You are on page 1of 19

Kahulugan, Kalikasan at Katangian ng

Naratibong Ulat, Katitikan ng Pulong, Menu, at


Babala/Paunawa/Anunsiyo
Modyul ng Mag-aaral
sa Filipino sa Piling Larang –
Teknikal-Bokasyunal
Unang/Ikatlong Markahan • Modyul 6

MARGIE SARMIENTO MOSTALES


Tagapaglinang ng Modyul
Kagawaran ng Edukasyon ∙ Rehiyong Administratibo ng Cordillera

i
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng
Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Hanguan ng Pagkatuto
Rehiyong Administratibo ng Cordillera

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI


2021

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi maaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man,
kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang
akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa maaring gampanin ng
nasabing ahensya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K-12 Kurikulum ng Kagawaran ng
Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang kopyahin kung ito ay para sa pag-aaral
ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.

ii
UNANG MARKAHAN – IKAANIM NA LINGGO
Aralin 6: Kahulugan, Kalikasan at Katangian ng Naratibong Ulat, Katitikan ng
Pulong, Menu, at Babala/Paunawa/Anunsiyo
MGA INAASAHANG MATUTUHAN

Magandang araw sa iyo!

Malugod na pagbati sapagkat natapos mo na ang una hanggang ikalimang modyul


sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaraanan sa panahon ngayon. Sana ay lalo mo pang
pagbutihin ang pagkatuto sa araling ito.

Malilinawan ka sa modyul na ito tungkol sa mga kahulugan, kalikasan at katangian


ng iba pang teknikal-bokasyunal na sulatin na kinabibilangan ng naratibong ulat, katitikan
ng pulong, menu at babala/paunawa/anunsiyo. Sa pagtatapos ng modyul na ito,
inaasahang ikaw ay makapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa
kahulugan, kalikasan, at katangian ng mga nabanggit na anyo ng sulating teknikal-
bokasyunal.

Subukin
Subukin muna natin ang iyong imbak na kaalaman tungkol sa paksa. Sagutin nang
tapat ang paunang pagtataya sa pamamagitan ng pagbilog sa letra ng iyong sagot.
Huwag ka munang titingin sa susi sa pagwawasto sa huling pahina hangga’t hindi mo
natatapos ang pagsagot. Tandaan na ang pagiging tapat ay kailangan upang
magtagumpay ka sa iyong layuning matuto.

PAUNANG PAGTATAYA
1. Ano ang dokumento na nagsasaad ng sunod-sunod na pangyayari o kaganapan sa
isang tao o grupo ng tao?
A. Anunsiyo C. Naratibong Ulat
B. Babala D. Paunawa

2. Alin ang HINDI kabilang sa mga katangian ng naratibong ulat?


A. Taglay nito ang mahahalagang elemento ng salaysay.
B. Kronolohikal ang pagkakaayos.
C. Maaaring magtaglay ito ng sariling opinyon.
D. Wala itong kinikilingan.
3. Mga katangian ng naratibong ulat ang mga sumusunod MALIBAN sa isa. Alin ito?
A. Mabuting pamagat C. Ginagamitan ng maraming paglalarawan
B. Mahalagang paksa D. Wastong pagkakasunod-sunod

7
4. Aling uri ng dokumentasyon ang ginagawa ng lahat ng organisasyon at institusyon?
A. Anunsiyo C. Paalala
B. Katitikan ng Pulong D. Paunawa
5. Alin sa mga pangungusap ang HINDI naglalarawan sa katitikan ng pulong?
A. Isinusulat dito ang tinatalakay sa pagpupulong na bahagi ng adyenda.
B. Tumatayo ito bilang dokumento na batayan para sa susunod na pulong.
C. Nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan sa pulong.
D. Isa itong mahalagang kagamitan sa restawran.

6. Bukod sa pangalan ng kainan, nagsisilbi ring pangunahing pinagkukuhanan ng


impormasyon at gabay sa pagpapasya ang
A. menu. C. paalala.
B. naratibong ulat. D. paunawa.

7. Ang pagkakahabi ng mga pagkain na nakikita sa menu at kung gaano kaartistiko ang
pagkakahain upang mas maging kapana-panabik sa mga tagatangkilik ay ang
A. hitsura. C. tekstura.
B. lasa. D. temperatura.

8. Alin ang dahilan kung bakit binabalik-balikan ng mga tagatangkilik ang produktong
pagkain?
A. Hitsura C. Tekstura
B. Lasa D. Temperatura

9. Alin ang may layuning paglawayin ang tumitingin sa litrato upang masiguradong
pipiliin ng tagatangkilik ang pagkain na kaniyang nakita?
A. Hitsura C. Tekstura
B. Lasa D. Temperatura

10. Ano ang tawag sa instruksiyon na inilalagay upang makaiwas na masaktan ang
tagapagsagawa (operator) at/o maiwasan ang pagkasira ng equipment o kagamitan sa
normal na operasyon?
A. Anunsiyo C. Paalala
B. Babala D. Paunawa

11. Alin ang nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay, estado, o


nararanasan ng tao?
A. Anunsiyo C. Paalala
B. Babala D. Paunawa
12. Alin ang pautos at may awtoritatibong tono upang magbigay ng pakiramdam ng
pagiging alisto o takot sa mambabasa?
A. Anunsiyo C. Paalala
B. Babala D. Paunawa.

8
13. Ang babala ay isang uri ng
A. anunsiyo. C. paalala.
B. naratibong ulat. D. paunawa.

14. Ang atensiyon ng tao tungkol sa anumang bagay na maaaring makasira ng


kagamitan o makapagdulot ng pagkawala ng datos ay pinupukaw ng
A. anunsiyo. C. naratibong ulat.
B. katitikan ng pulong. D. paunawa.

15. Alin ang naiiba sa pangkat pagdating sa gamit?


A. Anunsiyo C. Paalala
B. Naratibong ulat D. Paunawa

Balikan
Kumusta naman ang iyong paunang pagtataya? Nahirapan ka ba o nadalian ka?
Kung lahat ng aytem ay nasagot mo nang tama, maaari ka nang magsimula sa Modyul
7. Kung hindi naman, magpatuloy ka sa modyul na ito upang ganap mong maunawaan
ang paksa.

Bago ka magpatuloy, magkaroon ka ng pagbabalik-tanaw sa mga natutuhan mo


sa nakaraang aralin. Maiuugnay mo ito sa bagong araling tatalakayin.

Gamit ang mga natutuhan mo sa nakaraang modyul, buoin mo ang mga salita.
Alam kong kayang-kaya mo iyan!

Gawain 1: Punan Mo!


Panuto: Punan ang mga kulang na letra upang mabuo ang kahalagahan ng deskripsiyon
ng produkto.

Mahalaga ang deskripsiyon ng produkto upang mabigyang impormasyon ang


mamimili tungkol sa mga:

1. B N P Y
2. A NG A
3. G M__T
4. S IL
5. P E __O

9
Tuklasin
Bago tayo magpatuloy, sagutin mo muna ang unang gawain upang makilala mo
ang tungkol sa aralin.

Gawain 2: Ano Ako?


Panuto: Isaayos ang mga nagulong letra upang mabuo ang bawat salita. Isulat sa tamang
patlang ang bawat salita upang mabuo ang tamang kaisipan ng mga talata.

1. ANARBINTOG TALU
2. KUDOSYONMENTA
3. ALAT
4. ENUM
5. LAAPALA

Ang mga pangyayari sa ating buhay ay katulad ng isang (1) dahil


isinusulat ito sa kronolohikal na paraan. Ito ay akmang pagsasalaysay na may simula,
gitna at wakas.
Samantala, nagkakaroon tayo ng (2) na kinakailangang pag-
aralan upang higit na mapabuti ang ating kasanayan bilang paghahanda sa buhay
propesyonal. Ito ay nagsisilbing (3) upang magsilbing alaala sa mga
pangyayari. Kagaya ng pagsulat ng (4) sa pagkain, kinakailangan natin ang
pagiging malikhain at kahusayan dito.
Huwag din nating kalilimutan na anumang pagsubok ang tinatahak natin sa buhay,
lagi nating isaisip na mayroon tayong mga (5) na magsisilbing giya (guide)
upang maunawaann natin ang layunin ng bawat instruksiyon.

Suriin
A. NARATIBONG ULAT
Kahulugan, Kalikasan at Katangian ng Naratibong Ulat

Ang naratibong ulat ay isang dokumento na nagsasaad ng sunod-sunod na


pangyayari o kaganapan sa isang tao o grupo ng tao. Ito ay isang pagtatala ng nangyari
o kaya’y posibleng mangyari pa. Mahalaga ito upang magkaroon ng sistematikong
dokumentasyon ang mga nangyari o kaya’y kaganapan na mababalikan kapag
kinakailangan.

10
Ang naratibong ulat ay isang uri ng report sa paraang pagkukuwento ng mga
pangyayari o obserbasyon. Ito ay binubuo ng mga pangungusap na pasalaysay.
Karaniwang nakikita ito sa iba't ibang ahensiya o kompanya.
Ayon kina Onega at Landa (1996), ang naratibo ay isang representasyon ng serye
ng mga pangyayari upang makapagbigay ng sapat na impormasyon sa mga taong nais
makakuha ng impormasyon hinggil sa isang espesipikong bagay, serbisyo, produkto o
pangyayari. Mahalaga ito sa pagsulat ng mga teknikal na ulat dahil sa personal na
kaugnayan ng manunulat sa ulat. Dahil sa pamilyar na paraan ng pagsasalaysay o
pagkukuwento, nakapupukaw ito ng atensiyon at emosyon ng nagbabasa.

Ang gamit na wika sa naratibong ulat, bagaman pormal ay maaaring magaan


upang gawing mas komportable sa mambabasa ngunit hindi rin naman nila dapat
maramdaman na napakaimpormal ng ulat.

Karaniwang nagsisimula ang mga manunulat ng naratibong ulat sa unang


pangyayari na naglalatag sa kabuoang pangyayari o nagpapakilala kung paano
nagsimula ang kuwento. Ang susi sa matagumpay na introduksiyon ng naratibong ulat ay
pagkakaroon ng “pamukaw” sa introduksiyon at pagkakaroon ng pokus. Itinutuloy ang
salaysay tungkol sa mga pangyayari habang nagdaragdag ng malinaw na detalye,
deskripsiyon at halimbawa upang mabigyang-buhay ang nararibo.

Mga Elemento ng Naratibong Ulat

1. Kronolohikal na pagkakaayos
Importante na ang naratibong ulat ay magsisimula at magtatapos batay sa
nangyari. Hindi maaaring patalon-talon ang pagtalakay sa pangyayari. Makagugulo ito sa
sinumang babasa ng ulat.

2. Walang kinikilingan o walang sariling opinyon sa pangyayari


Dahil ang isang naratibong ulat ay obhetibo, hindi maaaring maglagay ng personal
na opinyon o kuro-kuro sa naganap. Iwasan ang paggamit ng mga pang-uri upang
ilarawan ang pangyayari. Mas mahalaga na marami ang mga pandiwa.
3. Buo ang mahahalagang elemento ng isang talatang nagsasalaysay
Mahalaga ang iba’t ibang elemento ng talatang nagsasalaysay upang maging
mahusay at nararapat ang isang naratibong ulat.
Mahalagang malinaw sa naratibong ulat ang konteksto ng pag-
uusap/pagpupulong/gawain dahil ito ang magtatakda ng kabuoang set-up ng pagkikita.
Kailangang masagot ang sumusunod natanong:
a. Kailan naganap ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?
b. Saan naganap ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?
c. Tungkol saan ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?

11
Katangian ng Naratibong Ulat

1. Mabuting pamagat
Maituturing na mabuti ang pamagat kung maikli, kawili-wili, kapana-panabik,
nagtatago ng lihim, orihinal, di palasak, at hindi katawa-tawa.

2. Mahalagang paksa
Dapat na may kabuluhan o saysay ang paksa sa mga mambabasa.

3. Wastong pagkakasunod-sunod
Dapat magtaglay ng simula, gitna, at wakas ang naratibong ulat.

4. Kawili-wiling simula at wakas

Bago ka magpatuloy sa pagbabasa tungkol sa kahulugan, kalikasan at katangian


ng iba pang anyo, gawin mo muna ang Gawain 3.

Gawain 3: Iguhit Mo!


Panuto: Muling balikan ang mga naunawaan sa nabasang teksto. Mula sa mga pahayag
sa ibaba, iguhit ang masayang mukha bago ang bilang kung tumutukoy sa katangian
ng naratibong ulat, at iguhit naman ang malungkot na mukha kung hindi.

_ 1. Kronolohikal na pagkakaayos

_ 2. May sariling opinyon sa pangyayari

_ 3. Mabuting pamagat

_ 4. Mahalagang paksa

_ 5. Wastong pagkakasunod-sunod
_ 6. Kawili-wiling simula at wakas

_ 7. Walang kinikilingan

_ 8. Buo ang mahahalagang elemento ng isang talatang nagsasalaysay

_ 9. Dapat maramdaman na napakaimpormal ng ulat.

_ 10. Nakapupukaw ito ng atensiyon at emosyon ng nagbabasa

12
Magpatuloy ka sa pagbabasa upang mabatid mo ang tungkol sa kahulugan, kalikasan
at katangian ng iba pang sulating teknikal-bokasyunal.

B. KATITIKAN NG PULONG
Kahulugan, Kalikasan at Katangian ng Katitikan ng Pulong
Ang katitikan ng pulong o minutes of the meeting kung tawagin sa wikang
Ingles ay isang uri ng dokumentasyon na makikita sa lahat ng organisasyon at
institusyon. Itinuturing ito na isa sa mga anyo ng komunikasyong teknikal na
kinakailangang pag-aralan upang higit na mapagbuti ang kasanayan bilang
paghahanda sa buhay-propesyonal.
Ang katitikan ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong.
Isinusulat dito ang tinatalakay sa pagpupulong na bahagi ng adyenda. Nakasulat
din kung sino-sino ang dumalo, anong oras nagsimula at nagwakas ang
pagpupulong gayundin ang lugar na pinagganapan nito. Ito ang nagsisilbing tala ng
organisasyon upang maging batayan at sanggunian ng mga bagay na tinatalakay.
Ang katitikan ng pulong ay:
1. nagsisilbing opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan sa pulong;
2. naidodokumento ang mga kapasyahan at responsibilidad ng bawat
miyembro ng pulong;
3. nagsisilbing paalala sa mga miyembro sa mga inaasahang gawain
na nakaatang sa kanila, gayundin ang mga takdang petsa na
inaasahan nilang matapos ang gawain;

4. nagpapabatid kung sino-sino ang aktibo at hindi aktibong


makadadalo sa pulong; at

5. tumatayo bilang dokumentong batayan para sa susunod na pulong.


C. MENU
Kahulugan, Kalikasan at Katangian ng Menu

Ang menu ay isang mahalagang kagamitan sa restawran. Maliban sa


pangalan ng kainan, ang menu ang nagsisilbing pangunahing pinagkukuhanan ng
impormasyon ng mga tao kung nais nilang kumain sa isang napiling restawran.

Ang menu ng pagkain ay nakaayos batay sa uri ng pagkain, kung ito ba ay


pampagana, sabaw, kanin, panghimagas, ulam na gawa sa karne, isda, gulay o
inumin. Nakalagay din sa menu ang halaga ng bawat isa upang makapili ang mga
mamimili ng kanilang gusto o kaya’y abot kaya para sa kanila. Kung minsan,
mayroon ding kaunting paglalarawan sa menu upang magkaideya ang mga

13
mambabasa nito. May ibang menu rin na nagtataglay ng mga larawan ng pagkain
at inumin.
Kadalasang nasa itaas na bahagi ang pangalan ng lutuin at kalimitan ding
may larawan itong kalakip upang higit na maging katakam-takam para sa mga

makakakita. Iniisa-isa rin ang mga sangkap na kinakailangan kung saan nakalagay
din ang hinihinging sukat o dami para sa bawat isa.
Tatlong salita na dapat tandaan tungo sa mahusay na pagdebelop ng menu

1. Hitsura – Layunin nitong paglawayin ang tumitingin sa litrato upang


masiguradong pipiliin ng tagatangkilik ang pagkain na kaniyang
nakita. Inaasahan dito ang pagiging kakaiba ng kulay o
presentasyon ng pagkain at salitang gagamitin upang mailarawan
ito. Halimbawa, upang maging kapani-paniwala na masarap ang
isang manok, maaari itong lagyan ng paglalarawan sa hitsura nito
na golden brown.
2. Tekstura - Ito ay tumutukoy sa pagkakahabi ng pagkain na nakikita sa
menu at kung gaano kaartistiko ang pagkakahain upang mas
maging kapana-panabik ito sa mga tagatangkilik. Halimbawa,
maaaring ilarawan ang manok na malutong, makatas, malasa at iba
pa.
3. Lasa – Ang lasa ng pagkain ay ang dahilan kung bakit binabalik-balikan
ng mga tagatangkilik ang produkto. Sa menu, inaasahang
mailalarawan kung ano ang lasa ng pagkaing nakikita nila bago pa
man bumili ang mga tao. Halimbawa, gumamit ng mga salitang
matamis, maalat, maasim-asim, maanghang at iba pang uri ng
paglalarawan.
D. BABALA, PAUNAWA, AT ANUNSIYO
1. Ang babala (warning) ay isang instruksiyon na inilalagay upang makaiwas
na masaktan ang tagapagsagawa (operator) at/o maiwasan ang pagkasira ng
equipment o kagamitan sa normal na operasyon. Nagbibigay ito ng espesyal na
atensiyon sa anumang maaaring makasakit o makapahamak sa mambabasa.
Ang babala ay nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay, estado,
o nararanasan ng tao. Maaaring sa pamamagitan ng salita o larawan maisaad ang
babala.

Sa teknikal na sulatin, ang babala ay nagpapaliwanag ng mga panganib na


maaaring magresulta sa kamatayan, sakit, o pagkabaldado. Pautos at awtoritatibo
ang tono nito upang magbigay ng pakiramdam ng pagiging alisto o takot sa
mambabasa.

14
Gumagamit ng attention icon ang babala para maging epektibo ito.

Halimbawa:

BABALA: Siguraduhing hindi basa ang kamay kapag hinugot


ang saksak ng kompyuter. Kung hindi, maaaring makuryente.

2. Ang paunawa (caution) ay isang uri ng babala. Dito, ang instruksiyon ay


para sa tagapagsagawa at tinutukoy para sa kaniya ang mga pag-iingat na akma
sa ilalim ng partikular na sirkumstansiya upang maiwasan ang pagkasira ng
kagamitan.
Ang isang paunawa ay isang mensahe na nagsasaad ng mahalagang
impormasyon at mistula din itong nagsasabi kung ano ang maaari at hindi
maaaring gawin.
Pinupukaw ng paunawa ang atensiyon ng tao tungkol sa anumang bagay na
maaaring makasira ng kagamitan o makapagdulot ng pagkawala ng datos.
Inilalarawan nito ang maaaring mangyari kapag hindi pinansin ang paunawa.
Halimbawa:
PAUNAWA: Huwag munang hugutin ang saksakan kung
hindi pa napapatay ang monitor. Maaaring masira ang
monitor. Patayin muna ang monitor bago hugutin ang saksak.
3. Ang paalala (note) ay ginagamit upang tukuyin ang mga aytem na
nagbibigay lamang ng impormasyon at makatutulong sa taong gumagamit upang
maunawaan ang layunin ng isang instruksiyon.

Hindi ginagamit ang paalala upang magbigay ng impormasyon kaugnay sa


kaligtasan ng mga tagapagsagawa o sa pagkasira ng kagamitan. Ito ay para lamang
sa dagdag na kaalaman na maaaring makapukaw ng interes ng mambabasa.

Mas magaan o natural ang tono ng paalala kaysa sa awtoritatibong tono ng


babala, sapagkat ito ay nagpapaliwanag lamang o nagdaragdag ng mahalagang
detalye na walang panganib na maaaring idulot sa sinuman.
Maaaring maglagay ng raised hand icon bago ang paalala upang madali
itong mapansin ng mambabasa.
Halimbawa:
PAALALA: Mapapadali nito ang proseso ng pagdidikit ng
turnilyo kapag itinaas na ang beam.

15
4. Ang anunsiyo ay nagbabahagi ng mahalagang impormasyong makapagbibigay
ng sapat na kaalaman kaninoman. Sinusulat ang anunsiyo upang makapagbigay
at makapagbahagi ng impormasyon. Sa pagsulat ng anunsiyo, ipinapaalam ng
isang tao ang isang balita para sa mga kasama sa negosyo o sa mga katrabaho,
gayundin sa mga tagatangkilik ng negosyo o mga partikular na tao o sektor na
paaapektuhan ng anunsiyong kaugnay sa trabaho.

Layunin ng anunsiyo na makapagbigay ng komunikasyon tungkol sa


mahahalagang detalye sa mga taong kailangang makaalam sa mga ito.
Isang karaniwang katangian ng mga anunsiyo ang pagiging malinaw at maikli
sapagkat ayaw ng mga tao ng mahahabang diskusyon. Ang nais ng mga
tagatanggap nito ay impormasyong tuwiran at kaugnay sa sitwasyon.
Kailangang ikonsidera ang paggamit ng wika at imahen/simbolo. Sa
paggamit ng wika, mahalagang simple at direktang tumutukoy ito sa nais sabihin ng
isang anunsiyo. Hindi maligoy ang mga salita. Sa paggamit naman ng
imahen/simbolo, mahalagang may tuwirang ugnayan ang imahen/simbolo sa
binibigyang-patalastas.
Sa sulating teknikal, karaniwan itong nasa anyo ng liham o memorandum lalo
na kung ito ay ipinapadala sa mga empleyado sa loob ng isang kompanya o
organisasyon o kaya ay isang patalastas na pinapaskil.
Ilan sa mga anunsiyo sa trabaho ay tungkol sa bagong negosyo, tindahan, o
sangay ng opisina, bagong lokasyon ng negosyo, pagtatanggal sa trabaho o
pagbabawas ng tauhan, pagbubukas para sa pagtanggap ng mga bagong
empleyado, pagpapatigil sa pagtanggap ng bagong empleyado (freeze hiring),
pagpapalit ng pangalan ng negosyo, anibersaryo ng negosyo ng kompanya, at iba
pa.

Pagyamanin
Nabasa at naunawaan mo bang mabuti ang inilahad tungkol sa aralin?
Kung hindi, ulitin mo ang pagbasa upang ganap mong maunawaan ang paksa. Kung
naintindihan mo na ang teksto, gawin mo ang mga susunod na gawain upang malinang
pa ang iyong pag-unawa sa aralin.

Ang mga sumusunod na gawain ay magsisilbing daan sa iyo upang mapagyaman


at madagdagan pa ang iyong kaalaman at pag-unawa sa paksa.

16
Gawain 4: Punan Mo!

Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang kaisipan ng
talata. Kunin ang mga ipupunong salita sa kahon.
adyenda dokumentasyon talaan institusyon
minutes of the meeting pagpupulong teknikal
Ang katitikan ng pulong o (1) _ kung tawagin sa wikang
Ingles ay isang uri ng (2) na makikita sa lahat ng organisasyon at
(3) _. Itinuturing din ito na isa sa mga anyo ng komunikasyong (4)
na kinakailangang pag-aralan upang higit na mapagbuti ang
kasanayan bilang paghahanda sa buhay propesyonal. Ito ay isang mahalagang
dokumento sa isang (5) . Isinusulat dito ang tinatalakay sa pagpupulong
ng bahagi ng (6) .

Gawain 5: Salukin Mo!


Panuto: Isulat sa patlang sa Hanay A ang letra ng tamang paglalarawan mula sa mga
pagpipilian sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
_ 1. Menu A. batayang prinsipyo
_ 2. Tagatangkilik B. listahan ng pagkain
_ 3. Tekstura C. paghahabi ng pagkain
_ 4. Hitsura D. dahilan kaya binabalik-balikan ang pagkain
_ 5. Lasa E. pagiging kakaiba ng kulay
F. mga mamimili o kliyente

Isaisip
Gawain 6: Suriin Mo!
Panuto: Pansinin ang mga larawan at isulat sa patlang kung ito ay anunsiyo, babala,
paalala o paunawa.

1. _ 2.

17
3.

4. _ 5.

Gawain 7: Punan Mo!

Panuto: Isulat kung ang sumusunod ay paunawa, paalala, anunsiyo o babala.


Sagot
1. Tiyakin na ang boltahe ay katugma ng boltaheng
nakalagay sa makina. Sasabog ang makina kapag
napabayaang nakasaksak sa labis na boltahe.

2. Ihiwalay ang puting damit sa de-kolor upang hindi humawa


ang kulay ng damit na de-kolor.

3. Bago sumakay ng bisikleta, alamin muna kung saan ang


bike lanes sa mga daraanang lugar.

4. Sa darating na Huwebes, Oktubre 15, 2020, sa ganap na


7:30 ng umaga ay may magaganap na misa sa Barangay
Hall ng Phil-am.

18
Isagawa
Binabati kita dahil napagtagumpayan mo ang mga gawain. Ngayon naman ay
iyong gamitin ang iyong mga natutuhan tungkol sa paksa. Mula sa mga nakalistang
sulating teknikal-bokasyunal, magbigay ng maikling katangian o maikling paglalarawan
tungkol dito. Isulat ang sagot sa espasyong naibigay.

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos para sa bawat bilang:


Malinaw na naibigay ang kahulugan/ katangian/paglalarawan ng sulatin 2 puntos
Wasto at angkop ang kahulugan/katangian/ paglalarawang naisulat 1 puntos
KABUOAN 3 puntos

Uri ng Sulating Kahulugan Katangian Paglalarawan


Teknikal-
bokasyunal
1. Katitikan ng
pulong

2. Menu

3. Babala

4. Naratibong
ulat

5. Paunawa

19
Tayahin

Binabati kita dahil sa pagtitiyaga mong tapusin ang mga gawain sa modyul
na ito. Ngunit may isa pang hamon na dapat mong tapusin. Sagutin mo ang huling
pagtataya upang matiyak na nakamit mo ang dapat mong matutuhan sa modyul na ito.
Kapag nakuha mo lahat ang tamang sagot sa mga aytem, maaari ka nang dumako sa
susunod na modyul. Kung hindi, balikan mo ang bahaging hindi mo nasagutan nang
tama at pag-aralan pa ito. Maaari kang magsaliksik pa tungkol dito sa ibang
sanggunian.
PANGHULING PAGTATAYA
1. Maliban sa pangalan ng kainan, nagsisilbi ring pangunahing pinagkukuhanan ng
impormasyon ng mga tao kung nais nilang kumain sa isang napiling restawran ang
A. menu. C. paalala.
B. naratibong ulat. D. paunawa.

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa elemento ng naratibong ulat?


A. Kompleto ang mahahalagang elemento ng salaysay.
B. Kronolohikal ang pagkakaayos.
C. Maaaring magtaglay ng sariling opinyon.
D. Walang kinikilingan ito.

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng naratibong ulat?
A. Mabuting pamagat C. Gumagamit ng mga tayutay at idyoma
B. Mahalagang paksa D. May wastong pagkakasunod-sunod

4. Alin ang uri ng dokumentasyon na makikita sa lahat ng organisasyon at institusyon?


A. Anunsiyo C. Paalala
B. Katitikan ng Pulong D. Paunawa

5. Alin sa mga pangungusap ang HINDI naglalarawan sa katitikan ng pulong?


A. Isinusulat dito ang tinatalakay sa pagpupulong na bahagi ng adyenda.
B. Tumatayo ito bilang dokumentong batayan para sa susunod na pulong.
C. Nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan sa pulong.
D. Ito ay isang mahalagang kagamitan sa restawran.

6. Ano ang tawag sa isang dokumento na nagsasaad ng sunod-sunod na pangyayari


o kaganapan sa isang tao o grupo ng tao?
A. Anunsiyo C. Naratibong Ulat
B. Babala D. Paunawa

20
7. Alin ang tumutukoy sa pagkakahabi ng pagkain na nakikita sa menu at kung gaano
kaartistiko ang pagkakahain upang mas maging kapana-panabik sa mga tagatangkilik?
A. Hitsura C. Tekstura
B. Lasa D. Temperatura

8. Binabalik-balikan ng mga tagatangkilik ang produktong pagkain dahil sa


A. hitsura. C. tekstura.
B. lasa. D. temperatura.

9. Ang layuning paglawayin ang tumitingin sa litrato upang masiguradong pipiliin ng


tagatangkilik ang pagkain na kaniyang nakita ay tumutukoy sa
A. hitsura. C. tekstura.
B. lasa. D. temperatura.

10. Alin ang nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay, estado, o


nararanasan ng tao?
A. Anunsiyo C. Paalala
B. Babala D. Paunawa

11. Alin ang may pautos at awtoritatibong tono upang magbigay ng pakiramdam ng
pagiging alisto o takot sa mambabasa?
A. Anunsiyo C. Paalala
B. Babala D. Paunawa

12. Ang babala ay isang uri ng


A. anunsiyo. C. paalala.
B. naratibong ulat. D. paunawa.

13. Ang atensiyon ng tao tungkol sa anumang bagay na maaaring makasira ng


kagamitan o makapagdulot ng pagkawala ng datos ay pinupukaw ng
A. anunsiyo. C. naratibong ulat.
B. katitikan ng pulong. D. paunawa.

14. Alin ang naiiba sa pangkat pagdating sa layunin?


A. Anunsiyo C. Paalala
B. Naratibong ulat D. Paunawa

15. Ano ang tawag sa isang instruksiyon na inilalagay upang makaiwas na masaktan
ang tagapagsagawa (operator) at/o maiwasan ang pagkasira ng equipment o
kagamitan sa normal na operasyon?
A. Anunsiyo C. Paalala
B. Babala D. Paunawa

21
SUSI SA PAGWAWASTO

22
TALASANGGUNIAN
Chef Newtron Kang, Naratibong Ulat. 2017.
https://www.coursehero.com/profile/ChefNeutronKangaroo215

Giron, Mando L. Layunin ng Tek-Bok na Sulatin. 2017.


https://www.slideshare.net/mrblueoflds/katangian-at-kalikasan-ng-menu-ng-pagkain

Bureau of Curriculum Development, Bureau of Learning Resources, Filipino sa


Piling Larang–Tech-Voc. 2016.
https://depedligaocity.net/fil_tgtvl_final_v3_060816.pdf

Fransisco, Christian George C, Mary Grace H Gonzales, at Aurora E Batnag.


Filipino sa Piling Larangan. Quezon City: REX Book Store, 2016.

23

You might also like