You are on page 1of 2

Pagbasa at Pagsusuri

Week V
Isaisip (Modyul 6)
1. Ano-ano ang mga kailangang materyales sa pagkuha ng datos?
May iba’t-ibang materyales sa pagkuha ng mga datos sa pananaliksik,
maari itong maging sarbey palatanungan, maaaring interview, o mga
naratibo at diary. Napakahalaga na kailangan mong magkaroon ng
kaalaman hingil sa isusulat mong paksa. Mahirap ang pagsulat ng
isang paksa ngunit kung mapamaraan ang gagawa nito ito ay
magiging madali lamang.

2. Ano ang mga paraan upang makakuha ng datos mula sa people


trail, paper trail at e-trail.
Isa sa mahahalagang paraan sa pagkuha ng datos ay ang sarbey, ito
ay nagsisimula sa paggawa ng palatanungan, at sinusundan ng pag
sasaayos sa intrumento para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong
at upang matiyak ang kaangkupan ng mga tanong sa mga problemang
nais lutasin.

3. Paano makatutulong ang angkop na pagkalap ng datos sa pagsulat


ng teksto?

Makakatulong ito sa kabuuang kredibilidad ng teksto. Ang


pagkakaroon ng isang ma-kredibilidad na teksto ay nangangahulugan
na ang impormasyon sa loob nito ay kagalang-galang at isang
pinagkakatiwalaang mapagkukunan para sa mga naghahanap ng
impormasyon para sa paksang ito.

4. Bakit mahalaga ang mga kasanayan sa pagkalap ng datos?


Dahil kung ikaw ay kagalang-galang, magiging kagalang galang din
ang iyong mga gawa. Para magkaroon ng maayos na kredibilidad,
kinakailangan na sumunod sa mga tamang palatuntunan sa pagbuo ng
isang teksto. Mahalaga ito dahil dito natutukoy ang legasiya ng iyong
gawa.

5. Paano isinasagawa ang panayam, pagkuha ng impormasyon sa


pamamagitan ng papel at ng elektronikong tala?

Nagsisimula ito sa pamamagitan ng paglikha ng talatanungan, at


pagkatapos ay ayusin ang mga kagamitang kinakailangan upang
maitama ang pagkakasunud-sunod ng mga katanungan at siguraduhin
na ang mga katanungan ay umaangkop sa problema na malulutas.
Isaisip (Modyul 7)
1. Bakit mahalagang malaman ang kaisipang nakapaloob sa binasang
teksto?

Mahalaga at importante ito nang sa gayon ay maunawaan ng


mambabasa kung paano niya ito bibigyan ng isang mataas na antas
ng pagkilala at sa ganitong paraan ay maunawaan niya ang paksa.

1. Anong estratehiya ang ginamit mo upang maiugnay ang kaisipang


nakapaloob sa nabasang teksto Sa sarili, pamilya, komunidad, bansa
at daigdig?
Mahalaga para sa akin ang pagbibigay ng paunang sariling pananaw
at magbase sa kung paano sinimulan ng may akda ang pahayag at
hayaan ang aking isip na kumilitis tungkol rito. At sa gayon maihayag
ko sa aking pamilya ang aking katuturang naitamasa. Magiging
malaking tulong sa komunidad at bansa ang aking ginawa dahil rito,
nadadagdagan pa ang halaga ng mga tekstong babasahin.

2. Anong uri ng teksto ang maaari mong gamitin kung nais mong
isulat ang tungkol sa kagandahan ng isang lugar? Ipaliwanag.
Ang uri ng tekstong magandang gamitin sa mga gantong konteksto ay
ang uri ng tekstong Deskriptibo. Ito ang pinakamagandang paraan
upang maipakita at maihayag kung ano ang mga bagay na mayroon
ang isang lugar at mas ipakilala ng mas malalim ang kagandahang
taglay nito.

3. Anong pagkakaiba ng tekstong deskriptibo sa tekstong


impormatibo?
Ang tekstong impormatibo ay naglalaman ng mga importante at
makatotohanang pahayag na nagmula sa mga makakatwirang
pahayag ng lipunan at siyang nakabase sa makaagham na
pangangahulugan. Sa kabilang banda, ang tekstong deskriptibo naman
ay naglalayong makapagpahayag ng isang bagay sa anyong
binibigyan ito ng sariling kulay at naglalayong magbukas imahinasyon
ng mambabasa at bumuo ng sarili nitong perspektibo tungo sa
binabasang teksto.

5. Bakit natin kailangang malaman ang kaisipang nakapaloob sa


bawat tekstong ating binasa?
Dito ay mauunawaan nating mabuti at magiging mas may kabuluhan
pa ang ating mga binabasa, sa gantong paraan ay maari nating
madagdagan pa ang ating kaunlaran at magamit ito sa mabubuting
bagay na makakatulong para sa atin, sa pamilya, sa komunidad, at sa
bansa.

You might also like