You are on page 1of 18

11

www.shsph.blogspot.com

Filipino
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
Modyul 4: Pagsulat ng Iba’t
Ibang Uri ng Teskto
www.shsph.blogspot.com
Filipino – Baitang 11
PAGBASA – Modyul 4 : Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Lilybeth R. Mallapre


Editor: Anna Liza F. Abuloc; Sharon A. Vito
Eric P. Gelilio
Tagasuri: Nora J. Laguda
Anna Liza F. Abuloc
Tagaguhit: Emma N. Malapo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Phoebe Anne R. Mallapre
Shem Rei G. Cervantes; Brian Navarro
www.shsph.blogspot.com
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

PARA SA TAGAGABAY
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang ang
modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-aaral,
magulang, o sinumang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin at iingatan ang
modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang bawat
mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi at panapos
na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito, ipaalala sa mag-aaral
na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang tunguhin.

PARA SA MAG-AARAL
Mahilig ka bang magsulat? Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Gagabayan ka nito upang malinang ang iyong kakayahan sa pagsusulat. Dito’y
maipahahayag mo ang iyong damdamin at kaisipan nang may kalayaan sa
anomang paksang nais mong isulat.
Sa modyul na ito’y sasanayin ka sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng teksto.
Maaari kang magbahagi ng iyong karanasan sa pag-aaral o sa pakikibaka sa
hamon ng buhay. Magagamit mo rin ang iyong imahinasyon sa pagpapalawak ng
iyong kaalaman. Maari mong ilarawan ang iyong kapaligiran o mga taong
nakapaligid sa ‘yo o kaya naman paglalarawan ng iyong damdamin.

ii
2
www.shsph.blogspot.com
Narito ang ilang paunawa sa tamang paggamit ng modyul na
ito.

1. Basahin at unawain mo ang mga panuto bago mo simulan ang bawat


gawain sa modyul na ito.

2. Tutulungan ka ng iyong guro kung may mga di ka nauunawaan, huwag


kang mahiyang magtanong.

3. Ang lahat ng sagot sa bawat gawain o aralin ay isusulat mo sa iyong


booklet o notebook.

4. Ingatan ang paggamit ng modyul na ito, huwag susulatan at panatilihing


maayos at malinis ang bawat pahina.

iii
3
www.shsph.blogspot.com

Tekstong Deskriptibo

Panimula:
Magandang araw! Kumusta? Alam kong mahusay mong nabibigyang
deskripsyon ang lahat ng nakikita mo sa iyong paligid. Hindi mo man sabihin
ay mayroon kang nakalaang salitang naglalarawan sa bawat nakikita mo
lalo na sa mga taong malalapit sa iyo, ‘di ba? Kaya naman upang higit mong
mapalawak ang iyong kahusayan sa paglalarawan, narito ang tekstong
deskriptibo na tiyak kong iyong maiibigan at maituturing na kaibigan sa araw
na ito.
Tara nang maglarawan!

Layunin

Sa modyul na ito, inaasahan na:

nasusuri mo ang teksto ayon sa uring kinabibilangan nito at

nagagamit mo ang mga salitang naglalarawan sa pagsulat ng tekstong


deskriptibo.

1
4
www.shsph.blogspot.com

Talasalitaan

Hanapin mula sa kahon ang salitang kasingkahulugan ng mga salitang may


salungguhit sa loob ng pangungusap. Isulat ang letra sa nakalaang guhit sa
unahan ng pangungusap.

a. magkatotoo ang sinabi b. pagkukwento c. malungkot


d. maraming iniisip e. napagmasdan

__________ 1. Hindi na ako mag-aalala, nawa’y magdilang–anghel ka sa sinabi


mong iyan..
__________ 2. Habang kami’y naglalakad,, isang mahabang pagsasalaysay

ang narinig ko mula sa’king kasabay.

__________ 3. Habang nagbibyahe ay lumilipad ang isip ko. Anong kapalaran

ang naghihintay sa’kin sa ibang bansa?

__________ 4. Malamlam ang mga titig niya sa akin. Isang titig nang pamamaalam.

__________ 5. Sa aking pag-uwi ‘y muli kong nasilayan ang kagandahan ng lugar


namin.

Ano na ba ang alam mo? Subukin mong


alamin kung ano na ang alam mo sa
paksang iyong napag-aralan. Sagutan mo
. sa hiwalay na papel ang pagsusulit na ito.

2
5
www.shsph.blogspot.com

Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Lagyan ng tsek (/)


Panimulang
Pagsubok ang bilang ng pahayag na deskriptibo at ekis (X)
kung hindi deskriptibo.

1. Lumaki siyang sanay sa lahat ng gawain sa bahay, mahirap man ito o madali
ay kinakaya niyang gawin.

2. Mabigat ang damdamin ng inang nagpaalam sa kaniyang tatlong maliliit na


anak

3. Hatinggabi na’y gising pa rin si Renzy, nakaharap sa kaniyang laptop, ngunit


tila hindi mapakali sa kaniyang ginagawa.

4. May isang lalaki na may isandaang tupa ngunit nawala ang isa. Iniwan niya
ang siyamnapu’t siyam at hinanap ang nawalang isa.

5. Nang minsang sumakay si Jesus sa bangka kasama ang kanyang mga


alagad ay bumugso sa lawa ang isang malakas na bagyo. Maalon ang dagat
at malakas ang ihip ng hangin.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 13 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?

5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY


3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

Ngayon ay kilala mo na ang mga pahayag na deskriptibo. Ihanda ang iyong


sarili sa iba pang mga gagawin.

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

6
3
www.shsph.blogspot.com

PAGSASANAY I

BASAHIN MO

Basahin at unawain mo ang aralin sa loob ng kahon at pagkatapos ay


sagutin mo ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
hiwalay na malinis na papel. Kayang-kaya mo ito.

Alam mo ba na ang tekstong deskriptibo ay maaaring isulat sa


dalawang paraan? Ito ay ang karaniwan at masining na paglalarawan.
Maaari kang magsulat gamit ang karaniwang paglalarawan. Dito’y tahasang
inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian
nito sa tulong ng mga pang-uri at ang mga pang-abay.

Sa masining na paglalarawan, malikhain ang paggamit ng wika sa


tulong ng mga tayutay o matalinhagang salita.

Layunin nitong ilarawan ang mga katangian ng tao ,ang kanyang mga
ideya , paniniwala at mga pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid at
gayundin ang iba pang bagay na matatagpuan dito.`

LINANGIN: Ipagpatuloy mo ang pagbabasa at sagutin ang mga tanong.

Nang minsang sumakay si Jesus sa bangka kasama ang kanyang mga alagad
ay bumugso sa lawa ang isang malakas na bagyo.
Sa lakas ng bagyo ay halos matabunan na ng alon ang bangkang sinasakyan
nila.

Nagkataon namang mahimbing na natutulog noon si Jesus kaya ang mga alagad
ay nilapitan at ginising siya.

“Panginoon, tulungan ninyo kami! Mamamatay kami! Lulubog tayo!”

Nang magising si Jesus ay sinabi niya sa mga alagad, “Ano’t kayo’y natatakot?
Napakaliit naman ng pananalig ninyo!”

Nang oras ding yaon ay bumangon ni Jesus, pinatigil ang hangin at ang mga
alon, at bumuti ang panahon.

4
7
www.shsph.blogspot.com
IPAGPATULOY MO

Anong uri ng teksto


ang iyong binasa?

Isang tekstong
deskriptibo.
Tama! Tekstong
deskriptibo. Magbigay
ng mga patunay na
ito’y deskriptibo.

Gumamit ito ng mga


salitang naglalarawan
gaya ng malakas ,
halos matabunan,
Tama ka ulit, gumamit
mahimbing, napakaliit.
ng mga salitang
naglalarawan. Anong
tawag mo sa salitang
ito?

Yan ang mga pang-


uri at pang-abay. Magaling! Iyan nga ang
mga pang-uri at pang-
abay. Anong uri ito ng
paglalarawan?
Isa itong karaniwang
paglalarawan, gamit
ang pang-uri at pang-
abay. Paano inilarawan ni
Jesus ang kanyang mga
alagad?

Napakaliit ng
pananalig ng mga Magaling! Tumpak ang
alagad ni Jesus iyong sagot!

8
5
www.shsph.blogspot.com

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman sa pagsulat ng


teksto?
Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pagsusulat?
Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

□ Lubos na naunawaan
□ Naunawaan
□ Naguluhan

Ngayon maliwanag na sayo ang karaniwang paglalarawan.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang isa pang
gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.

Panuto:Basahing mabuti ang tekstong nasa loob ng kahon. Pagkatapos ay


suriin kung saang uri ito ng teksto kabilang.

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ngunit ayaw ko pa ring pumasok sa aming


bahay. Nakapako ang aking paningin sa dakong lulubugan ng araw. Nakita kong tila
kumakaway na nagpapalam ang paglubog nito. May lungkot na pumintig sa aking
puso kasabay ng pagpatak ng mga perlas na luha mula sa’king mga mata. Muling
nagbalik sa aking alaala ang mapait na kahapon na akala ko’y tunay ko nang
nakalimutan.

Ganito rin ang senaryo nang ipinagkait ko sa kanya ang aking pagpapatawad.
Binabagabag ako ng aking kahapon. Ngayon, ganap ko nang naunawaang huli na
ang lahat! Paano na ang aking bukas?

6
9
www.shsph.blogspot.com

1. Sino ang nagsasalita sa binasa mong teksto?


A. Isang dalagang iniwan ng kaibigan
B. Isang taong iniwan ng minamahal dahil sa di pagkakaunawaan
C. Isang binatang hindi napatawad ng kasintahan
D. Isang babaeng hindi marunong magpatawad

2. Alin sa mga pahayag ang masasabing hindi masining?


A. Nag-aagaw ang liwang at dilim.
B. May lungkot na pumintig sa aking puso.
C. Nagbalik sa aking alaala ang mapait na kahapon.
D. Ganap ko nang naunawaan na huli na ang lahat.

3. Anong uri ng tayutay ang pahayag na ito “Nakita kong tila


kumakaway na nagpapaalam ang paglubog nito”.
A. simili o pagtutulad
B. personipikasyon
C. metapora
D. pagmamalabis

4. Paano mo ilalarawan ang damdamin ng nagsasalita sa teksto?


A. Labis ang kalungkutan
B. Nanghihinayang sa kahapong nagdaan
C. Naiinis sa mga nangyari sa nakaraan
D. Nalulungkot na may halong pagsisisi at panghihinayang.

5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng nagsasalita sa teksto, anong


gagawin mo upang makapag-moved-on ka?
A. Muling maghahanap ng bagong kasintahan.
B. Pipiliting kalimutan sapagkat walang kuwenta ang kahapon.
C. Tanggapin ang kapalaran at harapin ang bukas nang may pag-
asa.
D. Umasa na muling magtatagpo sila sa darating na panahon.

7
10
www.shsph.blogspot.com

PAGSASANAY II

Subukin mong sumulat ng isang tekstong naglalarawan. Dugtungan


ng limang pangungusap ang aking sinimulang talata upang makabuo
ng tekstong deskriptibo.

Kapag magkakasama kaming pamilya sa bahay ay palaging maraming


kuwentuhan, si kuya ang palaging bida kaya masaya ang lahat. Ngunit ngayon ay
iba na, ramdam ko ang nakabibinging katahimikan na dati-rati’y hindi naman ganito.
Nagsimula ang lahat nang magpakabit ng internet ang mommy ko.
___________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________________________________________.

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.


Aling pagsasanay ang higit mong nagustuhan?
Pagsasanay 1
Pagsasanay 2

Binabati kita sa iyong tagumpay

8
11
www.shsph.blogspot.com

PAGSASANAY III

Muli mong balikan ang karaniwan at masining na paglalarawan, nakita mo ba


ang pagkakaiba? Ikaw naman ngayon ang susulat ng isang tekstong
deskriptibo sa masining na pagpapahayag.

Panuto: Sumulat ng tekstong deskriptibo na binubuo ng tatlong talata.


Pumili ng isang paksa mula sa tatlong pamimilian na gusto mong
ilarawan. Lagyan ng sariling pamagat.

1. Isang lugar na narating.


2. Ang iyong pamilya
3. Ang sitwasyon ng iyong pag-aaral sa ngayon

Rubriks sa pagsulat:
1. Tiyaking nagagamit ang mga tayutay o matatalinhagang
pananalita.(4 puntos)
2. Malinis ang pagkakasulat at wasto ang pagkakagamit ng mga
bantas. (3 puntos)
3. Organisado ang pagkakabuo ng mga ideya sa bawat talata
(3puntos)
.

Natutuwa ako sa mga ginawa mo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay.


Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 13.

Anong naramdaman mo matapos malaman ang


resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

12
9
www.shsph.blogspot.com
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo sa loob ng
aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito. Huling
pagsubok na lamang ito na kailangan mong sagutin.

Panapos na Gawain

PANUTO: A. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba at sabihin kung ang


paglalarawan ay: (A) masining o ( B) karaniwan. Titik lamang ang isulat.

________ 1. Salamat sa matapat na paglilingkod mo sa bayan, ipagpatuloy mo


ito.
________ 2. Higit na mapalad ang mga taong nagbibigay sapagkat lalo pa
silang pagpapalain.
________ 3. Huwag mong pasanin ang gabundok na problema, sa halip ay
ipagkatiwala mo ito sa Diyos.
________ 4. Pinanghahawakan ko ang pangako mong isang magandang
kinabukasan para sa amin.
________ 5. Katulad ng malawak na karagatan ang pang-unawa niya sa’yo.

B. Gumawa ng isang malayang tulang naglalarawan o deskriptibo.


Rubrics: 1.May malayang taludturan (walang sukat, walang tugma)
2. Binubuo ng 5 saknong
3. Ang tema o paksa ay hinggil sa kalusugan
4. Lagyan ng pamagat ang isusulat na tula.
5. Nagagamit ang mga pang-uri, pang-abay at mga tayutay.

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang iyong mga sagot
sa pahina 13.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat


 1 hindi nagawa
 2 hindi nagawa
 3 pataas hindi nagawa

10
13
www.shsph.blogspot.com

Ang ganda ng aralin natin.


Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga gawain at
pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto ko
pa ng karagdagang Gawain.
Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain

Panuto:
Sagutin ang katanungan sa ibaba sa pamamagitan ng 4-5 pangungusap.

Tatlong taon mula ngayon, paano mo ilalarawan ang iyong sariling buhay?

Sa wakas ay narating mo ang


dulo ng aralin. Ang saya-saya
ko at napagtagumpayan mo ang
mga pagsasanay at gawain.

Ang husay mo
talaga!

11
14
www.shsph.blogspot.com

MGA SANGGUNIAN:

Aklat:

ANASTACIO HEIDI C. et.at. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik, C & E Publishing, Inc. 2016.

Elektroniko:

https://icons8.com/icons/set/teacher

https://icons8.com/icons/set/instruction

https://icons8.com/icons/set/pencil-and-pen

https://icons8.com/icons/set/goal-for-the-day

https://icons8.com/icons/set/dictionary

https://icons8.com/icons/set/presentation

https://icons8.com/icons/set/school-teacher

https://icons8.com/icons/set/challenge

15
12
13
16
Pagsasanay 2 Talasalitaan
1. A
Pagsulat ng tekstong deskriptibo 2. B
(karaniwang paglalarawan) 3. D
4. C
Pagsasanay 3 5. E
Pagsulat ng tekstong deskriptibo Panimulang Pagsasanay
(masining na paglalarawan) 1. /
2. /
Panapos na Pagsubok 3. /
I. 4. X
1. B 5. /
2. B
3. A Pagsasanay 1.
4. B 1. B
5. A 2. D
II. Pagsulat ng limang saknong na tula 3. B
4. D
5. C
Susi sa Pagwawasto
www.shsph.blogspot.com
www.shsph.blogspot.com

Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like