You are on page 1of 16

FILIPINO 7

GAWAING PAGKATUTO 4
(LEARNING ACTIVITY SHEET 4)

Kwarter 4
Filipino – Baitang 7
Kwarter 4 – Gawaing Pagkatuto 4:

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksyon 176 na Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda ( kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark ,palabas sa telebisyon, pelikula , atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang –aring
iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Tagapamanihala ng mga Paaralan: Nympha D. Guemo


Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralan: Maria Flora T. Pandes

Manunulat:
Tagasuri: Lea C. Tolentino
Tagasuri ng Nilalaman: Elisa E. Rieza

Gumuhit ng Larawan: Anele E. Abanto

Nagsaayos ng Pahina: Oliver D. Merciales at Ivy Jean A. Panotes

1
PANGALAN: _______________________________ ANTAS: _____________
ASIGNATURA: _____________________________ PETSA: ______________

Panimulang Konsepto

Kumusta?
Mahilig ka bang manood ng mga telenobela tulad ng Ang Probinsyano, Kambal
Karibal at marami pang iba? Nailalahad mo ba ang iyong saloobin at damdamin sa iyong
mga napanood? Nakasisiguro akong marami kang aral na napulot mula sa iyong mga
napanood na telenobela.
Tiyak na magiging madali para sa iyo ang ating aralin dahil patungkol ito sa
paglalahad ng saloobin at damdamin!
Halika, simulan na natin!

Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

Sa gawaing ito, inaasahan na nailalahad mo ang iyong saloobin at damdamin sa


napanood na bahagi ng telenobela o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay.

PANIMULANG GAWAIN

Panuto: Ilahad ang sariling saloobin at damdamin sa bahagi ng telenobelang napanood na


may pagkakatulad sa buod ng ikaanim na kabanata ng Ibong Adarna na pinamagatang
“Ang Matandang Leproso”.

Buod:

“Ang Matandang Leproso”


Sa paglalakbay ni Don Juan papunta sa Piedras Platas, nakasalubong niya ang isang
matandang leproso. Ang matandang leproso na iyon ay gutom na gutom kaya humingi
siya ng pagkain kay Don Juan. Sa kabutihan ng loob ni Don Juan, binigay niya ang huling
tinapay sa matanda. Nagpasalamat ang leproso at kinain ang pagkain. Habang kumakain,
tinanong ng leproso kung ano ang layunin ni Don Juan. Sinagot ni Don Juan na kailangan
niyang hanapin ang lunas (Ibong Adarna) para sa kanyang nakaratay na ama. Sinabi ng
leproso na mahirap ang pagdadaanan ni Don Juan. Ang payo niya ay sa Piedras Platas
mayroong isang tao na makatuturo sa kanya kung saan Ibong Adarna.

2
Saloobin at Damdamin:
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________

Telenobelang Napanood:
_________________________
_________________________
__
Saloobin at Damdamin:
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________

PAGSUSURI AT ABSTRAKSIYON

Basahin ang isang saknong ng Ibong Adarna. Alamin kung ano ang kaisipan na nais
iparating nito.

“Pagkat ipaglihim nama’y


Mabubunyag din ang tunay
Ang adarna’y kay Don Juan
Ang sa ati’y kabiguan”

Anong kaisipan ang nais iparating ng saknong na iyong binasa?


 Nais iparating ng saknong na walang lihim na hindi nabubunyag. Lalabas
at lalabas ang katotohanan kahit anong pagtatago ang gawin.

Magbigay ng telenobela na may pagkakatulad sa saknong na binasa.

3
 Isang halimbawa ng telenobela na may pagkakatulad sa saknong na
patungkol sa paglilihim ng katotohanan ay Mara Clara,

Tandaan:
 Ang telenobela ay isang melo-dramatic fiction na palabas na kadalasang
ineere sa Latino-Americano na mga bansa noong unang panahon.
 Ang mga telenobela ay kapupulutan ng mga aral na magagamit sa pang-
araw-araw na buhay.
 Ang pagpapahayag ng saloobin at damdamin sa napanood na telenobela
na may pagkakatulad sa akdang binasa ay makatutulong upang matukoy
ang mga aral at mahahalagang kaisipan na nakapaloob dito.

Gawain sa Pagkatuto: “Subukin mo nga ‘to”


Panuto: Iugnay ang saknong na nakalahad sa ibaba sa telenobelang napanood. Ilahad
ang iyong saloobin at damdamin.

“Huwag tayong mamantugan


Sa ugaling di mainam
Na kaya kung dumaramay
Ay nang upang madamayan”

Telenobelang Napanood: Saloobin at Damdamin:

Aba! Nagawa mong makapaglahad ng saloobin at damdamin. Binabati kita! Tiyak na


magiging madali na lamang para sayo ang mga susunod na gawain.

4
PAGLALAPAT

Pagsasanay 1

Panuto: Pumili ng isang pangyayari sa telenobelang “Ang Probinsyano”. Ilahad ang


sariling saloobin at damdamin sa napanood na may pagkakatulad sa mga kaganapan sa
akdang Ibong Adarna.

Piling pangyayari sa Telenobela:


________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________

Saloobin at Damdamin:
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________

5
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang isa pang
gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.
Pagsasanay 2
Panuto: Punan ang bubble map sa pamamagitan ng paglalagay sa mga bilog ng mga
saloobin at damdamin tungkol sa napanood na telenobela na may pagkakatulad sa akdang
Ibong Adarna.

Saloobin at
Damdamin:

Saloobin at
Damdamin: Saloobin at
Damdamin:
Telenobelang
Napanood:

6
Saloobin at
Damdamin:

Susi sa Pagwawasto

Gawain sa Pagkatuto Panimulang Pagsubok


Pamantayan sa Pagmamarka Pamantayan sa Pagmamarka
Malinaw na naipahayag ang Malinaw na naipahayag ang damdamin
damdamin at saloobin- 2 puntos at saloobin- 2 puntos
Mahusay na naiuugnay ang Mahusay na naiuugnay ang
telenobelang napanood sa akdang telenobelang napanood sa akdang
binasa-2 puntos binasa-2 puntos
Wasto ang gamit ng bantas, salita, at Wasto ang gamit ng bantas, salita, at
pagbabaybay- 1 puntos pagbabaybay- 1 puntos

7
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
Pamantayan sa Pagmamarka Pamantayan sa Pagmamarka
Malinaw na naipahayag ang damdamin at Malinaw na naipahayag ang
saloobin- 4 puntos damdamin at saloobin- 4 puntos
Mahusay na naiuugnay ang telenobelang Mahusay na naiuugnay ang
napanood sa akdang binasa-4 puntos telenobelang napanood sa akdang
Wasto ang gamit ng bantas, salita, at binasa-4 puntos
pagbabaybay- 2 puntos Wasto ang gamit ng bantas, salita, at
pagbabaybay- 2 puntos

Sanggunian:

https://ibongadarna1bgrp910.wordpress.com/ang-mga-kabanata/kabanata-6-10/kabanata-6-
gantimpala-ng-kabutihang-loob/

PANGALAN: _______________________________ ASIGNATURA: _____________


ANTAS: ____________________ PETSA: ____________________

Panimulang Konsepto

Kumusta?
Handa ka na bang matuto sa ating panibagong aralin?
Tiyak na magugustuhan mo ang ating mga gawain dahil patungkol ito sa iyong
mga karanasan na may pagkakatulad sa binasang akda na Ibong Adarna.
Ang iyong mga karanasan sa buhay ay makatutulong upang masagutan mo ang
mga katanungan.
Halika, simulan na natin!

8
Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

Sa gawaing ito, inaasahan na naiuugnay mo sa iyong sariling karanasan ang mga


karanasang nabanggit sa binasa.

PANIMULANG GAWAIN

Panuto: Basahin ang buod ng Ibong Adarna. Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag
sa pamamagitan ng pag-uugnay sa iyong sariling karanasan.

Buod ng Ibong Adarna


Nagkaroon ng malalang sakit ang hari ng Berbanya na si Don Fernando dahil sa isang
masamang panaginip.
Nakita niya sa kaniyang panaginip na pinaslang ng dalawang buhong ang bunso niyang anak
na si Don Pedro at pagkatapos ay inihulog ito sa balon.
Ayon sa isang medikong paham, tanging ang awit lamang ng Ibong Adarna ang
makakapagpagaling ng karamdaman ng hari.
Inutusan ng hari ang panganay na anak na si Don Pedro na magtungo sa bundok Tabor at
hanapin ang puno ng Piedras Platas dahil dito dumadapo ang Ibong Adarna. Nabigo itong mahuli
ang Ibong Adarna dahil naging bato ito nang mapatakan ng dumi ng ibon.
Sunod na inutusan ng hari si Don Diego ngunit nabigo rin ito. Natulad lamang siya sa
sinapit ng panganay na kapatid.
Huling inutusan ni Haring Fernando ang paborito niyang anak na si Don Juan. Sa kaniyang
paglalakbay ay tinulungan siya ng isang matandang ermitanyo kaya nailigtas niya ang kaniyang
mga kapatid na naging bato.
Nang pabalik na sa Berbanya ay pinagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan.
Binugbog nila ito at iniwang nakahandusay sa daan habang sila ay umuwi sa kaharian dala ang
ibong Adarna.
Muling tinulungan ng ermitanyo si Don Juan kaya ito nakabalik sa Berbanya.
9
1. Kung ako si Don Pedro hindi ko pagtataksilan ang aking kapatid sapagkat
_________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Kung ako si Don Diego, hindi ko susundin ang utos ni Don Pedro dahil
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Kung ako si Don Pedro ang nararapat na gawin ay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Kung ako si Haring Fernando, ang hindi ko dapat gawin ay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
5. Kung ako si Reyna Valeriana, pangangaralan ko ang aking anak upang
___________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

PAGSUSURI AT ABSTRAKSIYON

Basahin ang saknong na mula sa Ibong Adarna.

“Kung hindi man ay totoong


Himala ng Diyos ito
Napakita nga sa tao’t
Nang ang loob ay magbago”

Ano ang nais iparating ng saknong?


 Nais nitong iparating na ang Panginoong Diyos ay gumagawa ng paraan upang
magbago ang isang tao. Hindi siya susuko at patuloy na gagawa ng paraan upang
tahaking muli ng tao ang kabutihang landas.

10
Sa anong pagkakataon masasabing nagpapamalas ang Diyos ng mga kaganapan upang
magbago ang tao?
 Naipapamalas niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagsubok sa buhay
na alam Niya na malalampasan ng isang tao at magsisilbing daan ang mga ito
upang magbago ang isang tao.

Tandaan:
 Natututo ang isang tao sa kanyang mga karanasan. Ang mga aral na
kanyang napulot ay madadala niya hanggang sa kanyang pagtanda. Isa
itong pag-aaral o pagkatuto sa pamamagitan ng mga gawa, galaw, o kilos.
 Ang mga akdang pampanitikan ay makatutulong upang maghatid ng aral
sapagkat dala nito ang mahahalagang kaisipan na magagamit sa pang-
araw-araw na buhay. Ang mga karanasan ng mga tauhan sa mga akda ay
maiuugnay ng tao sa kanyang buhay.

Gawain sa Pagkatuto: “Subukin mo nga ‘to”


Panuto: Basahin ang isa pang saknong mula sa Ibong Adarna at iugnay ito sa iyong
sariling karanasan.

“Kailan kaya sa inyo


Narito ang mga tao,
Kapatid man at katoto
Ay lihim na kaaway mo”

___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
_________________________________

11
Aba! Naiugnay mo ang iyong karansan sa binasang saknong. Binabati kita! Tiyak na
magiging madali na lamang para sayo ang mga susunod na gawain.

PAGLALAPAT

Pagsasanay 1

Panuto: Sa tulong ng graphic organizer sa ibaba, itala ang iyong sariling karanasan
kaugnay ng akdang Ibong Adarna.

IBONG ADARNA

Pagmamahal sa Magulang: Pagmamahal sa mga Kapatid:

Pagiging totoo sa Sarili: Pagtulong sa mga


Nangangailangan:

12
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang isa pang
gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.
Pagsasanay 2
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na binubuo ng tatlong talata patungkol sa iyong mga
karanasan na may pagkakatulad sa akdang Ibong Adarna.

________________________
(Pamagat)

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_______________________________________________

_______________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

_______________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Susi sa Pagwawasto

13
Panimulang Pagsubok
1. Ito ay aking kadugo at isang malaking kasalanan
ang pagtataksil. (Maaaring magkakaiba ang
kasagutan)
Gawain sa Pagkatuto 2. Dahil labag ito sa karapatang pantao. Maaaring
Pamantayan sa Pagmamarka magkakaiba ang kasagutan)
Malinaw na naipahayag ang damdamin- 2 puntos 3. Patuloy na mahalin ang kapatid sa kabila ng mga
Mahusay na naiuugnay ang pangyayari sa sariling ginawa nito. Maaaring magkakaiba ang kasagutan)
karanasan-2 puntos 4. Hayaan na tuluyang masira ang relasyon ng
Wasto ang gamit ng bantas, salita, at magkakapatid. Maaaring magkakaiba ang kasagutan)
pagbabaybay- 1 puntos 5. Hindi na ito gumawa ng masama sa kanyang
kapwa at lalong higit sa kanyang kapatid. Maaaring
magkakaiba ang kasagutan)

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Pamantayan sa Pagmamarka Pamantayan sa Pagmamarka


Malinaw na naipahayag ang damdamin- 3 puntos Malinaw na naipahayag ang damdamin- 3 puntos

Mahusay na naiuugnay ang pangyayari sa sariling Mahusay na naiuugnay ang pangyayari sa sariling
karanasan-3 puntos karanasan-3 puntos

Nakakapukaw ng interes- 2 puntos Nakakapukaw ng interes- 2 puntos

Wasto ang gamit ng bantas, salita, at Wasto ang gamit ng bantas, salita, at
pagbabaybay- 1 puntos pagbabaybay- 1 puntos

Sanggunian:

https://noypi.com.ph/ibong-adarna-buod-ng-buong-kwento/

14
Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaring sumulat o
tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Schools Division Office, Daet, Camarines Norte 4600

Landline: (054)440-1772, (054)440-4464

Email Address: camarines.norte@dep.ed.gov.p

You might also like