You are on page 1of 36

Tekstong Impormatibo:

Para sa Iyong Kaalaman


Aralin 3
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
Layunin ng Talakayan

• Matukoy ang kahulugan at kahalagahan ng tekstong


impormatibo
• Maisa-isa ang iba’t ibang estruktura ng tekstong impormatibo
• Maipaliwanag ang mga kakayahan sa pagbasa ng tekstong
impormatibo
Kahulugan at Kahalagahan ng Tekstong Impormatibo
• Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay tinatawag ding ekspositori, ay
isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng
impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano,
kailan, saan, sino, at paano. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang
magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa na matatagpuan sa tunay na
daigdig.

• Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga


impormasyon na matatagpuan sa diskyunaryo, encyclopedia, o almanac, papel-
pananaliksik sa mga journal, siyentipikong ulat, at mga balita sa diyaryo.
Kahulugan at Kahalagahan ng Tekstong Impormatibo
• Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat
napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa,
pagtatala, pagtukoy ng mahahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri, at
pagpapakahulugan ng impormasyon.

• Upang mas madaling maunawaan ang anomang tekstong impormatibo,


kadalasang gumagamit ang manunulat ng iba’t ibang pantulong upang gabayan
ang mga mambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t ibang impormasyon.
Kabilang dito ang talaan ng nilalaman, indeks, at glosaryo para sa mahahalagang
bokabularyo, mga larawan at ilustrasyon, kapsyon, o iba pang uri ng palatandaan
para sa mga larawan, graph, at talahanayan.
Kahulugan at Kahalagahan ng Tekstong Impormatibo
• Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay tinatawag ding ekspositori, ay
isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng
impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano,
kailan, saan, sino, at paano. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang
magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa na matatagpuan sa tunay na
daigdig.
• Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay
naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa. Ang mga impormasyon o kabatirang
inilahad ng may-akda ay hindi nakabase sa kanyang opinyon kundi sa katotohanan
at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa
paksa.
KAHINGIAN NG EPEKTIBONG EKSPOSISYON
• 1) Pagkakaroon ng sapat na kaalaman ang isang tao kaugnay na paksa -
makabubuo lamang ng isang mahusay ma eksposisyon kung ang manunulat ay
may malawak na kaalaman sa paksang pag-uusapan.
• 2) Pagkakaroon ng kakayahang maghanay ng kaisipan -ang maayos at
organisadong pagkakahanay ng mga ideya at datos ay daan sa isang mahusay na
eksposisyon.
• 3) Kawalan ng Pagkiling -katangian ng isang tekstong ekspositori ang pagiging
obhetibo, kaya’t kailangan na taglay nito ang bukas na isipan upang tanggapin ang
iba’t ibang mahahalagang ideya maging ito ay taliwas sa sariling paniniwala ng
manunulat.
• 4) Mahalagang palabasa ang isang manunulat ng tekstong ekspositori upang
makakalap ng mga impormasyon. -mainam na maging mapagmasid ang
manunulat dahil bukod sa mga aklat at babasahin maaring makakuha ng
impormasyon sa kapaligiran at sa gawain araw-araw.
KATANGIAN NG MAHUSAY AT EPEKTIBONG EKSPOSITORI
• a. Malinaw- masasabing malinaw ang tekstong ekspositori kung madaling
nauunawaan ng mambabasa ang nais ipaunawa ng manunulat

• b. Tiyak- nararapat sa manunulat ay kayang panindigan ang mga datos na inilahad


sa loob ng teksto

• c. May kohirens- nararapat na may kaisahan ang mga ideya na inilalahad sa


teksto upang maunawaan ng mga mambabasa.

• d. Empasis- ang pagbibigay ng diin o mga karagdagang impormasyon ay


mahalaga at makatutulong sa mambabasa na maunawaan ang teksto.
Iba’t ibang Estruktura ng Tekstong Impormatibo
• Ito ay estruktura ng paglalahad na
Sanhi at Bunga nagpapakita ng pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangyayari at kung
paanong ang kinalabasan ay naging
Paghahambing resulta ng mga naunang
pangyayari.
• Sa uring ito, ipinaliliwanag ng
Pagbibigay-depinisyon manunulat ang malinaw na
relasyon sa dalawang bagay at
nagbibigay ng pokus sa kung bakit
Paglilista ng Klasipikasyon nangyari ang mga bagay (sanhi) at
ano ang resulta nito (bunga).
Iba’t ibang Estruktura ng Tekstong Impormatibo

Sanhi at Bunga
• Ang mga tekstong nasa
ganitong estruktura ay
Paghahambing kadalasang nagpapakita ng
mga pagkakaiba at
pagkakatulad sa pagitan ng
Pagbibigay-depinisyon anomang bagay, konsepto,
o pangyayari.
Paglilista ng Klasipikasyon
Iba’t ibang Estruktura ng Tekstong Impormatibo
• Ipinaliliwanag ng ganitong uri
ang kahulugan ng isang salita,
Sanhi at Bunga termino, o konsepto. Maaaring
ang paksa ay tungkol sa isang
konkretong bagay gaya ng uri ng
Paghahambing isang hayop, puno, o kaya naman
ay mas abstraktong mga bagay
gaya ng katarungan,
Pagbibigay-depinisyon pagkakapantay-pantay, o pag-
ibig.
• Sa ganitong uri ng tekstong
Paglilista ng Klasipikasyon impormatibo, mahalagang pag-
ibahin ang mga kahulugang
denotatibo o konotatibo.
Ang Dalawang Uri ng Depinisyon?
1.DENOTASYON/Formal- 2.KONOTASYON/Informal-
dimensyon na karaniwang dimensyon na di-tuwiran ang
kahulugang dala ng kahulugan. Nagkakaroon ng
ikalawang kahulugan ang
diksyunaryo o salitang
salita o pahayag. May mga
ginagamit sa
paniniwala na sa dimensyong
pinakakaraniwan at
ito, pansariling kahulugan ng
simpleng pahayag.
tao ang maaaring ibigay.
Halimbawa: Kinatatakutan Halimbawa: Kinatatakutan ng
ng mga magsasaka ang mga magsasaka ang kanilang
kanilang Panginoon. Panginoon.
(Diyos/tagapaglikha) (Makapangyarihang may-ari
ng lupa)
Iba’t ibang Estruktura ng Tekstong Impormatibo
• Ang estrukturang ito naman ay
Sanhi at Bunga kadalasang naghahatihati ng isang
malaking paksa o ideya sa iba’t
ibang kategorya o grupo upang
Paghahambing magkaroon ng sistema ang
pagtalakay.
• Nagsisimula ang manunulat sa
Pagbibigay-depinisyon pagtalakay sa pangkalahatang
kategorya at pagkatapos ay
bibigyang-depinisyon at
Paglilista ng Klasipikasyon halimbawa ang iba’t ibang
klasipikasyon o grupo sa ilalim
nito.
Uri ng Tekstong Impormatibo
Sanaysay • pagpapahayag ng isang
manunulat ng kanyang ideya,
kaisipan, pananaw o damdamin
Paglalahad ng Proseso kaugnay ng isang paksa.

Suring-basa o Rebyu

Balita o Ulat
Uri ng Tekstong Impormatibo
• maraming bagay sa ating
paligid na kailangang
Sanaysay ipaliwanag upang
mapakinabangan. Ang
matagumpay na pagsasa-
Paglalahad ng Proseso gawa ng isang bagay o ang
wastong paggamit ng isang
Suring-basa o Rebyu bagay ay nakasalalay sa
mahusay na pagsunod sa
mga panuto na magaganap
Balita o Ulat lamang kung maingat at
masusing inihayag ang
bawat hakbang na
nakapaloob sa isang proseso.
Uri ng Tekstong Impormatibo
Sanaysay

Paglalahad ng Proseso
• nakatutulong sa mga manonood
o mambabasa upang maging
Suring-basa o Rebyu mapanuri sa pagpili ng aklat at
pelikulang tatangkilikin.

Balita o Ulat
Uri ng Tekstong Impormatibo
Sanaysay

Paglalahad ng Proseso
• madalas na nababasa o
napapakinggan sa mga radio o
Suring-basa o Rebyu telebisyon na nagbibigay ng mga
tiyak at malinaw na detalye
kaugnay ng isang mahalagang
Balita o Ulat pangyayari na madalas ay
kagaganap lamang.
Mga Kakayahan sa Pagbasa ng Tekstong Impormatibo
• Ang pagpapagana ng imbak na kaalaman ay
may kinalaman sa pag-alala ng mga salita at
konseptong dati nang alam na ginamit sa teksto
upang ipaunawa ang mga bagong impormasyon
sa mambabasa. Halimbawa, kung nagbabasa
ang isang mag-aaral tungkol sa iba’t ibang uri
ng pamumuno, maaari niyang balikan ang
nauna na niyang nalalaman tungkol sa
presidente, minister, o iba pang uri ng pinuno
upang iugnay sa mga bagong matutuklasang
impormasyon. Ang pag-alala at pagbuo ng
ugnayan ay makatutulong upang mabilis na
maunawaan ang isang teksto.
Mga Kakayahan sa Pagbasa ng Tekstong Impormatibo
• Ang pagbuo ng hinuha naman ay may
kinalaman sa pagbasa ng mga bahagi ng
teksto na hindi gaanong malinaw sa
pamamagitan ng pag-uugnay nito sa iba
pang bahagi na malinaw. Ito ay matalinong
paghula ng maaaring kahulugan ng isang
bahagi na hindi direkta o tahasang
ipinaliwanag sa teksto. Mahalagang sanayin
ng isang mambabasa ang kritikal na pag-
iisip sa ganitong mga kaso upang hindi
maantala ang pagbasa sa kabuuan ng teksto.
Mga Kakayahan sa Pagbasa ng Tekstong Impormatibo
• Mahalaga rin ang pagkakaroon ng
mayamang karanasan sa pagbasa ng
iba’t ibang teksto at pagdanas sa mga
ito. Halimbawa, kung ang isang
mambabasa ay may malawak na
karanasan at pag-unawa sa iba’t ibang
uri ng hayop, mas magiging madali na
sa kaniya ang pagbuo ng mga kategorya
at pag-unawa sa iba’t ibang grupo nito
batay sa mga katangiang kaniya nang
nasaksihan. Sa ganitong pagkakataon,
mas nagiging konkreto ang pagbabasa
para sa mag-aaral dahil alam nila kung
ano ang tinutukoy sa teksto.
Kohesyong Gramatikal at Uri ng Pang-abay

You might also like