You are on page 1of 39

7

Filipino
Ikalawang Markahan
Una-Ikalimang Linggo
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Una-Ikalimang Linggo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: ENROSE LINDAYAG, T 2, Bagbaguin NHS, Lorenz Irah J. Agustin, T 1, Paso de Blas
NHS, Rachel T. Galoso, T1, Justice Eliezer DS NHS, Justene F.
Verceles, T2, Veinte Reales NHS, Camille Joy Valimento, T2, Valenzuela NHS,
Gilsanne I. Mempin, T1, Malanday NHS,
Editor: GRACE IMPERIAL-YUMUL, HT 3, VALENZUELA NHS
Katuwang na Editor: Melissa J. Samson, Valenzuela NHS
Tagasuri: Rosarie R. Carlos., Education Program Supervisor
Tagaguhit: LR Illustrator
Tagalapat: LR Illustrator
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Director IV
Genia V. Santos, CLMD, Chief
Dennis M. Mmendoza, Regional EPS In-Charge of LRMS
Micah S. Pacheco, Regional ADM Coordinators
Meliton P. Zurbano, Assistant Schools Division Superintendent, OIC-OSDS
Filmore R. Caballero, CID, Chief
Jean A. Tropel, Division EPS In-Charge of LRMS & ADM Coordinator
Rosarie R. Carlos, EPS-Filipino
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Division of City Schools - Valenzuela
Office Address: Pio Valenzuela St., Valenzuela City
Telefax: (02) 294 0658
E-mail Address: sdovalenzuela2015@gmail.com

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


para sa aralin sa Ikalawang Markahan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto
na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral kung paano gamitin
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan
silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa mga
aralin sa Ikalawang Markahan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
1
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa
iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay
sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


gawain sa modyul.
Susi sa Pagwawasto
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng


Sanggunian pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: Gamitin ang modyul nang
may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.

Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
Obserbahan ang katapatan sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. Pakibalik ang modyul na ito
sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

2
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Unang Linggo:
Aralin Awiting Bayan at Bulong ng

1 Kabisayaan
Antas ng Wika Batay sa
Pormalidad
Alamin
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang matamo ang mga sumusunod na kasanayan:
 Naipaliliwanag ang kaisipang nais iparating ng napakinggang bulong at awiting- bayan (F7PN-
IIa-b-7)
 Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob sa akda na
sumasalamin sa tradisyon ng mga taga-Bisaya. (F7PB-IIa-b-7)
 Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit sa pagsulat ng awiting- bayan
(balbal, kolokyal, lalawiganin at pormal (F7WG-IIa-b-7)

Subukin
A. Panuto: Iguhit ang puso (♡) kung ang pahayag ay TAMA at bilog (○) naman kung MALI, at
isulat ang salita upang maging wasto ang pangungusap sa iyong sagutang papel.
___ 1. Ang awiting- bayan ay mga awiting sumasalamin sa pang-araw-araw na pamumuhay
ng mga Pilipino.
___ 2. Isa sa matandang uri ng panitikan ang bulong.
___ 3. Kasabay ng pagdating ng mga Kastila ang pagyabong ng mga awiting-bayan at bulong sa
Pilipinas.
___ 4. Ang Oyayi ay isang bulong na binibigkas upang mapatulog ang isang bata at ito ay
kalimitang naglalaman ng mga bilin.
___ 5. Ang paksa ng mga awiting-bayan ang ang mga katutubong kultura ng mga
Pilipino.
___ 6. Ang Dalit o Imno ay isang awit sa pakikidigma. Nagpapahayag din ito ng pag- ibig sa
bayan.
___ 7. Ang panghaharana sa Bisaya ay ginagamitan ng awiting Balitaw.
___ 8. Tuwing araw ng mga patay, inaawit ng mga Tagalog ang pangangabuhay.
___ 9. Ang diona ay isang awiting inaawit para sa mga taong ikinakasal.
___ 10. Ang awiting bayan at ang bulong ay parehong nagpapakita ng paniniwala, kultura’t
tradisyon ng mga Pilipino na minana mula pa sa mga ninuno.
B. Panuto: Tukuyin at piliin ang naiiba mula sa pangkat ng mga salita. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

(balbal) 1. tsikot sekyu eskapo mag-aaral


(lalawiganin) 2. charing aslom lantawon magbalon
(kolokyal) 3. meron pinto naron heto

3
(pampanitikan) 4. liyag hikbi bakal katoto
(pambansa) 5. salamin iniatas larawan kisame

Balikan
A. Panuto: Kopyahin ang buong pangungusap sa sagutang papel at bilugan ang ginamit na salitang
nanghihikayat.
1. Ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili ngayong panahon ng pandemya ay isa lamang maliit na
sakripisyo para sa buhay ng kapwa natin Pilipino. Tulong- tulong tayo!
2. Tumpak! Isa sa paraan para malabanan ang paglaganap ng Covid-19 sa bansa ay ang
kooperasyon ng bawat isa.
3. Talagang ang pananaliti sa loob ng bahay ay isa sa pinakasimple pero pinakaepektibong paraan
para hindi kumalat ang virus na Covid-19.
4. Tunay na mahirap malaman kung sino ang tinamaan ng Covid-19 virus pero madali itong
maipasa sa iba.
5. Ang Covid-19 ay maaaring makuha mula sa labas ng tahanan. Tiyak na mahahawahan nito ang
iyong pamilya na may edad na, may karamdaman o di kaya’y mga buntis. Sila ang mga taong
mahina ang panlaban sa Covid- 19.
B. Panuto: Tukuyin ang uri ng pamumuhay, paniniwala, kultura at tradisyon ng mga Taga-Bisaya na
ipinakita sa kanilang awiting- bayan at bulong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Lawiswis Kawayan A. paniniwala sa mga nilalang na hindi nakikita
2. Dandansoy B. pag-iisang dibdib ng magkasintahan
3. Ili-ili Tulog Anay C. pangungulila sa sariling lupang sinilangan
4. Tabi- tabi po (bulong) D. pangingisda ang pangunahing
Ikinabubuhay
5. Si Pilemon E. paghehele sa sanggol upang makatulog
F. Pagiging maginoo ng binata sa kanyang kasintahan

Tuklasin
Gawain 1: Awitin ang awiting- bayang BAHAY-KUBO, pagkatapos ay sagutan sa iyong sagutang
papel ang mga gabay na tanong tungkol sa kantang inawit. 1. Anong damdamin ang naramdaman
mo habang inaawit ang awiting- bayan?
_______________________________________________________________________________
2.Tungkol saan ang awiting- bayang ito? _______________________________________
3.Bakit mahalagang hindi makalimutan at patuloy na awitin ang ating mga awiting- bayan?
___________________________
Gawain 2: Isulat sa iyong sagutang papel ang paraan ng pamumuhay ng mga
Pilipino na ipinapakita ng bawat larawan

Gawain 2: Mula sa komiks na nasa ibaba, magbigay ng limang salita mula sa mga pahayag na ginamit
sa usapan at ibigay ang antas ng salita. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
4
http://www.findglocal.com/PH/Antipolo/1092
77372444531/Kids-of-the-King-ChristianAcademy
%2C-Inc.

SALITA ANTAS NG WIKA


1.
2.
3.
4.
5.
Suriin

Bisitahin ang inyong Facebook Group upang mabasa ang mga detalye sa
SURIIN.

Pagyamanin
Gawain 1: Piliin at isulat sa iyong sagutang papel kung ikaw ay SANG-AYON o DISANG-AYON sa
mga pahayag na inilahad sa bawat bilang. Ipaliwanag ang iyong naging kasagutan.
PAHAYAG SANG-AYON DI- SANG-AYON PALIWANAG
1. Ang mga awiting- bayan at bulong
ay dapat na laging inaawit at
sinasambit.
2. Makatutulong ang bulong bilang
pangontra sa mga taong may galit sa
iyo.
3. Malaking tulong ang mga awiting- bayan
upang makilala
ang uri ng pamumuhay ng mga
Pilipino.
4. Bawat linya o taludtod ng awiting- bayan
at bulong ay makahulugan.

5. Salamin din ng kagandahang- asal ang


awiting- bayan at mga bulong.

Gawain 2 : Piliin sa loob ng bangka ang mga tradisyon at uri ng pamumuhay ng mga taga-Bisaya mula
sa binasang awiting-bayan at bulong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

5
Gawain 3: Suriin ang barayti ng wikang ginagamit ng bawat tauhan sa usapan. Kilalanin at isulat sa
patlang kung ang nakadiin ay balbal, kolokyal, lalawiganin o pormal.
____________ Lola: Ang pagdating ng buong angkan ay tila sinag ng bulalakaw na
nagdulot sa akin ng kaligayahan. (Maluha- luha habang nagsasalita)
____________ Jean: Uy, si Lola, emote na emote…
____________ Lito: Hayaan mo nga siya Jean. Moment niya ito eh.
____________ Tita Lee: O sige, kaon na mga bata. Tayo’y magdasal na muna.
____________ Ding: Wow! Ito ang chibog! Ang daming putahe.
____________ Kris: Oh! so dami. Sira na naman my diet here.
____________ Nanay: Sige, sige, kain ngarud para masulit ang pagod namin sa
paghahanda.
____________ Lyn: Ipinakikilala ko ang syota kong kano. Dumating siya para makilala
kayong lahat.
____________ Tito Mando: Naku, nag-aamoy bawang na. Kailan ba naman ang pag-
iisang dibdib?
____________ Lolo: Basta laging tatandaan, mga apo, ang pag-aasawa’y hindi
parang kaning isusubo na maaaring iluwa kapag napaso.

Isaisip

Panuto: Dugtungan ang pahayag na “I Believe…” sa paglalahad ng mga natutuhan at


pinaniniwalaan tungkol sa awiting- bayan at bulong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Isagawa
Panuto: Bilang isang kabataan, bumuo ng isang panawagan kung papaano iingatan at
payayabungin ang mga awiting- bayan sa iba’t ibang lugar. Magbigay ng limang salitang
ginamit sa panawagang nabuo at ibigay ang antas nito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
SALITA MULA SA PANAWAGAN ANTAS NG WIKA

Tayahin
Gawain 1: Tukuyin at piliin mula sa kahon ang titik ng tamang sagot na inilalarawan sa bawat bilang.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
A. Awiting- bayan B. Bulong C. Awiting-bayan at Bulong
___ 1. Matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa Pilipinas. ___ 2. Nilapatan ito
ng himig upang maihayag nang paawit at mas madaling matandaan o masaulo.
___ 3. Nagpapahayag din ito ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o
hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook.
___ 4. Isang panalangin na binuhay dahil sa pagnanais na makamtan ang isang pangyayari o pagbabago
sa hinaharap.
___ 5. Inuusal ito sa panggagamot tulad ng ginagawa ng isang magtatawas sa napaglaruan ng
lamang- lupa, namamaligno o kaya’y sa mga nakukulam. Gawain 2: Iguhit ang tsek (✔) kung ang
pahayag ay tama at ekis (❌) naman kung mali. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

6
__ 1. Ang awiting- bayang “Si Pilemon” ay tungkol sa isang mangingisdang ipinambili ng tuba ang
kinita sa pagbebenta ng kanyang mga hinuling isda.
__ 2. Isang Oyayi ang ginagamit sa mga bulong na “Ili-Ili Tulog Anay.”
__ 3. Ang “Lawiswis Kawayan” ay isang awitin tungkol sa dalawang magkasintahang pinaghiwalay ng
kanilang magulang.
__ 4. “Tabi-tabi makikiraan lang kami. Kami’y patawarin kung kayo’y masagi namin,” ay para sa
mga nilalang na hindi nakikita upang sila’y mabigyang-babala. __ 5. Ayon sa awiting- bayan na
“Dandansoy,” ang nagsasalita ay babalik sa Payaw at kung sakaling mangulila ang kanyang
minamahal, sa Payaw ito’y tumanaw. Ang Payaw ay tumutukoy sa isang lugar sa Bisaya.
Gawain 3: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang at piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon
at isulat sa iyong sagutang papel.

A. pambansa C. lalawiganin E. balbal


B. pampanitikan D. kolokyal

____ 1. Kilala bilang salitang kanto o salitang kalye.


____ 2. Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat sa lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang
kadalasang ginagamit ng pamahalaan.
____ 3. Salitang kilala at saklaw lamang ng isang pook na pinaggagamitan nito.
____ 4. Ito ay mga salitang matatayog, malalalim, makukulay at sadyang matataas ang uri. Ito rin ay
mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika. ____ 5. Ito ay mga salitang may anyong
repinado at malinis na ginagamit sa pangaraw-araw na pakikipagtalasatasan ngunit may
kagaspangan at pagkabulgar.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sa pamamagitan ng larawan, tukuyin at punan ng angkop na letra ang bawat bilang upang
mabuo ang salita ayon sa mga uri ng awiting- bayan at ipaliwanag ang paksa ng mga awiting ito. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
LARAWAN URI NG AWITING- PAKSA
BAYAN
1.

D___T

2.

P_ _ A N A _ A _ A_

3.

D_N_A_

4.

_Y_Y_

7
Ikalawang Linggo:
Alamat at Kaligirang
Aralin Pangkasaysayan
Mga Salitang may Digri o
2 Antas, Di-Lantad at mga
Pahayag na Nagsasaad ng
Damdamin

Alamin
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang matamo ang mga kasanayang:
 Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng
Kabisayaan (F7PB-IIc-d-8)
 Naibibigay ang kahulugan at sariling interpretasyon sa mga salitang paulit-ulit na ginamit sa
akda, mga salitang iba-iba ang digri o antas ng kahulugan (pagkiklino), mga di pamilyar na salita
mula sa akda, at mga salitang nagpapahayag ng damdamin (F7PT-IIc-d-8/F7PT-II e-f-9)

Subukin
Handa ka na ba para sa unang Gawain? Basahing mabuti ang bawat tanong at pagisipang mabuti kung
ano ang wastong sagot.
Gawain A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ito ay akdang pampanitikan na tumutukoy sa mga pinagmulan ng mga bagaybagay.
A. Epiko B. Dula C. Alamat D. Pabula
2. Tumutukoy sa panahon kung kailan natigil at sinunog ang mga naipalimbag na alamat ng ating mga
ninuno.
A. Espanyol B. Hapon C. Amerikano D. Malay
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga karaniwang tema o paksang nakapaloob sa mga
alamat?
A. Kaugalian B. Kapaligiran C. Romansa D. Katutubong Lahi
4. Ang mga sumusunod ay likas na yamang taglay ng pulo ng Visayas maliban sa isa.
A. Bukid B. Bundok C. Minahan D. Karagatan
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa kaugalian ng mga nasa Kabisayaan?
A. malambing B. mapagmahal C. suwail D. mayabang
6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangunahing pangkabuhayan ng mga Bisaya?
A. pagmimina B. pangingisda C. pagsasaka D. pag-oopisina
7. Ang Visayas ay kilala bilang isang pulong binubuo ng maliliit at kalat-kalat na isla kung kaya’t
dinarayo ng mga turista ang mga lugar na ito. Alin sa mga sumusunod ang mga lugar na nakapaloob sa
Visayas?
A. Hundred Islands C. Ma.Cristina Falls
B. Palawan sD. San Rafael Beach

8
8. Kilala ang Visayas sa pagdiriwang ng iba’t ibang pista. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang
sa mga pistang ipinagdiriwang sa Kabisayaan?
A. Lubi-lubi B. Sandugo C. Mascara D. Ati-atihan
9. Isa sa ipinagmamalaki ng Visayas ay ang kanilang mga pagkain. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
kabilang sa mga pagkaing tunay na kayamanan ng mga kabisayaan?
A. La Paz Batchoy B. Bicol Express C. Humba D. Pinakbet
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa mga wikang isinasalita ng mga Bisaya?
A. Sugbuwanon B. Hiligaynon C. Maguindanaoan D. Waray
Gawain B: Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod na salita ang may pinakamalalim na pagpapakahulugan ng pagluha?
A. iyak B. nguyngoy C. hikbi D. hagulgol
2. “Ito na ang katapusan ng aking paglalakbay.” Ang pahayag na nakasalungguhit ay
nangangahulugang:
A. pag-alis B. pagtalikod C. pagpanaw D. pagsuko
3. “Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makakapal na pader, at hindi ko
nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.” Ipinahahayag sa pangungusap na ang tauhan ay:
A. Nakakulong B. May sakit C. Nagtatago D. Natatakot
4. “Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na pinababayaan ang mga anak.”
Ang salitang nakasalungguhit ay nagpapahayag ng damdaming:
A. Galit B. Masaya C. Pagkatakot D. Pagtataka
5. Ang pagkakasunod-sunod ng mga salitang (1) daplis, (2) galos, (3) hiwa, at (4) saksak ayon sa
antas o tindi ng kahulugan nito ay:
A. 1,2,3,4 B. 2,1,3,4 C. 4,3,2,1 D. 1,3,4,2

Balikan
Bilang paghahanda, balikan natin ang ilan sa iyong mga natutuhan tungkol sa Kabisayaan.
Gawain A: Ilagay sa mga kahon ang mga salitang may kaugnayan sa pulo ng Kabisayaan. Pagkatapos
ay ilarawan ang mga salitang ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Panagbenga Festival Pagsasaka Isla Gigantes
Kalanggaman Island Ati-Atihan Festival Relihiyoso
Masisinop Pangingisda Sapatos
Isla Delos Siete Pecados Tela Boracay

1. 5.
6.
2.

3. 7.
4. 8.
Isa sa lugar na dinarayo ng mga turista sa Kabisayaan ang mga yamang-tubig na nakapalibot sa iba’t
ibang pulo nito katulad na lamang ng Isla ng Pitong Makasalanan. Ngunit ayon sa mga nakatatanda,
sa likod ng magagandang islang ito ay may isang malungkot na alamat.
Basahin ang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.
Gawain B: Ilagay sa bilog ang mga salitang may kaugnayan sa salitang nasa gitna. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

9
1 .
2. SUWAIL
4.

3.

Kung matatandaan mo sa iyong binasang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan, ang pagiging suwail
ng pitong dalaga sa kanilang ama ang nagdulot sa kanilang kasawian.

Tuklasin
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang damdaming ipinahahayag sa bawat pangungusap. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
A. Saya D. Pangamba G. Pag-aalala
B. Lungkot E. Pagsang-ayon H. Takot
C. Galit F. Dismaya I. Pagtanggi
___1. Mabuti na lamang at hindi tayo umalis ngayon.
___2. Hindi ko nais na mapasama ang iyong kinabukasan.
___3. Ikinagagalak kong makilala ang tulad mo.
___4. Hindi ko lubos maisip na magagawa mong itakwil ang iyong alaga.
___5. Isinusumpa kong hindi mo na ako makikita kahit kailan.
___6. Nag-aalangang umalis si Ana dahil nagbabadya ang pagbagsak ng ulan. ___7. Nagustuhan ni
Albert ang iminungkahing Gawain ng kaniyang mga kagrupo kung kaya’t ito ang kanilang naging
proyekto.
___8. Ramdam ni Jacob ang pagsunod ng mga yabag sa kanyang pag-uwi ng hatinggabi.
___9. Malakas na hinampas ni Gab ang lamesa nang makarating sa kaniya ang balita.
___10. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ni Eden habang huling sinisilayan ang kaniyang ama.

Suriin
Makikita ang nilalamang impormasyon sa SURIIN sa inyong Facebook Group.

Pagyamanin
Gawain 1: Kulayan ng pula ang puso kung ang salita ay tumutukoy sa positibong katangian
ng mga tauhan sa binasang alamat, at itim naman para sa mga negatibong katangian. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
1. mapagmahal 6. mayumi
2. masunurin 7. bulag sa pag-ibig
3. suwail 8. masiyahin 4. mapagpatawad 9.
masipag
5. tukso 10. Mahigpit

10
Gawain 2: Lagyan ng titik A-E ang mga salita batay sa kanilang digri o antas mula pinakamababaw
hanggang pinakamalalim na pagpapakahulugan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
SET A SET B
____1. Nagdadalamhati ____6. pagkawala
____2. Nagdaramdam ____7. pagkaubos
____3. Nalulumbay ____8. paglalaho
____4. Nalulungkot ____9. pagkasaid
____5. Naghihinagpis ____10. parang bulang nawala

Isaisip
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Sa iyong palagay, ano ang gampanin ng Alamat sa ating pinagmulan?
2. Magtala ng tatlong (3) mahahalagang katangian ng Alamat.
3. Bilang mag-aaral, paano mo hihikayatin ang iyong kapwa mag-aaral na tuklasin ang iba pang
mga Alamat sa ating bansa?

Isagawa
I. Panuto: Bumuo ng iyong sariling kathang alamat gamit ang
larawang nasa ibaba. Isaalang-alang ang mga sumusunod na
pamantayan sa pagsulat ng iyong alamat. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel. CAMBUGAHAY FALLS

Pamantayan 5 4 3 2 1
1. Malinaw na sinasalamin ng akda ang mga kaugalian, paniniwala,
tradisyon, lugar at pamumuhay.
2. May kaugnayan sa larawan ang kuwentong nakapaloob sa
alamat.
3. Masining ang pagsasalaysay ng mga pangyayari.
4. May kaayusan ang pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan sa
isinulat na alamat.
5. Kapupulutan ng aral.
6. Angkop ang mga tauhan at lugar na nakapaloob sa isinulat na
alamat

Pamantayan sa pagmamarka: 5 – Napakahusay: 4 – Mahusay; 3 – Medyo mahusay;


2 – Di-mahusay; 1 – Nangailangan pa ng pagpapaunlad

II. Panuto: Ikaw ay isang sikat na Blogger, bumuo ng isang journal blog tungkol sa iyong mga gawain
sa loob ng isang araw. Sundin ang sumusunod na pamantayan sa pagbuo ng iyong journal blog.
Pamantayan 5 4 3 2 1
1. Malinaw na sinasalamin ng iyong journal ang mga
pansariling karanasang nagaganap sa iyong pangaraw-araw na
buhay.

11
2. Naglalaman ng mga salitang di-lantad, mga pahayag na
nagpapahiwatig ng ekspresyon o damdamin, maging ng digri o
kaantasan ng mga salita.

3. Masining ang pagsasalaysay ng mga pangyayari.


4. May kaayusan ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.

5. Nakapupukaw ng interes ng mambabasa.


Pamantayan sa pagmamarka: 5 – Napakahusay: 4 – Mahusay; 3 – Medyo mahusay; 2 – Di-mahusay; 1
– Nangailangan pa ng pagpapaunlad

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang salitang
nakasalungguhit ay wasto at kung MALI ay isulat ang wastong salita sa iyong sagutang papel.
_____1. Ang mga Alamat ay karaniwang nagmula sa mga karunungang bayan.
_____2. Kilala ang mga Bisaya sa pagiging masunurin at masinop.
_____3. Noong unang panahon ay naipalilimbag na ang mga alamat ng ating mga ninuno.
_____ 4. Isa sa kagandahan ng alamat ay ipinakikilala nito ang mga kultura ng sinaunang
panahon sa kasalukuyan.
_____5. Sumasalamin ang epiko sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. _____6. Karaniwang
tema o paksa ng mga alamat ay kababalaghan o di- pangkaraniwang pangyayari.
_____7. Nakapaloob sa alamat ang mga makatotohanang naganap sa ating kasaysayan.
_____8. Karaniwang kinapupulutan ng aral ng mambabasa ang mga alamat. _____ 9. Mas kilala ang
mga Alamat kaysa sa Epiko dahil sa istruktura ng kuwento maging ang kaaliwang dulot
nito sa mambabasa.
_____ 10. Isa sa magandang dulot ng pananakop sa ating bansa ay ang pagkakalimbag ng
mga Alamat sa panahon ng mga Espanyol.
Panuto: Tukuyin ang damdaming ipinahihiwatig ng bawat pahayag. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
_____1. Ikinagagalak kong natagpuan ko na ang lalaking sasalba sa aking pagkalugmok sa
buhay.
_____2. Bakit hindi siya nagsasawang tumulong sa iba?
_____3. Tama na! Sobra na ang pasakit na dulot mo.
_____ 4. Masyadong maanghang ang dila mo, dahan-dahan ka lang sa iyong mga sinasabi.
_____5. Nakapanggagalaiti ang pagyapak ng may kapangyarihan sa mga dukha.

Karagdagang Gawain

Panuto: Ikaw ay isang manlalakbay na naikot na ang iba’t ibang magagandang lugar sa ating bansa,
bumuo ng iyong sariling likhang alamat tungkol sa paboritong lugar na iyong napuntahan. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
Pamantayan 5 4 3 2 1
1. Malinaw na sinasalamin ng akda ang mga kaugalian, paniniwala,
tradisyon, lugar at pamumuhay.
2. May kaugnayan sa napiling lugar ang kuwentong nakapaloob sa
alamat.
3. Masining ang pagsasalaysay ng mga pangyayari.
4. May kaayusan ang pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan sa
isinulat na alamat.

12
5. Kapupulutan ng aral.
6. Angkop ang mga tauhan na nakapaloob sa isinulat na alamat.

Pamantayan sa pagmamarka: 5 – Napakahusay: 4 – Mahusay; 3 – Medyo mahusay;


2 – Di-mahusay; 1 – Nangailangan pa ng pagpapaunlad
Panuto: Sumulat sa iyong sagutang papel ng 2 halimbawang pangungusap ng bawat salita o pahayag.

1. Kasuklam -suklam
2. Kapilas ng buhay
3. Dinurog ang puso
4. Tagong bayawak
5. Tumindig ang balahibo

Aralin Ikatlong Linggo:


Kaantasan ng Pang-Uri
3 (Mga Pahayag sa Paghahambing)

Alamin
Makakatulong ito upang malinang pa ang iyong kasanayang komunikatibo at

pasulat at inaasahang matatamo mo ang kasanayan sa:


Wika at Gramatika F7WG-IIC-d-8
Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas,
di-gaano, di-gasino at iba pa.

Subukin
Panuto: Piliin ang angkop na letra at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Ito ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay – turing sa pangngalan o panghalip.
A. Pandiwa B. Pang-uri C. Pang-abay
2. Pagkataba-taba ng aking alagang aso. Ang may salungguhit ay halimbawa ng kayarian ng Pang-
uri na _______.
A. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng Pang-uri.
A. malagkit B. nalito C. matalas
4. Napakasipag ng batang iyon sa talakayan sa klase. Ang may salungguhit ay halimbawa ng
Kayarian ng Pang-uri na _________.
A. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol
5. Ito ay nagpapakita ng pinakamatindi o pinakasukdulang katangian sa paghahambing ng higit sa
dalawang pangngalan o panghalip.
A. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol
6. Uri ng Pahambing na may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan.
A. Pasahol B. Palamang C. Pasukdol
7. Gumagamit ng mga salitang lalo, higit/mas, labis, di hamak sa paghahambing.
A. Palamang B. Pasahol C. Pasukdol

13
8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Kayarian ng Pang-uri na lantay A. Ang baho-baho ng
basura sa labas.
B. Nabighani ako sa proyekto ng DENR na white sand sa Manila Bay.
C. Magkasinghusay umawit si Regine at Sara.
9. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Pahambing na magkatulad.
A. Mas gusto ko pang magsalita si Leny kaysa kay Rod dahil naipapaliwanag niya ng maayos.
B. Ayon sa sarbey, mas mabait ang panganay kaysa sa pangalawang anak.
C. Magsingdami lang ang bilang ng kaso ng may COVID sa ospital at
Quarantine Facility.
10. Ang anyo ng pang-uri kung ito ay naglalarawan lamang ng iisang pangngalan o panghalip.
A. Lantay B. Paghahambing C.Pasukdol
11. Alin sa mga sumusunod ang tamang kaantasan ng pang-uri sa pangungusap na
“Ang aklat niya ay ________________ kaysa sa aklat ko.”
A. Makapal B. Mas Makapal C. Pinakamakapal
12. Ang bahay ni Ginong Alfonso ay malayo sa simbahan.Ang inilalarawan sa pangungusap ay
_________.
A. bahay B. Ginoong Alfonso C. simbahan
13. Ang baon mo ay higit na masarap kaysa sa akin. Ang pangungusap ay nagpapakita ng
pahambing na ________.
A. pasahol B. pasukdol C. palamang
14. Mas matamis ang ice cream kaysa Mangga. Ang may salungguhit sa pangungusap ay ______.
A. paksa B. inihahambing C. pinaghahambingan 15. Pinakadakilang
pag-ibig ang pag-aalay sa sariling buhay para sa bayan.Ang pang-uri sa pangungusap ay nasa
kaantasan ng pang-uri na __.
A. lantay B. pasukdol C. pahambing

Balikan
Bago simulan at matuto sa panibagong kaalaman, balikan natin ang Alamat ng Isla ng Pitong
Makasalanan.
Panuto: Iguhit at punan ng mga impormasyon ang dayagram mula sa Alamat ng Isla ng Pitong
Makasalanan. Isulat sa inyong sagutang papel.

Tuklasin
Basahin sa inyong Facebook Group ang gawain sa Tuklasin

Suriin

Pagyamanin
Basahin sa Facebook Group ang nilalaman sa SURIIN.
Ang Gawain 1 hanggang Gawain 5 ay inyong mababasa sa Facebook Group ng inyong
klase.

14
Isaisip
Panuto: Buuin ang pahayag na ginamitan ng mga kaantasan ng pang-uri. Isulat sa sagutang papel ang
sagot.
Natutunan ko na _______________________________________________.
Mahalaga ang mga pahayag na naghahambing at naglalarawan dahil
__________________________________________________________________.

Isagawa
Panuto: Mula sa Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan, punan ang talahanayan sa ibaba.Tukuyin ang
katangian ng mga tauhan sa alamat at ihambing ito sa iyong sarili. Gumamit ng mga salitang/pahayag
na naghahambing.Isulat ang sagot sa sagutang papel.
KATANGIAN NG PITONG SALITANG SARILI
ANAK NAGHAHAMBING

Tayahin

I. Panuto: Piliin ang angkop na letra sa sumusunod na pangungusap at isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ang karneng niluluto mo ay matigas pa. Ang paglalarawan na ginamit sa pangungusap ay
________.
A. luto B. karne C. matigas D. niluluto
2. Siya ang pinakamatinik sa aming klase. Walang tatalo sa kanya. Ang salitang may
salungguhit ay nangangahulugan ding _______.
A. pinakapayat C. pinakamayabang
B. pinakamataas D. pinakamatalino
3. Tunay na kahanga-hanga ang determinasyon ni Carlos nang makamit ang tagumpay sa
larangan ng Gymnastics. Ang pang-uri sa pangungusap ay nasa Kaantasan ng Pang-uri na ________.
A. Pahambing B. Lantay C. pasukdol D. maylapi
4. Di gaanong maganda ang kalagayan ngayon dahilan sa pagdami ng kaso ng COVID 19
ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang edukasyon. Ang pang-uri sa pangungusap ay
nasa Kaantasan ng Pang-uri na ________.
A. Pahambing B. Lantay C. pasukdol D. maylapi
5. Labis ang pinakitang pagkakaisa ng mga mamamayan ng Batangas City ng pumutok ang
Bulkang Taal. Ang pang-uri sa pangungusap ay nasa Kaantasan ng Pang-uri na ________.
A. Pahambing B. Lantay C. pasukdol D. maylapi
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na pahayag/salita sa paghahambing na di-
magkatulad.
A. Di-hamak B. Di-totoong C. Lalong D. mistula
7. Di-gasinong bilugan ang mukha ni Sandrine gaya ni Toni. Ang ginamit na pahayag upang
maipakita ang Hambingang pasahol ay _________.
A. gaya B. gasino C. di-gasino D. bilugan
8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Pahambing na magkatulad. A. Magkasing galing
si Tess at Ness sa pamamalakad ng negosyo.
B. Sing ganda niya ang iniidolo kong modelo.
C. Ang asawa ni Alfred ay kahawig ni Marian.

15
D. Lahat ng nabanggit.
9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi nagtataglay ng pang-uri na nasa
kayarian ng lantay?
A. Balingkinitan ang katawan niya
B. Damhin mo ang mahinhing dapyo ng amihan.
C. Kay gwapo ng iyong panganay na anak.
d. Sina Alexa at Erin ay magkasing pantay na ng taas.
10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi nagtataglay ng pang-uri na nasa
kayarian ng pasukdol?
A. Ubod ng galing sa matematika ang aking kapatid.
B. Hirap man siyang lumakad sa lupa at kailangan pang pasanin ngunit kapag nasa tubig
ay simbilis ng sireno sa paglangoy.
C. Hatid sundo ng ama ang batang hindi makalakad sa tuwing siya ay papasok sa
paaralan sapagkat lubha namang napakahirap sa batang ito ang pagpasok at pag-
uwi.
D. Lalong kahali-halina na tumulong sa batang ito dahil sa pagsusumikap niya kahit
siya ay may kapansanan.
II. Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga kaantasan ng pang-uri. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Salita Lantay Pahambing Pasukdol


1. matalas
2. mabango
3. makintab
4. maingay
5. malikot

Karagdagang Gawain

Panuto: Batay sa inyong natutuhan sa paghahambing at kaantasan ng panguri, bumuo ng talata


ng paglalarawan o paghahambing sa paraan ng pagdidisiplina o pamamalakad ng iyong mga magulang.
Gamitin ng maayos ang mga pahayag sa paghahambing sa pagbuo ng mga pangungusap. Isulat ang
nasabing talata sa sagutang papel.

Ikaapat na Linggo:
Aralin
PAGSULAT NG PANGULONG
4 TUDLING O EDITORYAL NA
NANGHIHIKAYAT
Alamin
Inaasahang matatamo mo ang kasanayan sa: F7PU-IIe-f-9
Naisusulat ang isang editoryal na nanghihikayat kaugnay sa paksa.
F7PU-IIg-h-10

16
Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng mga taga-
Bisaya sa kinagisnang kultura.

Subukin
A. Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang pagpapakahulugang ipinararating ng mga
sumusunod na pahayag.
1. Ang editoryal ay isang artikulong nagbibigay-kahulugan sa __________.
A. balita B. paksa C. panahon D. pangyayari
2. Ang editoryal ay isang lathalain sa sa pahayagan o magasin na nagsasaad ng
______________________.
A. balita C. pakikipagtalo ng editor.
B. kuru-kuro ng editor D. bajet sa pagpapaimprenta.
3. Ang nangingibabaw na katangian ng isang editoryal ay ang napapanahong pagtalakay sa
__________________.
A. mahahalagang balita B. suliranin ng bansa
C. seguridad ng editor D. pagkakaisa ng buong staff 4. Ang editoryal
ay kailangang magtaglay ng isa lamang ________.
A. kakintalan B. ideya C. paninindigan D. tono
5. Nagsisimula muna ang editoryal sa mga detalyeng _____________.
A. kilala patungo sa di-kilala C. kongklusyon patungo sa panimula B. di-kilala
patungo sa kilala D. mabisa patungo sa kaakit-akit 6. Iniiwasan sa editoryal ang
___________________.
A. magbigay-puri C. magpaunawa
B. manuligsa D. magbanta
7. Ang editoryal na naglalaman ng katotohanan ng pangyayari ay ______
A. nagpapabatid C. nagpapakahulugan
B. nagpaparangal D. nagbibigay ng reporma
8. Pinaparangalan o pinupuri sa editoryal ang mga taong ___________. A.
kapapanganak lamang.
B. may malaking kontribusyon sa larangang kanyang napili.
C. sumasang-ayon sa balita
D. sumusulat ng editoryal bilang libangan 9. Sa editoryal, ang wakas ang ______________.
A. nagpapakilala ng paksa C. nakalilibang
B. naglalahad ng tahasang sabi D. nagbibigay ng mungkahi 10. Sa pagsulat ng editoryal, ang
pagtawag-pansin, pagtatanong at pagsasalaysay ay ilan lamang sa magagamit na
_______________.
A. pamagat B. panimula C. katawan D. wakas
11. Basahin ang tukuyin ang layunin ng halimbawang editoryal.
Bakit Hindi Kumpiskahin?
Binalaan ni Sen. Juan Ponce Enrile si Sec. Mike Defensor ng Department of Environment and Natural
Natural Resources. Pinag-iingat ng senador senador ang kalihim sa pagkumpiska sa mga trosong
trosong inanod mula sa sa kabundukan ng Aurora. Binigyan din ng babala ang kalihim sa pagpapasara
sa mga logging firm kundi ay mahaharap diumano ito sa patung-patong na kaso mula sa mga may-ari
ng kumpanya. Sabihin na nating lehitimo lehitimo ang mga kumpanyang may-ari ng mga trosong
inanod sa kasagsagan ng bagyo. Subalit bakit pinabayaan ang mga ito at hindi dinala kaagad sa mas
ligtas na lugar pagkatapos putulin kaya nagdulot tuloy ng panganib sa buhay ng mga residente? Ngayon
ay nakahambalang lamang ang mga troso. Hahayaan na lamang ba na mabulok ang mga ito gayong
wala pang logging firm ang umaangkin at kumukuha sa mga pinutol nitong puno kung sa kanila nga
ang mga ito?
-Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 12, 2004, p. 4 Ang
editoryal ay nagpapahayag na ________________.
A. nagpapabatid. C. nagbibigay-puri
17
B. nagpapahalaga sa tanging araw D. lumilibang
12. ________________ may magagawa ang bawat isa sa atin upang makabuluhan ang buhay natin sa
mundo.
A. Totoo akong C. Naniniwala akong
B. Tunay akong D. Nagdududa akong
13. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi kabilang sa mga pang-ugnay na ginagamit sa
panghihikayat?
A. tunay B. talaga C. subalit D. ikalaw
14. Tunay nga! Kapag nakapag-aral at natututo ay magagamit nila ang natutuhan para makamtan ang
kanilang mga karapatan ayon sa itinadhana ng batas 8371. Alin sa mga sumusunod na salita ang
nanghihikayat?
A. kanilang B. karapatan C. tunay nga D. ayon sa
15. _________akong may magagawa ang bawat isa sa atin upang matulungan ang mga kapatid nating
katutubo.
Alin sa mga sumusunod ang angkop na salitang nanghihikayat?
A. Naniniwala B. Ngayon na C. Tumpak D. Ito na

Bal ikan
Bago simulan at matuto sa panibagong kaalaman, balikan natin ang tradisyong nabanggit sa dulang Ang
Tambuli ni Ilig.
A. Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang mga makukulay na tradisyon ng mga Subanon.
Caňao Pamamanhikan Kanu Suhat Panghaharana
Paniniwala kay
Karangaya Mashanona Sebay
Kabunian
Seremonyas sa kasal Sermonyas sa
Tumutod Pamamalae
Paglilibing

Tuklasin
Panuto: Simulan naman nating basahin ang tekstong “MODERNISASYON AT TRADISYON” na
isinulat ni Ma. Teresa Padolina Barcelo. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa
sagutang papel ang iyong sagot.
1. Ano ang paksang tinalakay sa editoryal?
2. Paano inilahad ng sumulat ang kaniyang mga opinyon?
3. Suriin sa teksto ang mga salitang may salungguhit, ano ang naging tungkulin nito sa mga
pangungusap na pinaggamitan nito?
4. Nakatulong ba ang mga salitang nasusulat ng nakadiin sa paglalahad ng mga opinyon sa paksang
tinatalakay? Patunayan.
5. Ano ang tawag sa nasabing mga salita?
Balikan ang binasang editoryal, makikilala mo kaya ang mga ginamit nila na mga salitang
nanghihikayat?
Sa pagnanais na mahikayat ang mambabasa sa isang opinyon o pananaw, makatutulong ang paggamit
ng angkop na mga salita para sa layuning ito. Sa panghihikayat, nililinaw rin nito ang dahilan kung
bakit dapat susugan ang isang gawain.

Suriin
Basahin ang mga impormasyon sa Suriin sa inyong Facebook Group

18
Pagyamanin
Ang Gawain 1 hanggang Gawain 6 ay inyong makikita sa Facebook Group ng inyong klase.

Isaisip
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Gawin sa sagutang papel.
A. Nailalarawan ba sa mga dula ang mga kakaibang pagdiriwang na ginagamit ng mga taga-Visayas?
Patunayan.
B. Bakit mahalaga ang mga pang-ugnay sa pagbuo ng editoryal na nanghihikayat?

Isagawa
Panuto: Sumulat ng isang editoryal na nanghihikayat tungkol sa tradisyonal na pagdiriwang sa isang
lugar sa Visayas na ang batayan ay ang mga impormasyong makukuha sa mula sa Youtube link na:
youtube.com/watch?v=44kSCzgXgys.
Isaalang-alang ang gamit ng mga pang-ugnay. Isulat sa sagutang-papel.
Pamantayan sa Pagmamarka Marka

Nakaaagaw-pansin ang simula at wakas ng editoryal 5

Ang katawan ay nagkapaglahad ng mga katibayan na magpapatunay 5


sa opinion
Malinaw at maayos ang paglalahad mensaheng nais ipahayag ng 5
editoryal
Wasto ang gramatika 5

Tayahin
A. Panuto: Bilugan ang mga pahayag o salitang nanghihikayat sa mga sumusunod na pangungusap.
1. Totoong ang industriya ng turismo ang isa sa mga naapektuhan ng pandemya sa Kabisayaan.
2. Siguradong makakabangon muli tayo sa tamang panahon.
3. Naniniwala akong isang magandang bukas ang naghihintay sa atin sa kabila ng paghihirap sa
pandemyang ito.
4. Kaya natin malampasan ang pagsubok basta maging positibo tayo sa buhay.
5. Talagang ito ay isang pangarap na unti-unti ng matutupad.
6. Ito na ang tamang panahon upang bawat isa ay gumanap sa ninanais nating pagbabago.
7. Anuman ang estado ng kanilang pamumuhay, kitang-kita mo na bawat isa sa kanila ay nakikiisa
sa programa ng lokal na pamahalaan.
8. Tara! Ito ang tamang panahon upang lahat ay kumilos.
9. Sama na sa pagsulong ng isang magandang kinabukasan sa lahat.
10. Tama ang hangarin ng pamahalaang maipaabot ang edukasyon maging sa pinakamalayo
mang lugar.
B. Panuto: Isulat sa patlang kung anong uri ng pangulong tudling o editoryal ang nilalarawan sa bawat
bilang.
1. Layunin ng editoryal na ito talakayin ang magkabilang panig sa kabila ng katotohanang
ipinagtatanggol niya ang isa sa mga ito.
2. Ang tanging layunin ng editoryal na ito ay mabigyan ng kabatiran.

19
3. Layunin ng editorial na ito na magpahalaga sa isang taong namayapa, na may nagawang
pambihirang kabutihan.
4. Tinatalakay ng editoryal na ito sa anumang panig ng buhay, kaya’t madalas na nakawiwili ang
paksa.
5. Editoryal na ipinaliliwanag ang kahalagahan ng mga tanging okasyon tulad ng Pasko.

Karagdagang Gawain
A. Panuto: Pumili ng isang larawan at sumulat ng isang editoryal na nanghihikayat.
1. 3.

2. 4.

Pamantayan sa Pagmamarka

Marka
Kawili-wiling panimula 10
Maayos at malinaw ang paglalahad ng ideya 15
Ang katawan ng editoryal ay naglamaman ng mga sapat na patunay na nagbibigay- 15
katwiran sa opinyon
Ang pangwakas ay nagbibigay ng mungkahi, tagubilin o panghamon 5

Maayos ang pagkakasulat ng editoryal. Wasto ang mekaniks at gramtika. 5

Aralin Ikalimang Linggo:

5 Awiting-Bayan
(Pangwakas na Gawain)

Alamin
Iyong matatamo ang layunin na:
20
A. Naususuri ang kulturang nakapaloob sa awiting bayan. (F7PB-lli-12)
B. Nagagamit ang mga kumbensyon sa pagsulat ng awit (sukat, tugma, tayutay, talinghaga, at iba
pa. (F7WG-llj-12)

Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot batay sa
hinihingi ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay isang tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan,
pananampalataya, gawain o hanap buhay ng mga taong naninirahan sa isang pook.
A. bulong B. sayaw C. awiting bayan D. korido
2. Bago pa lamang dumating ang mga Kastila’y mayroon nang mga awiting bayan ang mga
Pilipino at ang mga ito’y isinalin nila sa mga sumusunod na _________.
A. salin ng lahi B. anito C. kapaligiran D. bathala
3. Ang mga unang awit ay mga anyong _______ rin, ngunit may mga tugtugin at indayog na ayon
sa damdamin, kaugalian at himig ng pag-awit noong unang panahon.
A. tula B. dula C. kwentong bayan D. epiko
4. Alin ang angkop na salita upang mabuo ang awiting-bayan. Sagwan, tayo'y sumagwan, Ang
buong kaya'y ibigay.
Malakas ang ______, Baka tayo'y tanghaliin, Pagsagwa'y pagbutihin.
A. hangin B. tingin C. akin D. awitin
5. Alin sa sumusunod ang mensahe ng awiting-bayan na ito?
“Tra, la, la, la, Ako’y nagtanim ng binhi, Sumibol, nabuhay. Di
naglao’t namunga, Ang bunga’y naging binhi.” A. nagpapakita ng pagmamahal
sa bayan.
B. nananalangin nang hindi maganda bilang ganti sa ginawang masama
C. nagbunga ng masaganang ani ang itinanim na binhi
D. nagpapamalas ng pagtutulungan
6. Ito ay nagsasaad ng kabuuang mga damdamin at mga saloobing ipinangangako ng pag-ibig.
A. Oyayi B. Kundiman C. Tagumpay D. Dalit
7. Ang katawagan sa awiting nagpapatulog ng sanggol. Kalimitang ang mga awiting ito ay walang
kahulugan, inaawit lamang sa isang malambing na himig upang makatulog ang isang bata.
A. Kumintang B.Diona C. Soliranin D. Oyayi
8. Ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma. Subalit kalauna’y
nilapatan ito ng _____ upang maihayag nang paawit at mas madaling matandaan o masaulo.
A. himig B. bulong C. sayaw D. liriko
9. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng awiting-bayan?
A. Pasalitang pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo.
B. Naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapaalala sa
kabataan kaugnay ng mga dapat ikilos at gawin.
C. May iba’t ibang uri ito batay sa sitwasyon o layunin ng pagkakabuo nito.
D. Ginagamit bilang pagbibigay-galang o pagpapasintabi sa mga bagay o pook.
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng awiting bayan?
A. Dandansoy C. Leron-leron Sinta
B. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa D. Bahay Kubo 11. Alin sa sumusunod ang mensahe
ng awiting-bayan na ito? “Sagwan, tayo'y sumagwan, Ang buong kaya'y ibigay.
Malakas ang hangin, Baka tayo'y tangayin, Pagsagwa'y pagbutihin.”
A. nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan
B. nagpapamalas ng pagtutulungan
C. nagbunga ng matiyagang pagsasama
D. nagpapakita ng kagandahang asal

21
12. Alin sa sumusunod ang mga nakasanayang gawin ng mga taga-Bisayas na ipinapahiwatig sa
awiting-bayang ito?
Si Felimon, si Felimon, nangisda sa karagatan, Nakahuli,
nakahuli, ng isdang tambasakan,
Pinagbili, pinagbili, sa isang munting palengke Ang
kaniyang pinagbilhan, pinambili ng tuba.
A. umiinom ng tuba para mawala ang pagod
B. umiinom ng tuba para makagala
C. umiinom ng tuba para makatakas sa gawain
D. umiinom ng tuba para masunod ang layaw
13. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang iniuugnay sa:
A. pagiging tamad C. pagiging maramdamin
B. pagiging masayahin D. pagiging madiskarte
14. Ang awiting-bayan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay karaniwang inuugnay sa:
A. kayamanan ng isang bayan
B. pagdurusang pinagdadaanan ng bayan
C. mga kasabihan ng matatanda
D. Kultura’t kaugalian ng isang bayan
15. Alin sa mga sumusunod ang Hindi kabilang sa wikang sinasalita ng mga tagaBisaya?
A. Waray- waray B. Hilgaynon C. Sugbuwanon D. Kapangpangan

Balikan
Panuto: Tukuyin ang mga Uri ng awiting-bayan ng Visayas sa tulong ng mga ginulong letrang
nakapaloob bilohaba. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Awit ng mga mangingisda SLOINIRAN TDAWAILN
2. Awit ng mga bangkero
3. Awit sa mga ikinakasal DOIAN YIYO A
4. Awit pampatulog sa mga
NKIUMATNG ITADL
bata
5. Awit sa digmaan
6. Awit sa simbahan SMBATONAI WALITB
7. Awit sa pagtatagumpay
8. Awit ng pag-ibig KUNGAT - KUNGAT AW DUNG
9. Awit sa patay ng Ilokano
10. Awit sa lansangan

Tuklasin
Panuto: Bumuo ng tula mula sa mensaheng nais ipahiwatig ng mga larawan, at lapatan ng
tono na ilalagay sa katapat na simbolong G-clef. Pagkatapos, sagutin ang gabay na tanong. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

Gabay na tanong:
1. Sa iyong palagay, masasalamin ba sa mga awiting -bayan ang paniniwala, pamahiin uri ng
pamumuhay ng mga tao sa Bisayas? Patunayan.

22
Suriin
Basahin ang impormasyon sa Surrin sa inyong Facebook Group.

Pagyamanin
Ang Gawain 1 hanggang Gawain 5 sa PAGYAMANIN ay makikita sa inyong Facebook
Group.

Isaisip
Nais kong malaman ang kaganapan ng iyong pagkaunawa sa buong Modyul sa pamamagitan
ng pagdurugtong ng mga pahayag sa sumusunod:
1. Nalaman ko _________________________________________________________
2. Naramdamam ko ____________________________________________________
3. Nabigyang-halaga ko ________________________________________________

Isagawa
Panuto: Ngayong batid mo na ang lahat tungkol sa panitikang Visayas, handang-handa ka na
sa pagsasagawa ng isang awtput. Sundin ang nasa ibaba.
1. Susulat ka muna ng maikling tulang may sukat at tugma tungkol sa anumang bagay na
maaaring magpakilala sa kultura ng Visayas. Magsisilbi itong orihinal na liriko ng iyong awiting-
bayan. Sikaping gumamit ng mga salitang nauunawaan ng tulad mong kabataan sa kasalukuyan.
Maaaring gamiting batayan ang natutuhang sukat, tugma, talinghaga o tayutay.
2. Pagkatapos na mabuo ang maikling tula, lapatan mo ng angkop na tono upang maging isang
awiting-bayan.
3. Iparinig ang nabuong awiting-bayan sa mga kamag-aral upang mabigyan ng puna at mungkahi.

Pamantayan sa Pagmamarka
a) gamit ang wika ng kabataan …………………………………. 10
b) orihinal na liriko ………...……………...…………………………. 25
c) may sukat, tugma, talinghaga …………..……………………….. 20
d) may ugnayan ang mga liriko sa bawat bahagi ..…………… 15
e) naglalarawan ng kultura ng isa sa mga lugar sa Visayas ……. 15
f) may hikayat ang himig na inilapat ………………………………. 15
KABUUAN 100

Tayahin
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang nakasanayang gawin ng mga taga-Visayas matapos magtrabaho?
Si Felimon, si Felimon, nangisda sa karagatan,
Nakahuli, nakahuli, ng isdang tambasakan, Pinagbili,
pinagbili, Sa isang munting palengke Ang kaniyang
pinagbilhan, Pinambili ng tuba.
A. Isa sa pangunahing kabuhayan sa Bisayas ang pangingisda.
B. Libangan ng mga tao sa Bisayas ang pangingisda.
C. Mahilig mangisda ang mga tao sa Bisayas.
D. Isdang tambasakan lang ang kanilang na huhuli.

23
2. Ano ang mensahe ng awiting-bayan na ito?
“Tra, la, la, la, Ako’y nagtanim ng binhi, Sumibol, nabuhay, Di
naglao’t namunga, Ang bunga’y naging binhi. A. Nagpapakita ng kagandahan ng
kapaligiran.
B. Nagbunga ng masaganang ani ang itinanim na binhi
C. Pagtutulungan sa pagtatanim ng mga buto.
D. Nanalangin ng isang bunga na makakain.
3. Ano ang mensahe ng awiting-bayan na ito?
Batang munti, Matulog na, Wala rito ang iyong nanay, Siya’y
bumili ng tinapay, Batang munti, matulog na. A. Matutulog ang sanggol kahit
wala ang kanyang ina.
B. Ang pag-awit para sa matanda ay bahagi ng kulturang Bisaya.
C. Ang pag-awit para maging mahusay na mang-aawit.
D. Inaawitan ang sanggol upang ito’y mahimbing na makatulog kahit umalis ang kanyang ina.
4. Isa sa mga kahalagahan sa pagbuo ng isang awiting-bayan ay napatutunayang ang kulturang
nakapaloob na sadyang sumasalamin sa sariling lugar. Ano ang nais ipabatid nito?
A. Ang mga awiting-bayan ay mahalaga sa buhay.
B. Ang awiting-bayan ay nabuo lamang ng ating mga ninuno.
C. Ang awiting-bayan ay kinakikitaan ng ating pagiging Pilipino.
D. Ang awiting-bayan ay kumakatawan sa bayang pinanggalingan.
5. Ano ang kulturang nakapaloob sa awiting-bayan?
“Dandansoy, iiwan na kita, Babalik ako sa payaw
Kung sakaling ika’y mangulila, Sa payaw, ikaw ay tumanaw.” A. Isang
kaugaliang iniiwan ang mga minamahal.
B. Muling magbabalik ang minamahal na nangungulila.
C. Kultura ng mga taga-Bisaya ang maghintay sa muling pagbabalik ng minamahal at alalahanin
ang masayang nakalipas
D. Tanging alaala na lamang ng nakalipas ang gugunitain ng isang taong iniwan.
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga uri ng awiting-bayan?
A. Kundiman C. Talindaw
B. Oyayi o Hele- D. Balitawtaw
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga kahalagahan ng awitingbayan?
A. Ang mga kantahing-bayan ay nagpapakilala ng diwang makata.
B. Ang mga kantahing-bayan natin ay nagpapahayag ng tunay na kalinangan ng lahing
Pilipino.
C. Ang makata ay nakabubuo ng awiting-bayan na sumasaklaw lamang sa kapaligiran.
D. Ang mga kantahing-bayan ay mga bunga ng bulaklak ng matulaing damdaming galing sa
puso at kaluluwang bayan.
8. Itoy tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
A. Sukat B. saknong C. Tayutay D. taludtod
9. Ito ay tumutukoy sa saglit na tigil o paghinto sa ikaanim na pantig ng bawat taludtod.
A. Hinto B. Sesura C. Sensura D. hudyat
10. Ito ang paggamit ng masining na salitang nagbibigay ng higit na kariktan sa tula.
A. Pagtutulad o simili C. Metapora
B. Tayutay D. Pagmamalabis
11. Nagsimula ang awiting-bayan bilang mga tula o tugma, nilapatan lamang ito ng
_____________ kaya’t nabuo ang makatawag-pansing mga awiting-bayan.
A. himig o melodiya B.sesura C. tunog D. diin 12. Ang awiting-bayan ay
karaniwang iniuugnay sa:
A. materyal na kaugalian ng isang bayan
B. pagkalugmok ng isang bayan
C. kultura’t kaugalian ng isang bayan

24
D. Kalusugan ng isang bayan
13. Anong uri ng tugmaan ang sumusunod na bahagi ng awiting-bayan? Magtanim ay 'di Biro
Magtanin ay 'di biro Braso ko’y namamanhid
Maghapong nakayuko Baywang ko’y nangangawit. Di man lang
makaupo Binti ko’y namimitig Di man lang makatayo
Sa pagkababad sa tubig.
A. Tugmang ganap C. Tugmang unahan
B. Tugmang di ganap D. Tugmang hulihan
14. Tukuyin ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng bahagi ng awiting bayan.
Balud (isinalin mula sa Waray)
Tila nag-aapoy, mapupulang langit
Maging itong dagat, tila nagngangalit
Siguro ay may nagkaingin kung saan
Malakas na hangin ang dumadaluyong.
A. 12-12-12-13 C. 12-14-12-12
B. 12-13-12-16 D. 12-12-12-12
15. Ito ay isang tayutay na gumagamit ng mga katangian ng mga tao at inihahantulad sa mga mga
bagay na walang talino tulad ng hayop, bagay, at iba pa.
A. Pagmamalabis B. Personipikasiyon C. Pagtutulad D. pagtanggi

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang Tula na ang paksa ay may kaugnayan sa mga


magigiting na front liners ng bansa na lalapatan ng himig. Gawin ang awtput na ito sa tulong GRASP.
GOAL : Naitatanghal ang orihinal na liriko ng awiting bayan gamit ang wika ng mga kabataan.
ROLE: Ang inyong banda ang napiling umawit ng nanalong komposisyon ng awiting bayan.
AUDIENCE: Mga kabataang mahilig sa musika. Ito ay maaaring iupload sa social media upang
maraming makakita.
SITUATION: Kinausap kayo ng isang hurado at kompositor sa isang patimpalak. Nais niya kayong
magbigay buhay sa kanyang komposisyon sa pamamagitan ng pag-awit nito. Gusto niyang ialay ang
kanyang likhang awit sa mga FRONT LINERS.
PRODUCT: Masining na pagtatanghal ng Awiting- Bayan gamit ang makabagong teknolohiya.
Pamantayan sa Pagmamarka
a) gamit ang wika ng kabataan …………………………………. …. 10
b) orihinal na liriko ………...……………...…………….……………. 20
c) may sukat, tugma, talinghaga …………..……….………………..20
d) may ugnayan ang mga liriko sa bawat bahagi ……………… 10
e) naglalarawan sa paksa …………………………………….………15
f) may hikayat ang himig na inilapat ……………………………….. 15
g.)nagagamit ang makabagong teknolohiya……..………………10
KABUUAN 100

25
26
Lingguhang Gawaing Pampagkatuto

Asignatura : Filipino 7 Baitang: 7


Linggo : Unang Linggo Markahan : Ikalawa

Araw at Oras Lawak ng Kasanayang Gawaing Pampagkatuto Dulog ng


Pagkatuto Pampagkatuto Pagtalakay
Unang F7PN-IIa-b-7 A. Alamin ADM/ Modyul
Linggo Pag-unawa sa Paglalahad ng mga kasanayang SLM
-Awiting-bayan; pampagkatuto.
-Bulong; Antas Napakinggan ( Selflearning
B. Subukin
ng ng wika batay sa Naipaliliwanag ang Gawain 1.
Materials)
pormalidad ng kaisipang nais Pagkilala sa mga pahayag kung tama o mali Live
pagkakagamit. iparating ng at ang pagsulat ng wastong salita upang mabuo Streaming
at maging tama ang diwa ng pangungusap.
napakinggang Gawain 2: Video Lesson
bulong at awiting- Pagtukoy sa mga salitang hindi kabilang sa
bayan pangkat.
F7PB-IIa-b-7 C. Balikan
Gawain 1: Pagtukoy sa mga salitang
Pag-unawa sa nanghihikayat.
Binasa Gawain 2: Pagkilala sa kultura ng mga taga-
Bisaya sa pamamagitan ng mensahe mula sa
Nabubuo ang sariling kanilang mga awiting-bayan.
paghahatol o D. Tuklasin
pagmamatuwid sa Gawain 1: Pagsusuri sa mensaheng nais
ideyang nakapaloob sa iparating ng awiting-bayang
akda na “Bahay-Kubo”
Gawain 2: Pagsusuri sa paraan ng pamumuhay
sumasalamin sa sa pamamagitan ng mga larawan.
tradisyon ng mga Gawain 3: Pagsusuri sa mga salitang ginamit
taga-Bisaya sa usapan at ang pagtukoy sa antas ng wika.
F7WG-IIa-b-7 E. Suriin
Wika at Gramatika - Pagbibigay-linaw sa mga
kaisipang nais iparating ng bulong at awiting
Nasusuri ang antas ng bayan na sumasalim sa tradisyon at kultura ng
wika batay sa kabisayaan.
pormalidad na - Nakikilala ang antas ng wika
batay sa pormalidad na ginamit sa bulong at
ginagamit sa pagsulat awiting-bayan.
ng awiting-bayan F. Pagyamanin
(balbal, kolokyal, Gawain 1: Paglalahad ng paghahatol sa
lalawiganin, pormal) pamamagitan ng pagsang-ayon o di pagsang-
ayon. Gawain 2: Pagkilala sa mga tradisyon
at kultura ng mga taga-Bisaya.
Gawain 3: Pagsusuri sa Antas ng Wikang
ginamit sa pangungusap.
G. Isaisip
Dugtungang pahayag
H. Isagawa
Pagbuo ng Panawagan na ginamitan ng
Antas ng wika batay sa pormalidad nito.
I. Tayahin
Pagkilala sa mga angkop na salitang hinihingi
sa bawat bilang.
J. Karagdagang Gawain:
Pagtukoy sa uri ng awiting-bayan at ang
pagbuo ng pagpapaliwanag na ginamitan ng
iba’t ibang antas ng wika.

27
Lingguhang Gawaing Pampagkatuto

Asignatura : Filipino 7 Baitang: 7


Linggo : Ikalawang Linggo Markahan : Ikalawa

Araw at Oras Lawak ng Pagkatuto Kasanayang Gawaing Pampagkatuto Dulog ng


Pampagkatuto Pagtalakay

28
Ikalawang Alamat at F7PB-IIc-d-8 A. Alamin ADM/
Pag-unawa sa Paglalahad ng mga kasanayang
Linggo Kaligirang pampagkatuto. Modyul
Binasa SLM
Pangkasaysayan; Nahihinuha ang
B. Subukin
Naglalaman ng Gawain A at ( Selflearning
Mga Salitang may kaligirang B Materials)
Digri o Antas, Di- pangkasaysayan ng C. Balikan
binasang alamat ng Naglalaman ng Gawain A at B
Live
Lantad at mga Kabisayaan. D. Tuklasin Streaming
Pahayag na F7PT-IIc-d-8/ Pagtukoy sa mga damdaming Video
Nagsasaad ng F7PT-II e-f-9 nais ipahiwatig ng bawat
pangungusap.
Lesson
Damdamin Paglinang ng E. Suriin
Talasalitaan Pagtalakay sa ss: -
Naibibigay ang Kahulugan ng Alamat; - Digri
kahulugan at o Antas ng kahulugan ng salita;
sariling interpretasyon - Pagkilala sa mga salitang di-
sa lantad/lantad na pagpapakahulugan;
mga salitang paulit-ulit -Pagtukoy sa mga salitag
nagpapahiwatig ng
na ginamit sa akda, damdamin. F. Pagyamanin
mga salitang ibaiba ang Gawain 1: Pagtukoy sa mga
digri o antas ng katangian ng mga tauhan sa Alamat.
kahulugan Gawain 2: Pagtukoy sa digri o antas
(pagkiklino), mga di ng gamit ng salita.
pamilyar na G. Isaisip
salita mula sa akda, at -Paglalahad ng sariling kaisipan/
mga hinuha kung paano makakahikayat sa
salitang pagtuklas ng iba pang Alamat.
H. Isagawa
nagpapahayag ng Paglikha ng sariling katha/ journal
damdamin blog kaugnay sa tinalakay na paksa.
I. Tayahin
Naglalaman ng dalawang
gawain na susubok sa kaalaman
ng mga magaaral.
J. Karagdagang Gawain

Lingguhang Gawaing Pampagkatuto

Asignatura : Filipino 7 Baitang: 7


Linggo : Ikatlong Linggo Markahan : Ikalawa

Araw at Oras Lawak ng Pagkatuto Kasanayang Gawaing Pampagkatuto Dulog ng

29
Pagtalakay

Pampagkatuto

Ikatlong Wika at Gramatika: F7WG-IIC-d-8 A. Alamin ADM/


Pagkilla sa mga pahayag sa
Linggo Kaantasan ng Wika at paghahambing sa pamamagitan ng kaantasan Modyul
Pang-uri ( Mga Gramatika ng pang-uri. SLM
B. Subukin
Pahayag sa Nagagamit nang Pagsubok sa kaalaman ng mgamag-aaral ( Selflearning
Paghahambing maayos ang kaugnay sa Kaantasan ng Pang-uri. Materials)
C. Balikan
mga pahayag Pagkuha ng mga impormasyon
Live
sa kaugnay sa nakaraang aralin. D. Streaming
paghahambing Tuklasin Pagsusuri sa teksto sa
pamamagitan ng pagtukoy sa mga salitang
Video
(higit/mas, digaano, naglalarawan at Lesson
di-gasino at iba pa. naghahambing na matatagpuan dito.
E. Suriin Pagtalakay sa mga ss:
-Kahulugan ng Pang-uri;
Kaantasan ng Pang-uri;
-Mga uri ng paghahambing
F. Pagyamanin
Gawain 1: Pagkilala sa mga ginamit na salita
ayon sa kaantasan ng pang-uri.
Gawain 2: Paggamit nang wastong salita
ayon sa kaantasan ng panguri.
Gawain 3: Pagukoy sa mga paghahambing
na salitang ginamit sa pangungusap kung
Palamang o Pasahol.
Gawain 4: Paggamit ng angkop na salitang
hambingan upang mabuo ang diwa ng
pangungusap,
Gawain 5: Paglikha ng pangungusap na
ginamitan ng mga salitang naghahambing.
G. Isaisip
Pagbuo ng pahayag na ginamitan
ng mga kaantasan ng pang-uri. H.
Isagawa Paghahambing ng mga
katangiang taglay ng mga tauhan sa akdang
binasa batay sa pansariling karanasan na
ginamitan ng mga salitang naghahambing.
I. Tayahin
Pagsubok sa kaalamang natamo ng mag-
aaral na naglalaman ng dalawang gawain.
J. Karagdagang Gawain
Paglikha ng talata na gagamitan ng mga
salitang naghahambing.

30
Lingguhang Gawaing Pampagkatuto

Asignatura: Filipino 7 Baitang: 7


Linggo: Ikaapat na Linggo Markahan: Ikalawa

Araw at Oras Lawak ng Pagkatuto Kasanayang Gawaing Pampagkatuto Dulog ng


Pampagkatuto Pagtalakay

31
ADM/
Modyul
SLM
( Selflearning
Materials)
A. Alamin
Live
Ikaapat F7PU-IIe-f-9 Streaming
Pagsulat ng Pangulong-Tudling o
Linggo Pagsulat ng Naisusulat ang isang Editoryal na Nanghihikayat Video Lesson
Pangulong editoryal na B. Subukin
Pagpapakahulugan sa mga salita at mga pang-
nanghihikayat
Tudling o kaugnay sa paksa.
ugnay na ginamit sa panghihikayat.
C. Balikan
Editoryal na F7PU-IIg-h-10 Pagkilala sa mga tradisyon nga mga
taga-Bisaya
Nanghihikayat Naisusulat ang isang D. Tuklasin
tekstong naglalahad Pagsusuri sa isang halimbawang editoryal.
E. Suriin
tungkol sa Pagtalakay sa mga sumusunod na aralin:
pagpapahalaga - Mga Pahayagn na ginagamit sa
ng mga taga- panghihikayat;
- Pamamaraan at tuntunin sa
Bisaya sa kinagisnang pagsulat ng pangulong-tudling o editoryal
kultura. (tatlong bahagi ng editoryal);
- Mga uri ng editoryal
F. Pagyamanin
Gawain 1: Pagkilala sa mga salitang ginamit
sa panghihikayat.
Gawain 2: Paglikha ng pangungusap na
ginamitan ng mga salitang nanghihikayat.
Gawain 3: Paglikha ng pangungusap na
nagpapahayag ng opinion na isasaalang-alang
ang mga pangugnay/salitang ginamit na
naghihikayat.
Gawain 4: Pagkilala sa mga
panuntunan sa pagsulat ng editoryal, Gawain
5: Paglalahad ng sariling opinyon hinggil sa
mensaheng isinasaad mula sa larawan.
Gawain 6: Paglikhng muli ng editoryal sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga panuntunan
sa pagsulat ng editoryal na ginamitan ng mga
salitang nanghihikayat.
G. Isaisip
Paglikha ng sariling opinyon kaugnay sa
kultura ng mga taga-Bisaya na ginamitan ng
mga salitang nakapanghihikayat.
H. Isagawa
Pagsulat ng isang editoryal na nanghihikayat
tungkol sa tradisyonal na pahdiriwang sa
isang lugar sa Visayan at isasaalang-alang
ang mga panuntunan nito.
I. Tayahin
Pagkilala sa mga salitang
nanghihikayat at mga uri ng
editoryal.
J. Karagdagang Gawain
Pasulat ng isang editoryal

Lingguhang Gawaing Pampagkatuto

Asignatura : Filipino 7 Baitang: 7


Linggo : Ikalimang Linggo Markahan : Ikalawa

Araw at Oras Lawak ng Kasanayang Gawaing Pampagkatuto Dulog ng


Pagkatuto Pampagkatuto Pagtalakay

32
Ikalimang Awiting A. Pagsulat A. Alamin ADM/
Ang pangwakas na bahagi ng modyul kung
Linggo Bayan Naususuri ang saan ay matatamo ng mag-aaral ang mga Modyul
kulturang kasanayan na masuri, maunawaan at SLM
(Pangwakas na mapahalagahan ang panitikan at kultura ng
nakapaloob sa ( Selflearning
gawain) awiting bayan.
Visayas.
B. Subukin Materials)
(F7PB-lli-12) Pagsubok sa kaalamang taglay mula sa mga
Live
nkaraang gawain.
B. Pagsulat C. Balikan Streaming
Pagkilala sa mga uri ng awitingbayan ng
Visayas. Video
Nagagamit ang D. Tuklasin Paglikha Lesson
mga kumbensyon ng tula mula sa mensaheng nais ipahiwatig ng
mga larawan.
sa pagsulat ng awit E. Suriin
(sukat, tugma, Pagtalakay sa mga sumusunod na aralin:
-Kahulugan ng Awiting-bayan;
tayutay, talinghaga, -Elemento ng Tula
at iba pa. (F7WG- - Mga Kahalagahan ng Awiting
bayan
llj12) F. Pagyamanin
Gawain 1: Pagsusuri sa mga awitingbayan sa
pmamagitan ng pagtukoy
sa sukat nito. Gawain 2: Pagsusuri sa mga
awiting-bayan sa pamamagitan ng pagtukoy
sa uri ng taludturan nito. Gawain 3:
Pagkilala sa mga salitang nagtataglay ng mga
Tugmang ganap at di-ganap sa mga awiting
bayan. Gawain 4: Pagsusuri sa mga
awiting-bayan sa pamamagitan ng pagtukoy sa
paksa at mensahe ng awit na nagpapakita ng
kultura ng mga Bisaya.
Gawain 5: Pagpapaliwanag sa mga
katangian, kaugalian, paniniwala, pamahiin
at uri ng pamumuhay ng taga-Bisayas na
sinasalamin sa kanilang awiting-bayan.
G. Isaisip
Dugtungang pahayag sa mga araling
natutuhan mula sa kabuuan ng modyul.
H. Isagawa
Paglika ng isang sulatin ayon sa mga
pamantayan inilahad sa modyul.
I. Tayahin
Pagsubok sa kaalamang natamo sa kabuuan ng
modyul.
J. Karagdagang Gawain Paglikha ng
tula ayon sa mga nakasaad na pamamtayan.

33
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

34

You might also like