You are on page 1of 5

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Filipino sa Piling Larang

Topic: Ang Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto (Quarter 2 Week 4)

Length : 40 minutes

Scriptwriter: Mary Jane V. Ramones

Objectives: Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
 Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika .
CS_FA11/12WG-0p-r-93
Magandang hapon mga mag-aaral sa ikalabing dalawang baitang, muli ako ay nagbabalik para
talakayin ang ating bagong aralin dito sa ating paaralang panghimpapawid dito sa 105.1 Radyo
Edukalidad. Ako ang inyong gurong panghimpapawid, Mary Jane V. Ramones.

1. Bago natin simulan ang ating aralin, Kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral. Narito ang mga
panuto para makamit natin ang layunin natin sa araw na ito.
 Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng inyong mga modyul.
 Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali niyong matatandaan ang mga
araling nalinang.
 Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
 Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas ng iyong
pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin pa kayong dagdag na
pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng inyong natutuhan ay gamitin sa
pang araw-araw na gawain.
 Nawa’y maging masaya kayo sa inyong pakikinig gamit ang modyul niyo.

2. Kumusta na kayo? Handa na ba kayo sa mga gawaing kaugnay ng ating aralin sa araw na
ito? Ano ang kahalagahan sa iyo ng kaalaman sa Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto? Sa araling ito bilang mag-aaral ay matututuhan niyo ang kahulugan at
kahalagahan ng Pagsulat ng Panukalang Proyekto.

3. Ayon sa nakaraang aralin na tungkol sa pagsulat ng Panimulang Panukalang Proyekto. Anu


nga ba ito? Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Communication Empowerment Collective, isang
samahang tumutulong sa mga non-governmental organizations (NGO) sa paglikha ng mga
pag-aaaral sa pangangalap ng pondo, ang panukalang proyekto ay isang proposal na
naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.
Ito ay karaniwang gawain ng mga taong nanunungkulan sa gobyerno o pribadong kompanya
na may layuning magbigay ng dagdag n akita, trabaho, kaayusan sa komunidad at iba
pa.Nakasalalay sa konteksto ng institusyong paghahainan ng panukala ang magiging
ispesipikong anyo ng isang panukalang proyekto.
11. Nangangahulugang ito’y kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing
ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito.
12. Ayon naman kay Besim Nebiu, may-akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal
Writing, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing
gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
13. Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang proyekto. Kaya
naman, masasabing ang paggawa nito ay nangangailangan ng kaalaman, kasanayan at
maging sapat na pagsasanay. Una sa lahat, ito ay kailangang maging tapat na dokumento na
ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikha ng positibong pagbabago.
14. Ayon kay Bartle(2011), kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng
positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. Walang lugar sa sulating ito ang
ppagsesermon, pagyayabang o panlilinlang, sa halip ito ay kailangang maging tapat at totoo
sa layunin.
15. Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang proyekto. Ayon kina Jeremy Miner sa
kanilang aklat na “ A Guide to Proposal Planning and Writing”, sa pagsasagawa ng
panukalang papel, ay kailangang magtaglay ng mahahalagang bahagi at ito ay ang
sumusunod: 1. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto, 2. Pagsulat ng Katawan ng
Panukalang Proyekto, 3. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito.
16. Atin naming tuklasin kung anu ng aba ang nakapaloob sa pagsulat ng katawan ng
panukalang proyekto. Ang katawan ng panukalang proyekto ay binubuo ng mga sumusunod:
1. Layunin -Kailangang maging tiyak at isulat batay sa inaasahang resulta ng panukalang
proyekto. Ayon kina Jeremy Miner st Lynn Miner (2005), ang layunin ay kailnagang maging
SIMPLE
 Specific – bagay nan ais makamit o mangyari sa panukalang proyekto
 Immediate – tiyak na petsa kung kalian ito matatapos
 Measurable – may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto
 Practical – solusyon sa suliranin
 \Logical – paraan kung paano makakamit ang proyekto
 Evaluable – nasusukat kung paano makatutulong ang proyekto
2. Plano ng dapat gawin – Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin ang
talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang
malutas ang suliranin. Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkakasunod-
sunod ng pagsagawa nito kasama ang mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga
gawain. Dapat maging makatotohanan at kailangang ikonsidera ang badyet sa pagsasagawa
nito.
Makakatulong kung gagamit ng tsart o kalendaryo para markahan ang pagsasagawa ng
bawat gawain. Suriin ang plano ng mga gawain sa pagpapatayo ng breakwater o pader para
sa Barangay Bacao sa kabilang pahina.
3.Badyet- pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto. Ang badyet ay ang
talaan ng mga gastusin ( tulad materyales at sweldo sa manggagawa ,allowance sa
magbabatay at iba pa )ng na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. Mahalagang ito
ay mapag-aralang mabuti upang makatipid sa mga gugugulin. Maaaring magsagawa ng
bidding sa mga kontraktor na kadalasan ay may panukalang budget para sa gagawing
proyekto.Maaaring magkaroon ng tatlo o higit pang bidder na pagpipilian .Ibigay o
ipagkatiwala ang proyekro sa kontraktor na magbibigay ng pinakamababang halaga ng
badyet.Sa mga karagdagang kagamitan o materyales ,mas makabubuti kung maghahanap
muna ng murang bilihann para makatipid din sa mga gastusin. Huwag ding kaligtaang isama
sa talaan ng badyet ang iba pang mga gastusin tulad ng sweldo ng mga manggagawa
,allowance para sa mga magbabantay sa pagsasagawa nito, Mga dapat tandaan sa paggawa
ng badyet para sa panukalang proyekto ayon sa mga datos mula sa modyul tungkol sa
pagsulat ng panukalang proyekto na may pamagat na “ Paghahanda ng Isang Simpleng
Proyekto “ https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02

17. Narito ang halimbawa ng badyet na maaaring gamitin sa pagpapagawang breakwater ng


Brgy.Bacao.

Ano ang natutuhan mo sa paghahanda ng isang panukalang badyet? Sa palagay mo ba ay


mahirap itong gawin? Hindi mahirap ito kung isasaisip mo ang mga sumusunod:
1. Gawing simple at malinaw ang iyong badyet. Dapat na malaman agad ng ahensiyang
magtataguyod ang mga bahagi nito. Ang mahahalagang detalye ng gastusin ay dapat na
malinaw ang pagkakasaad.
2. Ayusing Mabuti ang iyong panukala. Pagpangkat-pangkatin ang mga gastusin ayon sa
klasipikasyon ng mga ito. Siguraduhing nakahanay ang mga halaga uoag madaling
sumahin ito.
3. Gumawa ng pag-aaral ng mga ahensiyang nagtataguyod ng mga proyekto at alamin ang
mga bagay na kailangan sa panukala at ang halagang kanilang tinutustusan upang
makasama ang iyong panukala sa kanilang itataguyod. Sa ganitong paraan mas malaki
ang tsansang maaprobahan ang iyong proyekto. Maaari ka ring manghingi ng kopya ng
mga naaprobahan nilang mga proyekto upang maikumpara ang gawa mo.
4. Ihanda ang iyong badyet hanggang sa huling sentimo. Ang mga ahensiyang
nagtataguyod ng mga proyekto ay kadalasang gumagawa ng pag-aaral para sa itataguyod
nilang proposal.
5. Siguraduhing tama ang lahat ng kukuwentahin. Mangangahulugan ito ng iyong
integridad at karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo.
Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito
Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa
pagsasakatuparan ng layunin hal. Mga bata, mamamayan,kababaihan ,magsasaka,mahihirap
na pamilya,mga negosyante at iba pa.Maaari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o
kongklusyon ng iyong panukala. Sa bahaging ito, ay maaaring ilahad ang mga dahilan kung
bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto .Tunghayan ang halimbawang
nakasulat sa ibaba.
Paano Mapakinabangan ng Barangay Bacao ang panukalang proyekto.
Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng
mamamayan ng Brgy.Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na
dulot ng baha ay masosolusyunan. Di na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng
kanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang
pamumuhay.Higit sa lahat, magkakaroon na ng kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing
sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang tubig sa ilog sa tulong ng mga
ipapatayong mga pader.
Balangkas ng Panukalang Proyekto
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto - hinango sa inilahad na pangangailangan bilang tugon
sa suliranin.
2. Nagpadala- tirahan ng sumulat ng paanukalang proyekto
3. Petsa- araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel isinama na rin kung gaano katagal
gagawin ang proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin- nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o
maibigay ang pangangailangan,
5. .Layunin – dahilan okahalagahan kung bakit isagawa ang panukala
6. Plano na dapat gawin- talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing para
pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang
bawat isa.
7. Badyet- kalkulasyon ng mga guguling gagamiti sa pagpapagawa ng proyekto
8. Paano mapakinabangan ng pamayanan o samahan ang panukalang proyektokonklusyon
ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng proyekto at
benepisyong makukuha nila mula rito.
Paglalagom:
 Ang panukalang proyekto ay isang nakasulat na mungkahi at siyang ihaharap sa mga
taong makatutulong sa pagkamit ng layunin para sa pamayanan.
 Ang panimula, ang unang bahagi ng iyong panukalang proyekto, ang magiging
paksa ng araling ito. Dito mo tutukuyin ang kaukulang pangangailangan ng iyong
pamayanan. Batay dito, maaari mo nang mailahad ang layunin ng iyong proposal.
Dapat ay nakasaad din kung bakit mo ipinapalagay na ito ay mahalagang
pangangailangan
 Ang bahaging ito ay dapat na maikli lamang ngunit malinaw at direkta ang punto.
Dapat na nakapaloob dito ang paglalarawan ng iyong pamayanan at kung paanong
15 makatutulong sa pangangailangan ng pamayanan ang panukalang proyektong
iyong ibinigay
 Ang pangangailangan ay isang kakulangan. Isa itong bagay na gusto mong makamit
sa hinaharap
 Ang pahayag ng suliranin ay tumutukoy sa mga pangangailangang nais tugunan ng
proyekto. Nagsasaad rin ito kung bakit mahalaga ang proyekto.
 Ang magandang pagpapahayag ng suliranin ay maikli, malinaw at direkta ang punto.
 Ang layunin ay ang bagay na gusto mong makamit. Kapag nakamtan na ito,
natugunan na ang pangangailangan.
 Matagumpay lamang ang isang proyekto kung natugunan ang mga layunin at
pangangailangan nito.
 Ang plano ng dapat gawin ay isang detalyadong pagsasalarawan ng lahat ng
gagawin na may kinalaman sa panukalang proyekto, kasama dito ang panahong
iyong gugugulin.
 Alamin ang iyong proyekto! Isama lamang sa badyet ang mga bagay na mahalaga
para dito.
 Sa paggawa ng badyet, siguruhing nakapaloob dito ang lahat ng mahalagang
gastusin.
 Ang bahagi ng panukalang may pamagat na “Paano Mapapakinabangan ng Aking
Pamayanan ang Panukalang Ito” ay naglalaman ng pagsusuri ng proyekto.
 Ang bahaging ito ay nagsasaad kung sinu-sino ang mga makikinabang sa proyekto
at ano ang kanilang aktuwal na makukuha rito.
 Ang walong bahagi ng proyekto ayon sa kanilang pagkakasunud-sunod ay: pamagat,
nagpadala, petsa, pagpapahayag ng suliranin, layunin, plano ng paggawa, badyet at
“Paano Mapapakinabangan ng Aking Pamayanan ang Panukalang Ito”.
18. Para sa inyong gagawin sa linggong ito gumawa ka ng iyong sariling panukalang proyekto.
Maaari mong ipagpatuloy ang nasimulan niyong gawain o malaya kayong pumili na bagong
papaksain ayon sa suliranin sa ating paaralan o pamayanan. Isulat ito sa bondpaper at
siguraduhing masunod ang mga bahagi ng pagsulat nito.
19. Naintindihan niyo ba ang ating aralin sa araw na ito? Sana ay naunawaan ninyong mabuti ang
ating aralin, kung kayo ay may mga katanungan pwede kayong mag message sa ating group
chat o pwede niyo rin akong itxt sa aking numero na nakalagay sa inyong mga envelope.
Diyan na nagtatapos ang ating aralin sa araw na ito, sana ay nakapagiwan kami ng aral para
masagutan ninyo ang iba’t-ibang mga gawain sa inyong mga modyul. Hanggang sa muling
pakikinig sa parehong araw at oras dito sa 105.1 RADYO EDUKALIDAD ang opisyal na
istasyon ng CCSTHS. Muli ako ang inyong gurong panghimpapawid sa Filipino sa Piling
Larang, Mary Jane V. Ramones SIGNING OFF.

You might also like