You are on page 1of 25

8

Filipino
Ikalawang Markahan
Modyul 7:
Ang Tula
FILIPINO 8
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Ang Tula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Mga Manunulat: John Paul A. Espino at Rhea A. Fernandez
Mga Editor: Delia E. Duhina, Glenda D. Bustamante at Lea A. Lanuevo
Tagasuri: Ivy Vonn E. Dohina, James Casa, Vivian H. Fontanilla at Leila Flor F. Tolog
Tagalapat: John Paul A. Espino
Cover Art Designer: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE – Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – REPS, Filipino
Ismael M. Ambalgan – CID Chief
Sheryl L. Osano – EPS, LRMS
Josevic F. Hurtada – EPS, ADM
Josevic F. Hurtada – EPS, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
8

Filipino
Ikalawang Markahan
Modyul 7:
Ang Tula
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Self Learning Module


(SLM) para sa araling Ang Tula!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtatagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa pamatnubay


at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita mo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 ng Self Learning Module (SLM) para sa


araling Ang Tula! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at
layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha,
at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa modyul na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay
na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutunan sa modyul.

Subukin Sa paunang pagsusulit na ito, matataya


natin ang mga kaalaman mo sa bawat aralin
na nakapaloob sa modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa nakaraang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa paraang tulad ng kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.

Suriin Sa bahaging ito, ay magbibigay ng


maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawain para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pagpupuno ng patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutunang kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may panibagong gawaing
Gawain ibibigay upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutunang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul, makikita mo rin


Sanggunian ang talaan ng lahat ng pinagkukunan sa
paglikha o paglinang ng modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul.


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang SUBUKIN bago lumipat sa iba pang gawaing
nakapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito.

iv
Alamin

Kumusta na ang iyong pag-aaral? Matatandaan sa nakaraang aralin ay


tinalakay natin ang tungkol sa Maikling Kuwento. Sa pagtatapos ng aralin ay natuto
ka ring bumuo ng wakas batay sa mga kaalamang ibinahagi. Kapag nailahad ang
layunin ay napuoukaw ang kaispan ng mambabasa na ipagpatuloy na alamin ang
mga pangyayari hanggang sa kasukdulan ng kuwento. Dito mo mahihinuha ang
pagbubuo ng isang maganda, angkop at maanyong wakas batay na rin sa inilahad
na layunin sa simula ng kuwento.
Ngayon ay ating pag-aaralan ang isang uri ng Panitikan, ang TULA. Para
maintindihan mo pa kung ano ang tula, pag-aralan mo ang modyul na ito. Kasama
sa pag-aaralan mo ang pagkikilala at paghahambing sa iba’t ibang anyo at elemento
ng tula. Inaasahan kang makabubuo ng isang tula tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan,
Diyos at kalikasan. Tingnan natin kung paano nakatutulong sa iyo ang tula sa
pagkakaroon ng malawak na pagpapahalaga sa sining at higit sa lahat sa iyong
kapaligiran.
Kung kaya, halina at sabay-sabay nating tuklasin ang kagandahan ng tula!

Mga Layunin
1. Nabibigyang-kahulugan ang bawat saknong ng tula.
2. Nakikilala ang mga elemento at anyo ng tula.
3. Naibibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga elemento at anyo ng
tula.
4. Nakasusulat ng isang masining na tulang may 4 na saknong at malayang
taludtoran.

Kasanayang Pampagkatuto
▪ Nabibigyang interpretasyon ang tulang napakinggan
▪ Naihahambing ang anyo at mga elemento ng tulang binasa sa iba
pang anyo ng tula.
▪ Naihahambing ang anyo at mga elemento ng tulang binasa sa iba
pang anyo ng tula.
▪ Naisusulat ang isang orihinal na tulang may masining na antas ng
wika at may apat o higit pang saknong sa alinmang anyong
tinalakay, gamit ang paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o
kalikasan.

1
Subukin

Sa pagsasanay na ito ay susukatin natin ang iyong kaalaman tungkol sa tula.

I. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng napiling sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Isang uri ng panitikang nagbibigay-diin sa ritmo, mga tunog at naglalarawan ng


kagandahan at kariktang natitipon sa isang kaisipan.
a. dula b. tula c. alamat d. sanaysay
2. Elemento ng tulang tumutukoy sa sadyang paglayo sa paggamit ng mga
pangkaraniwang salita upang magiging kaakit-akit at mabisa ito?
a. simbolismo b. kariktan c. talinghaga d. tugma
3. Elemento ng tulang tumutukoy sa salitang nag-iiwan ng malinaw at tiyak na
larawan sa isipan ng mambabasa.
a. talinghaga b. kariktan c. simbolismo d. larawang-diwa
4. Elemento ng tulang tumutukoy sa mga salitang may kahulugan sa mapanuring
isipan ng mambabasa
a. kariktan b. larawang-diwa c. talinghaga d. simbolismo
5. Uri ng taludtorang pinangkat sa dalawahan.
a. kopla b. quatrain c. soneto d. triplet
6. Kayarian ng taludtorang na walang sukat at tugma.
a. may sukat b. may tugma c. malaya d. tradisyonal
7. Isang anyo ng tulang may sukat, tugma at mga salitang may malalim na
kahulugan.
a. may sukat b. malaya c. may tugma d. tradisyonal
8. Tulang may sukat subalit walang tugma.
a. may tugma b. tradisyonal c. malaya d. may sukat
9. Tulang binubuo ng labing-apat na taludtod.
a. soneto b. kopla c. balad d. liriko
10. Patnubay na dapat nauunawaan nang ganap ng isang mambibigkas upang
mabigyang-buhay ang tunay na kahulugan nito.
a. himig b. tikas c. tema d. layunin
11. Dito naipakikita ang katauhang pantanghalan ng mambibigkas (tindig, kilos o
kumpas.)
a. tinig b. tindig c. tikas d. himig
12. Ginagamit sa pagbigkas ng tula upang maihatid ang damadamin nito sa madla
o mailarawan ang kaisipang inilalahad.
a. paningin b. himig c. pagbigkas d. pagkumpas
13. Mahalagang puhunan ng isang mambibigkas sa pagbibigay-buhay sa tula. Ang
paglakas at paghina nito ay dapat naayon sa diwa ng piyesa.
a. tinig b. tikas c. himig d. tunog
14. Dito nasusukat ang mabisang pakikipag-ugnayan ng mambibigkas sa kanyang
madla.
a. layunin ng pagbigkas c. panuonan ng paningin
b. kaugnayan sa madla d. panghikayat sa madla
15. Dito nasusukat ang matatas at malinaw na pagbitiw ng salita ayon sa wastong
pagkapapantig-pantig at diing taglay nito.
a. pabigkas b. pakumpas c. paghikayat d. paglapat ng himig

2
Aralin

7 Ang Tula

Balikan

Para sa pagpapatuloy ng ating aralin, magbabalik-aral tayo tungkol sa maikling


kuwento.

Gawain I. Laro Muna!


Sagutin mo ang isang crossword puzzle sa ibaba. May mga ibinigay na klu
upang mas maging madali para sa iyo ang pagbuo ng puzzle. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

Mga Klu:

1.Paglakad o pag-unlad ng kuwento


2.Saan dapat talakayin ang paksa
3.Pang-isiping iniikotan ng mga pangyayari
4.Kinahahantongan ng paglalaban ng mga tauhan
5.Usapan ng mga tauhan
6.Dito malalaman kung nagtagumpay o nabigo ang pangunahing tauhan
7.Kulay ng damdamin
8.Maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
9.Paglalaban ito ng bidang tauhan laban ng kasalungat nito
10. Problemang kinahaharap ng pangunahing tauhan

3
Tuklasin

Gawain I. 4 Pics – 1 Word


Kilalanin ang salitang tinutukoy gamit ang apat na larawang ibibigay at mga
letrang pantulong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1.

jpaespino jpaespino

____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____

A A I K K R T N
2.

____ ____ ____ ____ ____ / ____ ____ ____ ____ ____
A A U U M S G K T T

3.

____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____
A A A I L H T N G G

4.

jpaespino

____ ____ ____ - ____ ____ ____ ____

A I I P B G G

5.

jpaespino jpaespino

____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____

I I O O B L M M S S

4
Nakuha mo ba ng wastong sagot? Kung Oo, mahusay! Ang mga salitang
pinahulaan ay may kaugnayan sa araling tatalakayin. Sa pagkakataong ito, ay
susukatin naman natin ang iyong kaalaman tungkol sa konsepto ng tula.

Puno at Ikaw
(Tula ni Jasonhamster mula sa jasonhamster.wordpress.com)

I
Nakalimutan mo na bang ako’y iyong itinanim
Nang minsan ikaw ay walang makain?
Kay tagal mong naghintay ikaw man ay nainip
Panahon na lumipas ako’y di mo man lang sinilip.

II
Ako ay mag-isang lumalaki na ayon sa kapalaran,
Ikaw ay nainip, bumaling sa ibang halaman.
Hindi ko kaagad naihandog sayo ang aking prutas
Ikaw ay nagtampo, sa ibang puno ka namitas.

III
Marami kami ngayon na naglipana sa gubat,
Tignan mo muna ang hawak mong patpat.
Sa akin ba galing yang hawak mo?
O napapaisip lang ako ng todo-todo.

IV
Ang sa akin lang naman munting kaibigan
Maaari sana’y mga kababayan mo ay pagsabihan.
Putulin man nila kami nang walang habas
Palitan naman ng bagong punlang pupungas-pungas.

V
Inalagaan ka ng iyong inay tama ba ako?
Sana’y madama mo na ganoon din ang nais ko.
Mumunti ako noon sa iyong paningin,
Sa paglipas ng panahon ako’y iyong titingalain.
jpaespino

Gawain II. Pag-unawa sa Tulang Binasa.


Batay sa binasang tula, punan ang talahanayan ayon sa hiningi nito.

Nilalaman Layunin Mensahe Damdamin

5
Nasukat na natin ang iyong kaalaman kaya, palalimin pa natin ito. Huwag
lamang huminto sa bahaging ito at ipagpatuloy mo pa ang paglalakbay sa ating
modyul.

Suriin

Ang Tula
Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagbibigay-diin sa ritmo, mga tunog,
paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita. Ito ay
inoorganisa sa mga yunit na tinatawag na taludtod at saknong. Ang tula ay masining
na pagpapahayag ng damdaming hinango sa guniguni.

Elemento ng Tula
1. Sukat – Tumutukoy ito sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod na
bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay galaw ng bibig at saltik ng dila na
may kasabay na tunog sa pagbigkas ng salita.
Hal. buhay - bu:hay (ito ay may dalawang pantig)
Sadyang makulay ang buhay (ito ay may walong pantig)
2. Tugma – Ang pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga
panghuling salita ng taludtod. Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng
mga akda sa tuluyan. Lubha itong nakagaganda sa pagbigkas ng tula at ito
ay nagbibigay ng angking himig at tunog sa tula.

Uri ng Tugma
a. Tugma sa patinig
Hal. Ang buhay na tao ay paiba-iba
May mga pagbabago sa tuwina

Kapagka ang tao’y sa saya nagawi


Minsa’y nalilimot ang wastong ugali

b. Tugma sa katinig
b.1. Unang lipon - /b/, /k/, /d/, /g/, /p/, /s/, /t/
Hal. Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b.2. Ikalawang lipon - /l/, /m/, /m/, /ng/, /r/, /w/, /y/
Hal. Sapopo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

3.Talinghaga – Ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang


salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang tula. Ito ay may kinalaman sa
natatagong kahulugan ng salitang ginamit sa tula o ang paggamit ng mga
tayutay sa pagpapahayag.

6
4. Kariktan – Ito ay pagsasama-sama ng mga katangiang nagpapatingkad sa
isang tula at ito ay nagtataglay ng mga maririkit na salita upang masiyahan
at mapukaw ang mayamang imahinasyon, damdamin at kawilihan ng
bumabasa.

5. Simbolismo – Ito ang mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring


isipan ng mambabasa.
Hal. Ang mamatay nang dahil sa iyo. (sipi mula sa Lupang Hinirang) –
sumisimbolo ng pag-ibig sa bayan

6. Larawang-diwa – Ito ay mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng


malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.

7. Taludtoran – Isa sa mga katangian ng tula ay ang pagkakaroon nito ng mga


taludtod. Kapag ang taludtod ng isang tula ay pinangkat-pangkat asyon sa
pinagkaugalian nang ayos, ang bawat pangkat na ito ay tinatawag na
taludtoran. Ayon sa aklat na Panulaang Tagalog ni Jose Villa Panganban,
may iba’t ibang tawag sa taludtoran depende sa dami ng taludtod na
bumubuo rito.

Uri ng Taludturan
a. Kopla / couplet – Ito ay tawag kapag ang taludtod ay pinangkat sa
dalawahan.
b. Triplet – Kung ang taludtoran ay binubuo ng tatlong taludtod
c. Quatrain – Ito ay taludtorang may apat na taludtod.
d. Quintet – Ito ay taludtorang binubuo ng limang taludtod.
e. Sextet – Ito ang tawag sa taludtorang may anim na taludtod.
f. Septet – Kung ang taludtoran ay binubuo ng pitong taludtod.
g. Octave – Ito ay taludtorang may walong taludtod.
h. Soneto – Ito naman ay tulang binubuo ng labing-apat na taludtod.

Anyo ng Tula
Ang mga anyo ng tula ay maaaring i-uri sa apat. Upang mainitindihan nang
mabuti ay iisa-isahin kong ipaliliwanag ang bawat anyo ng tula.

1. Malayang Taludturan – Isang tula na isinusulat na walang sinusunod na


patakaran kung hindi ang ano mang nanaisin ng sumulat. Ito ang anyo ng
tula na ipinakita ng sikat na manunulat na si Alejandro G. Abadilla. Ayon
sa kanya, maaring makalikha ng tula na walang sukat at walang tugma.
Ngunit, dapat manatili ang kariktan, ito ay ang paggamit ng mga
matatalinghagang pahayag na ipinakilala niya sa kanyang tulang, “Ako ang
Daigdig”.
2. Tradisyonal na Tula – Ito ay isang anyo ng tula na may sukat at tugma at
gumagamit ng mga salita na may malalalim na kahulugan.
3. Samantalang ang dalawa ay maiintindihan na sa tawag pa lamang. Ang May
Sukat na Walang Tugma at Walang Sukat na May Tugma.

7
Ngayong naunawaan mo na ang tula at ang iba’t ibang elemento at anyo nito,
basahin ang tulang Pilipinas, Ikaw ang Aking Bansa, sulat ni Avon Adarna.

Pilipinas, Ikaw ang Aking Bansa!


Tula ni Avon Adarna

Sa hitik na yaman nitong kalikasan,


Hindi magugutom, hindi magkukulang,
Pilipinas na Ina ng mamamayan,
jpaespino Kumakandili nga sa buting kandungan.

Ang mga dagat at kailaliman,


Saganang pagkai’t mga pangisdaan,
Ang lalim na tubig na asul sa kulay,
Ay siyang panlinis sa lupang katawan.

Ang mga gubat na hitik sa bunga,


Ipantawid-gutom sa kalam ng bituka,
jpaespino
At pati hayop sa dulong kabila,
Nabubusog din at nagpapakasawa!

Ang mga lupa sa luntiang bukid,


Ay pakikinabangan kapag pinilit,
Magtanim lamang ng palay o mais,
At tiyak na kakain sa oras ng gipit!

Mahalin ang bayan saan man pumunta,


jpaespino
Ipagtanggol nga sa dayuhang bansa,
Ibiging mabuti at maging malaya,
Upang manatili ang Inang dakila!

Ang tula ay alay sa mahal na bansa,


Pagkat ako’y kanyang inaaruga,
Itong Pilipinas na bayan ko’t ina,
Mamahalin ko saan man pumunta!

jpaespino

Gawain I. Nasusuri ang Tulang Nabasa.


Suriin ang tulang binasa. Punan ang graphic organizer na nasa susunod na
pahina ayon sa hinihingi nito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

8
PAMAGAT

Anyo ng Tula

Elemento ng Tula

Matatalinghagang
Bilang ng sukat
pahayag

5 Salitang 1 Simbolo at
Magkakatugma simbolismo

Gawain II. Paghahambing

Gamit ang Venn Diagram sa ibaba, ipakita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng


tulang Ang Puno at Ikaw, at Pilipinas, Ikaw ang Aking Bansa ayon sa tema,
sukat at anyo nito.

Pilipinas, Ikaw
Ang Puno at
PAGKAKATULAD ang Aking
Ikaw
Bansa

9
Pagyamanin

Ngayon, nais mo bang subukan ang pagsulat ng tula? Gamit ang mga
natutuhang elemento at anyo ng tula narito ang mga gabay para sa iyong gagawain.
.

Gawain I. Likha Na!

Sa gaganaping Araw ng Pamilya sa inyong paaralan ay magkakaroon ng ng


isang paligsahan sa pagsulat ng tulang may temang “Pamilya Ko, Mahal Ko!” Ikaw
ang napiling kinatawan ng inyong klase upang maging kalahok sa paligsahan.

Gamitin mo ang lahat ng natutuhan mo tungkol sa tula upang makabuo ng


isang magandang tula na iyong ilalahok sa paligsahan. Gamitin ang sumusunod
na rubrik para magabayan ka ng mga pamantayan sa iyong bubuoin. Isulat ang
iyong tula sa sagotang papel.

Krayterya Napakahusay Mahusay Pasimula Kailangan ng


(10) (7) (5) Pagbabgo
(3)

Gamit ng Lutang na Ang lahat ng May 1-2 kulang Hindi mahusay


mga lutang ang elemento ng tula ay na elemento ang ang
elemento ebidensya na nakikita na tula kaya hindi pagkagagawa
ng tula ang lahat ng nakapagbibigay- masyadong ng tula dahil sa
elemento ng tula diwa sa kabuuan ng napalutang ang hindi sapat ang
ay nakapaloob tula. diwa nito. mga ginamit na
sa tulang elemento upang
ginawa na mapalutang ang
nakapagbibigay- diwa at
linaw sa diwa. damdamin ng
tula.

Angkop na Bukod-tangi ang Ang lahat ng mga May ilang Ang mga
paggamit mga salitang salitang ginamit ay salitang hindi salitang ginamit
ng mga ginamit sa angkop sa nagagamit nang ay hindi angkop
salita pagpapalutang pagpapalutang ng tama sa pagbuo sa paksang
ng diwa ng tula. diwa ng tula. ng diwa ng tula. inilalahad.

Baybay ng Lahat ng mga Tama ang baybay Kakikitaan ng Halos lahat ng


mga salita salita ay ng mga salita. pagkakamali sa mga salita ay
naisusulat nang pagkabaybay may maling
malinaw at may ng ilang salita. baybay.
tamang baybay.

10
Pagkaka- Malinaw ang Magkauugnay ang Hindi nagiging Walang
ugnay ng pagkauugnay lahat ng ideya sa malinaw ang kaugnayan ang
mga ideya ng mga ideya sa bawat saknong ng paguaugnay ng mga ideya kaya
bawat saknong tula. mga ideya kaya hindi nabuo ang
ng tula. hindi diwa ng tula.
maintindihan
ang tula.

Isaisip

Kamangha-mangha ang iyong husay at pagpupursige! Natapos na natin ang


lahat ng aralin sa modyul na ito. Ngayon ay susukatin natin ang pagkatuto sa mga
konsepto at kaalamang tinalakay.
Gawain I. Sukatin ang Kaalaman.
Punan ng wastong salita ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa
iyong sagotang papel.

1. Ang __________ ay masining na pagpapahayag ng damdamin na hinango sa


guniguni.
2. __________ ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
3. __________ ang pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng panghuling
salita ng taludtod.
4. __________ ang tawag sa mga salitang may natatagong kahulugan.
5. __________ ay mga salitang may kahulugan sa mapanuring isipan ng
mambabasa.
6. __________ ang pagsasama-sama ng mga katangiang nagpapatingkad sa tula
at pumupukaw sa mayamang imahinasyon ng bumabasa.
7. __________ ang mga salitang binanggit sa tula na may malinaw at tiyak na
larawan sa isipan ng mambabasa.
8.__________ ang tawag sa isang tulang isinusulat na walang sinusunod na
patakaran kung hindi ang ano mang nanaisin ng sumulat.
9. __________ ay isang anyo ng tula na may sukat at tugma at gumagamit ng mga
salita na may malalalim na kahulugan. At ang dalawang natitirang anyo ay
ang (10) __________ at (11) __________.
12. Ang __________ ay tulang binubuo ng labing-apat na taludtod.

11
Isagawa

Sa bahaging ito, bubuo ka ng tula


batay sa larawan. Ito ay bubuuin
ng 3-5 saknong na may tig-aapat na
taludtod. Ang tulang isusulat ay
walang sukat NGUNIT may tugma.
Huwag ding kalimutan ang iba
pang elemento nito. jpespino

Tayahin

I. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng napiling sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Uri ng taludtoran na pinangkat sa dalawahan.


a. kopla b. quatrain c. soneto d. triplet
2. Tulang may sukat subalit walang tugma.
a. may tugma b. tradisyonal c. malaya d. may sukat
3. Dito naipakikita ang katauhang pantanghalan ng mambibigkas—pagtindig,
pagkilos o pagkumpas.
a. tinig b. tindig c. tikas d. himig
4. Dito nasusukat ang mabisang pakikipag-ugnayan ng mambibigkas sa kanyang
madla.
a. layunin ng pagbigkas c. panuonan ng paningin
b. kaugnayan sa madla d. panghikayat sa madla
5. Isang uri ng panitikan na nagbibigay-diin sa ritmo, mga tunog at naglalarawan ng
kagandahan at kariktang natitipon sa isang kaisipan.
a. dula b. tula c. alamat d. sanaysay
6. Elemento ng tula na tumutukoy sa sadyang paglayo sa paggamit ng mga
pangkaraniwang salita upang magiging kaakit-akit at mabisa ang tula?
a. simbolismo b. kariktan c. talinghaga d. tugma

12
7. Dito nasusukat ang matatas at malinaw na pagbitiw ng salita ayon sa wastong
pagkapapantig-pantig at diing taglay ng tula.
a. pabigkas b. pakumpas c. paghikayat d. paglapat ng himig
8. Patnubay na dapat nauunawaan nang ganap ng isang mambibigkas upang
mabigyang-buhay ang tunay na kahulugan ng isag tula.
a. himig b. tikas c. tema d. layunin
9. Mahalagang puhunan ng isang mambibigkas na makatutulong sa pagbibigay-
buhay sa tula. Ang paglakas at paghina nito ay dapat naayos sa diwa ng piyesa.
a. tinig b. tikas c. himig d. tunog
10. Isang anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang may malalim na
kahulugan.
a. may sukat b. malaya c. may tugma d. tradisyonal
11. Elemento ng tula na tumutukoy sa salitang binabanggit sa tulang nag-iiwan ng
malinaw at tiyak na larawan ng isipan ng mambabasa
a. talinghaga b. kariktan c. simbolismo d. larawang-diwa
12. Elemento ng tula na tumutukoy sa mga salitang ginamit sa tula na may
kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa
a. kariktan b. larawang-diwa c. talinghaga d. simbolismo
13. Ginagamit sa pagbigkas ng tula upang maihatid ang damadamin ng tula sa
madla o mailarawan ang kaisipang inilalahad nito.
a. paningin b. himig c. pagbigkas d. pagkumpas
14. Kayarian ng taludtoran na walang sukat at tugma.
a. may sukat b. may tugma c. malaya d. tradisyonal
15. Tulang binubuo ng labing-apat na taludtod.
a. soneto b. kopla c. balad d. liriko

Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang 2-minutong simpleng spoken word poetry tungkol sa pag-


ibig sa kapwa. Tatandaan na ang spoken word poetry ay isang makabagong uri ng
tula na may malayang taludtoran ngunit mas mabisa kung ito ay naisusulat nang
may tugma. Gamitin ang sumusunod na rubrik para magabayan ka ng mga
pamantayan sa iyong bubuoin. Isulat ang iyong tula sa sagutang papel.

13
Krayterya Napakahusay Mahusay Pasimula Kailangan ng
(10) (7) (5) Pagbabgo
(3)

Gamit ng Lutang na Ang lahat ng May 1-2 kulang Hindi mahusay


mga lutang ang elemento ng tula ay na elemento ang ang
elemento ebidensya na nakikita na tula kaya hindi pagkagagawa
ng tula ang lahat ng nakapagbibigay- masyadong ng tula dahil sa
elemento ng tula diwa sa kabuuan ng napalutang ang hindi sapat ang
ay nakapaloob tula. diwa nito. mga ginamit na
sa tulang elemento upang
ginawa na mapalutang ang
nakapagbibigay- diwa at
linaw sa diwa. damdamin ng
tula.

Angkop na Bukod-tangi ang Ang lahat ng mga May ilang Ang mga
paggamit mga salitang salitang ginamit ay salitang hindi salitang ginamit
ng mga ginamit sa angkop sa nagagamit nang ay hindi angkop
salita pagpapalutang pagpapalutang ng tama sa pagbuo sa paksang
ng diwa ng tula. diwa ng tula. ng diwa ng tula. inilalahad.

Baybay ng Lahat ng mga Tama ang baybay Kakikitaan ng Halos lahat ng


mga salita salita ay ng mga salita. pagkakamali sa mga salita ay
naisusulat nang pagkabaybay may maling
malinaw at may ng ilang salita. baybay.
tamang baybay.

Pagkaka- Malinaw ang Magkauugnay ang Hindi nagiging Walang


ugnay ng pagkauugnay lahat ng ideya sa malinaw ang kaugnayan ang
mga ideya ng mga ideya sa bawat saknong ng paguaugnay ng mga ideya kaya
bawat saknong tula. mga ideya kaya hindi nabuo ang
ng tula. hindi diwa ng tula.
maintindihan
ang tula.

14
15
9. Mahalagang Kaisipang taglay ng tula – Ang Pilipinas ay bansa natin. Ito ay
mayaman sa kalikasan. Dapat natin itong alagaan at mahalin.
Suriin
Gawain I. Nasusuuri ang Tulang Binasa
1. Pamagat – Pilipinas Ikaw ang Aking Bansa!
2. Tema ng Tula – Tula ng Pag-ibig sa Bayan
3. Anyo ng Tula – Tradisyonal
4. Ano ang Sukat? – Labindalawahin (12)
5. Mga Salitang Magkakatugma
yaman – kalikasan – magkukulang – mamamayan – kandungan
kailaliman – pangisdaan – katawan
bunga – bituka – kabila – nagpapakasawa
bukid – pinilit – mais – gipit
pumunta – bansa – Malaya – dakila
mabuti – manatili
tula – bansa – inaruga – ina – pumunta
6. Mga Matalinghagang Salita –
hitik sa yaman
kumakandili sa buting kandungan
lupang katawan
hitik sa bunga
ipantawid-gutom
kalam ng bituka
luntiang bukid
Inang dakila
7. Larawang-diwa – Basang Pilipinas
8. Simbolo at Simbolismo
Ina – Pilipinas na minamahal
Kandungan – piling
Bituka – kahirapan, gutom
Palay at mais – gulay at prutas
Dayuhang bansa - mananakop
Balikan
Gawain I. Laro Muna
1. Galaw Subukin
Tuklasin 2. Paningin I.
Gawain I. 4 Pics – 1 Word 3. Paksang-diwa 1. B 9. A
1. Kariktan 4. Kalalabasan 2. C 10. D
2. Sukat / Tugma 5. Salitaan 3. D 11. C
3. Talinghaga 6. Kasukdulan 4. D 12. D
4. Pag-ibig 7. Himig 5. A 13. A
5. Simbolismo 8. Banghay 6. C 14. C
9. Pagtutunggali 7. D 15. A
10. Suliranin 8. D
Susi sa Pagwawasto
16
Isaisip
Gawain I. Sukatin ang Kaalaman
1. Tula
2. Sukat
Tayahin
3. Tugma
I. 4. Talinghaga
1. A 9. A 5. Simbolismo
2. D 10. D 6. Kariktan
3. C 11. D 7. Larawang-diwa
4. C 12. D 8. Malaya
5. B 13. D 9. Tradisyonal
6. C 14. C 10. May sukat, walang tugma
7. A 15. A
11. Walang sukat, may tugma
8. D
12. Soneto
Sanggunian
Baisa-Julian, Ailene et al. 2014. Pluma 8.. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc. pp.306 306, 324 330.
- -

Private Education Assistance Committee. (2017). Sandigan ng Lahi... Ikarangal Natin. Makati
CIty: Department of Education.

https://www.scribd.com/doc/67246925/Ano-Ang-Mga-Anyo-Ng-Tula

https://media.philstar.com/photos/2019/02/01/gen4-catriona-gray_2019-02-01_22-02-
32.jpg

https://punto.com.ph/wp content/uploads/2019/07/LIZA SOBERANO.jpg


- -

https://i.dailymail.co.uk/i/pix/2016/05/05/10/33DB6CD400000578-3574613-image-a-
2_1462441400795.jpg

https://cirrealtybusinessmastery.com/wp-content/uploads/2016/06/measure.jpg

https://www.youtube.com/watch?v=lcSNgHQGd38

https://img.haikudeck.com/mg/AD8BA2D2-DB10-414F-905E-C90547A8F6CC.jpg

http://mgasalawikainatsawikain.blogspot.com/2014/06/salawikain sa pagbibigay ng
- - - -

pagkain.html

https://www.facebook.com/pg/Karunungang Bayan- -

400703593363588/photos/?tab=album&album_id=401367729963841

https://c4.wallpaperflare.com/wallpaper/486/999/726/mother-s-love-wallpaper-preview.jpg

http://www.ugaoo.com/knowledge center/wp
- -

content/uploads/2017/05/shutterstock_417312760-850x525.jpg

https://trevorkloeden.files.wordpress.com/2012/01/95 fort santiago dscf3997.jpg?w=450


- - -

https://c1.wallpaperflare.com/preview/509/275/748/candles-dark-flame-light.jpg

https://tr1.cbsistatic.com/hub/i/r/2017/07/28/7cfad39a 8bfd 4f05 a55a


- - - -

33259cacdc45/resize/770x/f241e7e7c450c64083561acc5c5d87bb/kite.jpg
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan
ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay
batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral
ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul sa ito. Ito ay
Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like