You are on page 1of 5

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Filipino sa Piling Larang

Topic: Ang Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto


(Quarter 2 Week 3)
Length : 40 minutes
Scriptwriter: Mary Jane V. Ramones

Objectives: Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang


sumusunod:
 Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika .
CS_FA11/12WG-0p-r-93
Magandang hapon mga mag-aaral sa ikalabing dalawang baitang, muli ako ay nagbabalik para
talakayin ang ating bagong aralin dito sa ating paaralang panghimpapawid dito sa 105.1 Radyo
Edukalidad. Ako ang inyong gurong panghimpapawid, Mary Jane V. Ramones.

1. Bago natin simulan ang ating aralin, Kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral. Narito ang
mga panuto para makamit natin ang layunin natin sa araw na ito.
 Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng inyong mga modyul.
 Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali niyong matatandaan ang
mga araling nalinang.
 Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
 Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas ng
iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin pa kayong
dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng inyong natutuhan
ay gamitin sa pang araw-araw na gawain.
 Nawa’y maging masaya kayo sa inyong pakikinig gamit ang modyul niyo.

2. Kumusta na kayo? Handa na ba kayo sa mga gawaing kaugnay ng ating aralin sa araw
na ito? Ano ang kahalagahan sa iyo ng kaalaman sa Pagsulat ng Panimula ng
Panukalang Proyekto? Sa araling ito bilang mag-aaral ay matututuhan niyo ang
kahulugan at kahalagahan ng Pagsulat ng Panukalang Proyekto.

3. Ayon sa nakaraang aralin na tungkol sa replektibong sanaysay, ang pagsulat ng isang


sanaysay ay napakahalaga. Napag-aralan din ninyo na ang larawang sanaysay ay isang
koleksyon o limbag na mga imahe o larawang inilalagay sa isang particular na
pagkakasunud-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, mga damdamin at mga
konsepto sa pinakapayak na paraan.

4. Ibig sabihin, isinasalaysay ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunud-sunod


ng larawan. Kung pangkalahatang kaisipan lamang ng pangyayari ay maaari nang
gamitin ang isang larawang may natatanging dating. Ibig sabihin, sa isang kuhang
larawan ay naroon na ang lahat-lahat ng mga ideya.

5. May mga dapat din tayong tandaan sa pagsulat ng isang larawang sanaysay o photo
essay ito ay ang ga sumusunod:
• Siguruhing pamilyar ka sa paksa
• Alamin kung magiging interesado sa paksa ang magbabasa nito
• Kilalanin kung sino ang mambabasa
• Malinaw ang patutunguhan ng photo essay
• Idepende ang haba ng teksto sa paglalarawan
• Kailangang may kaisahan ang mga larawan
• Isaalang-alang ang consistency sa framing, komposisyon, anggulo, pag-iilaw o
kulay.
6. Ayon nga kay Amit Kalantri na isang nobelistang Indian, “A photograph shouldn’t be
just a picture, it should be a philosophy”. Na may katotohanan naman, ang litrato ay
isang larawan sa pisikal na anyo. Kaya naman, kahanga-hanga ang mahuhusay kumuha
ng larawan dahil higit nila itong nabibigyang-buhay.
7. Ang larawan ay mahalagang kagamitan para sa isang guro na kagaya ko dahil ito ay
madalas niyang gamiting pantulong na kagamitan sa pagtuturo upang pagkatuto ng
mag-aaral. Kaya naman, hindi nakapagtatakang ang mga larawan ay gamitin din bilang
mga instrument sa mga gawaing pagsulat tulad ng photo essay o larawang-sanaysay.
8. Ngayon naman ay dumako tayo sa ating bagong aralin, ito ay ang Pagsulat ng
Panimulang Panukalang Proyekto. Anu nga ba iyo? Pero bago natin alamin ang ibig
sabihin, nais ko munang alamin kung may ideya kayo sa ating aralin. Ito ay ang
pagkilala kung ito ay tama o mali. Suriin ang mga pahayag na aking babasahin, isulat
ang Tama kung ito ay may katotohanan at Mali kung hindi naglalahad ng katotohanan.
Isulat sa inyong mga kwaderno ang inyong mga sagot at ating itatama pagkatapos ng
ating klase.
9. 1. Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing
gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
2. Sa pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangang magtataglay ng apat na
mahahalagang bahagi.
3. Ang unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy ng layunin, plano
na dapat gawin at badyet.
4. Ang paggawa ng panukalang proyekto ayn nangangailangan ng kaalaman, kasanayan,
at maging sapat na pagsasanay.
5. Makikita sa panimula ng panukalang proyekto ang maikling paglalarawan ng
pamayanan, ang suliraning nararanasan nito, at ang pangangailangan nito upang
masolusyunan ang nabanggit na suliranin.
10. Naisulat na bas a mga kwaderno ninyo ang inyong mga sagot? Atin naming tuklasin ang
ibig sabihin ng panukalang proyekto. Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Communication
Empowerment Collective, isang samahang tumutulong sa mga non-governmental
organizations (NGO) sa paglikha ng mga pag-aaaral sa pangangalap ng pondo, ang
panukalang proyekto ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain
para sa isang komunidad o samahan.
Ito ay karaniwang gawain ng mga taong nanunungkulan sa gobyerno o pribadong
kompanya na may layuning magbigay ng dagdag n akita, trabaho, kaayusan sa
komunidad at iba pa.Nakasalalay sa konteksto ng institusyong paghahainan ng
panukala ang magiging ispesipikong anyo ng isang panukalang proyekto.
11. Nangangahulugang ito’y kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng
gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nitong siyang tatanggap at
magpapatibay nito.
12. Ayon naman kay Besim Nebiu, may-akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal
Writing, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing
gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
13. Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang proyekto.
Kaya naman, masasabing ang paggawa nito ay nangangailangan ng kaalaman,
kasanayan at maging sapat na pagsasanay. Una sa lahat, ito ay kailangang maging tapat
na dokumento na ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikha ng positibong
pagbabago.
14. Ayon kay Bartle(2011), kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng
positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. Walang lugar sa sulating ito ang
ppagsesermon, pagyayabang o panlilinlang, sa halip ito ay kailangang maging tapat at
totoo sa layunin.
15. Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang proyekto. Ayon kina Jeremy Miner sa
kanilang aklat na “ A Guide to Proposal Planning and Writing”, sa pagsasagawa ng
panukalang papel, ay kailangang magtaglay ng mahahalagang bahagi at ito ay ang
sumusunod: 1. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto, 2. Pagsulat ng Katawan
ng Panukalang Proyekto, 3. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang
nito.
16. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
 Tukuyin ang pangangailangan ng komunidad, samahan, paaralan, klasrum, o
kompanyang pag-uukulan ng project proposal upang makatulong at makalikha
ng positibong pagbabago.
 Gawing tiyak, napapanahon, at akma ang gagawing panukalang proyekto
 Ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala
 Ang panukalang proyekto ay isang nakasulat na mungkahi at siyang ihaharap sa
mga taong makatutulong sa pagkamit ng layunin para sa pamayanan.
 Ang panimula, ang unang bahagi ng iyong panukayang proyekto, ang magiging
paksa ng araling ito. Dito mo tutukuyin ang kaukulang pangangailangan ng iyong
pamayanan. Batay dito, maaari mo nang mailhad ang layunin ng iyong proposal.
Dapat ay nakasaad din kung bakit mo ipinapalagay na ito ay mahalagang
pangangailangan.
 Ang bahaging ito ay dapat na maikli lamang ngunit malinaw at direkta ang
punto. Dapat na nakapaloob dito ang paglalarawan ng iyong pamayanan at kung
paanong makatutulong sa pangangailangan ng pamayanan ang panukalang
proyektong iyong ibinigay.
Sa pagsulat ng panukalang proyekto, kailangang bigyang-pansin ang sumsunod na
mga tanong:
1. Ano an nais mog maging proyekto?
2. Ano ang mga layunin mo sa panukalang proyekto?
3. Kalian at saan mo ito isasagawa?
4. Paano mo ito isasagawa?
5. Gaano katagal mo itong gagawin?
6. May sapat bang puhunan o kapital para sa proyekto?
Mahalagang matutuhan ninyo ang ganitong uri ng akademikong sulatin upang
malinang ang kassanyang mag-isip, magmungkahi, masusing magsiyasat, at
magpasiya o bumuo ng desisyon.
Mahalaga na maging makatotohanan ang panukalang proyekto dahil kung ang
panustos mo ay hindi umaayon sa kinakailangang salaping igugugol para sa
proyekto ay hindi ito maaaring payagan o sang-ayunan. Maaaring magdulot ito ng
maling pag-iisip para sa iba o maging sanhi pa ng pagkawala ng tiwala sa
nagpanukala. Kung ang ihahain mong panukala ay tumutugon sa mabuting
kapakanan ng lahat, tiyak na agaran itong sasang-ayunan. Kung maaari, tiyaking
naisasaalang-alang ng panukalang proyekto ang kabutihan ng lahat, hindi lamang
pansarili o ng iilang tao.
Hindi maligoy at kagyat ang paglalahad ng mga detalye tiulad ng kahalagahan,
katangian, at iba pang mga datos para sa panukalang proyekto ang nilalaman ng
ganitong uri ng sulatin. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng direktang pagdedetalye
ng mga kinakailangang bagay sa proyekto at direkta ring paliwanag sa proseso ng
pagsasagawa ng proyekto.
17. Anu-ano namn ang mga espesipikong laman ng panukalang proyekto? Una ay ang
pamagat, dapat na malinaw at maikli. Hal: “ Panukala para sa TULAAN 2016 sa
Pagdiriwang ng Buwan ng Wika”
18. Pangalawang bahagi ay ang Proponent ng Proyekto na kung saan ito ay tumutukoy sa
tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto. Isinusulat dito ang address, email,
cell phone o telepono a lagda ng tao o organisasyon.
19. Ang pangatlong bahagi ay ang Kategorya ng Proyekto dito tinatalakay kung ang
proyekto ba ay seminar o kumprensiya, palihan, pananaliksik, patimpalak, konsiyerto
o outreach program.
20. Ang pang-apat na bahagi ay ang petsa, dito nilalagay kung kalian ipadadala ang proposal
at ano ang inaasahang haba ng panahon upang maisakatuparan ang proyekto.
21. Sumunod na bahagi ang rasyonal, dito ilalahad ang mga pangangailangan sa
pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano ang kahalagahan nito.
22. Ang pang anim na bahagi ay ang deskripsyon ng proyekto, dito isusulat ang panlahat at
tiyak na layunin. Nakadetalye dito ang mga pinaplanong paraan upang maisagawa ang
proyekto at ang inaasahang haba ng panahon.
23. Pang pito ay ang badyet, itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa
pagkumpleto ng proyekto. At ang panghuli ay ang pakinabang, ano ang pakinabang ng
proyekto sa mga direktang maapektuhan nito-sa ahensiya o indibidwal na tumulong
upang maisagawa ang proyekto?
Pansinin ang mga halimbawa:
PAGTUKOY SA PANGANGAILANGAN NG PAMAYANAN: Anu-anong mga bagay ang kailangang-
kailangan ng iyong barangay? May mga suliranin ba ang iyong barangay sa
nangangailangan ng agarang lunas? Mag-isip ng dalawang suliraning kinakaharap ng
inyong barangay ngayon.
Sa Brgy. Pagkakaisa, ang dalawang suliraning nararanasan ng mga mamamayan ay ang
sumusunod:
1. Paglaganap ng sakit na dengue
2. Kakulangan ng suplay ng tubig
Mula sa nabanggit na suliranin ay itala ang mga kailangan ng Barangay Pagkakaisa upang
malutas ang kanilang mga suliranin.
Suliranin #1
1. Paglaganap ng sakit na dengue
Mga bagay na kailangan:
a. Pagtuturo sa mga mamamayan tungkol sa pangangalaga sa kalinisan ng
kapaligiran upang maiwasan ang dengue
b. Pagsagawa ng fumigation apat na beses sa isang tao.
Suliranin #2
2. Kakulangan ng suplay ng tubig
Mga bagay na kakailanganin:
a. Pagtuturo sa mga mamamayan sa wastong paggamit at pagtitipid ng tubig/
b. Pagpapagawa ng poso para sa bawat purok ng barangay
24. Ano ang napansin niyo sa ibinigay na halimbawa? Ang suliraning pampamayanan ay
maaaring may dalawa o higit pang solusyon. Batay sa inyong sariling talaan,
magbigay ng dalawang solusyon na magagawa mo agad.
25. Tunghayan ang halimbawa ng isang panimula ng panukalang proyekto. Tinatawag ito
ng sulatin na “ Pagpapahayag ng Suliranin”
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng
General Trias sa Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang agricultural bagamat unti-
unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar na ito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang
malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ualn Ito ay nagdudulot ng malaking
problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay
,kagamitan,at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang
pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na
pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog . Kung ito ay maipatatayo , tiyak
na di na kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa
lahat ,maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang
maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at
kaligtasan ng mga mamamayan.

10. Naintindihan niyo ba ang ating aralin sa araw na ito? Sana ay naunawaan ninyong
mabuti ang ating aralin, kung kayo ay may mga katanungan pwede kayong mag
message sa ating group chat o pwede niyo rin akong itxt sa aking numero na nakalagay
sa inyong mga envelope. Diyan na nagtatapos ang ating aralin sa araw na ito, sana ay
nakapagiwan kami ng aral para masagutan ninyo ang iba’t-ibang mga gawain sa inyong
mga modyul. Hanggang sa muling pakikinig sa parehong araw at oras dito sa 105.1
RADYO EDUKALIDAD ang opisyal na istasyon ng CCSTHS. Muli ako ang inyong gurong
panghimpapawid sa Filipino sa Piling Larang, Mary Jane V. Ramones SIGNING OFF.

You might also like