salungguhit sa
pangungusap?
A. sanhi B. Panghihikayat C. pagpapahayang ng saloobin D. bunga
_____19. Ibigay ang kasalungat ng salitang “malinaw” base sa gamit nito sa pangungusap [1]?
A. malabo B. klaro C. madumi D. marami
_____20. Base sa pangungusap [5], ano ang ibig sabihin ng pariralang “Ikaw ang aking magiging hapunan “
na sinabi ng baboy ramo?
A. katutuwaan B. kakaibiganin C. kakainin D. kakalabanin
Basahin ang talata sa kahon para sa aytem 21-25.

[1]Si Sidapa ay isang bathalang tagapagbigay ng payo sa mga pinuno upang maiwasan ang
digmaan ng mga pinuno kada barangay. [2]Araw-araw may nakapilang mga pinuno para humingi ng
payo sa kanya. [3]Isang araw ay hindi ginising si Sidapa ng kanyang sundalo na siyang matagal niyang
inaasahan at gawain ang pag-gising sa kanya sa umaga. [4]Dahil dito, nagkaroon ng malaking digmaan
ang mga barangay. [5]Nagalit si Sidapa sa ginawa ng kanyang sundalo na palaging naglalasing kaya
napapadalas ang pagiging irresponsible nito. [6]Nagalit ang bathalang Sidapa sa nangyari kaya sa
isang kisapmata ay lumiit ang sundalo, nagkaroon ng balahibo at pakpak. [7] Naging hayop ito na
siyang binigyang trabaho na unang titilaok sa madaling araw upang gisingin ang lahat ng tao 2 |sa
Page
daigdig.
_____21. Anong uri ng kuwentong bayan ang ginamit sa talata?
A. parabula B. pabula C. mito D.alamat
_____22.Base sa pangungusap [6] at [7], ano sa tingin mo kinahinatnang hayop ng sundalo?
A. Ibon B. tandang C. pato D. pabo
_____23. Balikan ang pangungusap [5], ano ang salitang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap?
A. madalas B. kanyang C. kaya D. pagiging
_____24. Balikan ang pangungusap [4], ano ang salitang pang-ugnay ang may salungguhit sa pangungusap?
A. sanhi B. Panghihikayat C. pagpapahayang ng saloobin D. bunga
_____25. Balikan ang pangungusap [6], ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A. iglap B. taon C. oras D. minuto
IV- PAG-UURI
A. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa “HANAY A” at isulat ang malaking titik
ng napiling sagot na nasa “HANAY B”. 5pts
HANAY A HANAY B
______31. Naghinala ang hari ng Bagyo hinggil sa pagkatao ng kanyang alipin.
______32. Ang mahangin na heneral ay napahamak sa ginawa niya. A. bisita
______33. May hindi inaasahang panauhin ang Sultan sa pagdiriwang ng B. dumating
kaarawan ng kanyang anak. C. nagsuspetsa
______34. Sumapit ang maraming taon ay hindi pa din bumalik ang kanyang D. nakita
anak. E. mayabang
______35. Nasaksihan ng kapatid na babae ni Tulalang ang labanan ni heneral F. Ihip ng hangin
Agio at Tulalang.

B. Bilugan ang mga salitang pang-ugnay at tukuyin ang gamit nito sa pangungusap. Isulat sa patlang ang
sumusunod na naayon sa ginamit na pang-ugnay: 10pts

SB –bilang sanhi at bunga PH- gamit sa panghihikayat PS- gamit sa pagpapahayag ng saloobin

Halimbawa:
_PH_ 1. Sigurado akong mahiwaga ang mundong kinabibilangan ng magkakapatid na Tulalang. 2pts

_____ 36-37. Ang magkakapatid ay minahal ng mga tao sapagkat sila ay matulungin sa kapwa.
_____ 38-39. Bagama’t nawala ang minamahal ay hindi niya inalintanang tulungan ang kanyang tao.
_____ 40-41. Ang pagdating ng sarimbar ay totoong nagbigay ng kaligayahan sa mamayan.
_____ 42-43. Maligayang naninirahan ang mga tao subali’t dumating ang isang mayabang na kaaway.
_____ 44-45. Sa aking hinuha ay madaling matatalo ni Tulalag ang kanyang mga kalaban.

3|Page
V- PAGTATALA
Ibigay ang mga hinihingi: 9pts
Elemento ng Banghay(in order):

46.________________ 50.________________
47.________________ Uri ng Kuwentong Bayan(in any order):
48.________________ 51.__________________ 53.______________
49.________________ 52._________________ 54.______________

VI- PAGSULAT NG SANAYSAY


Sagutin ang tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng buo at maikling sanaysay: 11pts
“Paano nakatutulong ang akdang panitikan sa pagpreserba at pagyaman
ng tradisyon at kultura ng bansa?”

__________________________________________________________________________________
Batayan sa pagbuo ng
________________________________________________________________________________________
Sanaysay
Diwa - 5pts
________________________________________________________________________________________
Gramatika- 3pts
________________________________________________________________________________________
Teknikal na - 3pts
pagbuo =
____________________________________________________________________________________ 11pts

__________________________________________________________________.
-TAPOS-

4|Page

You might also like