You are on page 1of 37

7

FILIPINO
IKAAPAT NA MARKAHAN

(DO_Q4_FILIPINO_7_MODYUL1-8)
1
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Una- Ikawalong Aralin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: RUBY ANN R. SISON, MA. EDNALYN C. REJANO, ENROSE L. TORIO


JOANNE CLEOFE, LORENZ IRAH J. AGUSTIN, RACHEL T. GALOSO,
CAMILLE JOY V. DELGADO at GILSANNE I. MEMPIN
Tagasuri ng Nilalaman: GRACE I. YUMUL
Tagasuri ng Wika: GRACE I. YUMUL
Tagasuri: ROSARIE R. CARLOS, EPS- Filipino
Tagaguhit:
Tagalapat: RAPHAEL A. LOPEZ
Management Team:
MELITON P. ZURBANO, Schools Division Superintendent
FILMORE R. CABALLERO, CID-Chief
JEAN A. TROPEL, EPS In-Charge of LRMS
ROSARIE R. CARLOS, EPS- Filipino

Printed in the Philippines by ________________________

Department of Education – National Capital Region – SDO VALENZUELA CITY


Office Address: Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela City
Telefax: (02) 292 – 3247
E-mail Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

2
Sa araling ito ay matututuhan mo ang Tulang Romansang lumaganap sa
Europa at naging palasak sa ating bansa at ikaw ay inaasahang:
• Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa
ng binasang bahagi ng akda. (F7PB-IVa-b-20)
• Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido” (F7PT-IVa-b-18)

A. Piliin at isulat sa sagutang papel ang mga pahayag na naglalahad ng mga


pangyayari na makikita sa koridong “Ibong Adarna”.

1. Nagkasakit ang hari ng Berbanya na si Haring Fernando dahil sa


kanyang katandaan.
2. Naglakbay ang tatlong magkakapatid sakay ng kanilang mga matutulin
na kabayo.
3. Hiniwa ni Don Juan ang kanyang palad ng pitong beses at nilagyan ito
ng dayap upang malabanan ang antok na nadarama.
4. Muling naglakbay si Don Juan papuntang Reino delos Cristales upang
hanapin ang nakatadhana sa kanyang si Donya Maria Blanca.
5. Sa bundok ng Armenya ay nakilala ni Don Juan ang dalawang
magkapatid na prinsesang sina Juana at Leonora.

* Paglalahad sa Sariling Pananaw sa mga


Motibo ng May-akda sa Bisa ng Binasang
Aralin
Akda
1 * Pagbibigay ng Kahulugan at Katangian
ng Korido
Ang bawat akdang pampanitikang nalilikha ay may mga kasaysayan. Kaya
naman sa modyul na ito, ating alamin ang kasaysayan at ang naging dahilan nang
paglaganap ng tulang romansa sa ating bansa.

A. Panuto: Maglahad ng sariling pananaw na ipinakikita mula sa mga piling


saknong ng Ibong Adarna. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Saknong 126 2. Saknong 281

Di gumamit ng kabayo “O, Birheng Inang marilag,


Sa paglalakbay na ito Tanggulan ng nasa hirap,
Tumalaga nang totoo Kahabagan di man dapat
Sa hirap na natatamo Ang aliping kapuspalad.”

1 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN1)
TULANG ROMANSA

Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at


kabayanihan na karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal
na tao.
Naging palasak ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Media at
maaaring nakarating ito sa Pilipinas mula sa Mexico noon pang 1610. Ngunit noong
dantaon 18 lamang ito naging palasak sa ating bansa kasabay ng pagkakilala sa
imprenta at pagkatuto ng mga katutubo ng alpabetong Romano.
Ang panitikan ay isa sa mga paraang ginamit ng mga mananakop na Kastila
sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyano, at ang mga tulang romansa ay
lumaganap kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan. Layunin ng tulang romansa
na mapalaganap ang diwang Kristiyano. Karaniwan, kung gayon, ang pagtawag sa
Diyos ng mga tauhan at ang gantimpala ng langit sa mga nananalig. Karaniwan ding
nagsisimula ang mga ito sa panalangin sa pag-aalay ng akda sa Birhen o sa isang
santo.
Nagkasanib sa tulang romansa ang dayuhan at ang katutubo. Dayuhan ang
(1) anyong pampanitikan na galing sa Europa at dinala rito ng mga prayle at
sundalong Kastila; (2) ang mga tauhan, na may prinsipe at prinsesang may mga
pangalang dayuhan; (3) ang tagpuan, na karaniwang isang malayong kaharian sa
Europa; at (4) ang paksang relihiyoso na pinalalaganap sa pamamagitan ng anyong
pampanitikang ito.
Ngunit binibihisan na ang tulang romansa ng katutubong pagkamalikhain.
Katutubo ang (1) wikang ginamit sa mga tulang romansa; (2) ang tradisyon sa
pagtula na dati nang ginagamit sa panitikang salimbibig, tulad ng bugtong,
sawikain, at iba pa; (3) ang mga talinghagang likas sa wika; at (4) ang mga
pagpapahalagang pamana ng ating mga ninuno, tulad ng pagmamahal sa magulang,
pagtulong sa nangangailangan at iba pa.
Ang tulang romansa, kung gayon, ay dayuhang anyo na binihisan ayon sa
katutubong panlasa. Maging ang mga tauhan, bagama’t mga prinsipe at prinsesang
may mga dayuhang pangalan, ay nagpapahayag ng mga kaisipan at
pagpapahalagang katutubo.

Dalawang Anyo ng Tulang Romansa


Ang awit at korido ay dalawang anyo ng tulang romansa. Nagkakaiba ang dalawang
ito ayon sa sukat, himig, at pagkamakatotohanan.

Korido
(1) May walong pantig sa bawat taludtod.
(2) Sadyang para basahin, hindi awitin.
(3) Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro, ito ay dahil maikli ang mga taludtod,
wawaluhing pantig lamang.
(4) Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa
ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng
bundok, pag-iibang anyo, at iba pa.
(5) Dahil dito, ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong maganap sa
tunay na buhay.
(6) Halimbawa nito ang Ibong Adarna.

2 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN1)
Awit
(1) May labindalawang pantig sa bawat taludtod.
(2) Sadyang para awitin, inaawit sa tanging pagtitipon.
(3) Ang himig ay mabagal o banayad, tinatawag na andante.
(4) Nahaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan sa awit, ngunit
higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga pangyayari.
Walang kapangyarihang supernatural ang mga bida.
(5) Maaaring maganap sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa isang awit.
(6) Halimbawa nito ang Florante at Laura.

May iisang layunin ang awit at korido sa paglikha ng mga tauhang may
kahanga-hangang kakayahan. Lumilikha ito ng larawan ng isang bayaning maaaring
hangaan at pamarisan.

Sanggunian: Supplemental Lessons sa Filipino 7

Gawain 1: Ilahad ang mga katangian ng korido at awit batay sa pamantayang nasa
talahanayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Pamantayan korido awit


batay sa anyo
Musika
Paksa

Gawain 2: Maglahad ng sariling pananaw/opinyon tungkol sa mahahalagang


pangyayaring naganap sa akda at iugnay ito sa kasalukuyang panahon.

Batay sa Akda Batay sa


Paghahanap sa Kasalukuyan
gamot na
panglunas sa
karamdaman.

Batay sa Akda Batay sa


Pagsasakripisyo Kasalukuyan
ng mga anak
para sa kanilang
mga magulang

3 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN1)
Panuto: Bumuo ng isang korido na may wawaluhing pantig sa bawat taludtod.
Ipakita sa tula ang sumusunod na katangian ng korido.

-Pakikipagsapalaran at kabayanihan ng isang prinsipe’t prinsesa o ng mga


mahal na tao.
-May mga tauhang may kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa
ng mga kababalaghan na hindi nagagawa ng karaniwang tao.
-Ang pagtawag sa Diyos ng mga tauhan at ang gantimpala ng langit sa mga
nananalig.

Pamantayan sa pagmamarka:
Nagpapakita ng mga katangian ng isang korido ………..………. 15 puntos
Kaayusan ng daloy ng mga pangyayari…………………….………..15 puntos
Wastong gramatika at madaling maunawaan ang mga salita…..10 puntos
Orihinalidad……..10 puntos
Kabuoan ….50 puntos

Panuto: Piliin ang katangiang ipinapakita ng mga tauhan sa bawat pangyayari sa


Ibong Adarna. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Inalis ni Don Juan ang takot sa kadiliman sa ilalim ng balon upang
mapuntahan lamang at matuklasan ang hiwaga na taglay nito. Si Don
Juan ay kakikitaan ng pagiging___.
A. duwag B. matapang C. matiisin D. mayabang
2. Matagal na naging payapa at maunlad ang kaharian ng Berbanya
sapagkat ang Haring Fernando’y pantay ang pagtingin sa lahat. Ang
Haring Fernando ay kakikitaan ng pagiging ____.
A. malupit na pinuno C. mahusay na pinuno
B. makasariling pinuno D. mapagmahal na pinuno
3. Si Don Juan ay nagmakaawa sa amang hari na ang mga kapatid ay
patawarin sapagkat siya naman ay buhay at nakabalik sa Berbanya. Si
Don Juan ay kakikitaan ng pagiging ___.
A. maawain C. mapagmahal
B. makasarili D. mapagpatawad
4. Si Don Pedro na panganay ay binulungan ang kapatid na si Don Diego na
gawan ng kataksilan ang kanilang bunsong kapatid at kuhanin ang
Ibong Adarna upang sila ang kilalanin na nagtagumpay. Si Don Pedro ay
kakikitaan ng pagiging ___.
A. Makasarili C. mapagmahal
B. Mapagbigay D. matulungin
5. Pagtawag sa Mahal na Birheng Maria ang laging ginagawa ni Don Juan
sa kanyang paglalakbay. Si Don Juan ay kakikitaan ng pagiging _____.
A. Madasalin C. matapang
B. Mapagmahal D. palaasa

4 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN1)
A. Isulat sa sagutang papel ang mga katangian ng korido at awit.

korido awit

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang:


✓ Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng
Ibong Adarna F7PS-IVa-b-18
✓ Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon kaugnay
ng Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna F7PU-IVa-b-18

A. Panuto: Piliin ang angkop na salita upang mabuo ang pangungusap. Isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Isang matibay na ______ ang susi upang magabayan tayo ng Poong Maykapal.
A. pamahiin C. paniniwala
B. pananampalataya D. pasasalamat
2. Ang kapakanan ng ating ______ ang unang nararapat na isipin sapagkat sila
ang ating maituturing na tanging yaman.
A. gobyerno B. kaibigan C. kapwa D. pamilya
3. Ang ________________ ay hindi naghihintay ng anomang kapalit.
A. pagkupkop B. pagsuporta C. pagtulong D. pasasalamat
4. Nararapat lamang na maging mataas ang ______ ng mga anak sa kanilang mga
magulang.
A. paggalang B. pagmamahal C. pagtulong D. papuri
5. Ang ________________ ay nangangahulugang kinikilala at iginagalang mo nang
buong pusong ang pagtulong sa iyo ng iyong kapwa.
A. pagtulong sa kapwa
B. pagmamalasakit sa kapwa
C. pagbibigay ng pasasalamat
D. pagtanaw ng utang na loob

5 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN2)
• Pagbabahagi ng Sariling Ideya
tungkol sa Kahalagahan ng
Pag-aaral ng Ibong Adarna
Aralin • Pagsulat nang Sistematikong
2 Nasaliksik na Impormasyon
Kaugnay ng Kaligirang
Pangkasaysayan
ng Ibong Adarna

Alam mo ba ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna at batid mo na


ba ang tamang proseso ng pagsulat ng isang sistematikong pananaliksik kaugnay ng
kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna? Kung hindi pa’y ilalantad ka ng
modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain upang matutuhan mo
ang mga kaalamang ito.
Halina na’t ating simulan!

A. Panuto: Magbigay hinuha sa mga maaaring matutuhan na magagandang


kaugalian sa pagbasa ng Ibong Adarna gamit ang dayagram sa
ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Ibong
Adarna

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ibong Adarna


Kung uugatin ang kasaysayan, ang koridong Ibong Adarna ay maaaring halaw
o nagmula lamang sa ibang bansa. Ngunit sinasabi ng ibang kritiko na umaangkop
naman sa mga kalinangan at kultura ng mga Pilipino ang nilalaman nito.
Mahalagang mabasa ito lalong-lalo na ng mga mag-aaral sapagkat
masasalamin sa akda ang mga natatanging kaugalian at pagpapahalaga ng mga
Pilipino at mga aral na maaaring magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay tulad
ng sumusunod:
• matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal
• mataas na pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya
• mataas na pagtingin o paggalang ng mga anak sa magulang
• paggalang sa mga nakatatanda
• pagtulong sa mga nangangailangan

6 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN2)
• pagtanaw ng utang na loob
• mataas na pagpapahalaga sa puri at dangal ng kababaihan
• pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob sa pagharap sa mga pagsubok sa
buhay atbp.

Mga Hakbang sa Sistematikong Pananaliksik

1. Pumili at maglimita ng paksa. Ang paksa ay dapat na alam mo,


nakawiwili, mapagkukunan ng datos, may sanggunian, may kabuluhan at
magagawan ng konklusyon.
2. Magsagawa ng pansamantalang balangkas. Ilahad sa isang pangungusap
ang nais pag-aralan sa paksa. Ilahad ang layunin. Itala o ilista ang mga
tanong at pangatwiranan ang kahalagahan ng paksa.
3. Magtala ng sanggunian. Huwag takdaan ang maksimum na bilang ng
sanggunian ngunit gawin itong minimum sa pitong sanggunian.
4. Mangalap ng datos. Importante ang dating kaalaman sa mga nabasa na.
Ideya lamang ng nabasa ay sapat na. Makatutulong ang paggamit ng index
card sa pagtatala ng mga sanggunian.
5. Bumuo ng konseptong papel. Ginagawa ito kapag sigurado ka na sa
paksang sasaliksikin. Kasama rito ang balangkas/framework ng daloy ng
laman ng pananaliksik na magbibigay-linaw sa isusulat.
6. Gumawa ng dokumentasyon. Sinupin ang mga datos, gumamit ng
parentetikal na paglalahad ng sanggunian at obserbahan ang paggamit ng
wastong pagbabantas.
7. Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik

Gawain 1: Ibigay kung anong hakbang ng pananaliksik ang tinutukoy sa bawat


pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ilahad sa pangungusap ang nais pag-aralan sa paksa. Kasunod nito, ilagay
ang mga layunin, itala o ilista ang mga tanong at pangatwiranan ang
kahalagahan ng paksa.
2. Ito’y nagagamit natin kapag sigurado ka na sa paksang sasaliksikin. Bukod
dito ang balangkas/framework ng daloy ng laman ng pananaliksik na
magbibigay-linaw sa isusulat.
3. Tandaan na dapat hindi natin takdaan ang maksimum na bilang ng
sanggunian ngunit gawin itong minimum sa pitong sanggunian.
4. Ang paksang ito ay dapat na may malawak na sakop ng impormasyon,
mapagkukunan ng datos, may sanggunian, may kabuluhan at magagawan ng
konklusyon.
5. Tandaan na ang mga magkaparehas na paksa ay importante dahil ang dating
kaalaman sa mga nabasa ay magbibigay ng ideya sa manunulat.
Gawain 2: Tukuyin kung anong hakbang ng pananaliksik ang ginamit sa mga
sumusunod na sitwasyon. Piliin ang mga kasagutan sa loob ng kahon at
isulat sa sagutang papel.

A. Pumili at maglimita ng paksa C. Magtala ng sanggunian


B. Magsagawa ng pansamantalang balangkas D. Mangalap ng datos
E. Bumuo ng konseptong papel

7 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN2)
1. Si Ronan ay sigurado na sa kanyang paksang sasaliksikin kung kaya’t handa
na siya sa kanyang gagawing pag-aaral.
2. Pinag-iisipang mabuti ni Rosa ang mga layunin ng kanyang pagsasaliksik at
itinatala niya ang mga nais pag-aralan sa paksa.
3. Nasa silid-aklatan si Minda upang maghanap ng iba pang paksa na maaari
niyang gamitin sa kanyang pagsasaliksik.
4. Masinop na itinatala ni Rene ang mga pinagkunan niya ng datos.
5. Maingat na isinusulat ni Mira ang lahat ng mga datos na kanyang nakakalap
sa kanyang pagsasaliksik.

Panuto: Magsaliksik sa internet tungkol sa iba pang ideya tungkol sa kaligirang


pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Isulat ang mga nasaliksik na
impormasyon sa sistematikong paraan. Gawin ang pagsulat ng
pananaliksik sa sagutang papel gamit ang gabay na salita.

Mga Gabay na Salita Nasaliksik na Kasagutan


panahon na unang lumaganap
manunulat/sinasabing nagmula
mga bansang nakaimpluwensya
mga mahahalagang impormasyong
nalaman

Panuto: Piliin ang angkop na salita upang mabuo ang pangungusap. Isulat
sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Sa pangangalap ng mga datos, makatutulong ang __________ sa pagtatala ng
mga sanggunian.
A. gamit na papel B. index card C. kalendaryo D. telepono
2. Kasama ang __________ na daloy ng laman ng pananaliksik sa magbibigay-
linaw sa isusulat.
A. balangkas B. konklusyon C. paksa D. sanggunian
3. Gumamit ng mga _________ na paglalahad ng sanggunian at obserbahan ang
paggamit ng wastong pagbabantas.
A. balangkas B. konklusyon C. parentetikal D. sanggunian
4. Sa oras na matapos na ang lahat ng isang sistematikong pananaliksik ay
maaari nang isulat ang ___________ ng pananaliksik.
A. balangkas
B. konklusyon
C. pinal na kopya
D. konseptong papel
5. Huwag takdaan ang maksimum na bilang ng sanggunian, ngunit gawin itong
minimum sa ________ na sanggunian.
A. anim B. pito C. siyam D. walo

8 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN2)
Panuto: Pagkatapos ng mga talakayan, ipaliwanag ang kahalagahan ng pagsunod
sa mga hakbang ng isang sistematikong pananaliksik.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang:


✓ Nagmumungkahi ng angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula sa
akda. F7PN-IVc-d-19

Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot na nagpapakita ng maaaring maging


mungkahing solusyon sa mga naging suliranin sa akda. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. Hindi pagtatagumpay ni Don Diego na mahanap ang Ibong Adarna at sa
panganay nitong kapatid.
A. Dapat ay nanatili na lang siya at hinintay bumalik si Don Pedro.
B. Dapat ay sabay nang naglakbay si Don Pedro at Don Diego upang
mahanap ang Ibong Adarna.
C. Dapat ay hindi na tumuloy si Don Diego dahil alam niyang maaaring
matulad siya sa kanyang kapatid.
D. Dapat ay hindi na lamang niya hinanap ang Ibong Adarna at hindi na
nag-alala pa kay Don Pedro.
2. Sa lambing ng awit ng Ibong Adarna, ang mga nakikinig ay napapapikit at
tuluyang nakakatulog nang mahimbing.

A. Dapat ay sinabayan ng nakikinig sa pag-awit ang Ibong Adarna.


B. Dapat ay hindi na lamang ito pinakinggan sa simula pa lamang.
C. Dapat ay hinuli agad ang Ibong Adarna nang makita pa lamang ito.
D. Dapat ay inisip ng nakarinig nito na isa lamang patibong ang
magagandang tinig ng ibon.
3. Pag-abot-abot ni Haring Fernando na halos buto’t balat na tila naghihintay ng
huling oras.
A. Dapat ay ang pinakamahusay na mediko ang hinanap kaagad upang hindi
umabot sa mas malalang kondisyon ang hari.
B. Dapat ay hindi hinayaang maglakbay si Don Juan upang hindi na lumala
pa ang karamdaman ng hari.
C. Dapat ay hindi na naglakbay ang magkakapatid at hinintay na lamang ang
huling oras ni Haring Fernando.
D. Dapat ay pinili rin nilang lumapit sa albularyo dahil baka siya pa ang
makatulong dito.

9 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN3)
4. Si Don Diego ay hindi na nakabalik sa palasyo matapos maging bato.
A. Dapat ay hindi na lang siya umalis at hinayaan si Don Pedro.
B. Dapat ay lumayo ito nang ang Ibong Adarna ay umaawit at pinagmasdang
mabuti ang susunod pang gagawin nito.
C. Dapat ay inisip nito ang natatanging kakayahan ng Ibong Adarna at kung
bakit naiiba ito sa ibang pangkaraniwang ibon.
D. Dapat ay sinamahan na lamang ni Don Diego si Haring Fernando at
pinaunang umalis si Don Juan.

5. Matagal ang naging paglalakbay ng magkakapatid bago tuluyang makarating


sa Bundok Tabor.
A. Dapat ay hindi na sila naglakbay.
B. Dapat ay inalam nila ang mabilis na daan patungo sa Bundok Tabor.
C. Dapat ay ang mga kawal na lamang ang naglakbay patungong Bundok
Tabor.
D. Dapat ay nagpasunod ng kawal ang hari upang may tutulong sa mga ito
sakaling hindi na kayanin ang paglalakbay.

Pagmumungkahi ng mga Angkop


Aralin
3
na Solusyon sa mga Suliranin
Mula sa Akda

Sa pagtatapos ng araling ito, natitiyak ko ang iyong lubusang pag-unawa sa


pagmumungkahi ng mga angkop na solusyon. Handa ka na ba? Halina at ating
simulan.

Panuto: Bigyan ng mungkahing solusyon ang mga suliraning inilalahad sa bawat


bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Laganap sa bansa ang


1. patuloy na pagtaas ng ____________________________________
bilang ng mga nasalanta ng ____________________________________
kalamidad. ____________________________________

Maraming mag-aaral ang ____________________________________


hindi nakadadalo ng klase ____________________________________
2. dahil sa mabagal na internet ____________________________________
connection sa bansa.

____________________________________
Maraming kabataan ngayon ____________________________________
3.
ang sangkot sa bisyo at ____________________________________
droga.

10 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN3)
Patuloy ang pagtaas ng
bilang ng mga Pilipinong ____________________________________
4. walang trabaho. ____________________________________
____________________________________

Patuloy ang pagkalat ng ____________________________________


5. fake news sa social media ____________________________________
na nagiging dahilan upang ____________________________________
maipakalat ang mga maling
impormasyon.

SULIRANIN
- Kilala rin sa tawag na problema o pagsubok.
- Anumang bagay na kailangang lutasin o bigyan ng solusyon.
SOLUSYON
- Lunas o sagot sa suliranin o problema.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBIBIGAY NG MUNGKAHING SOLUSYON
1. Alamin ang ugat ng suliranin.
2. Isipin ang maaaring maging solusyon.
3. Isipin ang maaaring kalabasan o kahinatnan ng suliranin.

MGA BAHAGING DAPAT TANDAAN AT ILANG SULIRANIN NG AKDANG


IBONG ADARNA
SI HARING FERNANDO AT ANG TATLONG PRINSIPE (saknong 007-029)
• Pagpapakilala sa katangian ng Hari ng Berbanya na si Don Fernando na ito ay
tinitignan rin ng ibang mga reyno bilang maginoo.
• Pagpapapili sa tatlong prinsipe kung sila ba ay magpapari o magkokorona.
PANAGINIP NG HARI (saknong 030-045)
• Nakababahalang panaginip ni Haring Fernando na ang kanyang bunsong anak ay
pinatay ng dalawang tampalasan.
• Pangangayayat ng hari na tila ay naghihintay ng huling oras.
• Pagtukoy sa dahilan ng pagkakasakit at ito ay bunga ng masamang panaginip.
• Tanging lunas sa malubhang karamdaman ay ang isang ibong maganda na ang
pangalan ay Adarna.
• Ibong tumatahan sa Bundok Tabor na may punong tinatawag na Piedras Platas.

SI DON PEDRO AT ANG PUNO NG PIEDRAS (saknong 046-080)


• Pagtalima ni Don Pedro sa utos ng haring ama na hanapin ang ibong magbibigay
lunas.
• Matapos ang ikatlong buwan ay namatay ang kabayo nito dahilan upang ito’y
maglakad sa kabundukan.
• Tuluyang nakatulog si Don Pedro nang hindi namamalayan ang pagdating ng
Ibong Adarna.
• Pitong awitin at pitong bihis ng magara ang ipinamamalas nitong Adarna,
matapos nito ay pagbabawas na kung sino man ang mapatakan nito ay nagiging
bato.
• Hindi na gumising pa ang prinsipe dahil sa kasamaang palad ay napatakan ito ng
dumi ng ibong kanyang pinakahihintay.

11 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN3)
SI DON DIEGO AT ANG AWIT NG IBONG ADARNA (saknong 081-109)
• Inutusan ng hari si Don Diego upang hanapin ang lunas at ang panganay na
kapatid.
• Tulad ni Don Pedro, namatay rin sa hapo ang kanyang kabayo.
• Nang makita na nito ang Piedras Platas, daho’t sangay kumikintab na parang
ginto hanggang sa ugat.
• Sa gabing malalim, dumating ang ibong hinihintay, prinsipe’y halos hindi
makapaniwala sa gandang taglay nito.
• Sa lambing ng awit ng Ibong Adarna, si Don Diego’y napapikit at tuluyan na ring
nahimbing tapat sa pagdumi rin ng ibon. Tulad ng kanyang kapatid siya rin ay
naging isang bato.
SI DON JUAN, ANG BUNSONG ANAK (saknong 110-161)
• Lumubha ang karamdaman ng haring Fernando dahil sa labis ring pag-aalala.
• Kusa nang humingi ng pahintulot si Don Juan upang magpaalam at hanapin ang
lunas at mga kapatid na tatlong taon nang hindi bumabalik.
• Bagamat ayaw ng hari dahil sa naging panaginip nito sa anak, sinabi nito na
siyang tatakas ng palihim kung hindi magagawang paglakbayin.
• Binigyan ng hari si Don Juan ng basbas
• Sa kanyang paglalakbay ay nakita nito ang matandang leproso na kanyang
binigyan ng natitirang tinapay.
• Nang tanungin ng matanda ang pakay ni Prinsipe Juan ay sinabi nitong ‘’Malaki
pang kahirapan ang iyong pagdaraanan’’ at unti-unting ibinilin nito ang mga
dapat gawin sa pagsilay sa Kahoy na nakahahalina.

Sanggunian: Pluma 7

Gawain 1: Iguhit sa sagutang papel ang kahon at isulat sa loob nito ang angkop na
mungkahing solusyon sa nabasang suliranin sa akda.

Natakot si Don Juan nang sabihin ng ___________________________


matandang leproso na ‘’Malaki pang ___________________________
kahirapan ang iyong pagdaraanan… Mag-
ingat kang totoo at nang di ka maging
___________________________
bato’’. ___________________________
Kung ikaw si Don Juan, ano ang iyong ___________________________
gagawin upang malagpasan ang pagsubok ___________________________
na kahaharapin?

Gawain 2: Isulat sa sagutang papel ang positibo at negatibong dulot mula sa


suliranin sa akda.

Napansin ni Don Diego na walang


POSITIBO dumarapo sa puno ng Piedras Platas NEGATIBO
sa gitna ng kagandahan nito.
___________ Kinagabihan ay nakita niya na ang ___________
___________ tanging Ibong Adarna lang ang ___________
___________ dumapo dito. Kung ikaw si Don Diego, ___________
___________ ano ang iyong gagawin upang mahuli ___________
ang Ibong Adarna?

12 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN3)
Panuto: Batay sa mga suliraning inilahad sa akdang tinalakay, iugnay ang mga ito
sa mga suliraning kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan at ilahad
ang iyong mungkahing solusyon dito sa pamamagitan ng talahanayan sa
ibaba. Isulat ito sa sagutang papel.
Suliranin sa akda Suliranin ng bansa Mungkahing Solusyon

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad na suliranin sa bawat bilang


at magbigay ng mungkahing solusyon para rito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Malubha ang sakit ni Haring Fernando kung kaya’t alalang-alala ang kanyang
Reyna at mga Prinsipe.
2. Namatay ang sinasakyang kabayo ni Don Juan dahil sa pagod nito.
3. Nabighani nang lubusan si Don Diego sa tinig ng ibong umaawit dahilan upang
ito’y mahimbing.
4. Sa lambing ng awit ng Ibong Adarna, si Don Diego’y napapikit at tuluyan naring
nahimbing tapat sa pagdumi rin ng ibon.
5. Nakita ni Don Pedro ang Ibong Adarna at tuluyan itong naging bato.
6. Nagising nang takot na takot si Haring Fernando dahil sa isang bangungot
tungkol sa kanyang anak.
7. Batid ng hari na tatakas si Don Juan kung hindi niya ito papayagang hanapin
ang lunas at ang mga kapatid nito.
8. Nakababahalang panaginip ni Haring Fernando na ang kanyang bunsong anak ay
pinatay ng dalawang tampalasan.
9. Lumubha ang karamdaman ng hari dahil sa paghihintay at pag-aalala sa kanyang
mga anak.
10. May nasalubong na matandang leproso si Don Juan na humingi ng makakain.

Panuto: Sa kasalukuyang panahon, marami na ang nangyayari sa ating paligid na


hindi natin naiiwasan tulad nang pagdaranas ng hirap o ano pa mang
suliranin ngunit sa bandang huli, pamilya pa rin natin ang ating magiging
sandigan. Bilang isang kabataan, magsulat ng isang talata na maglalahad
ng iyong mungkahing solusyon upang mapanatili ang pagiging matatag ng
pamilya sa kabila ng mga kinakaharap na pagsubok at pagdating sa
konsepto ng pagmamahalan.

13 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN3)
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang:
* Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning
panlipunan na dapat mabigyang solusyon F7PB-IVc-d-21
* Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng
telenobela o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay F7PD-IVc-d-18

Panuto: Tukuyin mula sa Hanay B ang angkop na solusyon sa mga pangyayari sa


Hanay A. Isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B
1. paglaban sa antok na dulot ng A. paggamit ng mga bilin ng Ermitanyo
awit ng Ibong Adarna. B. panalangin sa Birheng Maria
2. pagbabalik ng buhay nina Don C. paghiwa sa palad at pagpiga ng
Pedro at Don Diego mula sa dayap
pagiging bato
3. paghuli sa Ibong Adarna D. pagbibigay ng tinapay at
4. Ang paghingi ng tulong ng tubig sa Ermitanyo
ermitanyo kay Don Juan. E. pagbuhos ng mahiwagang
5. Ang pagkapagod at pagkawala tubig
ng pag-asa ni Don Juan.

* Pagsusuri ng mga Pangyayari sa


Akda na Nagpapakita ng Suliraning
Aralin Panlipunan
4 * Paglalahad ng Sariling Saloobin at
Damdamin sa Napanood na
Bahagi ng Telenobela
Sa pagtatapos ng araling ito, natitiyak ko ang iyong lubusang pag-unawa sa
pagsusuri ng mga suliraning panlipunang nakapaloob sa Ibong Adarna. Handa ka
na ba? Halina at ating simulan.

Panuto: Suriin ang mga damdaming namayani mula sa mapapanood na video clip
(“Pamilya Ko” https://www.youtube.com/watch?v=zq-BIfmK8u8) at sagutin

14 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN4)
ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa mga mahahalagang tagpo/pangyayari ang nakaantig ng iyong damdamin?
Bakit?
_________________________________________________________________________________.

2. Ilahad ang suliraning kinahaharap ng mga tauhan sa napanood.


_________________________________________________________________________________.
3. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang pamilya sa napanood na telenobela at sa
binasang bahagi ng Ibong Adarna?
_________________________________________________________________________________.

Ano ang SULIRANING PANLIPUNAN?


• Ang suliraning panlipunan ay isang pampublikong usapin, nakaaapekto ito
hindi lamang sa isang tao sa lipunan kundi sa malaking bahagi mismo ng
nasabing lipunan.

• Ang suliraning personal naman ay mga isyung sinasabing nagaganap sa


pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya at maituturing rin ang isyung
ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan.

• Ang akdang Ibong Adarna ay naglalaman ng mga suliraning panlipunan na


hanggang sa kasalukuyang panahon ay laganap pa rin at walang solusyon.

Gawain 1: Isulat sa sagutang papel ang iyong saloobin hinggil sa mga pangyayaring
nakapaloob sa akdang Ibong Adarna.

PANGYAYARI: Pagputol ni Don Pedro sa lubid kung saan nakakapit si Don


Juan pababa ng balon.

Saloobin/Opinyon:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________
PANGYAYARI: Pagsisinungaling ni Don Diego at Don Pedro kay Haring
Fernando

Saloobin/Opinyon:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

15 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN4)
PANGYAYARI: Pagtanggi ni Donya Leonora sa pagpapakasal kay Don
Pedro

Saloobin/Opinyon:
_________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 2: Suriin ang bawat pahayag at isulat sa sagutang papel kung ito ay
naglalahad ng suliranin o solusyon. Maglahad ng iyong sariling opinyon
batay sa mga pahayag.
1. Ang pananakit ng magkapatid na Don Diego at Don Pedro sa
kanilang bunsong kapatid.
2. Ang pagpapatawad ni Don Juan sa kaniyang mga kapatid.
3. Ang pagliligtas ni Don Juan kay Donya Juana sa Higante.
4. Pinutol ng magkapatid na Don Diego at Don Pedro ang lubid upang
mahulog si Don Juan sa balon.
5. Nagsinungaling ang magkapatid na Don Pedro at Don Diego sa
kanilang ama na hindi nila natagpuan ang kanilang bunsong
kapatid.

Panuto: Maglahad ng saloobin sa sumusunod na tanong batay sa binasang mga


saknong na nakapaloob sa Ibong Adarna (Saknong 443-757). Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

MGA TANONG:
1. Paano isinasalamin ng Ibong Adarna ang mga suliraning panlipunan sa
kasalukuyan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________________
2. Ano ang mga karaniwang kaganapan sa kasalukuyan ang maihahalintulad sa
mga pangyayari sa binasang bahagi ng Ibong Adarna?
___________________________________________________________________________________
3. Ilahad ang mga posibleng solusyong inilatag ng akdang binasa sa mga isyung
panlipunang laganap hanggang sa kasalukuyan.
__________________________________________________________________________________

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letrang S kung ang mga pangyayari sa Ibong
Adarna ay sumasaklaw sa mga suliraning panlipunan sa kasalukuyan at
SS naman kung hindi.

1. Hindi pa rin siya makapaniwalang nagtaksil sa kanya ang dalawang


prinsipe. Handa naman niyang ibigay ang ibon sa kanila kung iyon ang
kanilang ibig.

16 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN4)
2. Kinakausap ni Don Juan ang ibon upang hindi ito dalawin ng antok.
Muling nagbalak ng masama sina Don Pedro at Don Diego laban kay
Don Juan.
3. Binalaan niya si Don Juan na mag-ingat dahil may mabagsik na bantay
si Prinsesa Leonora, walang iba kundi ang serpyenteng may pitong ulo.
Mahirap itong makalaban dahil kahit na tagpasin ang ulo nito ay muling
tutubo at mabubuhay.
4. Hindi man sumang-ayon ang prinsesa, binalikan pa rin ni Don Juan ang
singsing. Habang bumababa ng balon ang prinsipe, biglang pinutol ni
Don Pedro ang pisi kung kaya’t nahulog ito.
5. Hiniling ni Don Pedro na ikasal sila agad-agad ngunit sinabi ni Prinsesa
Leonora na hindi siya maaaring ipakasal pagkaraan ng pitong taon dahil
siya ay may panata.

Magandang Araw sa iyo!


Ang modyul ay makakatulong upang malinang ang iyong kasanayang
komunikatibo at pagsulat.
Pagkatapos na mapag-aralan at gawin ang mga gawaing nilalaman ng
modyul, inaasahang magagawa mo ang:
Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa binasa.
(F7PB-IVc-d-22)
Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na
dulang pantelebisyon/pampelikula (F7PD-IVc-d-19)

Panuto: Suriin ang sumusunod na saknong at tukuyin ang nais ipakahulugan


nito. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Saknong 607 “Pagkat lihim itong balon 1. Natuklasan ni Don Juan ang balon
Sinong taong sakdal-dunong dahil sa _________.
Ang dito’y makatutunton, A. dunong ng Diyos
Kundi Diyos ang may B. lihim ng dalaga
ampon?” C. tulong ng Diyos
D. matandang ermitanyo

2. Nagkita si Don Juan at si Leonora


Saknong 608 ” Sa Diyos na ngang talaga ang pagkikita nila’y________.
Ang sa iyo’y pagkakita, A. talaga ng Diyos
Kaya, mabunying prinsesa B. hiling ni Don Juan
Lunasan mo yaring dusa.” C. nagkataon lamang
D. lunas sa dusa ng prinsipe
3. Alin sa sumusunod ang kahulugan
Saknong 611 “Pagkat marami sa puso ng saknong?
Talusira sa pangako, A. mapaglaro sa pag-ibig
Sa pagsinta’y mapagbiro’t B. mapagpaasa sa iniibig
matuwaing sumiphayo.” C. natutuwang magpaluha ng babae
D. hindi marunong tumupad sa
pangako

17 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN5)
4. Ito ay nangangahulugang ______.
Saknong: Hindi kita kailangan
A. magagalitin
ni makita sa harapan,
B. mapanghamak
umalis ka’t manghinayang
C. mapanglait
sa makikitil mong buhay.
D. may malasakit sa kausap

5. Ito ay nangangahulugang ______.


Saknong 571 “Ang palasyo kung munti man A. palasyong maliit at walang ginto
Ay malaking kayamanan,
B. palasyong maliit at walang halaga
Walang hindi gintong lantay
Ang doon ay titigan.” C. palasyong maliit ngunit may ginto
D. palasyong maliit ngunit walang
laman
* Pagkakaugnay sa Sariling Karanasan na
Nabanggit sa Binasa
Aralin
* Pagsusuri sa Damdaming Namamayani sa
5 mga Tauhan sa Pinanood na Dulang
Pantelebisyon/Pampelikula

Ilalahad ng modyul na ito ang mga gawain para sa saknong 567-650 ng Ibong
Adarna na naglalaman ng mga gawain na susubok sa iyong pag-unawa.

Panuto: Maglahad ng mga paraan ng panliligaw ng mga kabataang Pilipino batay


sa iyong karanasan o karanasan ng ibang tao. Isulat ang gawain sa
sagutang papel.

Paraan ng Panliligaw Noon Paraan ng Panliligaw Ngayon

Sa iyong palagay, ano ang mas gusto mong paraan ng panliligaw, ang
noon o ang kasalukuyan? Pangatwiranan.

Buod ng Saknong 567-610


Nang makarating si Don Juan sa palasyong tahanan ni Prinsesa Leonora ay
nagulat siya sapagkat lahat ng titigan ay gintong lantay. Hindi siya nakahuma nang
makita si Leonora. Nagtanong ito kung ano ang sadya ng prinsipe at sinabing
mapanganib ang buhay niya dahil sa matapang na serpiyente. Hindi tuminag ang
prinsipe at nag-anyong kahabag-habag. Inihibik na naman ni Don Juan ang
kanyang pag-ibig at nagmaliw ang galit ng prinsesa at napalitan ng pag-ibig. Sa
kanilang pag-uusap ay tinanong ng prinsesa kung paano natunton ang kanyang
tahanan. Sinagot siya na sa kanyang panaginip ay may naghimaton sa kanya na
bagamat mahirap suungin ay may kaligayahan namang kakamtin.

18 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN5)
Nag-aalinlangan pa rin si Leonora sapagkat marami raw mga talisuyo na
talusira sa pangako; kapag napitas na sa tangkay ang bulaklak, pag lanta na ay
gagawin na lamang layak. Ayon naman kay Don Juan, mananatili siyang tapat sa
pangako. Kaya lamang natigil ang kanilang pag-uusap ay yumanig ang lupang
kinalalagyan ng palasyo sapagkat dumating ang kinatatakutang serpiyente.
Sanggunian: Ibong Adarna (Sa Bagong Pananaw),Corazon G. Magbaleta,JOES Publishing
House Inc.

Buod ng Saknong 611-650


Pagdating ng Serpyente, agad niyang naamoy ang mabaho kaya nang
dumating sa hagdanan, ang pitong ulo’y nangataas at ang mga mata’y nandidilat na
wari’y may hinahanap. Dinaluhong ng espada ng prinsipe ang serpyente kaya’t
nagsimula nang maglaban ang dalawa. May sugat na sa katawan ang ahas ngunit
parang walang kapansanan ito. Nagtataka ang prinsipe sapagkat kapag naputol ang
ulo agad itong nasusudlong kaya naisip niyang mahirap kalabanin ito. Tumawag na
siya at humingi ng tulong sa Diyos na sana’y di siya mapahamak. Palibhasa’y
taimtim ang kanyang panalangin kaya napansin niyang ang sindak ay nawala at
nag-ibayo ang kanyang lakas at sigla. Naramdaman ng ahas na siya’y nanghihina at
nakiusap na itigil muna ang laban.
Binigyan ni Leonora ng balsam si Don Juan at nagbiling sa bawat ulong
mapuputol ay buhusan niya ito. Nang makita ng serpyente ang inabot sa prinsipe ay
nagalit ito, itinaas ang pitong ulo at hangad na lingkisin si Leonora. Naputol na ang
anim na ulo ng serpyente at isa na lamang ang natitira ngunit sa kasamaang palad
ang isang ito’y natigpas at ang serpyente ay namatay. Niyaya ng prinsipe si Leonora
na puntahan ang kapatid na naghihintay at sabihin pa laking galak ng bawat isa.
Umahon na sila sa balon.

Gawain 1: Suriin ang damdaming namayani sa mga tauhan mula sa mapapanood


na video clip ng teleseryeng “Ang sa iyo ay sa akin”.

19 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN5)
Gabay na Tanong:
1. Alin sa mga video ang nagpapakita ng matinding emosyon? Ipaliwanag.
2. Isa-isahin ang mga tauhan sa nasabing telenobela at ilahad ang kanilang mga
katangian.
3. Anong damdamin ang namayani sa napanood na video clip? Iugnay ito sa iyong
sariling karanasan.
4. Sa iyong palagay, bakit mahalaga sa isang telenobela/serye na magpaantig ng
damdamin ng manood?

Gawain 3: Suriin ang damdaming namayani sa mga tauhan mula sa mga hindi
malilimutang linya ng isang telenobela/serye. Iugnay at ipaliwanag ang
sariling damdaming namayani sa nasabing linya. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel

Hugot o makahulugang linya mula sa Damdaming Sariling


telenobela/ serye namayani Damdamin/
sa Tauhan Paliwanag
“Ayokong pineperahan ako ng mga itinuturing
kong kaibigan.Alam mo naman ang mga plastik,
nababagay sila sa basurahan”-
Ivy (Wildflower)
“Huwag ka munang umarteng para kang asawa,
dahil sa mata ng Diyos at sa mga mata ng tao,
kabit ka pa rin. At ang mga kabit, binabasura
yan ng mga lalaki para balikan ang mga tunay
na asawa”
-Emma(Ika-anim na utos)
“Sabi mo mahal mo ako. Sabi mo dati Aubrey,
walang nagmahahal sa 'yo, e. Pero Aubrey, kahit
anong mangyari, mamahalin pa rin kita.”-Boyet
(My Special Tatay)
"Sana lahat ng pag-ibig ay gaya ng sa inyong
dalawa, yung hindi sumusuko " -Angelo,
Pangako sayo

Panuto: Suriin ang damdaming namayani mula sa piling saknong ng akdang Ibong
Adarna. Sagutin ang tsart sa sagutang papel.
SAKNONG SA SARILI SA KAPUWA SA LIPUNAN
Pagkat marami sa puso
Talusira sa pangako,
Sa pagsintay mapagbiro
Matuwaing sumiphayo
Nabuo at nang huwag na
Paglayuin ng pagsinta
Ang magtaksil sa kanila
Sa Diyos ay may parusa

20 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN5)
Panuto: Suriin ang mga damdaming namamayani sa sumusunod na bilang at isulat
sa sagutang papel ang letra ng angkop na kasagutan.

“Hindi lahat ng araw sa inyo. Hindi lahat ng batas kayo. Lahat ng ginawa
niyo sa akin, nakaukit sa puso at diwa ko. Lahat ng hirap at sakit,
ibabalik ko sa inyo! Lahat kayo matitikman ninyo ang batas ng isang api!”
–Amor Power (Pangako Sayo)
1. Mula sa linya ng teleseryeng Pangako sayo, anong damdamin ng tauhan ang
namayani?
A. pagkabigo B. pagsisisi C. poot D. pagkatalo
2. Ang linya mula sa teleserye sa itaas ay nangangahulugang _______.
A. Walang kasalanang hindi pinagbabayaran.
B. Ang taong nasaktan ay nagtatanim ng galit.
C. Ang taong mapagmataas ay ibinababa ng Diyos.
D. Kailaman ang taong gumawa ng masama sa kapwa ay hindi makakatanggap ng
kapatawaran.

Saknong 632 3. Anong damdamin ang masasalamin


Dito na siya tumawag sa saknong?
Sa Diyos, Haring mataas, A. pag-asa
Sa kabaka niyang ahas B. pagsisisi
Huwag nawang mapahawak. C. pananalig
D. pasasalamat

4. Suwayin ang iyong nais A. pagmamakaawa


pinid sa akin ang langit; B. pagtatampo
lumayo sa iyong titig C. pagyayabang
hininga ko’y mapapatid. D. pagkatakot

5. Pagka’t marami sa puso A. pag-aalinlangan


talusira sa pangako, B. pagkatuwa
sa pagsinta’y mapagbiro C. pagseselos
matuwaing sumiphayo D. panghihinayang

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


✓ Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at
pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda (F7PS-IVc-d-21)
✓ Nagagamit ang angkop na mga salita at simbolo sa pagsulat ng iskrip (F7PT-
IVc-d-23)

21 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN6)
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Batay sa akda, si Donya Leonora ay labis na nagdadalamhati dahil sa ____.
A. paglisan ni Don Juan
B. pagmamalupit sa kanya ni Don Pedro
C. pangungulila niya sa kanyang pamilya
D. pinipilit siyang ipakasal sa lalaking hindi niya minamahal
2. Ang pagsinta ni Donya Leonora sa kanyang iniirog ay sadyang walang maliw.
Nangangahulugan lamang na ang kanyang pag-ibig ay _____.
A. dakila C. matatag
B. makapangyarihan D. wagas
3. “Bakit nga ba hindi irog lalo pa kung matatalos, ang hinagpis at himutok
kayakap ko sa pagtulog?” Ang tagpong maaaring mabuo sa isipan sa
taludtod na ito ay isang taong ____.
A. naguguluhan C. naghihinagpis
B. nagagalit D. natatakot
4. Tinugtog ng ikalawang ermitanyo ang kampana at dumating ang kanyang
mga alagad na _____.
A. insekto B. isda C. ibon D. elepante
5. Ang sinasabi ni Don Pedro bago lumisan sa silid ni Donya Leonora ay ______.
A. Kalilimutan na niya si Donya Leonora
B. Hihintayin niya ang araw na matatapos ang kanilang paghihirap
C. Lalayo na siya sa palasyo
D. Pagnanais na makita ang minamahal

• Paggamit ng Dating Kaalaman at


Karanasan sa Pag-unawa at
Pagpapakahulugan sa mga
Aralin
Kaisipan sa akda
6
• Paggamit ng Angkop na mga
Salita at Simbolo sa Pagsulat ng
Iskrip
Mahalaga rin na matutuhan mo ang mga angkop na salita at simbolo na
nakapaloob sa akdang iyong binasa. Sa ganitong paraan ay nababatid mo ang tunay
na ideya na nais iparating ng akdang iyong binabasa.
Kaya naman samahan mo ako upang mahasa ang mga kasanayang ito.
Halina na’t ating simulan!

22 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN6)
A. Panuto: Suriing mabuti ang sumusunod na larawan at sagutin sa sagutang
papel ang pagpapakahulugan at kaisipang nais ipahiwatig nito batay sa
iyong sariling karanasan.

1. 2. 3.

4. 5.

Ang pag-unawa sa akda ay prosesong pangkaisipan upang mabigyang


kahulugan ang anomang babasahin na maaaring maiugnay sa sariling karanasan.
Ito ay nakatutulong upang higit na maunawaan ng mambabasa ang kanyang
binabasa sapagkat nailalagay niya ang sarili sa kanyang binabasa. Sa ganitong
pamamaraan, naiisa-isa ng mambabasa ang mga kaisipang nakapaloob sa akda at
ito ay kanyang nabibigyang-kahulugan.
Bahagi ng pag-unawa ng mambabasa ay ang mga salita at mga simbolong
nakapaloob sa akda. Ang simbolo ay sumasagisag ng isang ordinaryong bagay,
pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan. Maaaring ang
mga simbolo ay nanggaling sa mga karaniwang simbolo na namana sa mga
nagdaang iba't ibang salin-lahi o mga nilikhang simbolo gaya ng mga nilikhang
tauhan, bagay o pangyayari ng mga manunulat upang maipahayag o maipabatid
ang kanilang ideya o hangarin na nais makarating. Mahalaga ang paggamit ng mga
angkop na salita at mga simbolo sa pagsulat ng isang script.
Ang script ay naglalaman ng mga dayalogo o usapan ng mga magtatanghal o
ng mga tauhan. Ito ay tala ng kanilang mga sasabihin ganoon din ang kanilang mga
gampanin sa kuwento. Ito rin ang nagsisilbing kaluluwa at pinakamahalagang
sangkap ng isang pagtatanghal. Sa pagsulat ng script, mahalagang isaalang-alang
ang mga sumusunod:
a. Maging maingat sa pagpili ng mga salitang gagamitin.
b. Mahalagang maging malawak ang iyong kaalaman sa kahulugan ng mga
salita. Ito ay makatutulong upang mapanatili ang kasiningan nito.
c. Pag-aayos ng kahulugan ng mga salita ayon sa intensidad o tindi ng
kahulugang nais ipahiwatig.
d. Gumamit ng mga simbolo na magpapabatid sa mga mambabasa ng tunay na
ideya ng kuwento.

23 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN6)
Gawain 1: Sa pamamagitan ng estratehiyang Read and React ay ipahayag ang taglay
na kaalaman at karanasan upang mabigyan ng pagpapakahulugan ang
sumusunod na kaisipan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Read:
Laging nag-aaway ang iyong magulang dahil madalas
umuwi nang lasing ang iyong ama. Mayroon ding mga gabing
hindi siya umuuwi sa inyong tahanan. Apektado kayong
magkakapatid dahil laging mainit ang ulo ng inyong ina.
React:
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

2. Read:
Natanggal o nawalan ng trabaho ang iyong ama. Tatlo
kayong nag-aaral na magkakapatid sa pribadong paaralan. Tiyak
na hindi sasapat ang perang kinikita ng inyong ina upang
masuportahan ang inyong pag-aaral.
React:
__________________________________________________________
__________________________________________________________
Gawain 2: __________________________________________________________
Bumuo ng angkop na simbolo at paliwanag na naglalarawan sa
sumusunod na tauhan batay sa pahayag na kanilang nabanggit sa
nabasang aralin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

“Mahal na Haring Salermo Simbolo:


di miminsang nasabi ko
itong abang pagkatao’y Paliwanag:
alipin ng utos ninyo.”

“Pakat kita’y iniibig, Simbolo:


pag-ibig ko’y hanggang langit,
Don Juan, hindi ko nais Paliwanag:
mabilang ka sa naamis.”

24 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN6)
Panuto: Bumuo ng isang iskrip o dayalogo batay sa hinihinging sitwasyon.
Salungguhitan ang magagamit na simbolo sa bubuoing dayalogo.
Sitwasyon:
Naniniwala ka ba sa love at first sight o pag-ibig sa unang pagkikita?
Ipaliwanag sa mabubuong iskrip o dayalogo.

Isaalang-alang ang rubric sa ibaba para sa gawain B.


Mga pamantayan Puntos
1. Angkop at nakaugnay sa paksa.
2. Nagagamit ang angkop na salita at simbolo sa pagsulat ng iskrip.
3. Nakagamit ng mga salita at pangungusap nang may kaisahan at
pagkakaugnay-ugnay.
4. Malinaw at wasto ang balarila/gramatika.
Kabuoang Puntos 20
5-Napakahusay 2-Di-mahusay
4-Mahusay 1-Sadyang Di-mahusay
3-Katamtaman

Panuto: Tukuyin ang angkop na kahulugan ng mga simbolong nasa unang hanay.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

SIMBOLO KAHULUGAN
1. anghel A. mahinhin
2. di-makabasag pinggan B. pag-asa
3. malalim ang sugat C. pag-ibig
4. pulang rosas D. mabait
5. araw E. may poot sa puso
6. pusong bato F. paghihigpit
7. kamay na bakal G. patay na
8. kawayan H. matayog
9. pantay ang paa I. mabagal
10. pagong J. matigas ang kalooban

25 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN6)
Matatamo mo sa araling ito ang kasanayan na:
• Nasusuri ang mga katangian at papel na ginagampanan ng pangunahing
tauhan at mga pantulong na tauhan. (F7PB-IVg-h-23)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang letra
ng tamang sagot batay sa hinihingi ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ang ______ ay isang mahalagang elemento ng akdang pasalaysay tulad ng
maikling kuwento, pabula, parabula, alamat at iba pa.
A. direktor B. diyalogo C. tagpuan D. tauhan
2. Siya ang pinakamahalagang tauhan sa akda. Dito umiikot ang kwento,
mula sa simula hanggang wakas
A. katunggaling tauhan C. pangunahing tauhan
B. may akda D. pantulong na tauhan
3. Ang ________ay may katangiang tulad din ng sa isang totoong tao.
Nagbabago ang kanyang katauhan sa kabuoan ng akda. Maaaring
magsimula siyang mabait, masipag, at masunurin subalit dahil sa ilang
mga pangyayari ay nagbago ang kanyang katauhan.
A. tauhang bilog o round character
B. tauhang lapad o flat character
C. tauhang parisukat o square character
D. tauhang protagonist
4. Inilagak muna ni Don Juan si Maria sa isang nayon at siya lamang ang
umuwi sa palasyo upang __________
A. gawin ang maitim na balak
B. sa ibang babae magpakasal
C. tuluyang iwan ang prinsesa
D. ihanda ang marangal na pagsalubong sa prinsesa
5. Kabilin-bilinan ni Donya Maria sa prinsipe na iwasang malapit sa sino
mang babae, maging sa kanyang sariling _____
A. ina C. pamangkin
B. kapatid na babae D. pinsang babae

Aralin Pagsusuri sa mga Katangian at Papel


7 na Ginagampanan ng Pangunahing
at Pantulong na Tauhan
Tunghayan mo kung paanong napagtagumpayan ng magkasintahan ang lahat
ng pagsubok, kabilang na ang sumpa ng isang ama, na kinailangan nilang
pagdaanan bago sila nagtagumpay.
Handa ka na ba? Halina at ating simulan.

26 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN7)
Panuto: Suriin ang mga tauhan ayon sa kanilang katangian. Sa iyong palagay,
sino ang nararapat na magmay-ari ng puso ni Don Juan. Pagkatapos
ay ilahad ang pagkaka-ugnay ng kanilang katangian sa kasabihang nasa
loob ng scroll.

“Ang tunay na pag-ibig ay napagwawagian,


Nalalagpasan maging mabibigat na kabiguan
Upang sa pagharap sa bagong pakikipagsapalaran
Pag-asa ang dulot sa kinabukasan.”

Tauhan bilang Elemento ng Akda


Ang tauhan ay isang mahalagang elemento ng akdang pasalaysay tulad
ng maikling kuwento, pabula, parabula, alamat at iba pa. Nakasalalay sa maayos at
makatotohanang pagkakahabi ng mga tauhan ang pagiging epektibo ng isang akda.
Ang uri, dami o bilang ng mga tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan.
Mahirap itakda ang bilang ng mga tauhang magpapagalaw sa isang kuwento
sapagkat ang pangangailangan lamang ang siyang maaaring magtakda nito. Ayon sa
Manwal sa Pagsulat ng Maikling Kuwento ang mga karaniwang tauhang bumubuhay
sa anumang akdang tuluyan ay ang mga sumusunod:
• PANGUNAHING TAUHAN: Siya ang pinakamahalagang tauhan sa akda. Dito
umiikot ang kuwento, mula sa simula hanggang wakas.
• KATUNGGALING TAUHAN: Siya ay sumasalungat o kalaban ng pangunahing
tauhan. Mahalaga ang kaniyang papel sa kuwento sapagkat sa mga
tunggaliang ito nabubuhay ang mga pangyayari sa akda.
• PANTULONG NA TAUHAN: Karaniwang kasama ng pangunahing tauhan. Ang
pangunahing tungkulin nito sa akda ay ang maging kapalagayang-loob o
sumusuporta sa tauhan.
• ANG MAY-AKDA: Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang awtor ay lagi
nang magkasama sa loob ng katha o kuwento. Bagama’t ang naririnig lamang
ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang
kamalayan ng makapangyarihang awtor.
Bukod sa mga uri ng tauhang nabanggit ay may iba pang pag-uri o katawagan
ang tauhang gumaganap sa kuwento batay sa kanilang karakter o pagkatao. Ito
ay ang tauhang bilog at ang tauhang lapad.
Ang tauhang bilog o round character ay may katangiang tulad din ng sa isang
totoong tao. Nagbabago ang kanyang katauhan sa kabuoan ng akda. Maaaring
magsimula siyang mabait, masipag, at masunurin subalit dahil sa ilang mga
pangyayari ay nagbago ang kanyang katauhan. Mahalagang maging epektibo ang

27 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN7)
paghabi ng mga tauhan upang ang tauhan ay maging makatotohanan o maging
isang tauhang bilog.
Ang tauhang lapad o flat character ay ang tauhang hindi nagbabago ang
pagkatao mula simula hanggang sa katapusan ng akda. Bihirang magkaroon ng
ganitong uri ng tauhan sa mga akda subalit minsan ay kinakailangang maglagay
nito upang higit na lumutang ang tauhang binibigyang-pansin.

Gawain 1: Suriin ang sumusunod na pahayag at ipaliwanag kung anong katangian


ang masasalamin sa ginagampanan na ipinahayg ng tauhan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Mula sa saknong 1395, “Ang hiling ko pag nilabag asahan mong
mawawakwak ang dangal ko’t yaring palad sa basahan matutulad”
Paliwanag _______________________________
Katangiang masasalamin kay Donya Maria Blanca _____________________.
2. Mula sa saknong1396, “O, Don Juan, aking kasi, alaala ko’y malaki:
karaniwan sa lalaki ang mabihag ng babae”
Paliwanag _______________________________
Katangiang masasalamin kay Donya Maria Blanca ____________________
3. Mula sa saknong 1398, “Limutin kay kataksilan magawa ko kaya iyan? O
buhay ng aking buhay, magsabi ang kamatayan”
Paliwanag _______________________________
Katangiang masasalamin kay Don Juan __________________________
4. Mula sa saknong 1585, “Ngayon ko nga ihahayag ang lahat ng aking hirap,
pitong taon ngayong singkad ito’y aking ingat-ingat”
Paliwanag _______________________________
Katangiang masasalamin kay Donya Leonora__________________________

5. Mula sa saknong 1624, “Hari biglang napamata at ang dula’y naalala, sa anyo
ay kitang-kita kalooba’y nabalisa”
Paliwanag _______________________________
Katangiang masasalamin kay Haring Fernando__________________________

Gawain 2: Suriin ang mga pangyayari at ipaliwanag ang katangian ng bawat


tauhan sa diyalogo na inihanda. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Saknong 1592
“Dito ako natagpuan Paglalarawan sa katangian ni Donya Leonora
ng Prinsipeng si Don Juan _______________________________________
sa kaniyang pananambitan Pagsusuri sa pangyayari
naging kaniya yaring buhay _______________________________________

2. Saknong 1576
“Babasagin na ang prasko Paglalarawan sa katangian ni Donya Maria
Upang gunawin ang reyno, Blanca_____________________________________
Ang lahat na sa palasyo Pagsusuri sa pangyayari
Nagitlahanang totoo” ______________________________________

28 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN7)
3. Saknong 1617
Paglalarawan sa katangian ni Haring Fernando
At noon di’y inilagda
_______________________________________
ang hatol na magagawa;
Pagsusuri sa pangyayari
Sa pangalan ng Bathala
_______________________________________
Ang nauna ang may pala!

4. Saknong 1710 Paglalarawan sa katangian ni Don Juan


Mga halimbawang ito’y _______________________________________
namana ng mga tao, Pagsusuri sa pangyayari
kaya sila nang yumao _______________________________________
nagluksa ang buong reyno

Panuto: Pumili ng isang pelikula o palabas sa telebisyon. Pagkatapos ay


sagutan mo ang hinihinging impormasyon sa pagbuo ng character
map. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Panuto: Suriin kung ano ang katangian ng mga tauhan sa akdang binasa.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Saknong 1660 Arsobispo’y binalingan at ang sabing malumanay: “O Diyos sa
kalangitan, kami iyong liwanagan.”
A. mahilig umasa C. malungkutin
B. maka-Diyos D. matatakutin
2. Saknong 1679 Hari nama’y buong giliw wika sa mamanugangin: “Manalig ka na
sa aki’y anak kitang mamahalin.”
A. maawain C. mapagmahal
B. mapagkumbaba D. matapat

29 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN7)
3. Saknong 1666 “Maglubag na, aking giliw, sa galit mong kinikimkim kahit ano ang
marating ako’y iyo at ika’y akin.”
A. maaalalahanin C. mapamahiin
B. madasalin D. masinop
4. Saknong 1704 “Sa kamay ng bagong hari kaayusa’y namalagi sinusunod niyang
tangi ang lahat ay walang hindi.”
A. huwaran C. mayabang
B. masayahin D. matapat na tagasunod
5. Saknong 1710 “Mga halimbawang ito’y namana ng mga tao, kaya sila nang
yumao, nagluksa ang buong reyno.”
A. mayaman
B. madasalin
C. mapagmahal sa kapwa
D. mapagpahalaga sa nasasakupan

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang:

• Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang may kaisahan at


pagkakaugnay-ugnay sa mabubuong iskrip. (F7WG -IVJ-23)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Ang mga bahagi ng pagsulat ng iskrip ay pre-writing, writing at ______.
A. draft stage C. post-writing stage
B. handwriting D. rewriting stage
2. Ayon kay Ricky Lee sa kanyang aklat na Trip to Quiapo: Script Writing Manual, ang
prewriting stage ay ang bahagi ng pag-iisip at ______________.
A. pagbabasa B. pagbubuod C.pagpaplano D. pananaliksik
3. Pagkatapos ng prewriting stage ay maaari nang magsimulang sumulat. Ito na ang
tinatawag na ___________. Sa simula ng pagsulat ng iskrip ayon kay Ricky Lee ay
makabubuting sumulat muna ng sentence outline.
A. pagbubuod B. pre-writing C. re-writing D. writing stage
4. “Nang marinig yaong sinta’y, hinimatay na sa saya”. Anong damdamin ang
maaaring maiugnay sa pahayag?
A. galit B. kaligayahan C. pag-ibig D. poot
5. “Anak ko man at suwail, ang marapat ay itakwil.” Anong kaisipan ang
maaaring maiugnay ng pahayag?
A. Tama lamang talikuran ang pagkakasala
B. Kataksilan ang di pagtupad sa pagkakasala.
C. Kahit sariling anak ay dapat parusahan kung nagkasala
D. Hindi dapat parusahan kung nagkasala man ang anak ng hari.

30 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN8)
Paggamit ng mga Salita at
Aralin Pangungusap nang May Kaisahan
8 at Pagkakaugnay-ugnay sa
Mabubuong Iskrip
Malapit na tayong matapos sa ating aralin. Naniniwala ka ba na kaya mong
gumawa ng sariling iskrip? Sa araling ito natitiyak ko na makabubuo ka ng isang
mahusay at kaaya-ayang iskrip kasama ang iyong mga kamag-aral. Magagamit mo
ang mga salitang iyong mapag-aaralan at makabubuo ka ng ideyang magpapalawak
ng iyong imahinasyon.

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng bawat bilang sa pamamagitan ng pagsasaayos


ng mga ginulong letra. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula. Lahat ng bagay na dapat isaalang-alang sa
dula ay dapat na nakaayon dito.
K P S I R I
2. Isang uri ng panitikan na itinatanghal sa isang tanghalan.
L D U A
3. Siya ang nagbibigay-pakahulugan sa iskrip na nalikha para maisabuhay ng mga
aktor.
T O I D E R R K
4. Bahagi ng pagsulat ng iskrip kung saan binubuo, iniisip at pinaplano ang konsepto
ng kuwento o dula, mga tauhan na gaganap rito, lugar at banghay.
E P R -R I T I N G W
5. Tawag sa mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang mga emosyon. Y L O A D A G O

Pagsulat ng Iskrip ng Dulang Pantanghalan


Sa isang pagtatanghal, walang kuwento ang maisasadula kung wala ang
iskrip. Matatawag lamang na dula ang isang katha kung ito’y itinatanghal, ngunit
maitatanghal lamang ito kung may iskrip na magsisilbing gabay ng mga tauhan
upang magsadula. Taglay ng iskrip ang mga diyalogo ng mga aktor sa pagtatanghal
ng isang tagpo at maging ng buong dula. Tinatawag na iskrip ang nakasulat na
gabay ng aktor, direktor at iba pa na nagsasagawa ng dula. Ang iskrip ang
pinakakaluluwa ng isang dulang itatanghal. Dito matatagpuan ang galaw ng mga
aktor, ang mga tagpo, ang mga eksena at gayundin ang diyalogo ng mga tauhan.
Sa pagsulat ng iskrip ay mahalagang isinasaalang-alang ang mga bagay na
ito. Kailangang maging malinaw ang plot o banghay, tauhan, tagpuan at ang
mahahalagang kaisipang hatid nito sa mga manonood.

31 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN8)
Mga Bahagi ng Pagsulat ng Iskrip
PRE-WRITING STAGE - ang bahagi ng pag-iisip at pagpaplano. Dito binubuo ang
konsepto ng kuwento, sino ang mga tauhang gaganap
kabilang ang bida at kontrabida, saang lugar o tagpuan
gagawin at anong banghay ang gagamitin. Pasok din sa
bahaging ito kung ano ang paksa ng iskrip. Ito ba ay
nakakatawa, nakakaiyak o melodrama? Gayundin,
tinitingnan na rito kung malinaw o kawili-wili, at
makatotohanan ba ang kuwentong bubuoin.
WRITING STAGE - sa bahaging ito maaari nang magsimulang sumulat. Sa simula
ng pagsulat ng iskrip ayon kay Ricky Lee ay makabubuting
sumulat muna ng sentence outline.
* Sentence Outline - isa sa de numerong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento. Hindi mga deskripsiyon, hindi
mga iniisip ng tauhan, kundi ang eksena.

Halimbawa:
Nasa nayon si Maria Blanca at nalaman niya sa pamamagitan ng kanyang
mahiwagang singsing ang nalalapit na pag-iisang dibdib nina Donya Leonora
at Don Juan.
1. Humiling si Donya Maria sa kanyang mahiwagang singsing ng isang
magandang karosa at kasuotang pang-emperatris.
2. Umalis si Donya Maria Blanca sakay ng magandang karwahe.

REWRITING STAGE – bahagi kung saan maari nang repasuhin at pinuhin ang
nililikhang iskrip. Sa bahaging ito ay maaari ng buoin ang
iskrip kasama ang tauhang magsasalita, mga props, eksena
at iba pa.

Gawain 1: Ibigay ang paksa ng sumusunod na grupo ng mga saknong at mula rito,
bumuo ng iskrip na may 3 – 5 dayalogo na nagpapakita ng kaisahan at
pagkakaugnay-ugnay ng mga salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Saknong 1542 Saknong 1543


Napuna ni Donya Mariang Kaya biglang iniutos
Ang palabas ma’y maganda “Itigil na ang pagtugtog
Si Don Juan ay lalo pang Hayo na negritong irog
Wiling-wili kay Leonora. Salitaan ay isunod.”

Gawain 2 Sumulat ng isang iskrip o dayalogo na ginamitan ng magkakaugnay na


salita batay sa hinihinging sitwasyon sa akdang Ibong Adarna. Gamiting
gabay ang balangkas sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Unang Pagsubok ng Haring Salermo (Saknong 1007-1059)
Mga Tauhan: ____________________________________________________________________
Tagpuan: ________________________________________________________________________
Panahon: _______________________________________________________________________

32 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN8)
Kinaumagahan ay nakita ni Haring Salermo si Don Juan. Batid na ng hari
ang pakay nito. Pinatuloy niya si Don Juan ngunit magalang na tumanggi ito at
naghintay ng ipag-uutos.
Dayalogo:
Haring Salermo: ________________________________________________________________
Don Juan: ______________________________________________________________________
Tumungo si Don Juan sa prinsesa at sinabing hindi niya magagawa ang
pagsubok.
Maria Blanca: ___________________________________________________________________
Don Juan: ______________________________________________________________________
Gumamit si Maria Blanca ng mahika kung kaya’t agad na tumubo ang trigo
at namunga.

Panuto: Punan ng mga salita na bubuo sa pangungusap nang may kaisahan at


pagkakaugnay-ugnay sa buod ng Ibong Adarna.
Ang Ibong Adarna ay umiinog sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego
at (1) ______________ na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na
dumarapo sa puno ng (2) _____________ sa Bundok Tabor. Ang mahiwagang huni ng
nasabing ibon ang (3) _______________lamang umano sa sakit ng hari. Kapwa nabigo
sina Don Diego at Don Pedro na mahuli ang ibon at naghugis-bato sila nang
mapahimbing sa maamong (4) ___________ ng Adarna at maiputan sila nito. Ngunit
naiiba si Don Juan na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna sa isang matandang
(5)_____________ nasalubong sa daan. Binigyan din ng mahihiwagang gamit ng
matanda ang prinsipe, upang mabihag ang (6)____________ at mapanumbalik ang
buhay ng kaniyang dalawang kapatid. Ngunit nagtaksil sina Don Pedro at Don
Diego kay Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na hawak ng bunsong kapatid.
Nakuha ng magkapatid ang Ibong Adarna at iniuwi sa palasyo. Muling nakaligtas si
Don Juan. Nang makabalik na siya ay laking gulat ng dalawa niyang kapatid at ang
mga ito ay naparusahan ng magsimulang kumanta ang Ibong Adarna. Pinabantayan
ng hari ang ibon ngunit ito ay nakawala. Muling naghanap ang magkakapatid sa
Ibong Adarna. Muling nagtaksil ang dalawang prinsipe nang ihulog sa isang malalim
na (7) ___________. Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa tulong ng (8)
______________ at ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los
Cristal dahil na rin sa kanyang napanaginipan tungkol sa Ibong Adarna. Napaibig si
Don Juan kay Donya (9) ___________. Siya ay dumaan sa mga pagsubok na mula kay
(10) _________________. Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya
Maria at namuhay nang maligaya sa kahariang nakamit niya. Samantala, ang Ibong
Adarna ay mistulang tagapagbunyag ng lihim na naganap sa pagtataksil kay Don
Juan. Waring ginamit lamang itong instrumento upang itampok ang mga kagila-
gilalas na pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba't ibang pook.

33 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN8)
Panuto: Isulat ang sagot sa sagutang papel upang mabuo ang salita o
terminong tinutukoy sa bawat bilang.
1. Ang mga bahagi ng pagsulat ng iskrip ay may _____________ , writing at
rewriting stage.
2. Taglay nito ang mga diyalogo ng mga aktor sa pagtatanghal ng isang tagpo at
maging ng buong dula.
3. Ang iskrip ang ______ ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito.
4. Sa pagsulat ng iskrip ay mahalagang isinasaalang-alang ang mga
bagay na ito. Kailangang maging malinaw ang plot o _______, tauhan, tagpuan
at ang mahahalagang kaisipang hatid nito sa mga manonood.
5. Ang gumaganap o _____ ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang
nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila
ang pinanonood na tauhan sa dula.

34 (DO_Q4_FILIPINO_7_ARALIN8)
Sanggunian
AKLAT

Pinagyamang PLUMA, Ang Bagong Baitang 7 ng Phoenix Publishing House,


Alinsunod sa K to 12 Curriculum
INTERNET

● https://philnews.ph/2020/12/01/hakbang-sa-sistematikong-
pananaliksik-kahulugan-at-halimbawa/
● https://www.slideshare.net/ReilourdMiranda/pananaliksik-
17313402?next_slideshow=1
● https://brainly.ph/question/84954 Kinuha noong Disyembre 18, 2021
● https://tl.encyclopedia-titanica.com/significado-de-soluci-n Kinuha noong
Disyembre 18, 2021
● https://www.studocu.com/ph/document/panpacific-
university/translation/ibong-adarna-kabanata-1-hanggang-7/12531142
Kinuha noong Disyembre 18, 2021

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City


Office Address: Pio, Valenzuela St., Marulas Valenzuela City
Telefax: 02-292-3247
Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph
35

You might also like